You are on page 1of 14

MGA BUGTONG

Ako ay may kaibigan,


Kasama ko kahit saan
Anino

Mataas kung nakaupo,


Mababa kung nakatayo
Aso

Isang balong malalim,


Puno ng patalim
Bibig

Nagbibigay na,
Sinasakal pa
Bote

Nasa harap mo ito palagi,


Ngunit di kailanman nakikita o nahuhuli
Bukas

Gaano mo man ako alisan,


Patuloy akong lalaki lang
Butas

Dalawang magkaibigan,
Mahilig mag-unahan
Dalawang paa

Dito ang Huwebes, nauuna sa Biyernes,


Kahapo’y dumadating pagkatapos ng bukas
Diksyunaryo

Ito ma’y magaan at walang laman,


Pinakamalakas na tao, di makakatagal pigilan
Hininga

Ito’y kailangang basagin,


Bago maaaring gamitin
Itlog

Hayan na si Kaka,
Bubuka-bukaka
Gunting

Ito’y ayaw ng taong gumagawa, ng bumibili ay di kailangan,


Kung kailan magagamit mo na ito, hindi mo na malalaman
Kabaong
Araw-araw bagong buhay,
Taon-taon namamatay
Kalendaryo

Isa ang pasukan,


Tatlo ang labasan
Kamiseta

Matangkad nang bata,


Pumandak pagtanda
Kandila

Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay,


Tanggapin mong ako ay kailangang mamatay
Kandila
Habang umiiyak, nakaupo sa bintana,
Dumadaloy ang buhay sa bawat pagluha
Kandila

Kung kailan mo pinatay,


Saka pa humaba ang buhay
Kandila

Isa na nga lang ang mata,


Di pa nakakakita
Karayom

Sabihin mo lang pangalan ko,


Agad-agad nababasag ako
Katahimikan

Sa malayo ay motor,
Nang lumapit ay doktor
Lamok

May apat na binti,


Ngunit hindi makalakad
Mesa

May kamay, walang paa,


May mukha, walang mata
Orasan

Nagtago si Pedro,
Nakalabas ang ulo
Pako
MGA PALAISIPAN

1. Ano ang makikita mo sa gitna ng dagat?


Sagot: Titik G

2. Mayroong tandang sa ibabaw ng bubong na piramido ang hugis. Nagtatalo-talo ang mga kapitbahay
kung saan babagsak ang itlog ng tandang. Saan babagsak ang itlog ng tandang?
Sagot: Wala. Dahil hindi naman nangingitlog ang tandang

3. May isang hari na gustong lituhin ang manliligaw ng kaniyang prinsesa. Kapag nabunot daw ng lalaki
ang itim na bato mula sa sisidlan, papaya siyang ipakasal ang anak sa lalaki. Dalawa lamang ang bato sa
sisidlan, ngunit ang hindi alam ng lalaki na parehong puti ito. Paano maiisahan ng lalaki ang hari?
Sagot: Itapon niya sa malayo o ang bato. Kung puti ang matira sa sisidlan, ibig sabihin ay itim na bato ang
nakuha niya

4. Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si Ria ay nagbabasa. Si Mara ay nagluluto. Si KC ay naglalaro


ng chess. Habang si Maria naman ay nagsusulat. Ano ang ginagawa ng ikalimang anak?
Sagot: Naglalaro ng chess kasama ni KC

5. Ano ang makikita mo ng isang beses sa isang minuto, dalawa sa walong siglo, pero hindi sa
habambuhay?
Sagot: Titik O

6. May tatlong pinto na kailangan mong daanan para makalabas. Kaya lang, sa likod nito ay may mga
panganib. Sa isang pinto, may napakalaking apoy sa dadaanan palabas. Sa ikalawa naman ay mayroong
babaril sa iyong dalawang lalaki. Habang sa huli naman ay may isang leon na tatlong taon nang di
kumakain. Saan ka dadaan?
Sagot: Sa ikatlo dahil kapag di kumain ng tatlong taon ang leon, patay na ito.

