You are on page 1of 21

BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 1

Kabanata I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

(Maaari niyo po ilagay dito ang rasyunal at naging layunin ng pananaliksik sa huling

bahagi sa anyong patalata)

PAGLALAHAD NG SULIRANIN:

Ang pag-aaral na may pamagat “ “ ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod:

(nakadepende po sa inyo kung paano niyo po isasagawa ang introduksyon sa bawat

bahagi ng pananaliksik.

1. Ano ang pamantayan ng pagpili ng teksto ng mga gurong nagtuturo ng Pagbasa

at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik?

BALANGKAS TEORETIKAL

(Naglagay lamang po ako ng halimbawa)

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang, “Mungkahing Pamantayan sa Pagpili

ng Teksto Tungo sa Pagpapaunlad ng Kamalayang Glokal at Transpormatibong

Pagtuturo ng Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik”. ay

gagamit ng Teoryang Panlipunang Transpormasyon ni Peter F. Drucker at Teoryang


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 2

Transpormatibong Edukasyon ni Jack Mezirow gayundin, ang tiyak na tuon sa

Tranpormatibong Pagtuturo ni George M. Slavich.

Kinakatawan ng panitikan ang mga realidad ng lipunan kung saan ang wika ay

gumaganap bilang kapangyarihang nagbibigay kamulatan at kamalayan. May kamulatan

at kamalayan sa panitikan dahil dala-dala ng wika nito ang mga diskursong karaniwang

pinangingilagan ng takot, alinlangan, pagsasantabi, at pagkalimot. Hinahamon ang

mambabasa na kilalanin ang pagka-sino at pagka-tayo. Hanapin ang espasyo ng

pagkakilanlan at kaakuhan na mangyayari lamang sa pamamagitan ng aktibong

pagtingin, pagdinig, at pakikisangkot sa mga diskurso at relasyon ng kapangyarihan.

(Reyes, 2014)

Mula sa pagsusuri ng mga panitikan ayon sa kabuluhang panlipunan ng mga ito,

makikita ang mga preliminaryong diskurso. Ang pakikipagtalastasan at kolaboratibong

gawain ng mga mag-aaral ay makapaglilinang sa kritikal na pagtingin sa lipunan.

Buhat dito, makapaghuhubog ng mga mag-aaral na may kultural na sensibilidad

at panlipunang responsibilidad. (Foucault, 1969)

Ayon kay Drucker (1994) sa kaniyang pag-aaral na “The Age of Social

Transformation”, kinakailangan na pag-isipan ang layunin, halagahin, at nilalaman ng

edukasyon. Dapat na maging malinaw ang depenisyon ng kalidad na edukasyon at

produktibidad ng edukasyon na masusukat lamang sa pamamagitan ng relasyon ng isa’t

isa.

Ibig sabihin, ang kapasidad ng nilalaman at pagganap ay kinakailangan na aktibo

at sistematikong nagtutulungan. Masasabing kung malalim at kritikal ang pag-iisip ng


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 3

mag-aaral nagiging malalim ang kaniyang kaalaman. Sa ganitong sitwasyon, tumataas

ang produktibidad o pagganap ng isang mag-aaral dahil esensyal ito sa pagkilos. Sa

kabilang banda, kung may angking kakayahan ang isang mag-aaral na maging

produktibo subalit may kakulangan sa nilalaman, hindi magiging kalidad ang pagganap.

Binigyan diin ito na ang kasanayan sa pagbasa ay hindi madaling

matamo. Kung kaya ay tungkulin ng bawat guro ang paglinang ng mga

magagandang kaisipan ng bawat mag-aaral na maganyak silang basahin ang

tekstong wala pa silang interes basahin. Malawakang pag-unawa sa teksto ang

unang dapat isaalang-alang sa pagbabasa. (Gannaban, 2013)

Kung magkagayon, dapat na makita ng tagapagpadaloy at tiyak na pagganap sa

mga ito dahil ito ay usapin ng pagganap at pagpapalaganap.

