You are on page 1of 7

PANAHON NG AMERIKANO

Mga Akdang Tuluyan

NOBELA ito ang pinahabang bersyon ng maikling kuwento. Ito ay Nahahati sa iba’t ibang kabanata at
bawat kabanataay may samut-saring pangyayari na kinapapalooban ng iba’t ibang kwento na may
kaugnayan sa pangunahing tauhan. Ito din ay kinapapalooban ng ibang tauhan na nauugnay sa
pangunahing tauhan. Ang bawat kabanata ay may takdang katapusan na nagbibigay liwanag at
pangunahing suliranin at nakakatulong malutas ang suliranin sa akda.

Halimbawa:

*BANAAG AT SIKAT ni L O P E K . S A N T O S- Dito sa nobelang ito pinakita ang mga isyung panlipunan
katulad ng sosyalismo, kapitalismo at ang mga gawain ng nagkakaisang asosasyon ng mga manggagawa.

*SAMPAGUITANG WALANG BANGO ni I Ñ I G O E D R E G A L A D O- Sa nobelang ito ipinakita ang mga


Pilipina na mapagmahal at marunong magpaubaya ng sarili kapalit ng sariling kaligayahan.

*NENA AT NENENG V A L E R I A N O ni H E R N A N D E Z P ENA- Isa itong kathang naglalarawan ng


pambihirang pagkakaibigan nina nena at neneng

*BANCARROTA DE ALMAS ni J E S U S B A L M O R I- PINAPAKITA DITO ANG PAGKABIGO NG KALULUWA


NA MAKITA ANG LAYUNIN NG TAO SA KANYANG LIPUNANG GINAGALAWAN

DULA- ang ganitong genre ay itinatanghal sa entablado kung saan ginagampanan ng mga artista o aktor
ang mga tauhan, nilalapatan nila ng karampatang kilos, ekspresyon, tono at paglalahad ang mga salitaan
o dayalogong nakasulat sa isang inihandang iskrip o balangkas ng salitaan. Mga sangkap ng Dula a. isang
paglalahad ng mga kaganapan(sequence of events) b. isang suliranin c. pagliliwanag ng suliranin

Halimbawa:

*WALANG SUGAT ni S E V E R I N O R E Y E S- Ito ay tumutukoy sa kasabihang “ kung gusto’y maraming


paraan basta’t tunay na nagmamahal.

*KAHAPON, NGAYON AT BUKAS ni A U R E L I O T O L E N T I N O- Ang kahapon ngayon at bukas ay nag-


papakita ng di pagsang-ayon ng pagpapalawak ng kapangyarihan na pinamumunuan ng isang bansa sa
loob at labas ng kanyang teritoryo at Naka-pokus ang tagumpay ni InangBayan laban sa mga nangliliit sa
kanya.

*ANG LUHA NG TAGALOG ni A U R E L I O T O L E N T I N O- Ang dulang ito ay tungkol sa kasaysayan.


Itinuturing na obra maestra no tolentino.

*HINDI AKO PATAY ni J O S E C R U Z M A T A P A N G- Ito ay itinanghal pagtapos lamang sakupin ng


amerikano ang pilipinas. Ipinakita rito ang kaisipan ng mga pinoy sa pagdating ng bagong mananakop.

*ANAK NG DAGAT ni P A T R I C I O M A R I A N O- Ang anak ng dagat ay isang tatatluhing yugtong dula


na naisulat noong 1922.. Obra niya ito na naipasok ang karanasang personal bilang manghihimagsik,
mamamahayag, nobelista makata at mandudula.
MAIKLING KUWENTO - Ito ay itinuturing na pinakabata sa mga genre ng panitikan. Nakalahad dito ang
mga pangyayari, suliranin, pakikipagsapalaran at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan. Maiksi ito at
madaling matapos sa isang upuan. So samaikling kuwento may kinikilala tayong ama ng maikling
kuwento, sIno sa tingin niyo? Si Edgar Allan Poe ang itinuturing na Ama ng maikling kuwento. Ang
nilalaman at Bahagi ng Maikling Kuwento ay ang panimula,, saglit na kasiglahan, suliraning inihahanap
ng lunas-, kasukdulan o climax, at kakalasan o wakas.

