You are on page 1of 3

BAHAGI NG PANANALIKSIK

PRELIMINARYONG PAHINA- ang mga pahinang nasa unahan ng teksto.


 Fly Leaf 1- ito ang pinakaunang pahina ng pananaliksik. Walang naksulat na kahit ano sa pahinang ito.
 Dahon o Pahina ng Pamagat- ito ang pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pananaliksik.
 Dahon ng Pagtanggap- ito ang pahina na kumukumpirma sa sa pagtanggap ng tagapayo.
 Dahon o Pahina ng Pagpapatibay- ito ang pahinang kumukumpirna sa pagkakapasa ng mananaliksik at
pagkatanggap ng mga panel.
 Pasasalamat - Sa pahinang ito tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o
institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel at kung gayo’y nararapat pasalamatn o
kilalanin
 Dedikasyon- (opsyunal) sa pahinang ito tinutukoy ng mananaliks ang mga tao na pinaghahandugan niya ng
kaniyang isinagawang pananaliksik.
 Talaan ng Nilalaman- Dito nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong-papel
at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
 Talaan ng Pigura- dito nakatala ang bawat pamagat ng pigura/figyur na ginamit sa pananaliksik.
 Talaan ng Talahanayan/Graf- Dito nakatala ang bawat pamagat ng bawat talahanayan ato grap na nasa
loob ng pamanahong papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa
 Talaan ng Apendiks/ Dahong Dagdag- dito nakatala nang maayos ang pamagat ng mga dahong dagdag
 Abstrak – tumutukoy ito sa talatang nagbubuod ng kabuoan ng isang pananaliksik. Ito ay kabuoang nilalaman
ng papel, nandirito ang pangunahing kaisipan ng bawat kabanata sa pananaliksik.
 Fly Leaf 2- ito ang pinakahuling blangkong pahina sa isang pananaliksik.

KABANATA I- PANIMULA/ SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

 Kaligiran Nito/ Sandigan ng Pag-aaral- ito ay isang maikling talatang kinapapalooban ng pangkalahatang
pagtalakay ng paksa ng panananaliksik
 Teoritikal na Balangkas- Tumutukoy ito sa kaugnay na teorya sa isinagawang pananaliksik.
 Konseptwal na Balangkas- Ipinaliwanag ni Kerlinger (1973) na konseptwal na balangkas na kailangan sa
isang sulating pananaliksik ay tumutukoy sa set ng magkakaugnay na konsepto, kahulugan at proporsyon na
nagpapakita sa sistematikong pananaw ng penomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon o kaugnayan ng
mga baryabol sa paksang pag-aaralan.
 Paglalahad ng Suliranin- dito nilalahad ang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik ng
paksa ng pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong.
 Haypotesis- ito ay prediksyon na binubuo kaugnay ng kalalabasan ng pag-aaral.
 Kahalagahan ng Pag-aaral- dito inilalahad ang signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng
pag-aaral.
 Sakalaw at Delimitasyon ngPag-aaral- tinutukoy dito ang simula at hangganan ng pananaliksik
 Operasyunal na Kahulugan- dito itinatala ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang
bawat isa’y binibigyang kahulugan

KABANATA II- MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


 Tinutukoy dito ang kaugnay na literature o babasahing may kaugnay sa pananaliksik.
 Dito tinutukoy kung sino-sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o literartura , disenyo ng pananaliksik na
ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral.
 Dito ipinaalam ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay kanyang paksa.
 Bago at nailimbag sa loob ng huling sampung taon.
 Piliting gumamit ng lokal at dayuhan Katangian: obhektibo o walang pagkiling; nauugnay o relevant sa pag-aaral;
at sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami

KABANATA III- METODOLOHIYA- ito ang mga bahaging tumatalakay sa prosesong sinusunod upang
maisakatuparan ang pananaliksik.
 Disenyo ng Pag-aaral- Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Halimbawa
Deskriptib-analitik – isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga salik o factors
na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
 Lokal ng Pag-aaral- tumutukoy ito sa lugar kung saan isasagawa ang pag-aaral.
 Target na Populasyon- tumutukoy ito sa bilang ng mga respondente na gagamitin sa pag-aaral.
 Mga Respondente- Kung ilan sila at paano at bakit sila ang napili.
 Instrumento sa Pangangalap ng Datos- Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap
ng mga datos at informasyon. Sa bahaging ito, maaaring mabanggit ang intervyu o pakikipanayam, pagko-conduct
ng sarvey at pagpapasagot ng sarvey-kwestyoneyr sa mga respondente bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling
paraang aplikable sa isang deskriptiv-analitik na disenyo.
 Pangkalahatang Pamamaraan- nakasaad sa bahaging ito ang kabuoang hakbang at pamamaraan kung
paano isinagawa ang pananaliksik.
 Istadistikong Paglapat-  Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga
numerical na datos ay mailarawan. Sa pamanahong-papel, sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan
matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyuneyr ng mga respondente. 
KABANATA IV- PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON- Ito ang pinakamahalagang bahagi ng
pananaliksik dahil inilalahad dito ang mga resultang natuklasan sa pag-aaral. Sa bahging makikita ang resulta sa mga
isinagawang sarbey.

