You are on page 1of 10

PAGFIL NOTES

✧.*second grading

ARALIN 1 & 2 - AGENDA, MEMORANDUM, at


KATITIKAN NG PULONG

AGENDA
- Listahan ng mga tatalakayin sa isang pormal na pagpupulong.
- Layunin nito ay bibigyan ng ideya ang mga kalahok sa paksang tatalakayin at mga usapin
nangangailangan ng atensyon.

Kahalagahan ng AGENDA
- Masisguro takbo nang maayos ang pagpupulong.
- Ang lahat na ng kalahok ay patungo sa isang direksyon
- Mabilis matapos ito kung alam ang lahat na lugar na pagdarausan, oras ng pagsisimula,
mga kailangan talakayin, at mga maaaring kalabasan ng pulong.

Nilalaman ng AGENDA
1. SAAN o KAILAN idaraos ang pagpulong? ANO oras matatapos?
2. ANO-ANONG mga layunin ng inaasahang matamo sa pulong?
3. ANO-ANONG mga paksa o usapin ang tatalakayin?
*mga paksang madalas tinatalakay sa isang pagpupulong na balangkas din ng karaniwang
agenda;
- Pag-abruba sa katitikan ng nakaraang pagpupulong (minutes of the meeting).
- Mga isyu o usapin sa katitikan ng nakaraang pagpupulong na kailangang linawin o wasto.
- Regular na report.
- Mga pangunahing puntong tatalakayin.
- Iba pang bagay na nais pag-usapan.
- Petsa ng susunod na pagpupulong.
4. SINO-SINO ang lalahok sa pagpupulong?

Mga Hakbang ng AGENDA


● MAGPADALA NG ISANG MEMO
● ILAHAD SA MEMO NA KAILANGAN NILANG KUMPIRMAHIN
● GUMAWA NG BALANGKAS NG MGA PAKSANG TATALAKAYIN
● IPADALA ANG SIPI SA MGA TAONG IDADALO
m

MEMORANDUM
- “Memorandum est” na ibig sabihin sa ingles ay “it must be remembered”
- Uri ng komunikasyon sinusulat at ginagamit upang mahatid ng mga mensahe o katalas
- Naaayon sa internal or panloob at inter-branch
- Pinakaaktibong anyo ng korespondensiya

Ayon kay Webster, ito ay isang anyong pasulat na maikling note na sinulat para ipaalam o
ipaalala ang isang bagay;
- Isang record gaya ng pangyayari upang magamit sa hinaharap.
- Isang impormal na komunikasyon gaya ng pang-opisina.
- Isang maikling pasulat ng pahayag ng pagkakasunduan ng isang kontrata o transaksyon

KORESPONDENSIYA OPISYAL
● Korespondensiya - komunikasyon sa pamamagitan ng palitan ng mga nakasulat na liham

Uri ng Korespondensiya
● Personal na Korespondensiya
- Ipinapaalam natin sa ating mga kaibigan, kamag-anak at iba pang mahal sa buhay ang
ating nararamdaman at iniisip

● Korespondensiya Opisyal o business correspondence


- Ang nasa opisina o nasa iba pang lugar ng pagtatrabaho ay nagsusulat din at tumatanggap
sa kanilang araw-araw na transaksiyon

Kahalagahan ng Korespondensya Opisyal:


● Madali at epektibong na paraan pagpapahatid ng impormasyon.
● Nakatutulong sa pagpapanatili ng ugnayan.
● Ginagamit ito upang lumikha at magpatag ng ugnayan.
● Nagsisilbing permenteng rekord at ebidensya.
● Nakatutulong sa paglago sa kompanya.

KATITIKAN NG PULONG
- Ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon
- Ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng tagapangulo ng lupon
- Maaaring gawin ng kalihim, typist o reporter sa korte
- Maaaring maikli at tuwiran o detalyado

Kahalagahan ng KATITIKAN NG PULONG


- Naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong
- Nagsisilbing gabay upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-usapan o pangyayari
sa pulong
- Maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng panahon
- Ito'y magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong.
- Ito'y batayan ng kagalingan ng indibidwal

Nakatala sa katitikan ang mga sumusunod:


