You are on page 1of 5

Ang Batang Espesyal

Lima ang naging anak ni Mang Ramon at Aling Mila. Ang bunso na isang lalaki ay
abnormal. Ang tawag dito ay mongoloid. Ang batang abnormal pinangalanan nilang
Pepe. Malambot ang mga paa at mga kamay ni Pepe. Kahit na malaki na siya ay
kailangan parin siyang alalayan ng kanyang ina sa paglalakad para hindi siya mabuwal.
Ang kanyang bibig ay nakakibit kaya kung magsalita siya ay mahirap maintindihan.

Kahit naman abnormal ay mahal na mahal ng mag-asawa si Pepe. Noong maliit pa ito
ay palitan ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanya. Hindi kinakitaan ng panghihinawa
ang mag-asawa sa pag-aalaga sa anak. Kahit binata na ay palagi pa ring nakasunod sa
kanya ang kanyang ina. Inaakay siya. Minsan ay sinusubuan siya. Pinapaliguan. Ano pa at
malaking panahon ng kanyang inay ay sa kanya lamang naiuukol.

Ang hindi alam ni Aling Mila ay nagseselos na ang iba pa niyang anak. Napapansin ng
mga ito na mas malaking oras ang ibinigay niya kay Pepe kaysa sa mga ito. Lingid sa
kanya ay nag-usap-usap ang apat na magkakapatid. Napagkasunduan ng mga ito na
kausapin siya para ipahayag sa kaniya ang kanilang mga hinanakit. Isang gabi matapos
niyang patulugin si Pepe ay nilapitan siya ng apat na anak. Sinabi ng mga ito ang
kanilang malaking mga hinanakit.

Gulat na gulat si Aling Mila. Hindi niya alam na nagseselos na pala ang apat niyang anak
dahil sa sobrang pag aasikaso niya kay Pepe. Pero nakahanda na ang kanyang
paliwanag sa mga ito.

“Kayo ay mga buo, walang kulang,” pagsisimula ni Aling Mila.

“Kahit wala kami ng itay ninyo ay mabubuhay kayo ng maayos. Pero ang kapatid ninyo
ay hindi, kung kaya siya ang higit naming inaasikaso,” isa-isang tinitigan ni Aling Mila
ang kanilang mga anak.” Pero hindi naman namin kayo pinababayaan hindi ba?”

Walang nakasagot sa isa man sa apat. Hiyang-hiya silang lahat.


Ang “Aswang” Sa Baryo Dekada Sitenta
I-ilan lang ang mga nakatira sa Baryo Sitenta dahil sa sabi-sabi na may
“aswang” raw na nakatira sa baryo na iyon. Kabilang sa mga nakatira doon ay ang
pamilya Cruz – sina Mang Kaloy at Aling Cecilia at ang kanilang dalawang anak na
sina Carlos at Cerio.

Bantog na “aswang” raw ang kapitbahay nila, si Mang Boy. Ngunit, kahit kailan,
hindi ito pinaniniwalaan ng pamilya Cruz dahil sa kabutihan na ipinapakita ng
matanda sa kanila.

Isang araw, may isang grupo ng kabataan na pumunta sa bahay ni Mang Boy.
Nagkataon rin na nasa bakuran sina Mang Kaloy at ang dalawa niyang anak na
lalaki naglilinis.

“Hoy aswang lumabas ka riyan! Iwan mo na ang baryo namin susunugin namin ‘tong
bahay mo,” sigaw ni Elias, isa sa mga grupo ng kabataan.
“Elias! Ba’t ganyan ka magsalita sa matanda? Galangin mo naman siya,” sabi ni Mang
Kaloy sa anak ng tindero sa baryo nila.
Umalis ang grupo ng mga kabataan bago pa man nakalabas si Mang Boy sa maliit
niyang bahay. Kinabukasan, usap-usapan sa baryo nila na nawawala si Elias at isa
sa mga kaibigan niya.

“Siguro kinuha sila ng matanda kagabi, nakakatakot na talaga ‘tong lugar


natin,” sabi ng tindera sa maliit na tyangge.
Narinig nina Mang Kaloy ang usap-usapan ngunit panatag ang kalooban nilang
mag-asawa na walang kinalaman si Mang Boy sa pagkawala ng dalawang bata.
Sina Carlos at Cerio naman ay may kaunting duda at takot na.

Lumipas ang isang araw ng hindi pa rin nakikita sina Elias at ang kaibigan niya.
Nagplano ang mga nakatira sa Baryo Dekada Sitenta na gumawa na ng aksyon.

“Ano kaya kung ipagpatulog natin yung banta nina Elias sa matanda? Baka sakaling
ipakita na niya ang totoo niyang pagkatao,” sabi ng isa sa mga residente doon.
Nagtipun-tipon sila ng madaling araw. Walang kaalam-alam ang pamilya Cruz sa
plano ng mga kapitbahay nila na sunugin ang bahay ni Mang Boy. Naisagawa nila
ito.
“Carlos, Cerio gising! Nasusunog yung bahay ni Mang Boy, labas na tayo at baka
madamay yung bahay natin,” sigaw ni Aling Cecilia habang ginigising ang dalawang
anak niya.
Lumabas ang pamilya at nakita nilang nag-aabang ang mga tao sa paglabas ng
tinatagurian nilang “aswang”. Subalit, halos maubos na ang likuran na parte ng
bahay ni Mang Boy ay walang “aswang” na lumabas.