KABANATA V
LAGOM- binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensibong tinatalakay
sa Kabanata III.
 KONKLUSYON- mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon at impormasyong nakalap ng
mananaliksik.
 REKOMENDASYON- mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik.
TALASANGGUNIAN
 A. Aklat
 B. Mga Dyornal
 C. Mga Nalathalang Tesis
 D. Mga Di- nalathalang Tesis
Mga Dahong Dagdag
 Talatanungan
 Talahanayan ng Kompyutasyon
 Talahanayan ng Ispiskasyon
 Liham Pahintulot
 Sertipiko ng Statiscian
 Sertipiko ng Tagabasa

ANG PAGSULAT
 Ayon kay Mabelin (2012), ang pagsulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan
ng mga bumasa at babasa ssapagkat ito ay maaaringpasalin-salin sa bawat panahon.
Layunin NG PAGSULAT
 Ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. Una, ito ay maaaring
personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan,
naiisip, o nadarama ng manunulat. Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng
kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang halimbawa
nito ay ginagawa ng mga manunulat ng sanaysay, maikling kuwento, tula, dula, awit, at iba pang akdang
pampanitikan.
 Pangalawa, ito naman ay panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnaysa ibang
tao o sa lipunan na ginagalawan. Ang ibang halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham, balita, korespondensiya,
pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa.
 Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benipesyo na maaaring makuha sa
pagsusulat:
1. Mahahasa ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong
paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinisagawang imbestigasyon
o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang kaisipan sa pamamagitan ng mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa
paglatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan ng mag-aaral at makikilatis ang mahahalagang datos na
kakailanganin sa pagsulat.
5. Maaaliw sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng
kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagbibigay pagpapahalaga ng paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda.
7. Malilinang ang kasanayan sa pagkalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa
akademikong pagsusulat.
Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat
 Wika- Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at
iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat. Dapat matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling
maunawaan sa uri ng taong babasa ng akda. Nararapat magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak na
paraan
 Paksa- Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto
ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
 Layunin- Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
 Pamaraan ng Pagsulat- May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat
batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat.
1. Kasanayang Pampag-iisip- Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos
na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang
makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.
2. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat- Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng
sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong
pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kasipan upang
makabuo ng isang mahusay na sulatin.
3. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin- Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at
impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at masining na
pamamaraan ang isang komposisyon.
Mga Uri ng Pagsulat
 Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) Pangunahing layunin nito ay mahatid ng aliw, makapukaw ng
damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwang bunga ito ng ating malikot na
imahenasyon o kathang-isip lamang.
 Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng
isang pag-aaral na kailangan lutasin ang isang problema o suliranin.
 Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing) Ito ay kaugnay sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak
na larangang natutuhan sa paaralan lalo na sa pagawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o
bokasyon ng isang tao.
 Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) Ito ay tungkol sa sulating may kaugnayan sa pamamahayag.
Mahalagang ang mga taong sumusulat nito ay maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at
makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa kasalukuyan na kanyang isusulat sa pahayagan, magasin, o kaya
naman ay iuulat sa ardyo at telebisyon.
 Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing) Layunin ng sulatin na mabigyang pagkilala ang mga pinagkunang
kaalaman o impormasyon sa paggawa ng koseptong papel, tesis, at disertasyon.
 Akademikong Pagsulat (Academic Writing) Ito ay isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay
naktutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larang. Ito ay may sinusunod na partikular
na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pangangatuwiran. Layunin nitong maipakita ang
resulta ng pagsisiyasat o ginagawang pananaliksik.

Paraan ng Pagsulat

Pamaraan ng Pagsulat- May limang paraan ng pagsulat upang mailahad angkaalaman at kaisipan ng manunulat
batay na rin sa layunin o pakay sapagsusulat.
a. Paraang Impormatibo- Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagongimpormasyon o kabatiran sa mga
mambabasa.
b. Paraang Ekspresibo-Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sarilingopinyon, paniniwala, ideya,
obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak napaksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.
c. Pamaraang Naratibo-Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento omagsalaysay ng mga pangyayari batay sa
magkakaugnay at tiyak napagkakasunod-sunod.d. Pamaraang Deskriptibo- Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay
maglarawan ngkatangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita,naririnig, natunghayan,
naranasan at nasaksihan.Ito‟y maaaring obhitibo atsubhetibo.
d. PamaraangArgumentatibo-Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mgamambabasa. Madalas ito ay
naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapatpagtalunan o pag-usapan.

You might also like