You are on page 1of 23

ARALIN 8: ANG PANG-URI

Layuning Pampagkatuto
Natatalakay at natutukoy ang mga uri at hambingan ng pang-uri
Nalilinang ang malikhaing sa pag-iisip sa larangan ng maayos at masining na paglalarawan
Naiaangat ang kasanayan sa pagsasalita at pagsusulat gamit ang pag-uri.
Panimula

Ang paligid ay puno ng magagandang bagay. Bawat tao, bagay, hayop, pangyayari
at kaisipan ay may angking katangian. Sa katunayan, napabubuti at naiaangat ang
ugnayang personal at panlipunan kapag napapahayagan ang mga magagandang
katangian at tinatatalikdan ang mga pangit na bagay. Sa pamamagitan ng mga salitang
nagbibigay-turing, nagkakaroon ka ng pagkakataong mpahalagahan ang mga bagay na
dapat tangkilikin. Ang pag-aaral na ito ay tatalakay sa isa pang salitang pangnilalaman na
ginagamit bilang panuring-ang pang-uri/adjektiv. Sa bahagi ng leksikong ito, mapag-
aaralan ang kaantasan, kailanan, at iba’t ibang uri ng pang-uri. Mahahasa rin ang
kasanayan mo bilang mag-aaral na makapaglalarawan sa paraang masining at malinaw.

Panimulang Pagtataya

Panuto: Ilarawan ang iyong ina ayon sa kanyang katangian.

Ang aking ina ay….


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
BASAHIN

ALAM MO BA NA….
Ang pang-uri ay salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, lunan at Ito ay
ginagamit na panuring sa pangngalan at panghalip at ginagamit din bilang pangngalan.

Pang-uri bilang Panuring

1. Bilang panuring ng pangngalan


Halimbawa:
Pinagpipitaganang mga mananayaw ang dumalo sa palabas.
Kahanga-hanga si Helen sa kanyang likhang kamay.
2. Bilang panuring sa panghalip

Halimbawa:
Sila ay matatapang at makikisig na mandirigma.
Kayang mapanghimagsikan sa lipunan ay makakaranas ng lagim sa huli.

3. Pang-uring ginagamit bilang pangngalan

Halimbawa:
Ang mapag-ibot ay hindi pinagpala ng Poong Maykapal.
Ang sinungaling ay kakambal ng magnanakaw.

Panlaping Makauri
Sa pamamagitan ng paglalapi sa salitang-ugat, makakabuo tayo ng panibagong
salita na tinatawag na panlaping makauri.
Halimbawa:
Panga+han = pangahan (nangangahulugang labis ang laki ng panga)
Mapapansing ang salitang-ugat ay panga at nilapian ng panlaping “han” sa halip na
“an” sapagkat ang salitang-ugat ay nagtatapos sa patinig. Ang nabuong salita ay isang
pang-uri kaya’t panlaping kung ituring ito.

Kasama- (nangangahulugang kaisa)


• Ang panlaping “ka” ay inilapi sa salitang-ugat na sama kaya’t ang nabuong salita
ay kasama.
Palasimba (nangangahulugang madalas na pagsisimba)
• Ang panlaping “pala” ay inilalapi sa salitang-ugat na simba, kaya’t ang nabuong
salita ay palasimba.
• Ang kaybuti ay isang pang-uri sumakatwid, ito ay isang panlaping makauri.

KAALAMAN MO… PALAWAKIN MO…

Kayarian ng Pang-uri

Gaya ng pangngalan, ang pang-uri rin ay may paraan upang mabuo. Pansinin ang
mga sumusunod na kayarian ng pang-uri.

1. Payak -ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang


Halimbawa: Berde, lunti, asim, galit

2. Maylapi- ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping ka, ma, ma-in, ma-
hin, mala, kasing, kasim, atbp.
Halimbawa: malasutla, mapusok, kaibigan, kasimputi

3. Inuulit- Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng buong salita o bahagi ng salita.


Halimbawa: pulang-pula, bugang-buga, oras-oras, galit na galit

4. Tambalan- ito'y binubuo ng dalawang salutang pinagtatambal


Halimbawa: ngiting-aso, pugad-birhen, kapit-tuko, hilong-talilong
SUBUKAN MO!