Ayon nga kay Mezirow (1997), bukod sa transpormatibong layunin ng edukasyon

ay kinakailangan ding makita sa usaping ito ang iba’t ibang mga pangangailangan at

hamon sa pagtuturo. Ang teoryang ito ay naglalarawan sa kondisyon at tiyak na

pagpoproseso para sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa layuning ang

pagkatuto ay mas magkaroon ng kaugnayan na siyang transpormasyong pangkaalaman

na pinatutungkulan sa loob nito.

Narito ang ilan sa mga paglalarawan sa loob ng teorya:

a. Ang proseso ng pagiging kritikal sa pag-alam sa kung paano at bakit ang sarili ay

siyang nagiging dahilan sa pagkilos; at

b. Ang paraan ng pag-iisip, pag-unawa, at pag-alam sa kung ano ang mundo sa

patuloy na nagbabagong ekspektasyon na ang lahat ay para sa lahat, may hindi


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 4

pantay na pagtingin, napag-iisa ang pananaw at huli ay makabuo ng desisyon na

muling maintindihan ang bagong kaalaman.

Makikita na ang transpormatibong edukasyon ay pagtahak sa mas mataas na

proseso ng pag-alam sa tipo ng mataas na pagkato sa oras na ang mga mag-aaral

ay magkaroon ng koneksyon sa kaniyang pag-aaral at naging karanasan.

Pinatotohanan ito sa mukha ng teoryang Transpormatibong Pagtuturo na

isinagawa ni Slavich (2006), ito ay pinakahulugan bilang hayag na ekspresyon at di-

hayag na ekspresyon para sa layuning pagpapataas ng mga batayang konspetong

pangnilalaman sa pag-aaral habang nagagaganap ang transpormasyon sa kanilang

pag-uugali, pamamaran, paniniwala at kakayahan.

Nagaganap ang proseso ng pagkatuto dahilan sa ito ay dinamikong lumilinang

sa relasyon sa pagitan ng guro, mag-aaral gayuindin, sa inilatag na bahagi ng

batayang kaalamang pampagkatuto na siyang paraan upang magkaroon sariling

pag-unlad.

Dagdag pa niya, ang teoryang ito ay ginamit para ilarawan ang paniniwala na

ang mga tagapagturo ay may kakanyahan na magpasimula ng makabuluhang

pagbabago sa buhay ng mga mag-aaral kung makikita nila ito bilang bahagi at

instrumentong danas sa patuloy na pagbabago at siyang karanasan nagbibigay

balidasyon sa danas ng mga mag-aaral.

Malinaw ding ipinakita ni Slavich na kapagka ang pagtuturo ay mahusay na

nabigyang implementasyon mula sa iba’t ibang gawaing pampagkatuto na ibinibigay

ng guro ay magkakaroon hindi lang ng pagbabahagi ng kaalaman bagkus


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 5

pagkakaroon ng tiyak na pagbabago na siyang patuloy na magagamit ng mga mag-

aaral sa pag-aaral at pamumuhay.

Sa kabuuan, ang masinsinan at kritikal na pagbasa ng babasahin bilang teksto

ay nakapaglilinang sa kalidad ng kaalaman. Ito ang nagbibigay kamalayan sa mga mag-

aaral hinggil sa panlokal at pandaigdigang isyu o usapin. Nagiging kritikal ang mag-aaral

sa pagsipat ng pag-iral ng lipunan. Ang kaniyang kaalaman ay matagumpay na

naisasalin sa pamamagitan ng pagpapanday sa mga kasanayang pagganap na may

kinalaman sa kaugnayan at kabuluhan nito sa kaniyang sarili, pamilya, komunidad, at

lipunan na siyang nagpapakilos sa mag-aaral upang bumuo o lumikha ng mga

pamamaraan sa pagtulong sa lipunan. Kaya mula rito, nabubuo ang transpormasyon ng

mga mag-aaral.
BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 6

PAGBASA AT PAGSUSURI TUNGO SA


PANANALIKSIK

PAMANTAYAN SA PAGPILI NG MGA GURO


(Babasahing Teksto)

