Untitled
Untitled
“Maganda ba doon Papa? Ba’t doon tayo pupunta at hindi na lang sa mall?” tanong
ng bunsong si Cindy sa ama niya.
“Para makita niyo ng kuya mo ang mga magandang tanawin sa Darib. Kakaiba kung
doon tayo magbabakasyon,” paliwanag ng ama.
“Wala pa ito noon nung pumunta tayo rito. Kanino kaya ang magarang bahay na
ito?” tanong ni Cynthia sa asawa niya.
Subalit, bago pa sila makalapit doon ay tinawag na sila ni Mang Lucio, ang
tagapagbantay sa kagubatan. Habang naglalakad sila pabalik, doon ikinuwento ng
matanda kung bakit hindi sila dapat lumapit doon.
“Masungit ang matandang lalaki na nakatira diyan. Nag-iisa lang siya diyan at hindi
alam kung bakit diyan siya tumira, e, halata namang mayaman siya. Ang
pagkakaalam ko ay iniwan na siya ng pamilya niya,” sabi ni Mang Lucio sa dalawang
bata.
Nakabalik na sina Rolly at Cindy sa papag at kumain na kasama ang kanilang mga
magulang. Nanood rin sila ng mga bituin bago matulog. Kinabukasan, maagang
nagising ang dalawang bata.
“Tara Cindy balik tayo roon sa bahay na marmol,” pagyaya ni Rolly sa nakababatang
kapatid niya.
Nag-aalinlangan pang sumama si Cindy pero alam naman niya na hindi siya
pababayaan ng kuya niya kaya lumakad na sila.
“Matapang rin kayo noh at bumalik pa kayong dalawa kahit sinabihan na kayong
masungit ako. Hindi naman talaga ako ganun sa lahat. Kadalasan, ayaw ko lang ng
mga batang sobrang kulit at mga taong mapanghusga.
Iniwan na ako ng pamilya ko dahil hindi na raw nila kaya ang pag-uugali ko. May bago
na silang pamilya at ako’y nakalimutan na kaya kayo, iwasto niyo ang mga masasama
niyong ugali habang bata pa kayo,” payo ng matanda sa dalawang bata.
Sinabayan nina Rolly at Cindy sa pagkain ang matanda dahil marami itong hinanda.
Patuloy pa rin sa pagkwento ang matandang si Douglas.
Ayon sa kanya, talagang mayaman sila kaya lang palagi siyang walang oras sa
pamilya niya noon at palagi silang nag-aaway sa sama ng ugali niya. Isang araw,
nagulat na lang siya na nilisan na nila ang mansyon nila at hindi na nagpakita
kailanman.
“Nalaman ko na lang na bumuo na ng bagong pamilya ang aking asawa kasama ang
aming tatlong anak. Ayaw na nilang bumalik sa akin at kahit naghihirap sila ngayon
ay mas pipiliin daw nila ang buhay na iyon kaysa makasama ang isang tulad ko.
Ngayong wala na ang pamilya ko, para wala na rin ako sa mundong ito. Aanhin ko
tong sandamakmak na pera, e, wala naman akong kasama sa buhay,” malungkot na
pahayag ni Douglas.
“Palabasin mo ang mga anak ko. Mga bata lang iyan,” sigaw ng ama na alalang-alala
sa kanyang dalawang anak.
Agad na ipinalabas ni Douglas sina Rolly at Cindy. Pinadalhan niya pa ito ng mga
masasarap na pagkain. Galit si Rodel at pinapangaralan ang dalawang bata habang
sila’y naglalakad pabalik sa kanilang papag.
Pagdating nila roon, tumakbo at niyakap ng mahigpit ni Cindy ang mama niya.
“Mama ang bait-bait po ni Lolo Douglas at nakakaawa siya. Tama kayo, kakaibang
bakasyon nga ang mararanasan namin dito,” sabi ng bata sa nanay niya.
Kinuwento nina Rolly at Cindy ang nangyari. Hangang-hanga ang mag-asawa sa
mga aral na napulot ng kanilang dalawang anak mula sa kwento ng matanda.
Bago sila umuwi, dumaan sila sa bahay na marmol sa gitna ng gubat at humingi ng
patawad si Rodel sa matanda. Nagpasalamat rin ang pamilya sa mga masasarap na
pagkain na ipinadala niya.