Hakimbawa:

*BUNGA NG KASALANAN ni C I R I O H . PA N G A N I B A N- Tungkol ito sa babaeng nawalan ng


katinuan sa labis na pag-aalala sa pisikal na kalagayan ng buhay. Pinakita rin dito ang walang hanggang
pagmamahal ng lalakeng pilipino para s babaeng wagas na minamahal.

*LOLA ni G E N E V E VA E D R O Z A M AT U T E- Sinasabi sa kuwento ay hindi dapat sabihin ang lahat,


at mabisa ang pahiwatig ng mga larawan o tagpo. At kahit sa tunay na buhay, may mga bagay na
mabuting ilihim, kahit ang tapat na pagtulong at pagmamahal sa kapuwa at kababayan.

*SARANGGOLA ni E F R E N R . A B U E G

*MUTYA NG PASIG ni D E O G R A C I A S D E L R O S A R I O

SANAYSAY Nagbibigay ito ng oportunidad para pag-aralan ang kahalagahan ng pagpapakita ng ideya na
may porma at ito ay tinuturing na pinkasimple sa lahat ng genre ng panitikan. Mayroon itong tatlong
bahagi ; ang simula, katawan at ang katapusan.  Nagmula ito sa pamagat ng maikling panulat na prosa
ni Michel de Montaigne na ESSAIS o attempts o pagsubok.  Ang sanaysay ay unang itinakid sa mga
gawa nina francis bacon and michel de montaigne na ang ibig sabihin ay pagsubok o pagsuuri o
paghuhusga

Halimbawa:

*KAHALAGAHAN NG EDUKASYON ni J O R G E C . B O C O B O- Pinanainiwalaan ni Dr. Bocobo sa kanyang


sanaysay na ito ang kahalagahan at kagitingan ng edukasyon lalong-lalo na sa mga kababaehan.

*PA N I T I K A N AT L I P U N A N / L I T E R AT U R E A N D S O C I E T Y ni S A L V A D O R P . L O P E Z- Ang
sanaysay ni Salvador Lopez’ na Panitikan at lipunan ay lubos na tumutukoy sa argyumento na ang
panitikan ay buhay o lagi dapat na gising sa problemang panlipunan.

 Mga Kilalang Manunulat

Maka-Kastila

Cecilio Apostol - (Pinakamabuting tulang papuri para kay Jose Rizal)- ay may mga tulang handog kay
Rizal, Jacinto, Mabini at halos sa lahat ng mga bayani ng lahi, ngunit ang kaniyang tulang handog kay
Rizal ang ipinalalagay na “pinakamainam ng tulang papuri” sa dakilang bayani ng Bagumbayan

Fernando Ma. Guererro (Unang Hari sa Panulaan sa Kastila) - ipinalalagay na kasukob ni Apostol sa
paghahari ng balagtasan sa kastila noong kanilang kapanahunan. Sumulat din sya ng mga tulang handog
kay Rizal, ngunit ang kanyang mga pinakamagagaling na tula ay tinipon niya sa isang aklat na
pinamagatang Crisalidas (Mga Higad).

Balmori (Jesus Batikuling) - naging kalaban ni Manuel Bernabe sa balagtasan sa Kastila sa paksang “El
Recuerdo Y El Olvido”. Nahirang syang “poeta laureado” dahil sa tinalo niya sa labanang ito si Bernabe.

Manuel Bernabe (Makatang Liriko) - isang makatang liriko at ang sigla ng kaniyang damdaming
makabayan ay hindi nagbabago sa alin mang paksang kaniyang sinusulat. Sa pakikipagbalagtasan niya
kay Balmori, higit siyang naging kaakit-akit sa madla dahil sa melodiya ng kaniyang pananalita.
Ipinagtanggol niya ang “Olvido” na nangangahulugang “limot”.

Claro M. Recto - isang siyang matayog at dakila sa pananalita at pamamakas sa panitikang Kastila.
Tinipon nya ang kanyang mga tula sa aklat na pinamagatang “Bajo los Cocoteros” (Sa Ilalim ng Niyugan).
Narito naman ang ilang bahagi ng kanyang isinulat para kay Rizal na pinamagatang “Ante El Martir”

Macario Adriatico - sumulat ng magandang alamat ng Mindoro na pinamagatang niyang “ La Punta de


Salto” Ang Pook na Pamulaan”

Pedro Aunario - sumulat ng Decalogo Del Protocionism o.

