You are on page 1of 13

Editoryal o Pangulong Tudling

● Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan sa kahalagahan ng isang


napapanahong pangyayari upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o
makalibang ng mambabasa.

Ayon kay Cruz (2003),


● isang pinag-aralang kuro-kuro batay sa isang tunay na pangyayari.
● isang komentaryong nagpapayo, nagtuturo, pumupuri, o bumabatikos tungko
sa kahalagahan ng isang pangyayari.
● paninindigan ng buong patnugutan ng pahayagan

Ayon kay Alkuino (2008)


● isang akdang nagbibigay ng kuru-kuro ng patnugutan ukol sa napapahong
isyu.
● ipabatid ang mga patakaran at prinsipyo ng pahayagan.
● magpabatid, magpakahulugan, bumatikos, tumuligsa o humikayat sa
mambabasa upang pumanig sa prinsipyo nito.
● nag-iimpluwensya at humuhulma ng pampublikong opinyon.

Ayon kay Magsino (2006),


● itinuturing na kaluluwa ng isang pahayagan
● pitak kung saan ang kuru-kuro, opinyon, at paninindigan ng manunudling ay
inilabas.

Layunin ng Editoryal
● Magpabatid
● Magpakahulugan
● Pumuna
● Pumuri
● Magpahalaga sa Natatanging Araw
● Manlibang
● Magturo
● Manuligsa
Katangian ng Editoryal
● May kapangyarihang humikayat
● Kawili-wili at maliwanag ang pagpapahayag
● Makatarungang pangangatwiran at pagpapasya
● May kaiklian at hindi masalita
● Iisang paksa lamang ang tinatalakay
● Hindi nagmumura, nangangaral o nagsesermon.

Mga Uri ng Pangulong Tudling


1. Editoryal na Nagpapabatid (Editorial of Information)
● Ipinaalam ang isang pangyayari sa layuning mabigyang-diin ang
kahalagahang iyon o mabigyang linaw ang ilang kalituhang bunga ng
pangyayari.
● hindi hayagang nagbibigay ng pangwakas na pasya o kuru-kuro.
● Hindi ito tumutuligsa, hindi nakikipagtalo.
● Ang tanging layunin ay upang mabigyan ng kabatiran.

2. Editoryal na Nagpapakahulugan (Editorial of Interpretation)


● Nagpapaliwanag ng kahalagahan o kahulugan ng isang pangyayaring
napabalita o ng isang kasalukuyang ideya, kalagayan o katayuan.
● binibigyan ng katuturan ang mga isyu
● ipinapakita ang mga taong may kaugnayan sa pangyayari at ng kanilang
layunin.
● nagbibigay ng mungkahi tungkol sa maaaring kahihinatnan.

3. Editoryal na Nakikipagtalo (Editorial of Argumentation)


● nagbibigay rin ng impormasyon at interpretasyon
● ang tanging layunin ay ang hikayatin ang mambabasa upang pumanig sa
kanyang ideya o paniniwala.

4. Editoryal na Namumuna (Editorial of Criticism)


● hawig sa editoryal na nakikipagtalo
● kapwa inihaharap ng sumulat ang mabuti at masamang
● katangian ng isang isyu.
● Tinatalakay niya ang magkabilang panig sa kabila ng katotohanang
ipinagtatanggol niya ang isa sa mga ito.

5. Editoryal na Naghihikayat (Editoryal of Persuasion)


● nagbibigay rin ng kahulugan, nakikipagtalo at namumuna.
● Subalit ang binibigyang-diin ay ang mabisang panghihikayat.

6. Editoryal na Nagpaparangal o Nagbibigay-Puri (Editorial of Appreciation,


Commendation, or Tribute)
● Pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa
● nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang taong namayapa, na may
nagawang kabutihan
● sa isang bayani sa araw ng kanyang kapanganakan o kamatayan.

