You are on page 1of 7

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KOMISYON SA LALONG MATAAS NA EDUKASYON


DR. RUBY LANTING-CASAUL EDUCATIONAL FOUNDATION, INC.
Tomas Cabiles St. Tabaco City, Albay

MC FIL 109

(INTRODUKSYON SA
PAMAMAHAYAG)
IKALAWANG SEMESTRE
IKA –LABING LIMANG
LINGGO
MODYUL 15

Inihandani:

Gng. JUVELLIE CALLEJA-DACAME


Instraktor, Filipino
YUNIT 9: PAGSULAT NG PAKIKIPANAYAM O
INTERBYU

LAYUNING PAMPAGKATUTO
1. Naisasalaysay ang katuringan ng pakikipanayam;
2. Naiisa-isa ang iba't ibang uri ng pakikipanayam;
3. Natatalakay ang mga pinakamabisang paraan sa pakikipanyam,
dalawang uri ng impormante at pangangalaga sa impormante;
4. Natutukoy ang mga taong dapat kapanayamin;
5. Nailalahad ang mga mungkahi sa pagsulat ng panayam/interbyu at
pagsulat ng balita batay sa pakikipanayam; at
6. Nakasusulat ng isang panayam o interbyu.

ALAMIN NATIN!

Ano nga ba ang Panayam?

PANAYAM

 Isang pakikipagpulong ng kinatawan ng pahayagan sa isang taong nais


niyang kunan ng mga impormasyong maiuulat o maipalilimbag.
 Isang pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad ng
opinion, kaisipan o tanging kaalaman ukol sa isang paksang
nakakatawag ng kawilihan sa madla na karaniwa’y nagmumula sa
tanyag na tao o kilalang otoridad na kinakapanayam.

MGA TAONG KINAKAPANAYAM:

1. Panauhing tagapagsalita

2. Resource person

3. Bagong dating a guro buhat sa komvensyon o sa isang tanging pook

4. Isang gurong katatapos lamang ng M.A. o Ph.D.

5. Isang gurong katatapos lamang ng isang seminar, atbpa.

6. Isang magaling na manlalaro

7. Isang tagasanay ng laro

8. Pinakamagaling na mag-aaral sa lahat ng asignatura


9. Pinakamagaling na mag-aaral sa isang asignatura

10. Mag-aaral na may tanging kakayahan sa pagsulat

11. Mag-aaral na nagwagi sa isang patimpalak

12. Mag-aaral na galing sa ibang bansa (personal man o bilang isang opisyal
na delegado sa isang komperensiya o bilang isang iskolar

13. Isang matagumpay na alumnus.

14. Panauhing tagapanayam

15. Bagong guro

LAYUNIN SA PAKIKIPANAYAM

o Kumuha ng impormasyon, reaksyon, at/o kurokurong kailangan sa


paghahanda ng isang bagay na ilalathala sa pahayagan.
o Layuning pagtatampok
o Layuning pantalambuhay

URI NG PAKIKIPANAYAM (AYON SA ANYO)

1. Pormal
o May ginagawang pakikipagtipan sa kakapanayamin sa isang
takdang araw, takdang oras at takdang lugar.
o Isang harapang pag-uusap ng reporter at ng kanyang
kinakapanayam.

2. Di – Pormal
o Isang pakikipanayam na walang ginagawang pakikipagtipan sa
isang taong kakapanayamin.
o Tinatawag din itong ambush interview.
o Ito ay biglang pagtatanong sa mga taong kagagaling sa isang
mahahalagang pangyayari na nangangailangan ng pangmadlang
kabatiran.

URI NG PAKIKIPANAYAM (AYON SA LAYUNIN)

1. Pakikipanayam na Nagbibigay ng Kabatiran (Informative)


 Isinasagawa upang makakuha ng impormasyon mula sa isang
taong may kinalaman sa bagong ideya, sa isang taong nakasaksi
sa isang pangyayari o sa isang taong maaring mapagkunan ng
balita.
2. Opinyon (Opinion interview)
 Isinasagawa upang makakuha ng komentaryo o opinion mula sa
taong bntog o kilalang otoridad.

3. Lathalain (Feature interview)


 Pakikipanayam sa isang sikat na tao o sa isang taong may
makulay na karanasan upang makakuha ng kaalaman sa
kanyang katauhan na magiging kawili-wili sa madla.

4. Pangkat (Group interview):


a. Natatanong na reporter (inquiring reporter type)
 Iisa ang tanong na sinasagot ng mga kinakapanayam at sa
pasumalang (random) na pagtawag.

b. Simposyum (symposium)
 Nagtatanong ang mga reporter ng mga magkaugnay na tanong
sa bawat kapanayam na inaakalang dalubhasa sa napiling
larangang pinaghanguan ng katanungan. Ang bawat kapanayam
ay dalubhasa sa kani-kanilang linya.

c. Pandiyaryo (Press interview)


 Pakikipanayam ng maraming reporters sa isang taong kilala
gaya ng pangulo ng bansa o ng isang tanyag na dayuhan at iba
pang may kinalaman sa pambansang aktibidad.

MUNGKAHING HAKBANGIN SA PAKIKIPANAYAM

 Ihanda at balangkasing mabuti ang mga tanong batay sa layunin.