Ang lumabas ay isang matanda na mahinang-mahina na at halos hindi na


makahinga sa usok sa nasusunog niyang bahay. Sinalubong siya ni Mang Kaloy
bago pa siya bumagsak sa lupa.

Hinikayat ng pamilya Cruz ang mga tao na magtulong-tulong apulahin ang apoy.
Hindi makatanggi, ginawa ito ng mga taga Baryo Dekada Sitenta kahit medyo
labag sa kalooban nila.

Kinabukasan, dumating si Elias at ang kaibigan niya. Mula pala sila sa bayan may
pinuntahang kaibigan at hindi nakauwi agad. Sising-sisi ang mga taga Baryo
Dekada Sitenta sa ginawa nila kay Mang Boy.

Pinatira ng pamilya Cruz ang matanda sa bahay nila ngunit hindi rin ito nagtagal.
Labis na na-apektuhan ang kalusugan niya sa mga usok na nasimhot noong araw
na iyon at mahinang-mahina na siya.

“Maraming salamat sa hindi niyo paghusga sa akin sa kabila ng pananaw ng lahat ng


taga rito sa akin. Hindi ako ‘aswang’, sadyang ayaw ko lang na patulan yung mga
sinasabi nila dahil hindi naman totoo.
Inakala nilang may aswang sa Baryo na ‘to dahil paunti na ng paunti ang mga
nakatira dito at akala nila ay ako ‘yon dahil matanda na ako at nakakatakot para sa
kanila.
Ngunit ang totoo, ang mapanghusgang mga taga rito ang dahilan kung bakit umaalis
ang ibang mga taga rito para mamuhay sa kabilang baryo. Sana’y balang araw ay
hindi na ganito ang mga nakatira sa baryong mahal ko,” sabi ni Mang Boy bago
pumanaw.
Ano ang masasabi mo sa maikling kwento na ito? Pwede mong ibahagi ang iyong
reaksyon o ang aral na iyong natutunan mula sa maikling kwento sa pamamagitan
ng komento.
Modelong Bata - Maikling Kwento - Pinoy Edition

Isang hapon nang papauwi si Danilo galing sa paaralan, siya'y hinarang ng limang batang lalaki. Ang mga
ito ay naghahanap ng basag-ulo.

Pinatigil si Danilo sa paglakad at pinagsalitaan ng isa, "Kung talaga kang matapang ay lumaban ka. Pumili
ka ng isa sa amin na kasinlaki mo," ang hamon.

Malumanay na sumagot si Danilo, "Ayaw ko ng away. Bakit ako lalaban sa inyo? Hindi naman tayo
nagkagalit!"

"Umiiwas ang Boy Scout sa away."

"Lumaban ka!" at dinuraan ang mukha ni Danilo. Ang lumait na bata ay maliit kaysa kay Danilo. Siya'y
mayabang at nagmamagaling. Muling hinamon si Danilo, "Ikaw ay isang duwag!"

"Kaibigan ako ng sinuman. Ang sabi ng titser ay dapat akong magpaumanhin sa umaaglahi sa akin!"

Angelica

Totoong maraming dahilan! Lumaban ka kung lalaban. Isa kang duwag!" at sinipa si Danilo.

Nakiusap si Danilo, "Ako'y aalis na. Hinihintay ako ng aking ina. Ayaw niyang ako'y gabihin sa pag-uwi!"

Lumakad nang paunti-unti si Danilo. Siya'y sinundan ng mga batang mapanudyo. Sila'y nakarating sa
puno ng tulay.

Sa ilalim ng tulay ay may narinig silang pagibik, "Sag... gi... pin... ninyo ako! Tulong!" Isang bata ang
nalulunod!

Walang kumilos sa mga batang nagmamatapang. Mabilis na lumusong si Danilo sa pampang ng ilog.
Ibinaba niya ang mga aklat at naghubad na dali-dali. Lumukso at nilangoy ang batang sisingab-singab.

Nang mga unang sandali'y nahirapan si Danilo sa pagkawit at pagsakbibi sa bata ng kanyang kaliwang
kamay. Ikinaway niya ang kanan sa paglangoy. Ang dalawa'y dinala ng mabilis na agos. Malayo sila sa
pampang subalit sa katagala'y nakaahon.

Ang mga batang iba ay nakapanood lamang. Nakita ng pinakalider ng gang na ang bata palang sinagip ni
Danilo ay kanyang kapatid. Siya'y nagpasalamat kay Danilo at humingi ng tawad, "Maraming salamat sa
iyo. Patawarin mo ako sa aking ginawa kanina. Ngayon ko nabatid na ang katapangan ay hindi nasusukat
sa salita kundi sa gawa at tibay ng loob!"

Pinoy Edition © 2019 - All rights reserved.

Source: https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/modelong-bata/

You might also like