Professional Documents
Culture Documents
Isang umaga, tinawag si Juan ng kanyang ina. “Anak, dalhin mo kaya ang baka natin sa bayan
at ipagbili mo. Wala na tayong maibili ng ating mga kailangan.”Madali namang sumunod sa ina
ang bata. Malapit na siya sa bayan, at hila-hila nga niya ang ipagbibiling baka nang may
nasalubong siyang matandang lalake.
“Gusto mo, palitan ko na lang siya nitong mahiwagang buto? Magic ito, makikita mo,” alok ng
matanda.“Siyanga po? Mahiwaga?” Sapagkat bata, mahilig sa magic talaga si Juan, at madali
ring mapaniwala. “Sige po, payag ako.”Iniuwi niya ang isang dakot na buto ng halaman na palit
sa baka. “Nasaan ang perang pinagbilhan mo sa baka?” tanong ng kanyang ina.
“Wala pong pera. Ipinagpalit ko po ang baka sa mga butong ito. Mahiwaga raw po ito, sabi ng
matanda.”
Sa galit ng ina sa anak dahil nagpaloko raw ito, itinapon niya ang mga buto sa bintana. “Ikaw
talagang bata ka, hanggang ngayon ay madali ka pa ring maniwala sa mga manloloko.”
Nang magising kinaumagahan si Juan, nagulat siya na may punong mataba sa labas ng
bintana niya. Lumabas siya para masdan ang bigla na lamang na lumitaw na puno at nakita
niyang pagkataas-taas nito. Hindi niya maabot ng tingin ang tuktok nito dahil nasa mga alapaap
na.“Nanay, tingnan ninyo ang puno! Mahiwaga nga pala ang mga buto! Aakyatin ko po.”
Inakyat nga niya ito at matagal bago siya nakarating sa tuktok. Sa itaas, may nakita siyang
malapalasyong bahay at pumasok siya rito. May babaeng sumalubong sa kanya. “Naku! Bakit
ka pumarito? Hindi mo ba alam na bahay ito ng higante? Naku, ayan na siya, dumarating! Tago
ka diyan sa ilalim ng mesa at baka ka makita.”
“Ho-ho! Ano ba iyong naamoy ko?” Malakas ang tinig ng higante. “May ibang tao ba rito?”
“Wala po,” sagot ng babae. “Naaamoy lang po ninyo ang masarap na pagkaing luto ko. Sige po,
kumain na kayo.”
Umupo ang higante at kinain ang isang palangganang pagkain na inihain sa kanya. Nagpahid
ng bibig at tumawag sa babae, “Dalhin mo rito ang manok ko.”
Sa pagkukubli ni Juan sa ilalim ng mesa, nakita niyang ibinigay ng babae ang isang makulay na
inahing manok sa higante. “Mangitlog ka, manok, at pagkatapos ay umawit ka para ako
makatulog,” utos ng higante at inilagay sa mesa ang hinahaplos na manok.
Kitang-kita ni Juan na lumabas sa manok ang isang gintong itlog na tuwang-tuwang isinilid sa
bulsa ng higante. “Ngayon, patulugin mo ako sa pag-awit mo.”
Pati ang tinig ng manok ay tila ginintuan din dahil madaling nahimbing ang higante. Dagling
lumabas sa pinagtataguan si Juan, sinunggaban ang manok sa mesa, at nagtatakbo sa punong
inakyatan niya.
Nang bababa na siya sa puno, biglang tumilaok ang inahin, “Tak-ta-la-ok!” Malakas at hindi na
ginintuan ang boses nito, kaya nagising ang higante.
“Huy! Anong nangyari? Nasaan ang manok ko?” Nakita niyang halos nasa kalagitnaan na ng
puno si Juan at ito’y hinabol niya.
Pagkaabot sa kanya ng ina ng palakol, inihataw niya itong dali-dali sa puno. Halos nasa ibaba
na ang higante nang maputol niya ang puno. Patay ang higante nang bumagsak ito sa lupa.
Naging mariwasa ang buhay ni Juan at ng kanyang ina dahil sa manok nilang umiitlog ng ginto.
Hindi naman nila ipinagmaramot ang mga biyaya nila sapagkat tumulong sila sa maraming salat
sa buhay.