Maka-Tagalog

Lope K. Santos (Ama ng Balarilang Tagalog) - ang “Makata ng Buhay” sa kaniyang mga tula, mababakas
ang pagkamakata sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga bagay- bagay sa buhay, lalong- lao na iyong
nauukol sa pangkalahatang bagay sa paligid. Dalubhasa ang panulat ni Lope K. Santo sa paglalarawan ng
kahit na itinuturing na walang kuwenta at fi pansing mga bagay. Hindi rin lumihis si Lope sa kalakaran ng
pangangaral. Katunayan, may kalipunan siya ng mga kuwentong tula na hango sa mga katutubng
salawikain.

Jose Corazon De Jesus (Huseng Batute) - ang “Makata ng Puso” ang siyang higit sa kaninoman ay
nkamana ng korona’t setro, ng pinsel at papel ni Francisco Baltazar. Hindi kailanman magiging ganap ang
anomang pagsusuri ng tulang Pilipino sa kahit anong panahon kung hindi babanggitin ang pangalan ni
Huseng Batute, ang “Makata ng Puso”.

Florentino Collantes (Kun til Butil) - (1896- 1951)- kapanahon ni Jose Corazon de Jesus at mahigpit niyang
nakaagaw sa titulong Hari ng Balagtasan.

Amado V. Hernandez - ang makata ng Manggagawa. Ang mga tula niya ay naglalantad ng tunatawag na
kamalayang panlipunan. Tinatalakay niya sa kaniyang mga tula ang iba’t ibang bahagi ng buhay: tao,
makina, bayani, gagamba, langgam, panahon at pati aso.

Severino Reyes (Ama ng Dulang Tagalog; Ama ng Sarswelang Tagalog) - (1861- 1942). Taong 1902 nang
simulan niyang mag-ukol ng panahon para sa pagsulat at pagpapaunlad ng dulang Tagalog. Para sa
kaniya, ang moro- moro o comedia ay walang idinudulot na anomang kapakinabangan sa mga
manonood kaya’t pinagsikapan niyang ito’y palitan ng inaakala niyang higit na mapagkukunan ng aral at
karikitan ng sambayanang manonood. Mula nang pasukin niya ang makabagong uri ng dulang tagalog,
ang sarsuwela, wala nang dulang nakahigit sa kaniya. Siya ang may-akda ng pamosong Walang Sugat.
Aurelio Tolentino - ang ipinagmamalaking mandudula ng mga Kapangpangan. Kabilang sa kanyang
sinulat ay ang “Luhang Tagalog” na tinagurian niyang obra-maestra at ang “Kahapon, Ngayon At Bukas”
na siya niyang kinabilanggo.

Patricio Mariano (Anak ng Pahayagang Tagalog)- ( 1877- 1935). Siya ay nakapag-ambag na sa iba’t ibang
larangan ng panitikang Pilipino. Siya’y kinikilala hindi lamang sa pagsusulat ng dula kundi gayon din sa
pagiging isang batikang makata, mamamahayag, nobelista at tagapagsalin ng mga sulatin mula sa
wikang Kastila.

Maka-Ingles

Jose Garcia Villa - “Doveglion’’ pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles sa larangan ng maikling
katha.

Jorge Bacobo - isang mananaysay at mananalumpati. Ilan sa kaniyang mga sinulat ay ang “Filipino
Contact With American, A Vision Of Beauty” at “College Education”.

Zoilo Galang - sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles na pinamagatang “A Child
Of Sorrow”.

Zulueta De Costa - nagkamit ng unang gantimpala sa kaniyang tulang “Like The Molave” sa
Commonwealth Literary Contest noong 1940.

Estrella Alfon - ipinalalagay ng pinakapangunahing manunulat na babae sa ingles bago magkadigma. Siya
ang sumulat ng “Magnificence” at “Gray Confetti”.