Matagal ng nakatira sa purok na iyon ang pamilya ni Camilo. Ang Tatay Tonyo niya,
Nanay Lusing, at Ate Crisa ang kasama niya sa maliit nilang bahay na malapit sa
lumang tren.
Tanyag sa buong Purok Mahinahon ang lumang tren na iyon. Alam na alam ng
mga nakatira doon na marami ang namatay noong na-aksidente ito roon at
kabilang na doon ang kapitan noon ng Purok na si Kapitan Rogelio.
Matagal na simula noong nangyari ang insidente pero hindi pa rin natukoy kung
bakit nangyari iyon. Naganap ang aksidente sa gitna ng labanan ng mga tao ng
Purok at ng mga taga munisipyo.
Nais noon kunin ng mga taga munisipyo ang lupain sapagkat gagamitin ito sa
komersyo. Nanindigan ang mga taga Purok Mahinahon na hindi sila pwedeng
paalisin dahil matagal na sila doon.
Isang araw, nabigla na lang ang mga tao noong nabalitaan nila na nakikipag-
pulong ang kapitan nilang si Rogelio sa mga opisyales ng munisipyo at pumayag
na raw ito. Kumalat ang sabi-sabi na binayaran raw nila ang kapitan.
Isang gabi, inutusan ni Mang Tonyo si Camilo na kunin ang naiwan niyang balde
malapit sa lumang tren. Agad namang umalis ang bata. Habang papalapit na siya
sa tren, may narinig siyang nag-uusap.
“Sa susunod na araw may mga pupunta raw dito ulit at mag-iimbestiga. Siguraduhin
niyong walang magsasalita,” sabi ng isa sa mga nag-uusap sa loob ng lumang tren.
Boses pa lang ay kilala na ni Camilo na ang kanyang Ninong Sebastian ang isa sa
mga nandoon sa loob ng tren. Hindi pa rin siya maka paniwala sa mga narinig niya.
Pagbalik niya sa bahay nila, tinanong niya ang ama niya tungkol rito.
“Tay, ano po ba talaga ang nangyari at bakit na-aksidente ang tren na sakay ni
Kapitan Rogelio? Dito pa sa atin nangyari,” sambit ng inosenteng bata.
Nabigla si Mang Tonyo sa tanong ni Camilo sa kanya. Bago pa siya naka-iwas sa
tanong ng anak, ipinagtapat ng bata ang narinig niya na siya namang nakapagpa-
amin sa ama.
“Papaalisin sana tayo ng mga taga munisipyo sa lugar natin. Maraming pamilya ang
mawawalan ng tahanan at sabi-sabi na pumayag si Kapitan Rogelio kapalit ng
malaking halaga na ibabayad sa kanya.
Nagalit ang mga tao at nagpulong-pulong. Pinagplanuhan na maghihiganti sa
kapitan. Hindi ko naman alam na ganun pala ka-lala ang mangyayari
anak,” pagpapaliwanag ng ama ng bata.
Nabigla ang bata sa mga narinig niya ngunit malinaw sa kanya na pumayag ang
ama niya sa paghihiganti sa Kapitan.
Noong gabing iyon, bumabalik sa isipan ni Camilo ang mukha ni Leida, anak ng
kapitan, habang nasa sahig ito umiiyak sa harap ng bankay ng kapitan. Awang-awa
siya sa kaibigan ngunit ang pagkaka-alam niya noon ay aksidente lang ang
nangyari.
Lumipas ang dalawang araw na balisa si Camilo at dumating na ang mga mag-
iimbestiga sa nangyari sa lumang tren. Halos lahat ng mga taga Purok Mahinahon
ay pinaninindigan na aksidente iyon at walang may pakana.
Noong pumasok ang isa sa mga imbestigador sa bahay nina Camilo, nakaramdam
ng takot si Mang Tonyo at baka magsalita ang anak. Ipina-akyat niya ito sa silid nila
para masigurado na hindi siya magsusumbong.
Pagkalipas ng isang linggo, nabigla si Camilo noong makita niyang paparating ang
pamilya ng namayapang kapitan. Binisita nila ang tren at nandoon si Leida.