7. Nasa isang karera ka. Ikaw ay nasa ikaapat na puwesto. Nahabol mo ngayon ang nasa ikatlong
puwesto. Anong pwesto mo na ngayon?
Sagot: Ikatlo

8. Ano ang laging parating pero hindi naman talaga dumarating?


Sagot: Bukas (Tomorrow)

9. May mga buwan na mayroong 31 araw habang mayroon namang may 30 araw. Ilan naman ang
mayroong 28 araw?
Sagot: Lahat ng buwan ay may 28 araw

10. Kapag tumalon ka sa ikatlong palapag na gusali, saan ang bagsak mo?
Sagot: Sa ospital

Ipinasa Ni:
Jessa L. Capasao

Ipinasa Kay:
Gng. Rebecca Labaro
TUGMANG DE GULONG

Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa paroroonan.


(Batay sa: Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan.)
Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na.
And di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.
Sitsit ay sa aso,
Katok ay sa pinto,
sambitin ang “para”
sa tabi tayo’y hihinto.
Huwag dumi-kwatro sapagkat dyip ko’y di mo kwarto.
“Upong nuwebe lamang nang lahat ay magkasya.”
“Wag dumi-kuwatro dahil dyip ko ay di mo kuwarto.”
“God knows Hudas not pay.”
“Barya lang po sa umaga, sa hapon pwede na.”
“Batak mo, hinto ko!”
“Bayad muna, bago baba.”
“Bayad muna, bago mag-cellphone.”
“Pull the string to stop.”
“Ang di magbayad, walang problema. Sa karma pa lamang ay bayad ka na.”
“Huwag kalimutang pumara nang makauwi sa pamilya .” Kapag mataba, doble ang
bayad.”
“Ang di magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan ay di makararating sa
paroroonan.”
“Diyos ko, ilayo mo po ako sa mga barat na tao.”

“Bayad muna, bago matulog. Hindi ito hotel.”


“Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang ‘para’ para ang dyip ay
huminto.”
“Sa mga discount sa estudyante, para ko kayong pinag-aaral lahat.”
“Estudyante lang ang may discount, hindi ang mga mukhang estudyante lang.”
“Susuklian kita nang tama, di tulad ng pag-ibig mong di niya sinuklian.”
“Sa dyip pwede mong ipagsiksikan ang sarili mo, huwag lang sa pag-ibig.”
“Basta drayber, siguradong sweet lover.”
“Ayos lang na sa jeep sumabit, basta wag lang sa asawa ng iba.”
“Bayad muna bago titigan si crush.”

Ipinasa Ni:
Jessa L. Capasao

Ipinasa Kay:
Gng. Rebecca Labaro
Ang Alamat ng Pinya

Noong unang panahon, may nakatira sa malayong lugar na isang ina at kanyang
anak na babae. Ang pangalan ng ina ay Aling Rosa, at ang pangalan naman ng kanyang
anak ay Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang nag-iisang anak kaya
laking-pagmamahal si Pinang. Kahit na gustong turuan ni Aling Rosa si Pinang ng mga
gawaing-bahay, laging mayroong mga dahilan si Pinang at nagsasabi na alam na niya
ang mga ito.

Isang araw, nagkasakit si Aling Rosa at hindi na makabangon para gawin ang
mga gawaing-bahay. Humiling siya kay Pinang na magluto ng lugaw, pero hindi nito ito
nagawa dahil sa kanyang katamaran. Dahil sa pagkakapit sa kaldero, nasunog ang
lugaw. Pinatawad ni Aling Rosa ang kanyang anak at nagpapasalamat pa rin sa
kanyang pagsisikap.

Matagal na nagkasakit si Aling Rosa at kailangan ni Pinang na mag-alaga ng


bahay. Isang araw, habang nagluluto si Pinang, hindi niya mahanap ang mga posporo,
kaya’t nagtanong siya sa kanyang ina kung saan ito nakalagay. Nang mangyari ito ng
paulit-ulit sa iba’t ibang bagay, nainis na si Aling Rosa sa kanyang anak dahil sa patuloy
na pagtatanong. Sinabi niya, “Hay, Pinang, sana marami kang mga mata upang makita
mo ang lahat at huwag mo na akong tanungin!”

