You are on page 1of 3

GE1805

Ang Pinagmulan at Disenyo ng Balita

Ang Pakikipanayam
Ang interbyu o pakikipanyam ay isang uri ng sining kung saan mayroong tanong at sagot sa pagitan ng
tagapagbalita at pinagkukuhanan ng impormasyon. Ang pamamaraang ito ay kasing luma na ng mismong
pamamahayag. Isang Amerikanong propesor ng pamamahayag, si John Brady, na nagsasabing ang
pakikipanayam ay “isang sining ng pagkuha ng tiwala, at pagkuha ng impormasyon.”

Mga Uri ng Pakikipanayam


 Pormal – Ito ay madalas nagaganap matapos ang ilang nakatakdang pagkikita ng magsasagawa ng
panayam at ang kakapanayamin. Ito ay maaaring harap-harapan o di kaya’y gumamagamit ng
sagutang papel kalakip ang mga tanong para sa kakapanayamin. Ang kakapanayamin ay marapat na
alam na ang ideya at paksa ng interbyu upang mapaghandaan niya ang kaniyang sagot.

 Impormal – Ito ay isang pakikipagsapalarang na makakuha ng sagot mula sa gustong makuhanan ng


impormasyon. Ito rin ay tinatawag na “ambush” interbyu kung saan sinasalubong at hinaharang nila
ang kanilang pagkukuhanan ng impormasyon. Ito ay kilala rin sa tawag na “on-the-spot-news.”

Mga Paraan ng Pakikipanayam

Getting away from the pack – Ang isang beteranong mamamahayag ay hindi makukuntento lamang sa mga
nakuhang impormasyon at nababasa sa naiabot na babasahin. Bagkus, siya ay lalayo sa iba pang mga
mamamahayag upang mga makakalap ng iba pang impormasyon at reaksiyon sa mga opisyal na mga pahayag.
Ang ganitong uri ng mamamahayag ay nagsisikap na makakuha ng ibang anggulo o pananaw upang
makapagbigay ng ibang aspeto ng istorya.

Hard-nosed questioning – Ang ganitong uri ng pangangalap ng impormasyon ay kadalasang ginagawa ng


mga mamamahayag na may matagal ng karanasan sa pagbabalita. Sila ay nagtatanong ng mga nakakahiya
ngunit importanteng mga tanong na naglalayong maisiwalat ang mga katotohanan sa isang istorya. Sa paraang
ito, ang pagtatanong ay marapat na sensitibo, di nakapananakit o gamitin sa pananakot.

Hypothetical Question – Ang kadalasang mga pinagkukunan ng impormasyon ay hindi labis at masigasig
magbigay ng kanilang sagot sa mga hypothetical na mga tanong dahil ayaw nilang magamit ang mga ito laban
sa kanila.

Uncooperative Sources – May ilang mga mapagkukuhanan ng impormasyon na hindi nakikipagtulungan sa


mga mamamahayag. Upang matugunan ang kanilang pangangailangan ng maayos na pagbabalita, mas pinipili
nilang gumamit ng “reliable sources” bilang pagprotekta sa pangalan ng mga nakapanayam.

Mga Uri ng Istorya sa Pakikipanayam


1. Factual stories
2. Feature or personality stories
3. Biographical stories

Mga Payo para sa Mabisang Pakikipanayam


Ang mga pamamaraan sa pag-iintebyu ay nag-iiba-iba ayon sa mamamahayag. Narito ang mga ilan sa mga
payo:
 Laging maging handa. Sa lahat ng panayam, maging pormal o impormal man, kailangan maging
handa sa pamamagitan ng pagdadala ng magagandang tanong. Ito rin ay nangangahulugan ng
pagkakaroon ng sapat na impormasyon ukol sa taong iyong kakapanayamin at sa isyung inyong
tatalakayin.
 Unahing itanong ang mga mahahalagang katanungan. Ito ay may katotohanan sa mga –on-the-
spot o “ambush” na panayam sapagkat hindi sapat ang oras. Bigyang prayoridad kung ano ang unang
ibibigay na tanong.