Lumapit siya kay Camilo at kinumusta ito.
Pagkatapos ng sandaling pagkukumustahan, nagpasya ng umalis si Leida. Pinigilan
siya ni Camilo at tinanong kung pwede silang mag-usap sandali.
“Sinubukan ko dahil mahal na mahal ko ang mga magulang ko pero hindi na kaya ng
konsensya ko. Alam ko na ang nangyari na tumapos sa buhay ni Kapitan Rogelio.
Pinagplanuhan ng mga taga rito na mangyari ang insidente na iyon,” pag-amin ng
bata.
Nagulat si Leida sa mga narinig niya at biglang napaiyak ng malakas. Nilapitan siya
ng mama at kuya niya at agad-na-agad niyang sinabi ang mga ipinagtapat ni
Camilo. Nakaramdam na ng kaba ang bata sa ginawa niya.
Marami sa mga taga Purok Mahinahon ang nakulong ngunit hindi kabilang ang
mga magulang ni Camilo. Lumabas sa imbestigasyon na hindi talaga nila alam na
ganun yung mangyayari dahil akala nila ay mag-aaklas lang laban kay Kapitan
Rogelio.
Malimit kung may hingin si Benny sa mga magulang niya at kung mayroon man ay
ipinapasabi niya na lang ito sa drayber nila. Kadalasan kasi ay wala ang daddy at
mommy niya sa mansyon nila. Parehong strikto ang mga magulang ng bata.
“Mommy, pwede po bang mag-imbita na lang ako ng mga bata dito sa bahay para
makapaglaro kami?” tanong ni Benny sa ina niya.
Bigo si Benny sa kahilingan niya. Nagbilin rin ang mommy niya sa yaya niya na
huwag siyang papalabasin upang makipaglaro sa mga bata sa kalye.
Lumipas ang mga araw na nag-iisang naglalaro si Benny. Isang umaga, awang-awa
na talaga ang kanyang Yaya Piling sa kanya at niyaya siyang lumabas ng bahay.
Hinayaan siya ng yaya niyang maglaro sa mga kaibigan niya.
Pagkatapos nilang maglaro, bumili rin sila ng pagkain at binigyan rin nila ang mga
batang kalye. Sa di inaasahang pagkakataon, maagang umuwi ang daddy ni
Benny. Pagpasok nila ng mansyon ay nakaupo na ito sa sala.
“Saan kayo galing? Di ba sinabi sayong huwag dalhin si Benny sa labas?” tanong ng
daddy ng bata kay Yaya Piling.
Hindi na nagpaliwanag ang matanda at kusa na lang itong humingi ng patawad. Si
Benny naman ay pinagalitan ng daddy niya.
“Lahat na lang ng laruan na gusto mo ibinibigay ko, hindi ka pa makuntento.
Umakyat ka sa kwarto mo at bawal ang panonood ng TV,” sigaw ng ama ng bata sa
kanya.
Kinabukasan, walang Yaya Piling na gumising kay Benny upang yayain siyang mag-
agahan na. Nakaalis na rin ang mommy at daddy niya pagka gising niya. Ang sabi
ng drayber sa kanya, pinauwi na raw ang yaya niya sa kanila.
Nalungkot at umiyak si Benny. Buong linggo, ang mga katulong at drayber lang
nila ang kasama niya sa bahay sapagkat may business trip ang mga magulang niya.
Isang hapon, habang naglalaro si Benny sa harden nila ay may nakita siya aso
malapit sa gate nila. Mukhang gutom ito at may sugat pa sa mukha. Awang-awa,
binuksan niya ang gate at pinapasok ito.
Patagong dinala ni Benny sa kwarto niya ang aso. Kumuha rin siya ng pagkain sa
kusina nila at ibinigay ito sa aso na agad naman nitong kinain.
“Simula ngayon ikaw na si Bruno. Kain ka lang, maglalaro tayo mamaya,” sabi ng
bata sa aso habang nasa ulo nito ang kamay niya.
Isinara ni Benny ang pinto ng kwarto niya at naglaro sila ni Bruno maghapon.
Walang kaalam-alam ang mga yaya nila na may aso siyang kasama sa loob.
Pagkatapos ng tatlong araw ay nakauwi na ang mga magulang niya.