Hindi sumagot si Pinang dahil alam niya na galit ang kanyang ina. Lumabas siya
ng bahay upang hanapin ang nawawalang kubyertos. Gabi na nang hindi pa rin siya
umuuwi, kaya naging nag-aalala na si Aling Rosa. Tumawag siya sa kanyang anak,
ngunit walang sumasagot. Kailangan ni Aling Rosa na bumangon at maghanda ng
hapunan mag-isa.

Pagkatapos ng ilang araw, gumaling na si Aling Rosa. Nagsimula siyang


maghanap kay Pinang at nagtanong sa mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang
anak, ngunit bigla na lamang siyang nawala. Isang araw, nakakita si Aling Rosa ng hindi
kilalang halaman sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ito ng halaman,
kaya’t inalagaan niya ito hanggang sa magbunga. Namangha si Aling Rosa sa hugis ng
bunga, na kamukha ng ulo ng tao na napapalibutan ng mga mata.

Biglang naisip ni Aling Rosa ang kanyang sinabi kay Pinang at nagsisi.
Pinaalagaan niya ng maayos ang halaman at pinangalanan itong Pinang. Sa paglipas ng
panahon, tinawag ng mga tao ang halamang ito na “pinya.”

Ipinasa Ni:
Jessa L. Capasao

Ipinasa Kay:
Gng. Rebecca Labaro
Ang Kuwento ng Bakunawa

Ayon sa mga sinaunang tao sa Pilipinas, si Bathala - isang kataas-taasang


pagkatao o diyos - ay lumikha ng pitong buwan na nag-iilaw sa mundo, na may isang
nag-iilaw sa bawat madilim na gabi ng isang linggo. Tuwing gabi ay napaka maliwanag
at napakaganda dahil sa mga buwan. Ang mga buwan ay nagdulot ng kagalakan at
kaligayahan sa mga tao sa mundo at nasilaw ang isang partikular na dragon na nais na
magkaroon silang lahat.

Ang Bakunawa , isang malaking dragon na tulad ng ahas na nag- ikot sa buong
mundo at pinamahalaan ang mga karagatan, unang nahulog sa pag-ibig sa makalangit
na kadakilaan ng "pitong magkakapatid" na inis niya ang makapangyarihan sa lahat
para sa kanyang mga nilikha. At sa pagkabigo ng mga tao, nilamon ng dragon ang mga
buwan nang paulit-ulit sa pagnanasa niyang angkinin ang lahat. Ang lumalaking
pagnanasa na ito ay naging inggit sa kasakiman, kaya't habang ang Bakunawa ay
paulit-ulit na bumangon mula sa tubig upang lunukin ang mga buwan hanggang sa
lumamon ang dragon na sumisindak na sumisikat mula sa dagat ay nilamon lahat -
ngunit isa.

Naging kamalayan ng Bathala ang biglaang pagkawala ng mga buwan mula sa


langit. At ang huling natitira ay ang paningin ng isang pagkabigo sa mga tao sa Earth.
Gayunman, sila ay natutong mag-armas ng kanilang sarili upang maprotektahan ito
mula sa malunok ng dragon. Samakatuwid, ang dragon ay hindi lamang termed bilang
isang "Moon-eater," ngunit bilang isang "Man-eater" din.

