You are on page 1of 1

ANG ALAMAT NG KALAMANSI

Matagal na panahon ang lumipas ngunit walang sinuman ang nakakalimot sa pinagdaanan ng
dalagang si Kala sa kamay ng kanyang mga kapatid. Marahil ay hanggang ngayon marami pa
rin ang nagtataka at hindi naniniwala sa kanyang kwento.

Sa isang lugar na hindi nalalayo sa sentro ng Bayombong, Nueva Vizcaya ay mayroong


pamilyang tanyag. Kilala sila bilang mga mayayaman at mapagmahal ngunit ito ay napalitan
noong isinilang ang bunsong anak nina Don at Donya Nganmisi. May katandaan na rin ang
donya nang ipanganak niya ang kanilang huling anak. Si Kala ay may angking ganda na naiiba
sa kanyang mga kapatid. Siya ay matalino at responsable kaya naman higit siyang kinaiinggitan
ng mga kababaihan sa kanilang lugar. Isang araw ay nagpaalam ang mag-asawa upang
magbakasyon at ipinagkatiwala sa kanilang unang na anak na si Kenya ang buong bahay at
mga kapatid. Labis na inggit ang nararamdaman ng mga magkakapatid kay Kala kaya naman
naisipan nilang gawin ang mga bagay na magdudulot ng sakit sa kanya.

“Kala!” tawag ni Linda sa kapatid. “Ano po iyon ate?” tanong niya sa nakatatandang kapatid.
“Wala na tayong tubig kaya naman bilang bunso ikaw ang mag-iigip sa may poso.
Kinakailanagang mapuno ang balde” utos nito. “Mayroon naman po tayong tubig sa may gripo.
Hindi ko na po kailangang mag-igib pa.” sagot niya na ikinagalit ni Trensa. “Kami ang
nakakatanda kaya naman kami ang masusunod dito maliwanag!” sigaw ni Trensa. “Opo ate”
tanging sagot ni Kala. Malapit nang magdilim bago mapuno ang balde. Hindi siya pinagpahinga
ng kanyang mga kapatid. Siya ang nagluto, naglinis ng bahay at naglaba ng kanilang mga
damit. Matapos ang ilang araw ay dumating na ang kanilang mga magulang. Hindi nakatakas
sa paningin ng kanyang ama at ina ang iilang galos at pasa dahil sa kanyang mga ginawa
habang wala pa ang mga ito.

Nagpatuloy ang mga pagpapahirap at pananakit sakanya ng mga kapatid at tuwing tinatanong
siya ng mga magulang ay nagsisinungaling siya upang hindi mapagalitan ang kanyang mga ate.
Bago mag disiotso si Kala ay namatay ang kanilang ama at ina. Ang galit at paghihinagpis ng
mga nakatatandang kapatid ay nabaling sa bunso. Dito na nagsimulang saktan ng pisikal ang
kawawang dalaga. Isang araw ay naisipan ni Kala sa kunin ang sariling buhay. Siya ay
nagpatiwakal at ginawang sikreto ng kanyang mga kapatid ang pagkamatay ni Kala. Ilang araw
matapos ilibing sa likod ng bahay, mayroong tumubo na isang halaman na may maliliit na
bungang kulay berde. Nang tikman ito ng magkakapatid, sila ay nakatikim ng pait na
nagsisimbolo sa pait na dinaranas ng dalaga noong buhay pa ito. Tinawag ito “Kalanganmisi” at
kalaunan ay naging “kalamansi”.

You might also like