7. Editoryal na Nagpapahayag ng Natatanging Araw (Editorial for Special


Occasion)
● may kalakip ding pagpapakahulugan
● ipinaliliwanag ang kahalagahan ng mga tanging okasyon tulad ng Pasko

8. Editoryal na Panlibang (Editorial of Entertainment)


● hindi karaniwang sinusulat at bihirang malathala
● ang layunin ay makalibang
● sinusulat sa paraang ‘di pormal, masaya, sentimental at karaniwang maikli
lamang.

9. Editoryal na Nagsasaad ng Panagano (Mood Editorial)


● Bihira ring isinusulat ito.
● Kalimitang pinapaksa ay ang kalikasan.
● Nagpapahayag ito ng Pilosopiya.
● Hindi nakikipagtalo; Hindi nagpapaliwanag.

10. Editoryal na Bakasan (Pooled Editorial)


● sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba’t ibang paaralan
● sabay-sabay na nilathala sa kani-kanilang mga pahayagan.
11. Editoryal na Batay sa Tahasang Sabi (Editorial Liner)
● layner ay isang pangungusap/isang talatang tungkol sa isang pangyayari o
balita
● nasusulat sa paraang masaya, mapanukso, o di-pormal, batay sa kung ano
ang hinihingi ng paksa.
● Inilalagay sa katapusan ng tudling pang-editoryal
● pangungusap ng isang dakilang tao.

Mga Bahagi ng Editoryal

Panimula (Introduction)
● Balitang batayan (newspeg) o ipotesis (hypothesis)
● Reaksyon sa balitang batayan o ipotesis.

● Mga uri ng Panimula:


○ Pagtatanong
○ Payak na Paglalahad ng paksa
○ Pagsasalaysay ng isang pangyayari o isang insidenteng may
kaugnayan sa paksa
○ Pagsisipi
○ Kapansin-pansing panimula
○ Paglalahad ng kuru-kuro o sang-ayon sa paksa
○ Paglalahad ng mungkahi o tagubilin tungkol sa paksang binigyan ng
kuro-kuro.

Katawan ng Editoryal (Body)


● naglalahad ng mga tala, ideya o paninindigan laban o sang-ayon sa paksa.

Pangwakas o Konklusyon (Conclusion)


● Ito ay maaaring isang pagpapatibay sa kuru-kuro, mga tagubilin o mga
mungkahi.
● Mga uri ng Wakas:
○ Pagbibigay hula
○ Pagmumungkahi
○ Pagsasaad aksyon
○ Panggulat
○ Pagtatanong

5 hakbang sa paghahanda at pagbabalangkas:


1. Magkaroon ng isang tiyak na paksang tatalakayin, isang paksang kawili-wili sa
mambabasa.
2. Magkaroon ng isang tiyak na layunin sa pagsulat ng tatalakayin paksa. Ang
layuning ito ay kailangang makilala sa simula pa lamang.
3. Likumin ang mga talang mahalaga sa tatalakaying paksa.
4. Suriin at unawain ang suliranin.
5. Isipin ang paraang gagamitin upang akitin ang mambabasa.

Mga Tuntuning Dapat Sundin sa Pagsulat ng Editoryal


1. Kawili-wiling panimula na maikli lamang upang akitin ang mambabasa.
2. Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan
3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip ay:
a. Gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang
simulain,
b. Gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba,
c. Gumamit ng magkatulad na kalagayan at
d. Banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan.
4. Tapusin nang naaangkop.
5. Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang mga panimula at ang
pangwakas.
6. Gawing maikli lamang.
7. Huwag mangaral o magsermon (No preaching). Ilahad lamang ang katwiran
at hayaan ang mambabasang gumawa ng sariling pagpapasya.
8. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat: kaisahan (Unity), linaw
(clarity), pagkakaugnay-ugnay (coherence), at diin (emphasis).
9. Iwasan ang editoryal na “tayo” (editorial “we”)
10. Sulatin nang payak lamang.