Gawain 1:

Panuto: Magbigay ng halimbawa ng kayarian ng pang-uri at gamitin ito sa pangungusap.


Salungguhitan ang pang-uring ginamit sa pangungusap.

Payak:
1. _______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________

Maylapi:
1. _______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________

Inuulit:
1. _______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________

Tambalan:
1. _______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________
Uri ng Pang-uri

1. Panlarawan- naglalarawan at nagsasaad ng hugis, kulay, anyo at katangian

Halimbawa:
Malasutla ang kanyang kutis.
Matiising asawa't ina si Lynda.

2. Pamilang- nagsasaad ng tiyak o di-tiyak na bilang


Halimbawa:
Maraming mamamayan ang nagugutom sa kasalukuyan.
Kakaunti lamang ang nakilahok sa timpalak.

a. Patakaran - mga likas na bilang na pinagbabatayan ng pagbibilang


Halimbawa:

labing-apat walo una

b.Panunuran - nagsasaad ng ayos ng pagkakasunod-sunod ng mga bagay o


bilang.Ginagamitan ng panlaping "ika" at "pang"
Halimbawa:
ikasampu pang-anim ika-9

c. Pamahagi- ginagamit sa pagbabahagi o pagbubuklod ng ilang hati sa kabuuan. T


tinatawag na "praksyon" upang matukoy ang kaibahan nito sa iba pang-uring pamilang
Halimbawa:
sangkatlo kalahati sangkapat

d.Palansak- nangangahulugang minsanan, maramihan at langkay-langkay ang bilang


Halimbawa:

libu-libo laksa-laksa milya-milya

e.Patakda- nagsasaad ng tiyak na bialng, hindi mababawasan, o madaragdagan man,


eksakto ang bilang nito.
Halimbawa:
pipito aapat dadalawa
SUBUKAN MO!

Gawain 2:

Panuto: Isulat kung pamilang o panlarawan ang pang-uring may salungguhit sa bawat pahayag.
____________1. Si luigi ay isang masunuring anak ni na Lito at Lita.
____________2. Di- mabilang ang kanyang mga kasawian sa buhay.
____________3. Masalimuot na tinalunton ni Andrea ang daan patungo sa landas na
tahimik.
____________4. Mapang-alipusta ang mga mag-anak na iyan.
____________5. Di- mahulugang karayon ang dagok ng buhay na kanyang naranasan.
____________6. “Isang Dipang Langit” ang pamagat ng kanyang napanood sa sine.
____________7. Napakalamig at napakasarap ng dapyo ng hangin sa kanyang mukha.
____________8. “Sa isang libo mong halik, ako ay puputi “ madalas awitin ng negrang
asawa ni Alunignig.
____________9. Walang dumalo sa kanyang inaasahang mga panauhin kahapon.
____________10. Iwinagaygay niya ang kanyang mapagpaubayang pagmamahal.

Kailanan na Pang-uri

Kailanan- ang tawag sa pagtukoy ng pang-uri kung isahan, dalawahan, maramihan, ang
tinutukoy sa pangungusap.

1. Isahan- tumutukoy sa iisang inilalarawan


Halimbawa
❖ Maputi ang batang nakapula.
❖ Mataas ang punong akasya.
❖ Magandang tanawin ang napagmasdan ko sa aking bakintaw.
2. Dalawahan- tumutukoy kung higit sa isa ang inilalarawan
Halimbawa:
❖ Magkasinganda ang mag-inang karen at Helen.
❖ Parehong matatalino ang kanyang mga magulang.
❖ Nagsingarap ang pinya at kahel.
3. Maramihan - tumutukoy kung higit pa sa dalawa ang inilalarawan
Halimbawa:
❖ Napakagandang tanawin ang aking nabungaran sa Taiwan.
❖ Masarap samyuin ang mga mababagong bulaklak sa Baguio.
❖ Napakatatalino ang mga batang iyan

Hambingan ng Pang-uri

Hambingan- ang tawag sa pang-uri kung naipapakita ang pagkukumpara. Maari itong lantay,
pahimbing o pasukdol.

