You are on page 1of 4

Memorandum

-ito ay isang kasulatang nagbibigay


kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin o utos
-dito nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting o pulong
-Ito ay merong Ulo at katawan

Agenda
-Talaan ng mga paksang tatalakayin (ayon sa pagkakasunod-sunod) isang pormal na pagpupulong.
-Nakasaad din dito ang mga aksiyon o rekomendasyong inaasahang pag-usapan sa pulong
-Ibinibigay sa mga kalahok ilang araw bago ang pagpupulong

Katitikan ng pulong
-Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong. Isinusulat dito ang tinatalakay sa pagpupulong
ng bahagi ng adyenda. Nakasulat din kung sino-sino ang dumalo, anong oras nag simula at nag wakas ang
pagpupulong gayundin ang lugar na pinagganapan nito. Ito ang nag sisilbing tala ng isang malaking organisasyon
upang maging batayan at sanggunian ng mga bagay na tinatalakay.

REPLEKTIBONG SANAYSAY (REFLECTION PAPER)


-Nangangailangan ng sariling perspektibo, opinion, at pananaliksik sa paksa. Isa itong masining na pagsusulat
na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang particular na pangyayari.

LAKBAY-SANAYSAY TRAVELOGUE SANAY-LAKBAY


-Isang sanaysay na tumatalakay sa mga natuklasan ng manunulat mula sa kanyang kinalulugaran, hindi
lamang paglalarawan ng kanyang paglalakbay.
-Ayon kay Carandang (2015), ang travelogue ay uri ng creative non-fiction, feature o literary journalism na
pangunahing nauukol sa paglalakbay o pagliliwaliw.
-Layunin nitong maipahayag ang damdaming nabuo habang naglalakbay.

Pictorial Essay
Isang uri ng sulatin na gumagamit ng mga larawan sa paglalahad ng isang paksa at ito ay nilalagyan din ng kapsyon.

II
Mga Paraan sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay Ayon sa KARANASAN
-Magbulay-bulay at balikan ang mga pangyayari sa buhay na humubog sa iyong pagkatao
-Alamin ang mga karanasan na nakaapekto o nagkaroon ng kabuluhan sa buhay
-Ipaliwanag kung paano nakaapekto ang iyong sariling karanasan at pilosopiya upang mahubog ang sarili sa
positibong aspeto
-Talakayin sa kongklusyon ang kinahinatnan ng repleksyon

Mga Paraan sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay Ayon sa NABASA


-Matapos maunawaan ang isang nabasa, gumawa ng balangkas ukol sa mahahalagang punto.
-Tukuyin ang mga konsepto at teorya na may kaugnayan sa paksa sapagkat makatutulong ito sa kritikal na pagsusuri.
-Ipaliwanag kung paano nakaapekto ang iyong sariling karanasan at pilosopiya sa pag-unawa sa binasa.
-Talakayin sa kongklusyon ang kinahinatnan ng repleksyon

Mga Paraan sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay Ayon sa NAPANOOD


-Talakayin ang mga pangyayaring nagustuhan batay sa emosyon na lumtang habang pinapanood ang isang
video.
-Maaari ring ilagay ang paghahambing ng napanood sa sariling karanasan.
-Talakayin sa kongklusyon ang kinahinatnan ng repleksyon.

Mga Konsiderasyon sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay


1. Pagkalap ng datos at mga bagay na kailangang gamitin.
2. Pagandahin ang panimulang bahagi (introduksyon).
3. Pagtalakay sa iba’t ibang aspeto ng karanasan.
4. Ang kongklusyon ay dapat na magkaroon ng repleksyon sa lahat ng tinalakay.
5. Kinakailangan malinaw na mailahad ng manunulat ang kanyang punto upang lubusang maunawaan ng mga
mambabasa.
6. Rebyuhin ng ilang ulit ang repleksyon.

Dapat gawin sa pagsulat ng Agenda


-Sabihin ang mga dapat dumalo
-Buuin ang agenda na naglalaman ng tatalakaying paksa at ng mangunguna
-ipakita sa mga ngunguna kung sinangayunan ang nabuong agenda
-Tignang mabuti kung may dapat pang iwasto sa agenda
-ipamigay ang agenda sa mga dumalo

Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng agenda


-Tiyakin ang bawat dadala sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga agenda
-Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa
-Manatili sa iskedyul ng agyenda ngunit maging flexible kung kinakailngan. Sundin ang itinakdang oras sa
pagtatalakay ng paksa.
-Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng agyenda. Maglagay ng palugit o sobrang oras.
-Ihanda ang mga kakailnganing dokumento kasama sa agyenda.

Hakbang sa Pagsasagawa ng pulong


-Pagbukas ng pulong(opening the meeting)
-Paumanhin(apologies)
-Adaptasyon sa katitikan ng nakaraang pulong
-Paglilinaw mula sa katitikan ng nakaraang pulong
-pagtatalakay sa mga lihim
-pagtatalakay sa mga ulat
-pagtatalakay sa agenda

Mga dapat Tandaan sa pagsulat ng Lakbay-Sanaysay


-Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista
-Sumulat sa unang panauhang punto de-bista
-Tukuyin ang pokus ng susulating Lakbay-sanaysay
-Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawanpara sa dokumentasyon habang naglalakbay
-Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay

Mga Hakbang Kung Paano Makasusulat ng Isang Lakbay-sanaysay:


1. Pag-isipang mabuti kung ano ang layunin ng travelogue.
2. Habang naglalakbay, magsulat ng mga nakikita, lugar at pinuntahan, at mga taong nakasalamuha.
3. Kumuha ng larawang magpapakita ng kabuuan ng paglalakbay.
4. Magkaroon ng panahon upang rebyuhin ang mga naging tala.
5. Lumikha ng outline para sa travelogue.
6. Matapos makumpleto ang outline, sumulat ng may pagkamalikhain ang travelogue.

