You are on page 1of 3

Kwento ng Kalabaw at Kambing

Isang araw naliligo sa ilog si Kalabaw ng siya'y tapos na sa pagtrabaho, naligo siya ng buong araw hanggang
natabunan na ng araw. Kinabukasan si kalabaw ay palakad papunta kung saan naroroon ang trabaho kasama niya
ang kanyang amo hanggang sa hinayaan ito ng maghapon subalit may isang hayop na nilalamig na dahil sa sobrang
lamig at nangangailangan ng tulong niya at ito ay si Kambing.

Hindi lamang sa malamig ang panahon ito ay lumakas narin ang hangin. Ulan at nadidilim ang langit. Nang si
Kambing ay nakita niyang giniginaw ito'y pinuntahan sa kinaroroonan upang tulungan subalit si kambing ay takot
na takot sa tubig dahil siya'y mababasa. Ang ginawa ni Kalabaw ay naghakot ng iilang dahon ng saging at ginawang
parang bahay kubo upang sa ito'y may mapagsilungan si Kambing.

Kinabukasan sila'y nakamulat na lamang ng maayos na ang takbo ng panahon ng sila'y makalabas sa ginawang
parang bahay kubo na ginawa ni Kalabaw. Laking pasalamat ni kambing kay kalabaw kasi di siya nabasa at napag-
alagaan pa ito ni kalabaw.

Aral: Dapat maging matulungin sa kapwa lalong-lalo na sa panahong kinakailangan ang tulong mo.

Ang mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae


Noong unang panahon, may isang matandang babae ng may magandang hardin ng mga bulaklak sa tabi ng lawa.
Malapit ang matandang babae sa mga mangingisdang naninirahan sa kalapit na baryo. Madalas na bumibisita ang
mga mangingisda at ang kani-kanilang pamilya ay matandang babae upang magbigay ng isda kapalit ng ilang
magaganda at mababangong bulaklak mula sa hardin.

Naniniwala ang mga mangingisda na mayroong angking kapangyarihan ang matandang babae dahil palaging
nagliliwanag ang kapaligiran ay may kasamang magandang babae at duwendeng tumutulong sa pag-aalaga ng
tanim. Sinubukan nilang tanungin ang matanda ngunit sinabi ng matanda na wala siyang kasama.

Isang araw ay may isang mag-asawa na bumisita sa baryo at nakita nila ang magandang hardin. Pumasok sila at
pumitas ng bulaklak na walang pahintulot. Nakita sila ng matanda at pinakiusapang umalis ngunit pinagkatuwaan
lamang dahil sa pangit nitong anyo.

Dahil sa kalapastangan ng dalawa, ginawa silang magandang kulisap. Noon din ay nagbago ang anyo ng dalawa
naging paru-paro at nakita lamang nga taumbayan na may kakaibang kulisap na aalialigid sa mga bulaklak.

Si Ronie ang Batang Matiyaga, Matulungin, Masipag at Mabait


Noong unang panahonisang batang napakabait at napakabuting anak na lumaki lamang sa kanyang Lola
at Lolo. Ang kanyang pangalan ay si Ronie ay nagsimulang mag-aral sa kinder at maraming naging
kaibigan maliban sa nag-aaral siya rin ay tumutulong sa kanyang lolo't lola sa paghihigpit ng mga aayusin
na gamit sa loob ng bahay.

Isang araw ng si Ronie ay pauwi na may nakasalubong siyang isang matandang babae na napakaputi na
ng buhok subalit di niya ito pinansin ipinagpatuloy ang paglalakad. Si Ronieay isa sa mga tinatanyag na
magaling magsulat, magtula, at iba pa sa loob ng klase.

Nakalipas ang ilang araw, nakasalubong ulit ni Ronie ang matandang babae na nakatitig sa kanya habang
siya'y patungo sa pinatutunguhang bahay na kung saan nakatira siya. Gayundin, di parin niya ito pinansin
at ng dumating ang oras na ito'y natapos na sa pag-aaral ng mga takdang aralin niya ay papatuloh na.

Si Ronie ay pinapanaginip ng matandang babae na "Ronie!!! Balang araw ay matutupad mo ang iyong
mga kahilingan sapagkat ika'y matiyaga, masunurin, mabait at matulungin sa kapwa mo. "

Aral: Huwag maging tamad, kailangan matuto sa isang bagay upang matupad ang mga hahangarin sa
kinabukasan.

Ang Batang Matulungin at Masunurin


Si Paul ay nagmamadaling lumabas sa paaralan upang umuwi. Pagagalitan siya ng ina kapag mahuli siya
sa pag-uwi.

Habang naghihintay siya ng sasakyan may lumabas na mag-ina sa paaralan. Sa unang tingin palang niya,
kitang-kita na masama ang pakiramdam ng bata. Tumayo ang mga ito sa tabi niya upang umabang din ng
sasakyan maya-maya may humintong sasakyan sa harapan ni Paul.

Sasakay na sana siya subalit nakita niya na namimilipit sa sakit ng tiyan ang bata. Nagmamadali siya sa
pag-uwi dahil sa pagagalitan siya ng ina kapag nahuli sa pag-uwi subalit naawa siya sa bata.

Alam niyang mas kailangan ng mag-ina na sumakay kaagad, kaya ipina-ubaya nalang niya ang sasakyan
sa kanila. Nagpapasalamat ang ina ng bata. Naghintay muli si Paul ng susunod na sasakyan na masaya
dahil nakatulong siya sa kapwa kahit sa munting paraan lang.

Ang Lagalag na Anak


Ang magsasaka ay may dalawang anak, ang bunso ay hindi na nais na manatili sa bahay ng kanyang ama kaya
kinuha niya ang lahat kanyang mana mula sa ama. Kaya hinati ng anak ang lahat ng ari-arian para sa dalawang
anak. Ang bunsong anak ay kinuha ang lahat na mana at nagpakalayu-layo.

Makalipas ang mahabang panahon, ang bunsong anak ay naghirap dahil napunta ang lahat ng mana sa
walang kabuluhang bagay. At wala siyanh naisip na paraan para mabuhay kaya nagtrabaho siya sa ibang tao
dahil nangangailangan siya ng pera para siya ay mabuhay.

Dumating ang mga panahon na naaalala niya ang kanyang buhay noong siya ay nada kanyang ama pa. Naalala
siya na ang kanyang ama ang nagpapakain sa mga manggagawa habang siya ay malapit na sa kamatayan sa
paghahanap ng makakain.

Humanap siya ng paraan upang balikan niya ang kanyang Ama. Noong nagkita sila ay naawa ang Ama at
kinuha siya at niyapos ay hinagkan. Sinabi niya sa kanyang ama na nagsisisi at naghhinayang akong tawagin
mong anak dahil sa ginawa kong kamalian.

You might also like