1. Lantay- walang paghahambing ang naipakikita o walang pagkukumpara, binubuo lamang


ito ng salitang ugat.
Halimbawa:
Dalisay ang pagmamahal ng binatang iyan sa kanya.
Malambing makipagkwentuhan ang dalagang iyon.
2. Pahambing- paghahambing ito ng dalawang bagay, tao, pook o pangyayari
Halimbawa:
Higit na masarap magluto ang aking ina kaysa kay Aling Letty.
Mas matalino si Leissaiah kaysa kay Leiner.
3. Pasukdol- nangangahulugang pamumukod ng katangian sa iba o sa lahat. Nilalapian ng "
pinaka", "napaka", "ubod", atbp upang matukoy ang pamumukod ng katangian sa iba.
Halimbawa:
Ubod ng tamis ang binili niyang pakwan.
Napakagandang tanawin ang inilarawan ng mga turista.

PAGTIBAYIN MO!

Gawain 3:

Panuto: Gumawa ng pangungusap sa mga sumusunod: lantay, pahambing, pasukdol.

Lantay Pahambing Pasukdol

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

4. 4. 4.

5. 5. 5.
EBALWASYON

Panuto: Ilarawan ang sarili na may pamagat na “AKO ITO”. Salungguhitan ang pang-uring
ginamit sa paglalarawan.

“AKO ITO”
ARALIN 9: ANG PANGABAY

Layuning Pampagkatuto

Napapalawak ang kaalaman sa paggamit ng pang-abay sa loob ng pangungusap


Natutukoy ang mga salitang bibigyang turing ng pang-abay
Nabibigyang kahulugan ang iba't ibang uri ng pang-abay at magamit nang maayos amg
mga ito sa paggawa ng akda

Panimula

Ang bahaging ito ng pag-aaral ay tumatalakay sa isa pang anyo ng panuring, ang
pang-abay. Mapagtutuunan ng pansin sa pag-aaral na ito ang pagtukoy sa kaibahan ng
pang-abay sa panuring na pang-uri. Matututuhan din dito ang iba’t ibang uri ng pang-abay
upang lalo pang lumalim ang kaalaman sa paksang pang-abay.

Panimulang Pagtataya

Panuto: Tukuyin ang naitimang panuring sa bawat pangungusap kung ito ay PANG-URI o
PANG-ABAY. Isulat ang sagot sa patlang na nasa kaliwa.

____________1. Mahusay lumangoy ang kanyang mga kasamahan.


____________2. Tunay magmahal ang ating Panginoong Hesukristo.
____________3. Tiwasay ang kanyang kalooban sa inilahad na panukala.
____________4. Walang magandang ibubunga ang kanyang pag-aaklas.
____________5. Hindi magtatagumpay ang mga walang pangarap sa buhay.
____________6. Madaliang nagpasya ang kalihim sa ikatatahimik ng lahat.
____________7. Sumang-ayon na siya sa isinusulong na panukala.
____________8. Malarosas ang kanyang mga pisngi.
____________9. Tunay na mapag-imbot ang mga taong iyan.
____________10. Aandap-andap na lamang ang liwanag na nagmumula sa gasera
KAALAMAN MO…. PALAWAKIN MO….

ALAM MO BA NA….

ang pang-abay ay salitang panuring. Subalit kaiba sa pang-uri, ito ay nagbibigay ng turing
sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay, samantalang ang pang-uri ay nagbibigay turing o
naglalarawan ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa:
• Talagang masarap magluto si Nanay Rosita. (pang-uri)
• Tunay na magmahal ang asawang si Ely kay Helen (pang-uri)
• Kahapon nagpasyang lumusob sa Edsa ang mga raliyista (pandiwa)
• Maya-maya biglang nabuwal ang ale na ikinabigla ng lahat (pandiwa)
• Totoong lubhang mapagparaya si Santino (pang-abay)

➢ Mapapansing sa unang dalawang pangungusap, ang naitamang salita ay isang pang-abay


at ang binibigyang-turing ay ang mga salitang nakasalungguhit na dili iba kundi pang-uri.
➢ Sa ikalawang grupo naman ng mga pangungusap ang naitimang mga salita ay pang-abay
na nagbibigay turing sa mga salitang pandiwa
➢ Samantalang ang panghuling pangungusap naman ay pang-abay ang naitimang salita at
ang nakasalungguhit na salita ay isang pang-abay.

Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na kataga o Inglitik- ito ay mga katagang lagsing sumusunod sa unang salita
at kayariang kinabibilangan.
Halimbawa:
• Nakarating na ba ang mga bagaheng biyaheng buhol?
• Napakatulin kasi ang kanyang pagpapatakbo kaya’t nadisgrasya
• Magkabalikan pa kaya ang magsing-irog?
• Malubha na ang kanyang kalagayan sa ngayon.
• Gusto ko sanang ipaalam ang kanyang malubhang karamdaman.
2. Pang-abay na Pamanahon- nagsasaad ng panahon o kalian naganap ang kilos na taglay
ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na KAILAN.
Halimbawa:
• Simula sa araw na ito, ikaw ay isa nang ganap na lingkod ng Diyos.
• Tuwing sasapit ang kanyang kaarawan, nagpapakain siya ng mga pulubi sa kalye.
3. Pang-abay na Panlunan- ito’y tumutukoy sa pook na pinangyarihan ng kilos ng pandiwa.
Sumasagot sa tanong na SAAN.
Halimbawa:
• Nasa hapag kainan na ang mga babaunin mong mga prutas
• Sa isang restawran kami magtatagpo ng aking mga kaibigan.
4. Pang-abay na Pamaraan- nagpapahayag kung paano ginanap ang kilos ng pandiwa at
sumasagot sa tanong na PAANO.
Halimbawa:
• Padabog na sumagot ang batang gusgusin sa tanong ng ale.
• Dahan-dahang inilapag ng tinder ang kanyang mga paninda.
5. Pang-abay na Panggaano- ito ay nagsasaad ng panukat o timbang . Tumutukoy sa dami
o bilang. Sumasagot sa tanong na GAANO.
Halimbawa:
• Napakarami ng mga tumatangkilik sa teleseryeng BUDOY.
• Tumaas ang timbang niya ng apat na libra.
6. Pang-abay na Pang-agam- ito ay nagbabadya ng walang katiyakan sa pagganap ng kilos
ng pandiwa. Nagpapahayag ng agam-agam.
Halimbawa:
• Tila nanlalamig ang kanyang buong katawan at anumang sandali’y mabubuwal
siya.

• Marahil nakapag-isip-isip na silang umiwas sa kanilang masamang bisyo upang


bumuti ag kanilang katayuan sa buhay.

7. Pang-abay ng Panang-ayon- ito ay nagsasaad ng panang-ayon.


Halimbawa:
• Totoong matulungin ang kanyang anak na si Karen.
• Sadyang palaban at traydor ang kanyang mga kalaban sa pulitika.
8. Pang-abay na Pananggi- ito ay nagsasaad ng pagtanggi o di pagsang-ayon.
Halimbawa:
• Hindi ko hahayaang lapastanganin ako ng taong iyan.
• Ayaw paawat ng daldareng babae sa kanyang kangangawa.
SUBUKAN MO!

Gawain 1:

Tukuyin ang uri ng pang-abay sa bawat pangungusap at bilugan ang mga salitang
binibigyang turing.

____________1. Lubhang napakasarap magpahinga sa iyong beranda.


____________2. Mamaya pa magsisimula ang pagtatanghal.
____________3. Tutungo kami sa Baguio bukas upang bisitahin si Karen.
____________4. Pabigla-biglang pumasok sa silid ang galit na panauhin.
____________5. Talaga palang may ginintuang puso si Alethea.
____________6. Kusang umamin ang salarin sa kanyang ginawa.
____________7. Mabilis na naghanda ng makakain ang kanyang ina.
____________8. Pahablot na kinuha ng magnanakaw ang bag niya.
____________9. Mabilis magsalita ang inampalang ito.
____________10. Bahagyang nabunutan ng tinik ang kanyang ina ng makitang ligtas ang
anak sa panganib.
EBALWASYON

Sumulat ng isang kwentong o pangyayaring maituturing na di pangkaraniwan.