Mga Katanungang Pansubok sa Kahusayan ng Editoryal


1. Angkop ba sa anyo at istilo sa nilalaman at sa layunin?
2. Naisakatuparan ba ang layunin?
3. Pinag-isip ba ang mambabasa?
4. Malinaw ba, tiyak at payak ang pagkakasulat?
5. Kapapansinan ba ng sapat na kaalaman, at malinaw at makatwirang
pag-iisip?
6. Ito ba ay matapat?
7. Maiikli ba ang mga talata?
8. Mahalaga ba ang paksa sa mga mambabasa?
9. Ang balitang panimula ba ay makatotohanan at di artipisyal?
10. Nailalahad ba ang mga paksa sa paraang hindi nangangaral?

BIONOTE
● Maikling paglalarawan ng manunulat gamit ang ikatlong panauhan na
madalas ay inilalakip sa kanilang mga naisulat.
● Makikilala ang tao sa likod ng isang akda o proyektong nais ipakilala sa
iba.
● Maaaring ito ay sariling isinulat o isinulat ng ibang tao. Mahalagang
maglaman ng mahahalagang impormasyon o datos.
● Upang maging tumpak ang datos, kinakailangan ang intensibong
pananaliksik. Mainam na paraan ang pakikipagpanayam.
● Piliin lamang ang mga mahahalagang impormasyon
● Isinusulat ng patalata

Mga Mahahalagang Impormasyon


● Personal na Impormasyon
○ pangalan
○ pinagmulan
○ edad
○ buhay kabataan hanggang kasalukuyan
● Kaligirang Pang-edukasyon
○ paaralan
○ degri
○ karangalan
● Ambag sa Larangang Kinabibilangan
○ kontribusyon
○ adbokasiya

Mga Katangian ng Isang Mahusay na Bionote


1. Maikli ang nilalaman
● isulat lamang ang mahahalagang impormasyon sa wasto, malinaw at
direktang paraan.

2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw


● Upang mapanatili ang pormalidad
● Maiwasan ang payabang na tono ng pagsusulat.

3. Kinikilala ang mambabasa


● matugunan ang pangangailangan ng mga mambabasa o “target market”.
● upang mas mabigyang-diin ang kwalipikasyon at kredibilidad ng isang
manunulat.

4. Gumagamit ng baliktad na tatsulok


● Unahin ang pinakamahalaga
● Isunod ang mahalagang impormasyon
● Ihuli ang di-gaanong mahalaga

5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian


● Piliin lamang ang mga kasanayan at katangiang angkop sa layunin ng iyong
bionote.

6. Binabanggit ang degri kung kinakailangan


● Kung may PhD sa Antropolohiya, halimbawa, at nagsusulat ng artikulo
hinggil sa kultura ng Ibanag sa Cagayan, mahalagang isulat sa bionote
ang kredensyal na ito.

7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon tama at totoo ang mga


impormasyong ilalagay.
● Kinokondena ang pag-iimbento ng impormasyon sapagkat hindi ito etikal
Gamit ng Bionote ayon kay Levy (2005),
● Aplikasyon sa trabaho
● Paglilimbag ng mga artikulo, aklat at blog
● Pagsasalita sa mga pagtitipon
● Pagpapalawak ng network propesyunal

Bionote (Tala ng Buhay)


● isang impormatibong talata
● naglalahad ng mga kwalipikasyon ng awtor
● kredibilidad bilang isang propesyunal.
● Ang kahusayan ng bionote ay nakasalalay sa pagsasalubong ng nais
iparating ng sumulat.

Talambuhay (Biography)
● Pagsasalaysay ng buhay ng isang tao mula sa kaniyang pagsilang
hanggang sa kamatayan.

Curriculum Vitae
● Mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay “course of life”.
● nagsasaad ng work history
● buod ng mga kasanayang may kaugnayan sa ina-aplayang trabaho o
posisyon at
● karaniwang ginagamit sa akademiko.