Aral:
Huwag magnakaw o kumuha ng hindi sa iyo. Ang hindi mo pag-aari ay agad na isauli
sapagkat kung minsan, ikaw ang sumasalamin sa kung anong klase ng pamilya mayroon
kayo.
Si Juan at ang mga Alimango
Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. “Juan, pumunta ka sa
palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian.”
Nang makarating si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang
mga alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan ang tindera ng
alimango at nagpasalamat siya.
Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay
nila sa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy na
may malalabay na sanga. Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya’t naipasya
niyang paunahin nang pauwiin ang mga alimango.
“Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming
bahay. Lumakad na kayo at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang
unang bahay sa gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo.”
Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang
mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil sa malakas ang hangin
ay nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang magising si Juan. Nag-inat at tinatamad
na tumayo. Naramdaman niyang kumakalam ang kanyang sikmura. Nagmamadali nang
umuwi si Juan.
Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may puno
ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa
tarangkahan.
“Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?” Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. “Juan, ano ang
ibig mong sabihin?”
“Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon.”
Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit hindi
nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay
hindi katulad ng mga tao na may isip ay naliwanagan si Juan na mali nga ang ginawa
niyang pagpapauwi sa mga alimango.
Aral
Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang
Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog.
Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.
“Tingnan ninyo ako,” wika ni Santol. “Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.”
“Daig kita,” wika ni Mangga. “Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya
maraming ibon sa aking mga sanga.”
“Higit akong maganda,” wika ni Kabalyero. “Bulaklak ko’y marami at pulang-pula. Kahit malayo,
ako ay kitang-kita na.”
“Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,” wika ni Niyog.
“Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo.
Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.”
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang
kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang
mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang
mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo
at di nasalanta.
Aral:
Ang kayabangan ay nagpapababa sa dangal ng tao. Kaya huwag maging mayabang.
Maging tulad ng kawayan na mapagpakumbaba. Bagaman hindi siya kasing gaganda at
kasing-tikas ng ibang mga puno, siya naman ay higit na matatag sa oras ng pagsubok.
Ang Kalabasa at ang Duhat
“Ang duhat na nilikha ko’y malaki, nararapat lamang na malaki rin ang
kanyang bunga. At si Kalabasa naman ay gumagapang lamang, at walang
kakayahang tumayo, nararapat lamang na ang mga bunga nito’y maliliit
lamang.” Wika ni Bathala.
Aral:
Nahulog sa dagat ang gintong singsing ni Prinsesa Taalita kaya’t nag-utos ang
amang si Datu Balindo sa mga kawal na hanapin ito. Isang linggong nilangoy
ng mga matipuno at matapat na alagad ng barangay ang lawa ng Bunbon
ngunit wala isa man sa kanilang makakita sa singsing.
Hindi pa rin nagtugot ang datu dahil ang singsing daw ay napakahalaga hindi
lamang dahil ginto ito kundi dahil makasaysayan ito sa buhay niya. “Iyang
singsing na iyan ay nagpasalin-salin sa kamay ng aking mga ninuno na
pawang mga raha at lakan. Iyan pati ang piping saksi nang pagbuklurin ang
puso naming mag-asawa.”
“Patawarin ninyo ako, mahal kong ama,” luhaang sabi ni Taalita. “Alam ko po
ang kahalagahan niyan. Minamahal ko ang singsing nang higit sa buhay tulad
ng pagmamahal ko sa nasira kong ina, subalit…”
“Huwag kang lumuha, anak,” sabi ng ama. “Hayaan mo’t makikita pa rin iyan.”
Sa mga naghahanap ng singsing, isang binata ang di naglulubay sa pagsisikap
na makita ito. Hiningi niya ang tulong ng langit at di nga nagtagal ay nakita
ang hinahanap. Nalunok pala ito ng isang malaking isda.
Iyan ang Bulkan ng Taal, ngalang ibinigay ng amang datu para laging
ipagunita ang nawalang mga anak.
Ayon sa mga mangingisda, madalas daw nilang marinig kapag napapalapit sila
sa bulkan ang masayang awit ng mag-asawang Mulawin at Taalita, na kahit sa
kabilang-buhay ay masaya at nagmamahalan.
Aral:
Maging matapat sa pinagagawa sa iyo. Huwag agad susuko, tandaan
“Kapag may tiyaga, may nilaga.”
Maging maingat sa lahat ng oras. Huwag padalos-dalos sa mga
desisyon dahil maaari itong magdulot ng kapahamakan.