You are on page 1of 16

FIL 409 – Intro sa Pamamahayag

Iniulat ni :
Trizia May S. Dimaunahan
BSED 4A / FILIPINO
PANAYAM
 Isang pakikipagpulong ng kinatawan ng pahayagan sa
isang taong nais niyang kunan ng mga impormasyong
maiuulat o maipalilimbag.
 Isang pagtatanong upang makakuha ng impormasyon
tulad ng opinion, kaisipan o tanging kaalaman ukol sa
isang paksang nakakatawag ng kawilihan sa madla na
karaniwa’y nagmumula sa tanyag na tao o kilalang
otoridad na kinakapanayam.
MGA TAONG KINAKAPANAYAM:
1. Panauhing tagapagsalita 14. Panauhing tagapanayam
2. Resource person 15. Bagong guro
3. Bagong dating a guro buhat sa komvensyon o sa isang tanging pook
4. Isang gurong katatapos lamang ng M.A. o Ph.D.
5. Isang gurong katatapos lamang ng isang seminar, atbpa.
6. Isang magaling na manlalaro
7. Isang tagasanay ng laro
8. Pinakamagaling na mag-aaral sa lahat ng asignatura
9. Pinakamagaling na mag-aaral sa isang asignatura
10. Mag-aaral na may tanging kakayahan sa pagsulat
11. Mag-aaral na nagwagi sa isang patimpalak
12. Mag-aaral na galing sa ibang bansa (personal man o bilang isang opisyal na delegado sa isang
komperensiya o bilang isang iskolar
13. Isang matagumpay na alumnus.
LAYUNIN SA PAKIKIPANAYAM
Kumuha ng impormasyon, reaksyon, at/o
kurokurong kailangan sa paghahanda ng isang
bagay na ilalathala sa pahayagan.
Layuning pagtatampok
Layuning pantalambuhay
URI NG PAKIKIPANAYAM (AYON SA ANYO)
1. Pormal
• May ginagawang pakikipagtipan sa kakapanayamin sa isang takdang araw, takdang
oras at takdang lugar.
• Isang harapang pag-uusap ng reporter at ng kanyang kinakapanayam.
2. Di – Pormal
• Isang pakikipanayam na walang ginagawang pakikipagtipan sa isang
taong kakapanayamin.
• Tinatawag din itong ambush interview.
• Ito ay biglang pagtatanong sa mga taong kagagaling sa isang
mahahalagang pangyayari na nangangailangan ng pangmadlang
kabatiran.
URI NG PAKIKIPANAYAM (AYON SA LAYUNIN)

1. Pakikipanayam na Nagbibigay ng Kabatiran (Informative):


Isinasagawa upang makakuha ng impormasyon mula sa isang taong
may kinalaman sa bagong ideya, sa isang taong nakasaksi sa isang pangyayari
o sa isang taong maaring mapagkunan ng balita.
2. Opinyon (Opinion interview):
Isinasagawa upang makakuha ng komentaryo o opinion mula sa taong
bntog o kilalang otoridad.
3. Lathalain (Feature interview):
Pakikipanayam sa isang sikat na tao o sa isang taong may makulay na
karanasan upang makakuha ng kaalaman sa kanyang katauhan na magiging
kawili-wili sa madla.
URI NG PAKIKIPANAYAM (AYON SA LAYUNIN)
3. Pangkat (Group interview):
a. Natatanong na reporter (inquiring reporter type)
Iisa ang tanong na sinasagot ng mga kinakapanayam at sa
pasumalang (random) na pagtawag.
b. Simposyum (symposium)
Nagtatanong ang mga reporter ng mga magkaugnay na tanong sa
bawat kapanayam na inaakalang dalubhasa sa napiling larangang
pinaghanguan ng katanungan. Ang bawat kapanayam ay dalubhasa sa
kani-kanilang linya.
c. Pandiyaryo (Press interview)
Pakikipanayam ng maraming reporters sa isang taong kilala gaya
ng pangulo ng bansa o ng isang tanyag na dayuhan at iba pang may
kinalaman sa pambansang aktibidad.
MUNGKAHING HAKBANGIN SA PAKIKIPANAYAM

• Ihanda at balangkasing mabuti ang mga tanong batay sa layunin.