Biodata
● Hinihingi ang personal na impormasyon
● pangalan, edad, petsa at lugar ng kapanganakan, tangkad, timbang at
marami pang iba.

Sanaysay
● ay isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin,
kuro-kuro o kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o
naoobserbahan.
○ TATLONG URI NG SANAYSAY
■ Personal na Sanaysay
● tungkol sa mga nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita
o naoobserbahan.
■ Mapanuri o Kritikal na Sanaysay
● tungkol sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa
kanyang nakikita o naoobserbahan.
■ Patalinhagang Sanaysay
● tungkol sa mga kasabihan o sawikain.

● Maaari ring maging pormal o impormal ang isang sanaysay.


○ Sa pormal, mas seryoso ang paksa
○ sa impormal mas magaan ang paksa.
● Anyo na matibay na batayan sa pagsulat ang sanaysay
○ naglalaman ng paglalarawan, paglalahad, pagsasalaysay, at
pangangatuwiran.
● Akademikong sulatin ay nagiging matagumpay sa paraan ng pagdiskurso
rito.
○ Bawat akademikong sulatin ay may angkop na paraan upang
maisakatuparan.

SAYSAY NG SANAYSAY SA MGA HALIMBAWANG AKADEMIKONG SULATIN


● Ang kasanayan sa pagbuo ng sanaysay ay daang matibay sa paglikha
ng akademikong sulatin.
● Para kay Alejandro G. Abadilla, Ama ng Makabagong Tulang Tagalog,
○ ang sanaysay ay nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.
○ Nagmula sa dalawang salita: sanay at pagsasalaysay.
○ tumutukoy sa mga taong may kasanayan sa pagsasalaysay o
pagkukuwent
● Ang isang sanaysay ay
○ nagpapahayag ng kapana-panabik at napapanahong paksa
○ upang magbigay ng opinion, reaksyon, saloobin, kaisipan at pananaw.
○ Mahalaga ang ugnayan ng panimula, katawan, at wakas
○ Mahalaga na makapili ng angkop na paksa,
○ mayroong mga salitang akma sa paksa at mambabasa
○ ipinahahayag ang pananaw sa tulong ng masinop na pananaliksik

ANG REPLEKTIBONG SANAYSAY


● Uri ng akademikong sulatin na nangangailangan ng sariling perspektibo,
opinyon, at pananaliksik sa paksa.
● Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at
damdamin sa isang partikular na pangyayari.
● Madalas ay kuwento ng mga karanasan sa mga bagay na natututuhan o
napagbulayan.
● Mga personal na realisasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aral na
mapakikinabangan
ng sarili sa hinaharap at posible ring maging gabay sa iba.
● Nais na suriin ang sarili upang matiyak na lumalago ang kaalaman,
karanasan, at saloobin na makadaragdag sa kalipunan ng karanasan ng
isang manunulat.
● Pagbabalik-tanaw at pagsusuri sa mga pangyayari batay sa personal na
karanasan.
● Pag-iisip ng mga naging epekto sa sarili ng personal na karanasan.

Ito ay isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na


karanasan at sinusuri ang naging epekto ng mga karanasang iyon sa
manunulat. Maaaring lamanin nito ang kalakasan at kahinaan ng manunulat.
Isinasalaysay at nilalarawan din ng manunulat kung paano napaunlad ang
kanyang mga
kalakasan at kung paano napagtagumpayan o balak pagtagumpayan ang mga
kahinaan.

Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay


● Panimula
○ pagpapakilala sa paksa
○ mahalagang mapukaw kaagad ang interes ng mambabasa.
● Katawan
○ naglalaman ng pagtatalakay sa obserbasyon, reyalisasyon, at
pagkatuto mula sa dating karanasan o nabasang paksa.
● Wakas
○ nag-iiwan ng kakintalan o kaisipan sa mga mambabasa.
○ Tinatalakay ang mga ambag ng sanaysay sa pagpapabuti ng katauhan
at kaalaman para sa lahat.