03 Handout 1 *Property of STI


 student.feedback@sti.edu Page 1 of 3
GE1805

 Hintayin ang iyong kakapanayamin, huwag hayaang ang iyong kakapanayamin ang maghihintay
sa iyo. Ito ay kadalasang ginagawa sa mga panayam na may ibang appointment.
 Huwag makikipagtalo sa iyong pinagkukuhanan ng impormasyon. Ang iyong layunin ay para sa
iyong istorya. Hayaang magsalita ang iyong kinakapanayam.
 Itago ang pansariling pagkiling sa iyong sarili lamang. Kung mayroon kang personal o politikal na
paghatol ukol sa isyung inyong pinag-uusapan, sarilinin na lamang ito. Kung hindi, ang iyong istorya
may magiging iyong sariling pananaw ukol sa isyu at hindi sa iyong kinapanayam.
 Laging alalahanin na ikaw ay isang mamamahayag. Kung kaibigan mo ang kakapanayamin mo,
maaari kayong maging kaswal ngunit bigyang limitasyon ang inyong pagkakaibigan at
propesyonalismo.
 Magbayad. Kung ikaw ang nag-imbita sa iyong kakapanayamin sa isang restawran, ikaw ang marapat
na magbayad ng pagkain o ng inumin. Mas igagalang ka ng iyong kakapanayamin. Hindi ka rin
maoobliga na isulat lamang ang panig ng iyong nakapanayam.
 Ang pagpapahayag ng iyong saloobin ay mahalaga. Alamin kung paano gamitin ang iyong facial
expression ng tama. Kung alam mo na ang iyong kinakapanayam ay nagkukunwari o di kaya’y
nanloloko, maaari mo siyang komprontahin (gamit ang facial expression) ngunit marahan lamang upang
hindi siya mapahiya.
 Tiisin ang kinakapanayam. Kung ang iyong kinakapanayam ay nakaiinip, huwag ipakita ang hindi mo
pagiging komportable sa kaniya. Kung hindi na matiis, maaaring paikliin ang panayam sa maaayos na
paraan o hindi kaya’y magbigay ng dahilan upang matapos na ang panayam.
 Maging magalang. Maging magalang sa iyong kinakapanayam. Tandaan na ikaw ay humihingi ng
pabor sa kaniya. Alalahanin na ang kinakapanayam ay nagbibigay ng oras para mapagbigyan ang
iyong hiling.
 Alamin kung kailan mo maaaring ipakilala ang iyong sarili. Maaari kang magpakilala agad sa iyong
kakapanayamin ngunit hindi dapat ipinagmamalakai ang iyong posisyon o trabaho sa pahayagan.
Sapat na malaman ng iyong kakapanayamin na hindi ka impostor.
 Siguraduhin na mai-record ang inyong panayam. Maaari mo itong gawin gamit ang pagsulat ng
lahat ng kaniyang sasabihin o di kaya’y gamit ang audio recorder. Kung ang iyong kinakapanayam ay
ayaw sa audio recorder, maaaring isulat na lamang ang kaniyang sasabihin, siguraduhin lamang na
makuha ang mga importanteng impormasyon at kotasyon na kaniyang sasabihin.

Newspaper Style Sheet

Ang hindi pabago-bagong istilo ay mahalaga para sa isang mahusay na pagkakaayos ng isang diyaryo. Ang
bawat diyaryo ay marapat na magkaroon ng style sheet na naglalaman ng lahat ng mga alituntunin na marapat
na maingat sundin ng buong patnugutan.

Sumangguni sa halimbawang style sheet sa 03 Handout 2.

Newspaper Design

Layunin ng ayos at disenyo ng diyaryo


 Ang ayos ay marapat na i-organisa ang mga balita.
 Ang ayos ay marapat na lumikha ng nakaaakit na pahina.
 Ang ayos ay marapat na hindi pabago-bago sa uri ng kuwento.
 Ang ayos ay marapat na interesante, at madula, kung posible.
 Ang ayos ay marapat na sumalamin sa kasalukuyang pangyayari.

Responsibilidad ng isang Patnugot


 Sabihin sa mga mambabasa kung ano ang pinakamahahalagang kuwento.
 Tulungan ang mga mambabasa na sundan ang mga kuwento simula sa isang kolum patungo sa iba
pang kolum.
 Tulungan ang mga mambabasa na malaman kung saang pahina itinuloy ang isang istorya at kung saan
ito makikita.

03 Handout 1 *Property of STI


 student.feedback@sti.edu Page 2 of 3
GE1805

 Tulungan ang mga mambabasa na malaman kung ano ang mga kuwento na may kaugnayan sa mga
istoryang kanilang binabasa.
 Tulungan ang mga mambabasa na malaman kung ano ang mga larawang kaugnay ng anong kuwento.
 Tulungan ang mga mambabasa na alamin kung saan nagtapos ang mga kuwento at kung saan
nagsimula ang mga bago.
 Panatilihin ang mga mambabasa na patuloy na basahin ang mga mahahabang kuwento.
 Gawing interesante ang buong pahina.
 Tulungan ang mga mambabasa na may limitadong oras na mahanapa ang kanilang hinahanap na
kuwento.

Mga Pangkaraniwang Elemento ng Disenyo sa Pahayagan ng Balita

 Type – Ang typefaces ay ang iba’t ibang uri ng teksto na ginagamit sa isang publikasyon na pinili mula
sa laki o liit ng type o di kaya’y ang espasyong ginamit

 Columns – Ito ay mga batayang parilya sa isang pahina. Ang bilang ng kolums ay tukoy na maliban sa
espesyal na mga pahina na kadalasang hinahawakan ng mga nakapagsanay na desayner.

 Standing features – Ang unang pahina ng pang-araw-araw na diyaryo, magasin, o website, ay


mayroong nameplate sa itaas na bahagi na nagdadala ng pangalan ng papel na may iisang istilo ng
typeface.

 Content – Ito ay ang nilalaman ng balita.

 Graphic Elements - Ito ay mga larawan o iba pang uri ng teksto na nagtataglay ng mas malalaki at
kakaibang istilo (font).

Pagsulat para sa mga Mambabasa


 Alamin kung sino ang mga mambabasa bago simulan ang pagsulat ng artikulo o kuwento.
 Aralin ang gustong nilalaman ng mambabasa.
 Gamitin ang kanilang mga jargons.

Pinagkuhanan:
Malinao, A. (2011). Journalism for Filipinos. Mandaluyong: National Bookstore.

03 Handout 1 *Property of STI


 student.feedback@sti.edu Page 3 of 3

You might also like