 Magsuot ng angkop na damit.
 Magdala ng notbuk at panulat.
 Magpakilala agad nang buong pamitagab at sabihin kung ano ang
pakay. (Huwag magpanggap.)
 Maging masigla at magkaroon ng tiwala sa sarili.
 Magtanong nang magtanong hanggang may maaaring itanong.
 Upang hindi kabagot-bagot ang pakikipanayam, ibaling ang pag- uusap
sa mga personal na hilig ng kinakapanayam.
 Mainam na buo na sa isipan ang halos lahat ng mga itatanong.
 Huwag makipagtalo sa iyong kinakapanayam.
 Kumuha ng sapat na tala sa sinasabi ng kinakapanayam. (Kung tila
maselan, gawin ito pagkatapos ng usapan. Kung gagamit ng recorder,
humingi muna ng pahintulot. Huwag magpumilit kapag hindi pumayag
at mas lalong huwag gawin ng patago.)
 Magbigay ng pahiwatig na sana’y pahintulutan pang makabalik at
muling makaabala sa hinaharap.
 Huwag na huwag kalimutan ang magpasalamat bago umalis.
 Gawing tiyak ang mga katanungan at hindi yaong pangkalahatan.
 Maging alisto sa mga bago at di-inaasahang anggulong malilikha
habang nakikipanayam.
 Pamaraang salitaan ang gamitin sa pakikipanayam.

ANG PINAKAMABISANG PARAAN NG PAKIKIPANAYAM

 Kailangan malaman muna sa anumang paraan ang lahat ng maaaring


malaman hinggil sa taong kapapanayamin.
 Mahalagang malaman din ang hilig o libangan ng taong
kinakapanayam.

DALAWANG URI NG IMPORMANTE

 Impormanteng lihim ang pangalan


 Imformanteng nagbibigay ng mga delikado o maseselang
impormasyon na maaaring maglagay sa delikadong kalagayan
sa kanya kung ilalantad ang kanyang pangalan.
 Impormanteng naglalantad ng pangalan
 Impormateng walang ibinibigay na impormasyong delikado.

PANGANGALAGA SA IMPORMANTE

o Hindi dapat ibunyag ang pangalan ng isang taong nagbigay ng isang


mahalagang imformasyon sa isang reporter.
o Huwag ilathala ang pangalan ng mga biktima ng maseselang krimen.
o Huwag ilathala ang pangalan kung ang biktima o suspek ay mga bata
pa o wala pa sa legal na gulang.

PAGSULAT NG BALITANG BATAY SA PAKIKIPANAYAM

o Sulatin kaagad ang balita pagkatapos ng pakikipanayam.


o Pagpasiyahan kung anong uri ang susulatin:
a. Nagbibigay kaalaman – tumatalakay sa mahalagang pangyayari.
b. Opinion – tumatalakay sa mahalagang komentaryo.
c. Lathalain – tumatalakay sa katauhan, kawilihan at gawain ng
kinapanayam.
d. Kombinasyon – pinagsama-sama ang katangian ng lathalain at ng
nagbibigay kaalaman o kaya’y opinion.
o Piliin at bigyang halaga ang tala. Isulat lamang ang kawili-wiling
impormasyon ukol sa kinapanayam.
o Ayusin ang mga datos bago sulatin ang salaysay.
o Ipakita ang mga sipi o tuwirang sabi sa kinapanayam kung maaari.

MGA MUNGKAHI SA PAGSULAT NG PANAYAM

o Sundin ang ayos na baligtad na piramide (inverted pyramid)


o Simulan sa angkop na pamatnubay. Maaaring ito’y tuwirang sabi
(direct quotation) o di-tuwirang sabi (indirect quotation).
o Lagyan ng pang-ugnay (tie-in) sa pagitan ng pamatnubay at ng unang
talata ng katawan ng balita.
o Tiyaking maiugnay ang pamatnubay sa katawan ng balita.
o Ayusin ang katawan ng balita na nagbibigay kaalaman at ng opinion
sa magkasalit-salit na talata na tuwirang sabi at ng nagbubuod na
pangungusap (summary statement).
o Ang lathalaing pakikipanayam ay walang iisang kaayusang sinusunod
sapagkat ito’y nababatay sa kakanyahan ng kinapanayam at sa
pagiging orihinal ng tagapanayam.
o Huwag isama sa balitang isusulat ang mga tanong na ginamit sa
pakikipanayam maliban kung ang balita ay isusulat sa ayos TANONG
AT SAGOT.
o Gumamit ng “wika niya”, “aniya”, “ayon kay”, “ayon sa kanya”, atbp.
o Iwasang banggitin ang sarili maliban kung may mahigpit na dahilan.
o Iwasan ang paggamit ng “wika niya” at mga katumbas nito sa hulihan
ng talata.
o Gumamit ng running quotes kung kinakailangan.
o Gumamit ng ellipsis para maalis ang mga hindi kailangan o ang mga
kalabisan sa mga tuwirang sabi.

SANGGUNIAN

https://www.slideshare.net/SarahAgon/panayam-ppt
PAGSASANAY

GAWAIN

Pumili ng isang taong nais kapanayamin (guro, principal, opisyal ng


barangay, atbp) patungkol sa kanilang pagkamit ng tagumpay sa buhay.
Batay sa mga nakalap na impormasyon, gawan ito ng isang balita.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

You might also like