Ilarawan ito ng masining at salungguhitan ang lahat ng mga panuring na ginamit sa
iyong mga talata.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
ARALIN 10: ANG PANG-UGNAY

Layuning Pampagkatuto

Natutukoy ang ang mga pang-ugnay sa loob ng pangungusap


Nagagamit nang wasto ang mga pang-angkop, pangatnig at pang-ukol sa pagbuo ng
pangungusap
Napapalawak ang kaalaman sa mga pang-ugnay upang maging bihasa sa paggawa ng
iba’t ibang genre

Panimula

Tulad ng matutunghayan natin sa balangkas na mga bahagi ng pananalita, ang ikalawang


panlahat na pangkat ng mga salita ay ang mga salitang pangkayarian. Ang ugnayan ng bawat
bahagi ng pananalita ay mahalagang matutuhan ng gumagamit ng wika. Tinatawag na
pangkayarian ang ganitong mga salita sapagkat ang mga ito’y walang gaanong naibibigay na
kahulugan ngunit napakahalaga nito sa pagbuo ng pangungusap. Ang pag-aaral sa paksang
ito ay mahalaga upang maisaayos ang paraan ng pagpapahayag upang maging malinaw ang
pag-uugnay ng mga salita, parirala, pangungusap o talata.

Panimulang Pagtataya

Panuto: Ipaliwanag ang tanong na ito “Bakit mahalagang matutuhan ang ugnayan ng bawat
bahagi ng pananalita sa paggamit ng wika”
BASAHIN

ALAM MO BA NA!!!

Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa


pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

URI NG PANG-UGNAY

Mga Pangatnig

ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap

Halimbawa, sa pangungusap na:


a. Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay puspusang isinasagawa ng mga bisig ng batas.
• ang at ay pangatnig na nag-uugnay ng mga pariralang pag-aalaga ng mga hayop at
pagtatanim ng mga gulay.
b. Ang pag-aalaga ng mga hayop at pagtatanim ng mga gulay ay mabisang pang-agdong
sa kinikita.
• Ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng mga pariralang pag-aalaga ng mga hayop at
pagtatanim ng mga gulay.

Dalawang (2) Panlahat na pangkat ng mga pangatnig:


1. yaong nag-uugnay ng di magkatimbang na yunit.
2. yaong nag-uugnay ng di magkatimbang na yunit.

➢ Sa unang pangkat kabilang ang mga pangatnig na at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit,
subalit, atb. An mga pangatnig na ito ay nag-uugnay ng mga salita, parirala, at sugnay na
magkatimbang o mga sugnay na kapwa makapag-iisa.
➢ Sa ikalawang pangkat naman ay kabilang ang mga pangatnig na kung, nang, bago, upang,
kapag o pag, dahil sa, sapagkat, palibahasa, kaya, kung gayon, ana, atb. Ang mga
pangatnig na ito ay nag-uugnay ng dalawang sugnay na hindi timbang, na ang ibig sabihin
ay pantulong lamang ang isang sugnay.

Halimbawa sa Pangungusap ng mga Pangatnig na Nag-uugnay ng mga Sugnay na


Magkatimbang

1. Ang wastong dami at wastong uri ng pagkain ay nagdudulot ng kalusugan.


2. Ang pag-iinom ng pildoras saka ang ritmo ay dalawang paraan ng pagpaplano ng pamilya.
3. Magtagumpay ang kanyang pagpaplano bagamat ritmo lamang ang kanyang ginagamit.

Halimbawa sa Pangungusap ng mga Pangatnig na Nag-uugnay ng mga Sugnay na Hindi


Magkatimbang

1. Walang kasalanang di mapapatawad ang Diyos kung ang nagkasala ay nagsisisi.


2. Ispiritwal at materyal ang pangangailangan ng tao sapagkat ito ay binubuo ng katawan at
kaluluwa.
3. Sundin mo ang mga utos ng Diyos upang magtamo ka ng biyaya sa langit.

➢ Upang lubos mo pang maunawaan ang tungkol sa pangatnig narito ang mga uri at
halimbawa nito.
a. Pamukod – ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni , maging, at man.
Halimbawa
• Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.
• Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan.

b. Panubali- nagsasabi ito ng pag-aalinglangan, gaya ng, kung , kapag, pag, sakali, disin
sana.
Halimbawa:
• Kung uulan, Hindi tayo matutuloy ang ating palatuntunan.
• Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.

c. Paninsay- kapag sinasalungat ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng


: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, kahit.
Halimbawa:
• Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang
kanyang ina.
• Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa kalaban
niya.
d. Pananhi- nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang
mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari
Halimbawa:
• Namaos siya dahil sa matagal na pagttalumpati
• Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
e. Panapos- nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya ng: upang, sa
lahat ng ito, sa di kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa:
• Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.
• Sa bagay na ito, nasa sa ating mga kamay na ang paghuhusga.
f. Panlinaw- ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.
Halimbawa:
• Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.
• Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.
g. Panimbang – gingamit sa pagpapahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan,
gaya ng: at-saka, pati. Kaya, anupa’t.
Halimbawa:
• Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.
• Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
h. Pamanggit – gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng : daw, raw, sa ganang
akin/iyo, di umano.
Halimbawa:
• Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.
• Siya raw ang hari ng sablay.
i. Panulad – tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung sino, siya ring kung
gaano, siya rin.
Halimbawa:
• Kung ano ang mga nagyayari noon, siya rin mangyayari ngayon
• Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.
SUBUKAN MO!

Gawain 1:

Gumawa ng mga halimbawa ng mga sumusunod na uri ng pangatnig.

1. Pamukod
a.__________________________________________________________________
b.__________________________________________________________________
2. Panapos
a.__________________________________________________________________
b.__________________________________________________________________
3. Pamanggit
a.__________________________________________________________________
b.__________________________________________________________________
4. Panulad
a.__________________________________________________________________
b.__________________________________________________________________
5. Panimbang
a.__________________________________________________________________
b.__________________________________________________________________
6. Pananhi
a.__________________________________________________________________
b.__________________________________________________________________
7. Paninsay
a.__________________________________________________________________
b.__________________________________________________________________
8. Panubali
a.__________________________________________________________________
b.__________________________________________________________________
Mga Pang-angkop

Ay mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang maging kaaya-aya


ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika. Tinatawag ding “linker”. Ito
ay katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.

Pang-angkop na "NA"- nag-uugnay sa dalawang salita kung saan ang naunang salita ay
nagtatapos sa mga katinig o consonant maliban sa ponemang /n/.

Halimbawa:

• Tumalon si Anna sa malalim na bangin dahil sa kilig.


• Mataas na tao ang aking katabi.
• Feel na feel ni Elsa ang kanyang magandang buhok.

Pang- angkop na "NG"- isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa patinig o vowel
(a.e.i.o.u).

Halimbawa:

• Si Anton ay mayroong malaya-ng isipan.


• Ang aking kaibigan ay nakatira sa isang malaki-ng bahay.
• Gusto ni Lucia na buo-ng buo ang pagmamahal ni Gaston sa kanya.

➢ Dalawa lamang ang pang-angkop sa ating wika ang + na at ang - ng. Ang simbolong (+)
sa + na ay nangangahulugang ang pang-angkop na na ay hindi ikinakabit sa salitang
inaangkupan. Ang simbolong (-) naman ay nangangahulugang ang pang-angkop na ng
ay ikinakabit sa salitang inaangkupan.

➢ Ginagamit ang –ng kung ang inaangkupan ay nagtatapos sa tunog na patinig o ponemang
/n/. Ginagagamit naman ang + na kung ang inaangkupan ay nagtatapos sa ponemang
katinig maliban sa /n/.
SUBUKAN MO!

Gawain 2:
Isulat sa patlang ang tamang pang-angkop.

1. Nasuot mo na ba ang damit_________ regalo ng ninang mo?


2. Si Myra ay takot pumasok sa madilim________ silid.
3. Ang Qatar ay isa sa mga pinakamayaman________ bansa sa buong mundo.
4. Masyado_______ matao ang mga mall tuwing malapit na ang Pasko.
5. Dahil sa mataas na lagnat, dinala siya sa pinakamalapit ________ospital.
6. Napakaganda ng ginto__________ singsing ng reyna!
7. May makapal________ kumot sa loob ng luma_________ kabinet.
8. Bumili tayo ng mga sariwa________ gulay mamaya_________hapon.
9. Hinuli ng dalawa______ pulis ang lalaki________ magnanakaw.
10. Ang bata_______ inaantok ay humiga sa malambot________ unan.

Mga Pang-ukol

Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa, panghalip, o


pang-abay sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay maaari ring magturo ng lugar
o layon.

Mga Halimbawa ng Pang-ukol


Ilan sa mga halimbawa ng bahagi ng pananalita na ito na kadalasan ay ginagamit sa
pangungusap ay ang ng, sa, ni o nina, para sa, at ayon sa. Narito ang gamit ng bawat isa at mga
halimbawa:

Ng – Ito ay nagbibigay ugnayan sa pagitan ng isang kabuuan at isang bahagi.


