You are on page 1of 2

Alamat ng Mani

Ni Gino B. Topasi

Ilang taon na ang nakalipas sa nayon na kung tawagin ay Mabunga ay mayroon binatang nag-
ngangalang Manilo, isag mabait ,masunurin, masipag, at mapagmahal na anak si Manilo. Madalas niyang
tinutulungan ang kaniyang mga magulang upang magkaroon sila ng pangkain sa pang araw-araw.
Parating sinasabi ni Manilo sa kaniyang mga magulang na nais niyang mapabuti ang kanilang
pamumuhay at magkaroon sila ng mga bagay na masasabing pag-aari talaga nila, dahil sa hikahos sila sa
buhay ay pinagbubutihan ng binata ang mga gawain upang makatulong sa magulang.
Isang araw naisipan ni Manilo na mamasukan bilang isang hardinero na mayroong mataas na
sahod, naghanap at nagtanong-tanong ang binata sa mga karatig lugar uoang may mapasukan. Laking
tuwa nito ng makita niya ang isang malaking bahay na may malawak na hardin, naglakas loob na
magtanong si Manilo sa may ari ng bahay. Naramdaman agad niya ang taglay na kasungitan ng mag-
asawang naninirahan doon at ang nag-iisang anak nito na si Lupang, ngunit isinawalang bahala lamang
ito ng binata at mas ikinatuwa niya na siya ay magkakaroon na ng mapapasukan. Makalipas lamang ang
ilang linggong pamamasukan bilabg isang hardinero sa malaking bahay ay agad nagustuhan ng mag-
asawa ang taglay na kasipagan ng binata at kalaunan ay naging mabait na kay Manilo ang dalawa,
samantala kabaliktaran ng kaniyang mga magulang labis nayayamkt at nagalit si Lupang kay Manilo
dahil ang akala nito ay mas gusto na ng kaniyang mga magulang ang isang hamak na hardinero kaysa sa
kanya. Kung kaya’t pinag-isipan niya ng masama si Manilo.
Isang maaliwalas na umaga habang nagbubunot ng damo si Manilo sa hardin ng tawagin siya ni
Lupang upang pumasok sa kanilag kwarto dahil may sasabihin umano ito sa kaniya, ang hindi alam ng
binata ay binibitag na siya nito. Sinabi ni Lupang na mamasyal silang pamilya at balak umanong isama
siya sinabihan din ni Lupang si Manilo na umuwi na muna ito upang makapagpalit ng maayos na damit at
masaya ngang umuwi si Manilo habang sa pagtalikod nito ay ang nakakatakot na mgiti ni Lupang na may
masamang balak. Matapos maisakatuparan ni Lupang ang balak ni to ay dali dali nitong tonawag ang
kaniyang mga magukang na nasa balkunahe lamang at nagpapahinga, umaarteng humahangos ang anak
habang tinatawag ang kaniyang magulang agad sinabi ni Lupang na nilamas ni Manilo ang mga alahas ng
kaniyang ina at ang ilang mamahaling relos ng kahiyang ama at agad umalis. Dahil sa mga sinabi ni
Lupang napuno ng galit agad ang kaniyang mga magulang at inisip bakit ito ginawa ni Manilo sa kanila,
habang si Lupang ay nakangisi lamang sa gilid. Papalabas na sana ng bahay ang ama ni Lupamg upang
hanapin ang hardinerong magnanakaw na iyon ng magkasalubong sila ni Manilo sa may hardin mismo,
maayos na suot naka sapatos pa ang binata at binigyan ng matamis na ngiti ang kaniyang amo, ngunit
walang ano-ano ay agad sinunggaban ng kamao si Manilo sa kaniyang mukha ng ama ni Lupang at
pinagsasaktan iniisip niblupang habang sinasaktan siya nito kung ano ang mali niyang ginawa. Ngunit
ang iniisilp ng mga magulang ni Lupang ay bakit nagawang Pagnakawan sila ni Manilo sa kabila ng
magandang trato nila sa binata.
Dahil nga sa labis na galit ng ama ni Lupang ay nais nitong turuan ng leksyon si Manilo, agad
kinuha nito ang isang itak na nasa gilid lamang ng kanilang bahay at ipinatong ang kamay ni Manilo at
walang pagdadalawang isip na ito’y pinagtataga hanggang sa ang mga daliri ng binata ay maputol sa
maliliit na piraso at naubos sa magkabilaang kamay. Hindi nakapagsalita si Lupang dahil sa kaniyang
mga nakita at naisip na doon pala hahantong ang kaniyang ginawa habang si Manilo naman ay
humihiyaw sa sakit at isa isang nahuhulog ang mga daliri sa lupang siya mismo ang bumubungkal para sa
mag-anak habang manikluhod na ito, at kasabay ng mga daliring naputol at mga kamay na dumudugo ng
biglaang dumilim ang kalangitan at bumuhos ang malakas na ulan dahilan upang lamunin nang lupa ang
mga piraso ng daliri ni Manilo. Pagkatapos ng mga pangyayari ay agad natauhan ang ama ni lupang sa
kaniyang nagawa at dahil sa takot ay agad sinabi nitong sila ay aalis na sa bahay at magpapakalayo sa
lugar na iyon, ngunit habang umaalis ay nakatitig lamang si Lupang sa hindi nagsasalitang si Manilo na
naka yuko sa lupaat sila at hindi makapagsalita.
Pagkalipas ng ilang mga araw pagkatapos din ng mga pangyayari dahil sa labis na pag -aalala ang
ina ni Manilo ay pumunta sa bahay na pinagtatrabahuhan ng kaniyang anak dahil ilang linggo na itong
hindi umuuwi sa kanilang bahay, ngunit wala itong nadadatnan ni isang tao doon. Halos araw-araw kung
magpunta ang ina ni Manilo sa malaking bahay uoang makita ang anak at nagbabakasakali ngunit palagi
itong nabibigo hanggang sa isang araw na sa kaniyang pagbalik sa malaking bahay ay mayroon siyang
nakitang tila isang klase ng halaman na ngayon lamang niya nakita sa buong buhay niya at nang hugutin
niya ito mula sa lupa ay agad tumambad sa kaniya ang tila kulu-kulubot na na bunga at ang pagiging
kayumaggi nito. Hindi alam ng ina kung ano ito ngnut sa tuwing minamasdan niya ito at ang pagkasabik
sa anak ay naaalala niya ang daliri ng kaniyang anak sa bunga nito at ang kasipagan nito kahugis ng korte
ng daliri ng kaniyang anak ag bubga ng halaman gayundin ang pagiging kulubot nito dahil sa
pagtatrabaho ng maigi para sa kanila.
Naiyak na lamang ang ina ni Manilo matapos itong maisip at maalala ang kaniyang anak, inisip
niya na maaring ito ang bunga ng kasipagan ng kaniyang anak sa pagtatrabaho at sakripisyo para sa
pamilya, inuwi niya ito sa kanilang tahanan at itinannim sa kanilang maliit na bakuran at di naglaon ay
lumago ito at dumami. Mula noon kapag may nakakakita ng halamang ito at tinantaning kung anong
klaseng halaman ito ay agad sinasabi ng ina na ito ay ang kasipagan ng kaniyang anak na si Manilo at
tonawag na lamang niya itong Mani at doon nga nagsimula ang alamat ng Mani bilang tanda ng
kasipagan at sakripisyo ng isang anak para sa kaniyang pamilya.

You might also like