You are on page 1of 5

Ang Alamat ng Matsing

Unang Bersyon

Noong unang panahon, may isang mag-asawang magsasaka. Sila ay biniyayaan ng isang dosenang anak
na lalaki. Ang mag-asawa ay hindi mayaman ngunit sila ay mapagmahal sa kanilang mga anak.

Natutuwa noon ang asawang lalaki, ipinagmamalaki niya sa kanyang mga kaibigang mag-sasaka na
meron na siyang katuwang sa pagsasaka sapagkat pulos lalaki ang kanyang naging mga anak. Ngunit ang
mga anak na lalaki ay ubod ng tamad at malilikot. Wala silang ibang ginawa kundi mag-laro buong
maghapon.

Madalas, ang mga bata ay wala sa bahay buong araw. Mahahanap mo sila sa kakahoyan nagtatakbuhan.
Libangan nila ang umakyat sa mga puno, mag baging-baging at maghahabulan. Magkukulitan ang mga ito
hanggang sa abutin ng gabi at hanapin na ng kanilang mga magulang.

Kung hindi man sila mapunta sa kakahoyan, sila ay nasa kanilang bakuran at mamimitas ng mga tanim na
prutas ng kanilang ina. Paborito nila ang tanim na saging na namumunga ng madami.

Nagugulo naman ang buong kabahayan kapag sila ay nasa loob ng bahay. Nawawala ang mga gamit ng
kanilang ina sa pagluluto sapagkat kanila itong itinatago. Ang mga upuan at mga kagamitan ay nasisira
dahil sa pagtatalon-talon ng mga ito dito. O di kaya ay pinag-papasapasahan nila ang mga ito na parang
bola.

Ngunit mapasensya ang mag-asawa sa kanilang mga malilikot na mga anak. Naisip nila na tatanda rin ang
mga ito at mawawala din ang pagkapilyo ng mga bata. Magkakaroon din sila ng katuwang sa gawaing
bukid at bahay.

Nagkamali ang mag-asawa sapagkat habang naglalaon ay lalong gumulo ang mga bata. Madalas na kundi
sira ang mga gamit sa bahay ay hindi mahanap ang mga ito dahil sa kalalaro ng mga bata. Ang kanilang
mga pananim ay kadalasan ding ubos ang prutas at ang mga punong-kahoy ay putol-putol ang mga sanga
Isang gabi, pag-uwi ng mag-asawa galing sa bukid, dinatnan ng mga ito ang gulo-gulong bahay. Sira-sira
ang kanilang kagamitan at higit sa lahat ay wala pang nakahandang pagkain para sa pagod na mag-
asawa. Wala ring batang andun sa bahay.

Tinawag ng ama ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa ang sumagot o nagpakita. Lumabas siya sa
bakuran at nakita ang putol-putol na mga puno. Ngunit ala pa ding mga anak ang nakita. Nagpunta sa
kakahoyan ang mag-asawa, sigurado silang andun ang mga bata.

Sa kakahoyan nga nakita ng mag-asawa ang mga bata na nag-lalambitin at nag-babaging sa mga sanga-
sanga. Meron ding mga bata na nag-aaway at walang pakialam na tinatawag na sila ng magulang.
Umabot sa sukdulan ang pasensya ng mag-asawa ng makita ang mga tamad na anak na walang ginawa
kundi maglaro.

Pinulot ng mag-asawa ang sanga na nahulog mula sa puno at ng tangkang papaluin na ang mga bata, ang
mga ito ay nagsipag-takbo ng mabilis. Hindi mahabol ng mag-asawa ang kanilang mga anak kung kaya’t
itinapon nalang nila ang mga sangang nahulog mula sa puno. Ang mga sanga ay dumikit sa puwet ng mga
bata. Hindi na ito matanggal sa puwetan ng mga bata at naging buntot ang mga ito. Ang mga bata ay
tinubuan din ng mahahabang mga balahibo.

Simula noon ay hindi na umuwi ang mga bata. Sa mga puno na lang sila tumira, naglalambitin at
masayang naglalaro. Sila ang mga unang matsing.

Pangalawang Besyon

Sa mayamang kaharian, noong unang panahon, ay may isang prinsesang ubod ng ganda. Siya ai si
Prinsesa Amapela na ang lahat ay humahanga sa taglay na kagandahan.

Ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay napakasamang ugali.Ang prinsesa ay ubod ng sungit at


suplada. Napakataas ng pagtingin niya sa kanyang sarili.
“Ayoko sa mga taong pangit! Palayasin sila sa palasyo!” ang palding sigaw nito sa tuwing makakakita ng
pangit sa palasyo.