• Anak ng bayan ang turing sa Bise Alkalde simula pa noong bata pa lamang siya.

Sa – Nagpapahayag ng pag-uukol ng isang bagay sa isang pang bagay.


• Kamay sa baywang na humarap ang ina ng batang nagsumbong ng pamamalo mula sa
guro.

Ni o Nina – Ito ay nagpapahayag ng pagmamay-ari ng isang bagay.


• Ang telepono ni Juan ay naiwan sa loob ng sasakyan.
Para sa – Ito ay nagpapahayag ng pinag-uukulan
• Para sa mga bata sa kalye ang mga biniling pagkain ni Juanito.

Ayon sa – Ito ay nagpapahayag ng pinanggalingan o basehan ng isang bagay.


• Ayon sa ama ni Manuel, maaga siyang umalis ng kanilang bahay at hindi na nakabalik
noong tanghali.
➢ Sa pansemantikang katuturan, masasabing ang pang-ukol ay kataga o mga katagang
gingamit upang ipakilala na ang isang tao, bagay, pook, o pangyayari ay inilalaan o inuukol sa
isa pang tao, bagay, pook, o panyayari.

Ang iba pa nating mga pang-ukol ay:


ng alinsunod sa
ni/nina laban kay
kay/kina ayon kay
laban sa para kay
ayon sa ukol kay
para sa tungkol kay
ukol sa hinggil kay
hinggil sa alinsunod kay

Halimbawa

Gamitin natin sa pangungusap ang ilan sa mga pang-ukol.

1. Ang krisis sa langis ay nakababahala sa buong daigdig.


2. Ang pakikipagtulungan ng balana ay ipinanawagan ng pamahalaan.
3. Mabait at masipag na guro ni Miguel si Sor Milagros.
4. Ang pera kay Carissa ay sukli ko kangina.
5. Tumutulong siya sa kampanya laban sa pagkasugapa sa bawal na gamot.
SUBUKAN MO!

Gawain 3:

Isulat sa patlang ang pang-ukol na bubuo sa pangungusap.

1. Handa na ba ang mga gamit ninyo_____________ camping bukas?


2. Matutulog sina Sam at Sarah______________ Lolo at Lola mamayang gabi.
3. May balita ka ba______________ pagtaas ng presyo ng gasolina?
4. Ang pagdala ng Nintendo DS sa klase ay ___________tuntunin ng paaralan.
5. ______________Melissa, pinag-aralan nila ang pagsakop ng mga Hapones.
6. Ang puting kartolina ay binili ko_____________ Leslie dahil may proyekto siya.
7. Mas mabuti na sundin ko ang payo__________ Tatay at Nanay.
8. Ang paghihiwalay ng nabubulok at hindi nabubulok na basura ay___________
utos ng barangay.
9. Ang Intramuros ay isang makasaysayang pook na matatagpuan____________
lungsod ng Maynila.
10. Ang mga aklat na ito ay ibibigay natin_____________ mag-aaral ni Binibining
Salvador.

PAGTIBAYIN MO!

Gumawa ng isang akdang pampanitikan tulad ng awit at tula na ginamitan ng mga pang-
ugnay. Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa akda.
EBALWASYON

Salungguhitan ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap at tukuyin kung ito ay


pangatnig, pang-ukol o pang-angkop. Isulat ang sagot sa patlang na anasa kaliwa.

________________1. Ang aklat na ito ay hiniram ko pa sa tiya ko.


________________2. Ang binate ay dumalo sa seminar ng “Drug Addiction” pati ang
pati ang kanyang ksibigan ay nagsidalo rin.
________________3. Ang taong matapat ay pinagtitiwalaan.
________________4. Para kay Belen ang mga nariritong kagamitan sa paaralan.
________________5. Lumayo ka sa tabi ng balong iyan, malalim yan.
________________6. Tayo ba ay sasama sa Thailand?
________________7. Ang lalawigan ng Bulacan ay hindi gaanong malayo sa Maynila.
________________8. Hihintayin kayo ni Merly sa kanilang tahanan.
________________9. Ang babaeng nakatayo sa pintuan ng paaralan ay ina ni Lily.
________________10. Ang paksa sa kanilang usapan ay tungkol sa “Green Revolution”.

You might also like