Professional Documents
Culture Documents
Grade 3
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan.
Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming
halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila
maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay
ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao
sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa
likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero
hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin.
“Unggoy napansin kong nahulog mo ang balat ng saging na iyong kinain sa lupa.”Ang
wika naman ni Unggoy, “Naku sadya iyan Paru-paro. Lagi kong itinatapon ang mga
pagkain ko sa lupa.
“Kaya pala ang daming basura dito. Hindi mo dapat basta-basta na lamang tinatapon
ang mga basura mo kung saan-saan lamang Unggoy. Maari kang makadulot ng
trahedya. Meron namang mga basurahang malapit dito ah. Doon mo nalang itapon ang
mga basura mo,” paliwanag ni Paru-paro.
"Hay nako Paru-paro, tigilan mo nga ako! Ang tagal-tagal ko ng ginagawa yan ah, wala
namang nangyayaring masama,” galit na sagot ni Unggoy. “Umalis kana nga, sinisira
mo araw ko,” dagdag pa nito.
Lumipad si Paru-paro ng walang imik. Isang madilim na gabi habang natutulog si
Unggoy sa taas ng kanyang puno, ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi niya
ito pinansin at sinusubukan muling matulog. Ngunit sa halip na makatulog ay napatayo
pa si Unggoy dahilan sa may bigla siyang narinig na malakas natunog. Nagsimulang
manginig ang kanyang puno at muntikan na siyang mahulog. Napatalikod siya at
nabigla na lamang sa kanyang nakita. Lupang bumubuhos pababa mula sa bundok.
“Isang landslide!” Walang magawa si Unggoy kung hindi sumigaw. “Tulong! Tulungan
ninyo ako,” sigaw niya. Tumumba ang kanyang puno at nahimatay si Unggoy. “Ito ang
resulta ng pagtatapon mo ng mga basura mo sa kalikasan Unggoy. Ito ag trahedyang
sinasabi sa iyo,” paliwanag ni Paru-paro.
Napansin ni Unggoy ang lupa kung saan nakatanim doon ang paboritong bulaklak ni
Paru-paro. Natabunan itong lupa at basura.
“Kung kaya mong magbago Unggoy at hindi muna talaga ito gagawin pa ulit,
pinapatawad na kita. Pero tulungan mo ako at ang iba pang mga hayop para mabigyan
muli ng buhay ang ating tahanan at patawarin ka rin ni Inang Kalikasan.”
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing
bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw
ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog.
Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay.
Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang
kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap.
Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang
kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku!
Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay
at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.
Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya
upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay.
Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan
siyang bumangon at naghanda ng pagkain.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam
kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y
magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y
hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.
Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito
ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling
Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang
mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang
pinang ay naging pinya.