Isang gabi, nakakabingi na hiyawan, daing, musika, at pag-tunog ng tambol na


nagmumula sa mga tao sa Lupa na ginising ang makapangyarihan sa lahat upang
saksihan ang paglunok ng Bakunawa sa huling buwan, na bumabalot sa buong mundo
sa kadiliman. Sumigaw ang mga tao, at sumigaw sila ng "Ibalik ang aming Buwan!"
bukod sa ibang hindi kanais-nais na mga salita. Nagmamadaling umatras ang dragon sa
kanyang mga yungib sa mga karagatan habang lumalakas ng palakas ang mga tunog.
At ang huling buwan ay nag-iilaw sa madilim na kalangitan sa sandaling muli at ang
mga tao sa lupa ay nagalak habang ang dragon ay mabilis na bumalik sa dagat,
nagtatago sa loob ng kanyang mga yungib, at naghihintay para sa isa pang tamang
sandali upang mabulok ang huling natitirang buwan.

Upang maiwasan na mangyari ito muli, nagtanim si Bathala ng mga kawayan na


parang "mantsa" sa ibabaw ng buwan mula sa malayo. Ang mga puno ng kawayan ay
maaaring makita bilang mga madilim na batik sa mukha ng buwan.

Ang dragon ay hindi sumuko, dahil susubukan niyang lunukin ang huling
natitirang buwan sa langit mula sa oras-oras. Ngunit ang mga tao ay nanatiling alerto
kung ang ganoong insidente ay magaganap muli, handa na lumikha ng mga tunog ng
kulog para sa pagbabalik ng buwan, na binabantayan ito sa kanilang buhay. At hangga't
ang mga puno ng kawayan ay hindi pinapatay sa buwan, ang dragon ay hindi
magtatagumpay sa kanyang nakakahamak na gawa.

Ang mga pinagmulang pampanitikan ng kuwentong ito, isang kultura at alamat


na may malalim na ugat, tungkol sa isang dragon na kumakain ng buwan ay karamihan
ay nasubaybayan sa dalawang masaganang manunulat na Pilipino: Damania Eugenio at
Fernando Buyser.
KAISIPAN

Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba natin ipaliwanag ang
kaisipan at mga halimbawa nito.

Ang salitang kaisipan ay mayroong iba’t-ibang kahulugan depende sa konteksto


ng pangungusap at sa pagkagamit nito. Heto ang mga kasingkahulugan ng salita:

 ideya
 pananaw
 konsepto
 ideolohiya

Ating tandaan na ang kaisipan natin ay naglalarawan sa mga nais ibahagi ng


isang indibidwal o grupo tungkol sa isang paksa. Sa madaling paliwanang, ang kaisipan
ay ang mga bagay-bagay na masasabi mo tungkol sa paksang pinag-uusapan.

Samantala, pagdating naman sa mga libro o kwento, ang “kaisipan” ay maaaring


ipaliwanag bilang ang ideya na gustong ipahiwatig ng awtor. Sa bawat kwentong
binabasa, dapat nating intindihin ang mga nakasaad dahil maaari na magkaroon ng
iba’t-ibang kaisipan ang tao sa isang paksa.

Ang pag-uunawa ay naka base sa iba’t-ibang mga kadahilanan o pananaw.


Minsan, nakabase ito sa relihiyon, politikal na pananaw, o kaya’y siyentipiko. Ngunit,
ating tandaan na dapat nating respetuhin ang mga kaisipan ng iba.

Ipinasa Ni:
Jessa L. Capasao

Ipinasa Kay:
Gng. Rebecca Labaro
AWITING PANUDYO

Ang awiting panudyo o tulang pasnudyo ay isang uri ng karunungang bayan na


ang kayarian ay mga sukat (measure) at tugma (rima). Layunin nitong uyamin o
manudyo.

Mga Halimbawa

1. Chit Chirit Chit

Chitchiritchit alibangbang
Salaginto Salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang.
Santo Nino sa Pandacan,
Puto seco sa tindahan
Kung ayaw kang magpautang
Uubusin ka ng langgam.

Mama, Mama, namamangka


Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynnila
Ipagpalit ng manika.

Ale, Ale, namamayong


Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.