Dahil sa prinsesa, ang lahat lamang ng magaganda ang nakakapasok at nakakapagtrabaho sa loob ng
palasyo. At ang mga pangit ay itinaboy sa labas upang maging mga alipin at manggagawa.

Sa paglipas ng panahon, dumating ang takdang araw sa pagpili ni Prinsesa Amapela ng mapapangasawa.
At naghanda nga ang kaharian.Inimbitahan ang maraming maharlikang tao buhat sa ibaaa’t ibang
kaharian. Nagsidating din ang maraming makikisig na prinsipe, upang ang isa sa sa kanila ay ang siyang
mapangasawa ng ng prinsesa.

Di nagtagal, nagsimjula ng mamilii si Prinsesa Amapela ng mapapangasawa. Ang lahat ng prrinsipe ay


tumayo sa kanyang harapan at nagbigay-galang. Isa sa mga prinsipe ang nagustuhan ng prinsesa, at ito’y
si Prinsipe Algori.

Si Prinsipe Algori ay isang napakasipag na prrinsipe, na animo Adonis na namumukod tangi sa lahat ng
naroroon.Ngunit bago pa man napili ni Prinsesa Amapela ang makisig na prinsipe, ay may nakita siya na
napakapangit-pangit na prinsipe na nakatayo sa likuran nito.

Hindi napigilan ng prinsesa ang sarili.

“Sino ka? Hindi ka nahiya saiyong sarili! Napakapangit mo! Lumayas ka rito at magbalik ka na sa kwebang
pinanggalingan mo!” ang bulyaw nito. Nabigla ang lahat sa nasal ng prinsesa.

“Siya ang aking napili! Si Prinsipe Algori! Siya ang aking mapapangasawa,” ang agad na idinugtong nito
sabay turo kay Prinsipe Algori.

Masayang lumapit si Prrinsipe Algori sa prinsesa at humalik sa kamay nito. Isa isa ng nag-alisan ang mga
nabigong prinssipe, ngunit nanatiling nakatayo sa harapan ang pangit na prinsipe.
“Ano pa ang hinihintay mo! Lumayas ka na! Ayaw kitang Makita!” ang muling bulyaw ng prinsesa na tila
nandidiri.

Malumanay na nagsalita ang prinsipeng pangit, Hindi ako manghihinayang sa isang tulad mo. Kung ano
ang ganda ng iyong mukha ay siya naming kapangitan ng iyong ugali,” ang wika nito.

Bigla ay nagbago ang anyo ng prinsipeng pangit. Ito ay nagging isang napakakisig na lalaki, higit kay
Prinsipe Algori.

Namangha ang lahat, sapagkat ang pangit na prinsipe ay ang “Diyos pala ng Kakisigan.” Bumababa ang
isang kumpol ng ulap, at sumakay rito ang “Diyos na Kakisigan,” at tuluyan nang lumisan.

Nanghinayang ang lahat lalo na ang hari at reyna. Ngunit higit sa lahat, nanghnayang nang husto si
Prinsesa Amapela bagay na hindi niya pinahalata.

Agad na ikinasal ng hari sina Prinsesa Amapela at Prrinssipe Algori. Ngunit matapos ang kasal, ganun na
lamang ang gulat ng lahat.

Ngayong mag-aswa na tayo kailangan mong sumama sa aking kaharian, “ang wika ni Prinsipe Algori.

“Anong ibig mong sabihin?” ang nagtatakang tanong ng prinsesa.

Bigla, nabago aang anyo ni Prinsipe Algori. Ito ay naging kakaibang nilalang ng puno ng balahibo ang
buong katawan. Nagsigawan at nasindak ang lahat, lalo pa’t bigla na lang nabago ang anyo ni Prinsesa A
mapela. Nabalot din ito ng balahibo sa buong katawan, at nagkaroon pa ng buntot.

Hindi makapaniwala ang lahat, subalit huli na,.Dinala na si Prinsesa Amapela sa kagubatan ni Prinsipe
Algori, na siya palang “Diyos ng mga hayop sagubat.” At si Prinsesa Amapela ang kauna-unahang matsing
sa kagubatan. Ito ang nagging parrusa ng kanyang pagiging suplada at mapagmataas.
Kaya dapat nating tandaan na hindi natin dapat husgahan ang tao sa kanyang panlabas na anyo, dahil
ang higit na mahalaga ay ang tunay na pagkatao at pag-uugali.

You might also like