Mga dapat isaalang-alang sa pagsusulat ng Replektibong sanaysay


● Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis.
● Isulat sa unang panauhan ang replektibong sanaysay.
● Mahalagang magkaroon ito ng patunay o patotoo.
● Gumamit ng pormal na mga salita.
● Sundin ang tamang estruktura (panimula, katawan at wakas)
● Gawing lohikal at organisado.

LAKBAY SANAYSAY
● Kilala rin sa Ingles bilang “Travel Essay”
● pinanggalingan mula sa mga pinuntahan o “nilakbayang” mga lugar.
● detalyeng pagsasalaysay ng mga karanasan kaugnay sa lugar na
pinuntahan.
● ibinabahagi ang mga karanasan, mabuti man o masama.
○ Maglibang
○ Pook na pinuntahan
○ Tumukla ng mga bagay-bagay
Layunin
● Maitaguyod ang isang lugar na karaniwang ang lugar na pinuntahan ng
manlalakbay.
● Gumawa ng gabay para sa mga Maaring manlalakbay
● Pagtatala ng Sariling kasaysayan sa paglalakbay na kabilang dito ang
Espiritwalidad, pagpapahilom, o pagtuklas sa sarili.
● Pagdodokumento ng kasaysayan, kultura, at heograpiya ng isang lugar
sa malikhaing pamamaraan

Pictorial Essay
● tinatawag din photo essay.
● sining na nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng
mga larawan
● sinusundan ng mga deskripsiyon o kapsiyon.
● Larawan at teksto ang pangunahing sangkap nito.
● Pinagsamang photograpiya at wika ang pictorial essay.
● Naglalaman ang larawan ng iba’t ibang pagpapakahulugan kung
lalapatan ito ng iba’t ibang lente ng pagdiskurso. Sa hilig nating kumuha ng
larawan
● Mas maraming material ang magagamit upang maging lunsaran ng
akademikong pagsulat.
● Maaaring bigyan ng angkop na sanaysay upang ipabatid ang kuwento o
salaysay habang, bago, at pagkatapos ng pagkuha ng larawan. Ang mga
larawan sa nakalimbag sa magasin, poster, pahayagan, brochure, at iba pa
ay bukas rin upang bigyan ng angkop na pagpapaliwanag.
● Madalas inuumpisahan sa simpleng paglalarawan hanggang marating
ang mas malalim na diskurso upang ilahad ang layunin ng larawan,
pangatuwiranan ang nakikitang argumento o tunggalian, at isalaysay ang
mensahe at iba pang detalye ng larawan.

Ang tamang proseso o pagkakasunod-sunod sa pagsulat ng pictorial essay


● Pumili ng paksang tumutugon sa paksang hinihingi.
● Isaalang-alang ang mga mambabasa.
● Tiyakin na ang larawang gagamitin ay tutugon sa iyong layunin.
● Kumuha ng maraming larawan.
● Piliin at ayusin ang mga larawan sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
● Isulat ang teksto sa ilalim o tabi ng bawat larawan.

Bisa ng sanaysay sa:


Paglikha ng replektibong sanaysay, lakbay-sanaysay at pictorial essay
● Makatotohanang impormasyon upang:
● Maglahad
● magsalaysay
● Maglarawan
● mangatuwiran
● manghikayat

● Hindi lamang sanay sa pagsasalaysay ang maaaring makagawa ng isang


komprehensibo at epektibong sanaysay.
● Ang husay sa paghahanap ng tamang impormasyon, malawak na
karanasan, at bukas -isip na pagtanggap sa iba’t ibang bagay ay mahalaga
sa paggawa ng sanaysay o akademikong sulatin upang maging matibay na
gabay.
● Sanayin ang sarili sa pamamagitan ng patuloy na pagsusulat at
pangangalap ng mga mahahalaga at tamang impormasyon upang makabuo
ng isang tiyak na komprehensibo at epektibong sanaysay.

You might also like