● Paksa ● Pook na pagdarausan ng pulong
● Petsa ● Mga taong dumalo at di- dumalo
● Oras ● Oras ng Pagsimula
● Oras ng pagtatapos (Sa bandang huli)
*Mahalagang Ideya: Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa pagsulat ng katitikan ng
pulong. Kailangang pairalin ang talas ng pandinig, bilis ng pagsulat, at linaw ng pag-iisip.
Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
Bago ang Pulong
● Ihanda ang sarili bilang tagatala.
● Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat
● Maaaring gumamit ng lapis o bolpen, papel, Laptop o tape recorder.
Habang Nagpupulong
● Magpokus sa pag-unawa sa pinag-uusapan at pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon
● Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos.
*TANDAAN: Hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong. Nagsusulat nito
upang ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong, hindi ang irekord ang bawat sasabihin
ng kalahok.
Pagkatapos ng Pulong
● Repasuhin ang isinulat
● Kapag tapos nang isulat ang katitikan, ipabasa ito sa mga namuno sa pulong para sa mga
hindi wastong impormasyon.
● Mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali itong
matukoy sa pagrerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong.
● Tingnan kung wasto ang baybay ng salita, bantas atbp.
● Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos ang pinal na kopya. Magtabi ng
kopya sakaling may humiling na repasuhin ito sa hinaharap.

ARALIN 3 - POSISYONG PAPEL


POSISYONG PAPEL
- pagtalakay sa napapanahong pinagtatalunang isyu
- Isang sanaysay na naglalahad ng opinyon hinggil sa isang isyu o paksa
- Kritikong pag-aanalisa ng mga impormason, datos at mga literatura na makikita sa
pananaliksik
- Maihahalintulad din ito sa isang debate, bagaman may tiyak na pinapanigan ang
manunulat nito. Samakatuwid, ang ganitong uring akademikong sulatin ay nagnanais na
ipakita ang opinyon o tindig ng isang tao sa partikular na isyu o usapin.

Katangian ng POSISYONG PAPEL


● Pormal at organisado ang pagkasunod-sunod na ideya
Layunin ng POSISYONG PAPEL
● naglalayong ipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito ay. nagtatakwil ng kamallan na
hindi tanggap ng karamihan.
● Makumbinsi ang mga mambabasa na ang sinasabi ay katanggap-tanggap at makatwiran.

Bahagi ng POSISYONG PAPEL


1. Introduksyon/ Panimula
● Sa bahaging ito karaniwang ipinapahayag ang paksa o isyung tatalakayin sa kabuuan ng
papel
● Ipinapakita rito ang pangkalahatang pagtingin sa usapin upang maunawaan ng
mambabasa ang nais na ipahayag ng posisyong papel.
2. Katawan
● Naglalaman ng mga pangunahing pahayag na sumusuporta sa. piniling panig
● Dito rin mailalatag ang mga ebidensyang nagpapatibay sa tindig.
● Maipaliliwanag din dito ang mga termino o konseptong maaaring bago para sa
mambabasa.
3. Konklusyon
● muling binabalikan ang pangkalahatang paksa at ipinapahayag ang mga dahilan kung
bakit higit na dapat Kilingin o paniwalaan ang piniling posisyon
● Kalimitang ang huling pahayag ang siyang nag-iiwan ng “sipa” sa mga mambabasa.

Mga Hakbang Sa Pagsulat ng POSISYONG PAPEL


1. Pagpili ng Paksa
● Napapaligiran tayo ng napakaraming mga isyu at usapin kaya dapat naisa-alang-alang
kung tunay o lehitimo ang paksa, malawak ang saklaw, may kailangang pagtalunan,
nararapat bang pumili ng panig at kung sapat ba ang kakayahan sa pagsasaliksik.

2. Pananaliksik para sa Argumento


● Bagaman may opinyon na sa piniling panig, kinakailangan pa rin ang masusing
pananaliksik upang maging higit na matingkad ang tindig sa usapin.
● Karamihan sa mga ito ay matatagpuan na sa mga silid-aklatan at maging sa internet.

3. Pagpili sa Posisyon at Pagsasaalang-alang sa Mambabasa


● Sa pagtitimbang ng pipiliing posisyon, dapat na isaalang-alang ang interes ng
mambabasa.
● Dapat makita ang layunin na gustong matamo sa posisyong papel.
● Magkakaroon lamang ng katuparan o bisa ang posisyon kung may mahihikayat o
mapag-isip man lamang ang nagbasa.
4. Pagsulat at pagrebisa ng burador

5. Pagsulat ng aktwal na papel

Halimbawa ng Posisyong Papel

ARALIN 4 - REPLEKTIBONG SANAYSAY


REPLEKTIBONG SANAYSAY
- “mapagmuning sanaysay“
- isang pagsasanay sa pagbubulay-bulay.
- Sa pamamagitan nito, natutuklasan ang sariling pag-iisip, damdamin, o opinyon tungkol
sa isang paksa, pangyayari, o tao, at kung paano naaapektuhan ng mga ito.
- Bukod dito, ang pagsulat ng repleksibong sanaysay ay isang gawain humahamon sa
mapanuring pag-iisip
- maaaring nasa anyo ng personal na sanaysay, Lahok sa dyornal, diary, reaksyong papel,
learning log.
- Hindi katulad ng ibang uri ng sanaysay, hindi gaanong limitado ng kumbensiyon ang
repleksibong sanaysay kaya naman marami ang nasisiyahan sa pagsulat nito.