Teoryang Panlipunang Teorya ng


Transpormatibong
Transpormasyon
Pagtuturo
THE AGE SOCIAL Tranformational Teaching-
TRANSFORMATION Learning

KAMALAYANG GLOKAL

TRANSPORMATIBONG
EDUKASYON

Pigura 1. Paradigma ng Balangkas Konseptuwal


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 7

Malinaw na ipinapakita ng balangkas konseptwal ang ugnayan ng Teoryang

ginamit ng mananaliksik sa teoritikal na salalayan. Ang asignaturang Pagbasa at

Pagsusuri ay ang sentro ng pag-aaral sa pagsipat ng tiyak na na danas sa paksa na

“Mungkahing Pamantayan sa Pagpili ng Teksto Tungo sa Pagpapaunlad ng

Kamalayang Glokal at Transpormatibong Pagtuturo ng Asignaturang Pagbasa at

Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik”. gayundin, ang halaga sa pagtalunton sa

panlipunan at pandaigdigang batayan sa kaalaman.

Ito ay makikita sa pamantayan ng guro sa pagpili ng kaniyang materyal sa

pagtuturo ng Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Tungo sa Pananaliksik

na sinasanligan ng ginamit na teorya sa pag-aaral ang pagsipat sa panlipunang aspekto

at pagtatalaga bilang bahagi ng pagkatuto at pagtuturo.

Ito ay magiging batayan sa mga mungkahing pamantayan sa pagpili ng mga

babasahing teksto na makapaglilinang sa panlipunan at pandaigdigang kamalayan

tungo sa transpormatibong pagkatuto sa pamamagitan ng pagututuro na siyang sentro

ng pagganap at pagpapalaganap sa tunguhin at layon ng pag-aaral.

(Ipaliwanag lamang po. Naglagay lamang din po ako ng hapyaw na

halimbawa pero batay pa rin ito sa inyong magiging daloy at istilo)


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 8

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na “Mungkahing Pamantayan sa Pagpili ng Teksto Tungo sa

Pagpapaunlad ng Kamalayang Glokal at Transpormatibong Pagtuturo ng

Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik” ay mahalaga para sa:

Administrasyon ng mga Paaralan. Makatutulong ang pananaliksik upang

linangin pa ang disenyo ng kurikulum, inobasyon ng mga pamamaraan sa pagtuturo at

pagdaragdag ng mga babasahing teksto bilang sangguninan sa asignaturang Pagbasa

at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, at pagbuo ng mga

programang tutugon sa pangangailangan ng mag-aaral sa mapanuring pagbasa.

Mga Guro sa Filipino na nagtuturo ng Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang

Teksto Tungo sa Pananaliksik at sa Ibang Disiplina. Makatutulong ang pananaliksik

upang mapaunlad ang pagdidisenyo ng mga banghay aralin, pagbuo at paglikha ng mga

estratehiyang pampagtuturo at pampagkatutong may kabuluhan sa mga mag-aaral, at

pagpapaigting sa halaga ng pagbabasa bilang daan sa panlipunan at pandaigdigang

kamalayan.

Sa Hepe ng Kurikulum at Sangay Pampagkatuto ng Dibisyon. Makatutulong

ang pananaliksik na ito bilang sandigan sa batayan sa pagbuo ng mas

komprehensibong mga hakbang sa pagbuo ng mga pamantayan sa pagpili ng mga

tekstong babasahin na magagamit sa pagtuturo ng Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang

Teksto Tungo sa Pananaliksik gayundin sa ibang mga kagamitang pampagkatuto na

gagamitin sa pagkamit ng tunguhin at layunin ng edukasyon.


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 9

Sa mga Tagapagpatupad ng Polisiya sa Kagawaran. Makatutulong ang

pananaliksik na ito upang mas maging mayabong at makabuluhan ang pagtuturo sa iba’t

ibang asignatura lalo’t higit sa Filipino. Magiging pasimula ito sa pagkakaroon ng tiyak

na layunin sa pagbibigay ng mga materyal sa mga mag-aaral na kanilang gagamitin sa

pagkatuo gayundin ito ay magsisilbing giya upang mas mapataas ang pagtuturo ng

Filipino sa Senior High School.