Arturo Rotor - may-akda ng “The Wound and the Scar” na siyang kauna-unahang aklat na nailimbag sa
Philippine Book Guild

Angela Manalang Gloria - umakda ng “April Morning” nakilala siya pagsulat ng mga tulang liriko sa
panahon ng Komonwealth.

Mga Akdang Patula

RIZAL – CECILIO APOSTOL- ito ang pinakamagandang tula ng papuri sa bayani ng bagumbayan.
Masisilayan dito kung gaano at paano itinaas ang kadakilaan ng ating pambansang bayani ng pilpinas at
pagmamahal sa bayan.

ANG LUMANG SIMBAHAN - FLORENTINO COLLANTES- Ang obra na maituturing ni florentino collantes.
Ipinahahayag ng tulang ito ang wagas na pag mamahalan ng dalawang magkasintahan. Sa isang
abandonadong lumang simbahan, sa isang maliit na bayan na kung saan ito’y nalimot na ng
kapanahunan. Ang itsura nito’y waring libingan dahil sa mga damong dito’y gumagapang. Sa bandang
silangan ng simbahan matatagpuan kampanang basag na nagmula pa sa kapanahunan ng mga kastila.
Ang sabi, nabasag raw ito sa kapanahunan ng digmaan, bumagsak sa lupa kaya ito’y nabasag ito’y
paniniwala ng mga matatanda. Layunin ng akdang ito ang ipahayag sa bawat Pilipino na tayo ay wagas
kung mag mahal at likas na mapag dasal. Mababasa rin natin sa akdang ito ang mga ang mga
palatandaan ng mga imlpuwensyang ating nakuha sa mga dayuhang mananakop. Ang Tema: Ang tulang
Ang Lumang Simban ay pumapaksa sa pag ibig at katatakutan.
ANG UOD - AMADO V. HERNANDEZ- Isa rin na maituturing na obra ni ka amado hernandez. Ito ay
nagpapahiwatig ng walang humpay na pagbibigay ng inspirasyon sa mga pilipinong nagsusumikap upang
makaahon sa hirap ng buhay. Ang uod na tinutukoy dito ay walang iba kundi ang manggagawang
Pilipino.

ANG PANDAY - AMADO V . HERNANDEZ- Sinasabi dito na ang bakal na ginawa o pinanday para maging
araro’t sandata ay hindi mapapantayan ang kahalagahan dahil unang-una, ginawa itong araro para sa
ikabubuhay ng mga tao sa pamamagitan ng paggamit nito na pangbungkal ng lupa nang sa ganun ay
makatanim ang mga mamamayan ng kanilang makakain sa araw-arw, pangalawa, ang bakal na iyon ay
ginawa namang sandata, upang ipagtanggol ang bayang tinubuang na planong agawin o sakupin ang
bayan.

ANG ISANG PUNONG KAHOY - JOSE CORAZON DE JESUS- Ang obra na maituturing na gawa ni huseng
batute. Sa saknong na ito ay nagmuni-muni si jose corazon sa panahon ng kanyang kabataan, inaasahan
niya at kanyang inilaan na ang kanyang mga gawa ay maging inspirasyon sa kapwa. isa itong tulang
padamdamin. Dito nasisinag ang pag-uukol niya ng pag-iisip sa mga karaniwang bagay na binibigyan niya
ng kahulugan. May daloy ng kalungkutan na nangingibabawa sa tulang ito.

ANG MATAMPUHIN - LOPE K . SANTOS- Sa mga linyang ito pinapakita ang ugaling pilipina na busilak at
katangi-tangi.

PANAHON NG HAPONES

Mga Akdang Tuluyan

Maikling Kwento Ang Lupang tinubuan ay nagkamit ng unang gantimpal sa patimpalak sa maikling
kuwento ng Liwayway at inilathala sa kalipunang ang 25 pinakamabuting katha ng 1943. Muli itong
inilathala nina Abadilla, Sebastian, at ang Mariano sa kalipunan ng Maikling Kathang Tagalog noon 1954.

Dula Bunga sa kahirapan ng buhay na dulot ng kahit na anong uri ng digmaan, ang mga tao'y humanap
ng kahit na kaunting mapaglilibangan sa mga dulaan. Natigil ang pagsasapelikula dahil sa giyera at ang
mga artista ng putting tabing ay lumikpat sa pagtatanghal sa mga dulaan.