Kahalagahan ng REPLEKTIBONG SANAYSAY


● Hinahasa nito ang kasanayan sa metacognition o ang kakayahang suriin at unawain ang
sariling pag-iisip
● ito ang pag-iisip sa kung ano ang iniisip natin sa pamamagitan ng metacognition,
nalilinang ang mga estratehiyang gagamitin upang matamo ang mga inilatag na layunin.
● Hindi ito katulad ng trial-error na estratehiya na nagdudulot ng paulit-ulit na pagkakamali
na humahadlang sa pagkamit ng mga layunin.
● magiging mas mabisa ang pagkabuo mula sa sariling karanasan kung lalangkapan ito ng
repleksiyon [Di Stefano, Gino, Pisano, at Staats (2014)]
● Pinakita nila ang repleksibong gawain ay makapangyarihang mekanismo sa pagkatuto.
● Sinangayunan nila ang mga pahayag ng Amerikanong Pilosopo, Sikologo at Edukador na
si John Dewey: “Hindi tayo natututo sa karanasan… natututo tayo sa pagbubulay sa ating
karanasan.”

Mga hakbang sa pagsulat ng REPLEKTIBONG SANAYSAY


1. Pumili ng paksang naranasan o dinanas ng isang malapit na tao sa iyo.
2. Tiyakin ang tuon ng isusulat na sanaysay
3. Umisip ng panimula ng sanaysay na tiyak na makakukuha ng atensyon ng mambabasa o
pupukaw sa kanyang interes.
4. Ilarawan ang naging karanasan.
5. Maging kongkreto sa mga paglalarawan at paglalatag ng mga pangyayari.
6. Pag-isipang mabuti kung paano ka nabago ng karanasan/pangyayari.

MAHALAGANG PAGKATUTO
Nagsusulat tayo ng repleksibong sanaysay hindi lamang upang magpahayag ng saloobin at
ipaalam sa iba ang ating pananaw o opinyon tungkol sa isang paksa, bagkus nagsusulat tayo nito
upang tayain at suriin ang sarili nating pag-iisip, damdamin at kilos. Bagaman masasabing
personal ang sulating ito, kailangan pa rin nitong sumunod sa mga alituntunin ng pagsulat ng
akademikong akda, tulad ng organisasyon at kaisahan ng mga ideya, wastong grammar at gamit
ng bantas, paggamit ng mga makatotohanang ebidensya bilang suporta sa mga personal na
pahayag, at iba pa. Sa pagsulat ng repleksibong sanaysay, mahalaga ang katapatan sa sarili ng
manunulat.

ARALIN 5 - PICTORIAL ESSAY


PICTORIAL ESSAY o PICTORIAL NA SANAYSAY
- Isang komposisyon binubuo ng mga larawan
- Kadalasan ang mga litrato ay isinasalaysay ang mga totoong pangyayari tulad ng isang
sanaysay
- Kronolohikal o tematikong pagkakasunod-sunod ng mensahe
- Pagsasama ng malikhain at journalistic na kakayahan
- Larawan ay bahagi ng kabuuang naratibo, tema, at damdamin
Uri ng PICTORIAL ESSAY
1. Naratibong Pictorial Essay
- Tungkol sa isang kwento
2. Tematikong Pictorial Essay
- Tungkol sa isang paksa

Elemento ng PICTORIAL ESSAY


● Paksa
- Interesadong topiko
● Kuwento o Naratibo
- Isipin na kahit walang teksto o konteksto, mauunawaan pa rin ang mga larawan
● Larawan/ Litrato
- Puso ng pictorial essay
- Magbigay ng pov sa isyu
- Pagkasunod-sunod dapat ito
● Caption
- Maikli at impormatibo

Uri ng Larawang maaaring ilakip sa PICTORIAL ESSAY


● Lead Photo
- Interesadong topiko ● Close-up Photo
● Portrait - Magbigay ng tutok o pokus sa isang
- Mukha o ulo hanggang balikat partikular na elemento o eksena
● Establishing/ over-all photo ● Signature photo
- Malawak na angulo - paglalagom/ tema
● Interaction photo ● Clincher photo
- May nangyari - Mag-iiwan ng sipa sa mga mambabasa
● Detail photo - Maaaring ilagay ang huling emosyon
- Isang tiyak na bagay