Hakbang sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay


-Intindihin ang tanong o paksa ng essay
-Brainstorming at pagsulat ng gabay
-Isulat ang sanaysay gamit ang gabay
-Siguradohin may magandang panimula at pangwakas
-Basahin muli at iwasto kung may mali

Mga Mungkahi Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


-Tiyakin ang Paksa
- Gumawa ng panimulang saliksik.
- Bumuong posisyon o paninindigan batay sa inihanay na mga katuwiran.
- Gumawa ng mas malalim na saliksik
- Bumuo ng balangkas
- Sulatin ang posisyong papel
- Ibahagi ang posisyong papel

Posisyong Papel
- Ang posisyong papel ay isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa
makabuluhan at napapanahong isyu. Naglalaman din ito ng mga katuwiran o ebidensya para suportahan ang paninindigan. Bukod
sa paninindigan at katuwiran ng sumulat, mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at mga katuwiran ng kataliwas o katunggaling
panig. Karaniwang maikli lamang ang posisyong papel, isa o dalawang pahina lamang, upang mas madali itong mabasa at
maintindihan ng mga mambabasa at mahikayat silang pumanig sa paninindigan ng sumulat ng posisyong papel.

III
Pumili ng sariling posisyon ukol sa paksang “Pag-alis ng Takdang-aralin sa mga Paaralan.” Maglahad ng limang.
pangangatuwiran/ punto na magpapatibay sa napiling posisyon. Isulat ang mga kasagutan sa inilaang patlang.

Colored stationary para sa memorandum


Pink o Rosas – request o order na nanggaling sa purchasing department
Puti- pangkalahatang kautusan, direktiba o impormasyon
Dilaw o Luntian – marketing at accounting department

Natatanging uri ng sanaysay


Pasalaysay, Naglalarawan, Kritikal, Nagpapaalala, Editoryal, Maka-siyentipiko at mapag-isip

Posisyong papel
- Ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso.

Essayer
-Nagmula ang salitang sanaysay sa salitang Pranses na ito na ang ibig sabihin ay “sumubok” o “tangkilikin.”

Kasaysayang ng Sanaysay
-Mula noong panahon ng sinauna, ang unang lumabas at siyang pinag-ugatan ng sanaysay ay ang ETHICS na isinulat ni
Aristotle at CHARACTERS ni Theoprastus. Ang mga ito ay nagsilbing inspirasyon sa mga sumunod na mananaysay. Ang
dalawang material na ito ay naglalarawan ng iabat ibang katangian ng tao: mabait, mapanlinlang, galante, madaldal, mareklamo,
at iba pa.
- Subalit ang kinilalang unang naglabas ng pormal na sanaysay ay si MICHAEL DE MONTAIGNE. Siya ang
nagpakilala ng salitang ESSAY bilang isang anyong pampanitikan nang pinamagatan niyang ESSAIS ang kalipunan ng mga
kaisipan, opinion, pananaw at damdamin na kanyang isinulat
EssayerA ng kalkulasyon ng mga guguguling gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto.
Francis Bacon
-ayon sa kanya, ang sanaysay ay isang kasangkapan upang isatinig ang maikling pagbubulay at komentaryo sa buhay.
Alejandro Abadilla
-Ayon sa kanya, ang salitang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
Itoy akdang pampanitikang nasa anyong paglalahad.
Essayer
-Nagmula ang salitang sanaysay sa salitang Pranses na ito na ang ibig sabihin ay “sumubok” o “tangkilikin.”

Di-pormal na sanaysay
-inatawag din itong pamilyar o personal na sanaysay. Nagbibigay diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng maykatha.

Pormal na sanaysay
-uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu.

Panukalang proyekto
-Ang panukalang proyekto ay isang proyekto na iminumungkahing isagawa dahil nakitang kinakailangan ng pagkakataon.
-Upang makamit ang inaasam, kinakailangan kung minsan ang paghingi ng tulong na pinansyal para maisagawa ang isang
proyekto.
-Ang pagbuo ng isang panukala ay hindi basta-basta. Ito ay nangangailangan ng ibayong pagpaplano at pananaliksik dahil dapat
na mapatunayan nito ang kahalagahan ng pagsasagawa ng proyekto.
-Napakahalaga na maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng proyekto.

Heading
-ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran. Makikita rin ditto ang petsa, ang
lokasyon at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
Action items
- kasama sa bahaging ito ang mga hindi pa natapos o nagawang proyekto bahagi ng nagdaang oylong
Pagtatapos
- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong

Layunin ng panukala
-Naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala

Ito ang panauhang ginagamit sa pagsulat ng replektibong sanaysay.


A. Una B. Ikalawa C. Ikatlo D. Ikaapat
Ito ang panauhang ginagamit sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.
A. Una B. Ikalawa C. Ikatlo D. Ikaapat

You might also like