Ang malalaki't maliliit na teatro tuloy ay nagsipaglabas sa dula. Natatag ang Dramatic Philipppines ni
Francisco Sycip at kabilang na dito sina Narciso Pimentel, Francisco Rodrigo, Albert Canio at iba pa. Isa sa
mga sinulat ni Francisco Soc Rodrigo na maituturing na higit na kinagiliwan noong panahong iyon ay ang
dramang Sa Pula, Sa Puti.

Balita Pahayagang Liwayway, Ipinapinid ng mga Hapon ang mga pahayagan. Ang lingguhang Liwayway
lamang ng mga Roces ang nagbukas ngunit nasa ilalim ng pangangasiwa ng hapong si Kin-Ichi Ishikawa.
Nagkaroon muli ng pagkakataong makapaglathalang mga kuwento at tula sa pahayagang Liwayway.
Ipinagbawal ang mga pahayagan at magasing gayang Tribune at Free Press.

MGA KILALANG MANUNULAT SA PANAHON NG HAPON

Jose Ma. Hernandez - Panday Pira Manunula at Guro


Francisco Rodrigo - Sa Pula, Sa Puti January 29, 1914 - January 4, 1998 Politiko, Playwriter, Lawyer,
Broadcaster

Clodualdo Del Mundo - Bulaga September 11, 1911 Manunulat, Nobelista, Playwriter, Journalist,
Teacher

NVM Gonzales - Sino ba kayo? Dahil sa Anak , Higanti ng Patay, Lunsod, Nayon At Dagat-dagatan.
Septeber 8, 1915 - Novenber 28, 1999 Manunulat, Musikero

Narciso Reyes - Tinubuang Lupa Pebrero 21, 1914 - Mayo 7, 1996 Manunulat, Filipino Deplomat at
Author

Liwayway Arceo - Uhaw ang Tigang na Lupa Manunulat, Nobelista, Mananaysay, Tagasalin ng wika at
Editor.

Jose Esperanza Cruz - Tatlong Maria Manunulat, Editor

Isidro Castillo - Lumubog ang Bituin Manunulat

Gervacio Santiago - Sa Lundo ng Pangarap Hulyo 19,1909 - Agusto 14, 1993 Manunulat sa wikang
Pilipino.

AKDANG PATULA NA UMUSBONG SA PANAHON NG HAPON

Haiku ni Matsuo Basho

Matandang Sapa
Ang palaka'y tumalon
Lumagalagaslas

Tanaga ni Idelfonso Santos

Tag init Alipatong


lumapag sa lupa
Nagkabitak sa kahoy Nalugayak sa puso
Naglagablab

Awit na DAI-ATIW ng Kalibapi

Nang mayanig ang Silangan At palisin ang kaaway, Ang sa Pilipinas na buhay Nagkamit ng kaningningan.
Kalibapi, kapisanan Ng lahat ng mamamayan, Walang tangi at lapian, Isang lahi, Isang bayan.
Buong pagkakapatiran Tulong-tulong, damay-damay. Magpaunlad, magpalakas, Limutin ang nakalipas,
Lisanin ang pankat-pankat Ang ligaya’y panlahat.
Pilipinas, paunlarin Isip nati’y pakislapin, Ilog, bundok at bukirin, Lahat ating pagyamanin.

Tulang "Pag ibig" ni Teodoro Gener


Umiibig ako, at ang iniibig ay hindi ang dilag na kaakit-akit pagka’t kung talagang ganda lang ang nais,
hindi ba’t nariyan ang nunungong langit? Lumiliyag ako, at ang nililiyag ay hindi ang yamang pagkarilag-
rilag pagka’t kundi totoong perlas lang ang hangad di ba’t masisisid ang pusod ng dagat?
Umiibig ako’t sumisintang tunay, di sa ganda’t hindi sa ginto ni yaman… Ako’y umiibig, sapagkat may
buhay na di nagtitikim ng kaligayahan… Ang kaligayahan ay wala sa langit wala rin sa dagat ng hiwang
tubig… ang kaligayaha’y nasa iyong dibdib na inaawitan ng aking pag-ibig…

You might also like