2.
Bata, bata
Pantay-lupa
Asawa ng palaka

3.
Mga dumi sa ulo
Ikakasal sa Linggo
Inalis, inalis
Ikakasal sa Lunes

4.
Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan .
Nang ayaw maligo ,
Kinuskos ng gugo Pedro panduko ,
Matakaw sa tuyo

5.
Bakya mo, Neneng, luma at kupas na
Ngunit may bakas pa ng luha mo, Sinta;
Sa alaala’y muling nagbalik pa
Ang dating kahapong tigib ng ligaya.
Ngunit, irog ko, bakit isang araw
Hindi mo ginamit ang bakya kong inalay?
Sa wari ko ba’y di mo kailangan
Pagkat kinupasan ng ganda at kulay.
Ang aking pag-asa’y saglit na pumanaw
Sa bakya mo, Neneng, na di pa nasilayan.
Kung inaakalang ‘yan ang munting bagay,
Huwag itapon, aking hirang,
Ang aliw ko kailan man

Ipinasa Ni:
Jessa L. Capasao

Ipinasa Kay:
Gng. Rebecca Labaro
Mga Salawikain
Buhay-alamang, paglukso ay patay

Kasama sa gayak, di kasama sa lakad

Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak

Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili

Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat

Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili

Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula

Ang magandang asal ay kaban ng yaman

Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat

Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan

Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila

Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon

Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula

Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising

Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili

Ang lumalakad ng marahan, matinin man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung
matinik ay malalim

Puri sa harap, sa likod paglibak

Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron

Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan

Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya

Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila

Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan

Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare

Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo

Ang taong tamad, kadalasa'y salat


Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot

May pakpak ang balita, may tainga ang lupa

Sagana sa puri, dukha sa sarili

Tulay taong namamagitan sa pag-iibigan ng dalawang taoy

Sinulot inagawan sa paraang paninira

Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot

Pag may hirap, may ginhawa

Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha

Pag may kalungkutan, may kasiyahan

Kung aakyat ka nga't mahuhulog naman, mabuting sa lupa'y mamulot na lamang

Pagkapawi ng ulap, lumilitaw ang liwanag

Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa

Kaya matibay ang walis, palibhasa'y nabibigkis

Ang mabigat gumagaan pag napagtutuwangan

Ang lakas ay daig ng paraan

Minsan man at kong golpe, daig ang pitong biyahe

Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran

Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan

Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang tapang

Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan

Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang

Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi

Ang lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan

Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan

Ubus-ubos biyaya, maya-maya ay nakatunganga.

Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.


Walang mapait na tutong sa taong nagugutom.

Nasa taong matapat ang huling halakhak.

Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo.

Ang tao kapag mayaman marami ang kaibigan.

Kung gaano kataas ang lipad gayon din ang lagapak pag bagsak.

Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.

Magkupkop ka ng kaawa-awa, langit ang iyong gantimpala.

Ang utang ay utang, hindi dapat kalimutan.

Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.

Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit.

Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.

Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.

Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.

Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.

Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.

Ang gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda.

Pag di ukol, ay di bubukol.

Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.

Daig ng maagap ang taong masipag.

Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain.

Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.

Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy.

Ang taong ginigipit sa patalim man ay kumakapit.

Pag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Lahat ng gubat ay may ahas.


Magkulang ka na sa asawa huwag lamang sa iyong anak..

Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.

Kung may isinuksok, may dudukutin.

Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin ko kung sino ikaw.

Gawin mo sa kapuwa mo. Ang nais mong gawin niya sa iyo.

Kuwarta na, naging bato pa.

Ang isip ay parang itak, sa hasa tumatalas.

Kung anong bukang bibig ay siyang nilalaman ng dibdib.

Mabuti pa ang kubong nakatira'y tao kaysa mansyon ang nakatira'y kuwago.

Ang kalusugan ay kayamanan.

Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.

Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mahigit pa sa mabaho at malansang


isda.

Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw.

Walang tiyaga, walang nilaga

Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak.

Huli man daw at magaling, naihahabol din.

Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan.

Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

Maraming salita, kulang sa gawa.

Habang may buhay, may pag-asa.

Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.


MGA
BUGTONG
AT
SALAWIKAIN

IPINASA NI:

KYLE KRISHNA SIERRA

IPINASA KAY:

MRS. JONALYN LOPEZ

You might also like