ARALIN 6 - LAKBAY SANAYSAY


LAKBAY SANAYSAY
- isang uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay
- hindi lang ito tungkol sa paglalarawan ng mga lugar o tao.
- natuklasan ng manunulat tungkol:
- sa lugar na pinuntahan
- mga taong nakasalamuha niya
- tungkol sa kanyang sarili.
- Ayon kay O’Niel, 2015:
- hindi diary, Hindi ito rekord o simpleng pagdudugtong-dugtong ng mga
pangyayari
- Ang sulatin ay dapat malinaw na pagkaunawa at perspektiba tungkol sa naranasan
habang naglalakbay
- hindi basta lamang isusulat ang lahat ng nakita, nalasahan, narinig, naamoy,
naramdaman, o naisip sa paglalakbay.

Tungkol saan o kanino ang Lakbay-Sanaysay?


● LUGAR. Ang tuon dito ay sa lugar na pinuntahan. Sa pamamagitan nito mas nakikilala
ang pinaggalingan bilang nakikita ang hindi karaniwang hindi nakikita, naaamoy ang
hindi naaamoy o iniiwasang amuyin, nalalasahan ang matagal ng hindi nalalasahan. Sabi
nga ng maraming manlalakbay, kailangang lumayo upang lubos na makilala ang
pinanggalingan.
● IBANG TAO.
○ Kamusta ang mga tao sa iyong pinuntahan?
○ Ano-ano ang mga nagustuhan at inayawan mo sa kanila?
○ Katulad ba sila ng mga Pilipinong Palangiti, magalang at magiliw sa mga
panauhin?
○ Ano ang katangi-tangi sa kanila? Anong karansan mo na kasama sila ang hindi
mo malilimutan?
○ Sino-sino ang mga nakasama mo sa paglalakbay? Sila ba ay kapamilya, kaibigan,
kasintahan o katrabaho?
● IYONG SARILI.
○ Paano ka kumilos sa lugar na yong pinuntahan?
○ Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili?
○ Paano ka nabago ng iyong paglalakbay?
○ Ano-ano ang mga bagay na ginawa mo na karaniwan mong hindi ginagawa?
○ Ano ang natutuhan mo sa pagpunta sa ibang lugar?
○ Paano mo naimpluwensiyahan ang iyong paglalakbay ang iyong pananaw sa
buhay?
○ Ano-ano na ang mga pinahahalagahan mo ngayon?

Paano mo isusulat ang mga naging karanasan sa paglalakbay?


Maaaring gumamit ng mga elemento ng katha upang bigyan ng buhay ang sulatin.
Makakatulong ang paggamit ng mga hanito sa pagbibigay ng kulay sa sanaysay.
- Diyalogo
- Ritmo
- Imahen
- mga eksena
Siguraduhin ang sumusunod:
● Wasto ang facts at huwag mag-imbento
● 1st pov, ngunit tiyaking magiging diary ang lakbay-sanaysay bago isulat
● Planuhin ang organisasyon ng sanaysay bago isulat.
● Huwag limitahan ang paglalarawan at pagbibigay impormasyon.
● Maaring simulan sa isang maikling anekdotang naglalatag sa pangkalahatang tono ng
mensahe nito.
● Tiyaking nahahatak ang atensiyon ng mambabasa.
● Magsimula agad sa pangyayaring maaaring bumingwit sa interes ng mambabasa
● Huwag simulan ang sanaysay, halimbawa, sa pagsakay sa bus o sa eroplano

Mga Maaaring Pagkunan ng Paksa para sa Lakbay-Sanaysay

● Kung nakatira sa lungsod, pinakamadaling bisitahin ang mga lalawigang nakapaligid


dito.
● Kung taga-lalawigan naman, maaaring maghanap din ng mga pook na hindi kadalasang
pinupuntahan ng mga turista o ng bisita.
● Gawin ding paksa ng lakbay-sanaysay ang mga taong nakasalamuha sa paglalakbay.
● Maaari mong ikwento ang mga “ hindi kaaya-ayang” karanasan tulad ng manakawan o
mga nagmamahal ang presyo ng serbisyo.
● Tikman ang pagkaing natatangi sa lugar na binisita.Tandaang may taglay na kultura ang
uri ng pagkain sa isang lugar.
● Magtanong-tanong sa mga local na residente upang mabisita ang mga pook na hindi
gaanong nakikita.

Good luck!

You might also like