• Magsuot ng angkop na damit.
• Magdala ng notbuk at panulat.
• Magpakilala agad nang buong pamitagab at sabihin kung ano ang
pakay. (Huwag magpanggap.)
• Maging masigla at magkaroon ng tiwala sa sarili.
• Magtanong nang magtanong hanggang may maaaring itanong.
• Upang hindi kabagot-bagot ang pakikipanayam, ibaling ang pag-
uusap sa mga personal na hilig ng kinakapanayam.
MUNGKAHING HAKBANGIN SA PAKIKIPANAYAM
• Mainam na buo na sa isipan ang halos lahat ng mga itatanong.
• Huwag makipagtalo sa iyong kinakapanayam.
• Kumuha ng sapat na tala sa sinasabi ng kinakapanayam. (Kung tila maselan, gawin
ito pagkatapos ng usapan. Kung gagamit ng recorder, humingi muna ng
pahintulot. Huwag magpumilit kapag hindi pumayag at mas lalong huwag gawin
ng patago.)
• Magbigay ng pahiwatig na sana’y pahintulutan pang makabalik at muling
makaabala sa hinaharap.
• Huwag na huwag kalimutan ang magpasalamat bago umalis.
• Gawing tiyak ang mga katanungan at hindi yaong pangkalahatan.
• Maging alisto sa mga bago at di-inaasahang anggulong malilikha habang
nakikipanayam.
• Pamaraang salitaan ang gamitin sa pakikipanayam.
ANG PINAKAMABISANG PARAAN NG PAKIKIPANAYAM

• Kailangan malaman muna sa anumang paraan ang lahat


ng maaaring malaman hinggil sa taong kapapanayamin.
• Mahalagang malaman din ang hilig o libangan ng taong
kinakapanayam.
DALAWANG URI NG IMPORMANTE
1. Impormanteng lihim ang pangalan:
Imformanteng nagbibigay ng mga delikado o
maseselang impormasyon na maaaring maglagay sa
delikadong kalagayan sa kanya kung ilalantad ang
kanyang pangalan.
2. Impormanteng naglalantad ng pangalan:
Impormateng walang ibinibigay na impormasyong
delikado.
PANGANGALAGA SA IMPORMANTE
• Hindi dapat ibunyag ang pangalan ng isang taong
nagbigay ng isang mahalagang imformasyon sa isang
reporter.
• Huwag ilathala ang pangalan ng mga biktima ng
maseselang krimen.
• Huwag ilathala ang pangalan kung ang biktima o suspek
ay mga bata pa o wala pa sa legal na gulang.
PAGSULAT NG BALITANG BATAY SA PAKIKIPANAYAM
• Sulatin kaagad ang balita pagkatapos ng pakikipanayam.
• Pagpasiyahan kung anong uri ang susulatin:
a. Nagbibigay kaalaman – tumatalakay sa mahalagang
pangyayari.
b. Opinion – tumatalakay sa mahalagang komentaryo.
c. Lathalain – tumatalakay sa katauhan, kawilihan at gawain ng
kinapanayam.
d. Kombinasyon – pinagsama-sama ang katangian ng lathalain at
ng nagbibigay kaalaman o kaya’y opinion.
• Piliin at bigyang halaga ang tala. Isulat lamang ang kawili-wiling
impormasyon ukol sa kinapanayam.
• Ayusin ang mga datos bago sulatin ang salaysay.
• Ipakita ang mga sipi o tuwirang sabi sa kinapanayam kung maaari.
MGA MUNGKAHI SA PAGSULAT NG PANAYAM

• Sundin ang ayos na baligtad na piramide (inverted pyramid)


• Simulan sa angkop na pamatnubay. Maaaring ito’y tuwirang sabi (direct
quotation) o di-tuwirang sabi (indirect quotation).
• Lagyan ng pang-ugnay (tie-in) sa pagitan ng pamatnubay at ng unang
talata ng katawan ng balita.
• Tiyaking maiugnay ang pamatnubay sa katawan ng balita.
• Ayusin ang katawan ng balita na nagbibigay kaalaman at ng opinion sa
magkasalit-salit na talata na tuwirang sabi at ng nagbubuod na
pangungusap (summary statement).
• Ang lathalaing pakikipanayam ay walang iisang kaayusang sinusunod
sapagkat ito’y nababatay sa kakanyahan ng kinapanayam at sa pagiging
orihinal ng tagapanayam.
MGA MUNGKAHI SA PAGSULAT NG PANAYAM

• Huwag isama sa balitang isusulat ang mga tanong na ginamit sa


pakikipanayam maliban kung ang balita ay isusulat sa ayos TANONG AT
SAGOT.
• Gumamit ng “wika niya”, “aniya”, “ayon kay”, “ayon sa kanya”, atbp.
• Iwasang banggitin ang sarili maliban kung may mahigpit na dahilan.
• Iwasan ang paggamit ng “wika niya” at mga katumbas nito sa hulihan ng
talata.
• Gumamit ng running quotes kung kinakailangan.
• Gumamit ng ellipsis para maalis ang mga hindi kailangan o ang mga
kalabisan sa mga tuwirang sabi.
SALAMAT
SA
PAKIKINIG
Sanggunian : http://teknikalnafilipino.blogspot.com/2012/08/pointed.html

You might also like