Nagalit ang daddy ni Benny at sinigawan siya nito. Inawat ng mommy niya ang
daddy niya at sinabihan ang bata. Agad-agad na ipinalabas si Bruno sa mansyon.
Doon siya itinali sa labas ng gate.
Sa probinsya ng Silabay, may isang baryo kung saan halos lahat ng nakatira doon
ay mga masasayahing tao – maliban sa isang babaeng palaging nakadungaw sa
malaking bintana.
Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Teodora, 38 taong gulang at dating tindera
sa maliit na palengke sa baryo. Alam na alam ng lahat ng nakatira sa baryo ang
kwento ni Teodora.
Isang masayahing dalagita si Teodora noon. Kilalang-kilala ang pamilya nila. Nag-
iisang anak siya ng mag-asawang sina Mang Isko at Aling Pilar na kapwa tindero
rin sa palengke. Simple lang kanilang pamumuhay ngunit masaya sila.
Hindi masyadong malaki ang bahay nina Teodora pero masasabing komportable
naman sila rito. Pinaka-paboritong parte niya ng bahay nila ang lugar na may
malaking bintana. Marami siyang masasayang alaala doon.
Walang nagawa sina Mang Isko at Aling Pilar. Hindi talaga papipigil si Teodora.
Ang tanging ginawa na lang ng ama niya ay sundan siya at ang mga kaibigan niya
upang masiguradong ligtas silang nakarating ng sakayan.
Kinabukasan, hindi pa rin nakauwi si Teodora at ang mga kaibigan niya. Umalis na
sina Mang Isko at Aling Pilar upang pumunta sa kabilang baryo at sunduin siya.
Subalit, nagulat ang mag-asawa sa nadatnan nila.
Wala roon si Teodora at mga kaibigan niya. Sabi ng isa sa mga taga roon, huling
nakita ang magkakaibigan nakakipag-inuman kasama ang mga binata mula sa
bayan.
Nakita raw nila ang mga kaibigan ni Teodora na sumakay pauwi kinaumagahan
pero hindi raw sumama ang magandang dalagita.
Hinanap pa rin ng mag-asawa ang nag-iisa nilang anak. Buong araw silang
naglilibot sa mga baryo-baryo ngunit hindi nila nakita si Teodora.
Pagdating nila sa bahay, laking gulat na lang ng mag-asawa na madatnan ang anak
na mukhang nanghihina.
“Anak, anong nangyari sa ‘yo? Sino ang naghatid raw sa’yo rito?”tanong ni Aling
Pilar sa dalagitang nakahiga lang sa kama.
“Kulang lang sa tulog ito inay. Isang lalakeng nakilala ko doon sa pista,” sagot ni
Teodora bago ito pumikit ulit bago pa pumatak ang luha mula sa mga mata niya.
Simula noon, mas malaki ang naging pagbabago kay Teodora. Naging masungit na
siya, minsan biglaang umiyak ngunit hindi nagsasabi kung bakit hanggang
nalaman na ng mga magulang niya kung ano talaga ang nangyari.
Hindi iyon masabi-sabi ni Teodora sa mga magulang niya dahil wala siyang
masyadong maisasagot sa mga katanungan nila kung saka-sakali. Ni hindi nga niya
alam kung taga saan talaga ang lalakeng iyon.
Noong nalaman ito nina Mang Isko at Aling Pilar, galit na pumunta ang ama ni
Teodora sa baryo kung saan nangyari iyon sa kanilang anak. Ngunit bigo siyang
makahanap ng kakilala ng lalakeng nakabuntis sa anak niya.
“Maraming taga bayan na pumupunta rito tuwing pista kahit wala naman silang
kakilala,” sabi ng isang taga roon.
Mas lalong nag-iba si Teodora. Malimit na siyang magsalita hanggang sa dumating
ang araw na manganganak na siya. Isang batang lalake ang isinilang ng dalaga
ngunit, dalawang araw simula noong manganak siya, namatay ang bata.
Labis na ikinalungkot iyon ni Teodora pati na rin ng mga magulang niya. Simula
noon, hindi na siya nagsasalita at palaging naka dungaw sa malaking bintana nila.
Parang may tinitignan sa malayo pero wala naman.