Mga Mag-aaral. Makatutulong ang pananaliksik upang mapalalim ang pag-

unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa halaga ng mga panitikang Pilipino gaya

ng Maikling Kuwento bilang mga akdang-sining na kumakatawan sa realidad ng lipunan

gayundin, ang paglalapit nito sa kanilang interes at danas.

Mga Mananaliksik. Makatutulong ang pananaliksik upang paunlarin pa ang mga

makikitang kakulangan nito. Sa pamamagitan nito maipagpatuloy ang mga pag-aaral na

may kinalaman sa kurikulum, implementasyon, at ebalwasyon upang matalunton ang

pag-unlad at pagpapaunlad sa edukasyon partikular ang pag-aaral sa Filipino.

Gayundin, ang makita ang pananaliksik sa iba pang lente ng pag-aaral upang makabuo

ng panibagong mga paksa kaugnay nito.

MAF Proram. Makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga gradwadong

paaralan sa ilalim ng pagpapakapantas sa disiplinang Filipino bilang batayan ng mga

susunod pang saliksik sa iba pang bahagi ng isinagawang pag-aaral.

Sarili bilang nagtuturo. Makatutulong ang pananaliksik na ito sa mismong

nagsaliksik bilang pasimulang guro na gaganap sa iminumungkahing


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 10

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang mga mananaliksik ay nakatuon sa pag-aaral na may pamagat na

“Mungkahing Pamantayan sa Pagpili ng Teksto Tungo sa Pagpapaunlad ng

Kamalayang Glokal at Transpormatibong Pagtuturo ng Asignaturang Pagbasa at

Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik”. Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa mga guro sa

asignaturang Filipino sa ilalim ng Departamento ng Senior High School ng Mataas na

Pambansang Paaralan ng Batasan Hills Taong Panuruan 2019-2020 bilang sentro ng

pag-aaral gayundin, sa mga Piling Paaralan sa ibang lunsod upang matukoy ang

kanilang perspektibo at pananaw hinggil sa pamanatayan ng pagpili ng mga babasahing

teksto para sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik.

Hinggil sa mungkahing pamantayan para sa pagpili babasahing teksto,

binigyang-pansin ng mananaliksik ang mga teksto, ang mga naging kriteria ng mga guro

sa akdang Pilipino gayundin, ang proseso ng pagpili nito. Bibigyang-diin ng pag-aaral

ang mga pamamaraan ng pagpili sa materyales gaya ng tekstong babasahin na

maaaring gamitin sa pagtuturo kung saan isinasaalang-alang ang paksa na tumatalakay

sa mga panlipunan at pandaigdigang suliranin; lumilinang sa kasanayang

pagkamalikhain, kritikal, pakikipagtalastasan, at kolaboratibo, na mula rito ay naiuugnay

ng mag-aaral ang halaga at kabuluhan nito sa sarili, pamilya, komunidad, at bansa; at

natatasa hinggil sa kondisyon at sitwasyong panlipunan nito bilang isa sa mga

pampublikong paaralang urban ng lunsod.


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 11

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

Sa lalong ikauunawa ng pag-aaral na may pamagat na “Mungkahing

Pamantayan sa Pagpili ng Teksto Tungo sa Pagpapaunlad ng Kamalayang Glokal

at Transpormatibong Pagtuturo ng Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa

Pananaliksik”. tinipon ng mananaliksik ang sumusunod na salita o termino:

Diskurso. Pasulat o pasalitang gamit ng wika kung saan sinusuri kung paano

ginagamit ang wika, sino ang gumagamit ng wika, kanino ginagamit ang wika, bakit

ginagamit ang wika, para saan ginagamit ang wika. Kinokontrol gamit ang relasyon ng

kapangyarihan

Globalisasyon. Ang panlabas na ideolohiya na inaangkop sa kurikulum upang

mas maging makabuluhan sa lahat ng pangangailangan ng bansa sa larang na

edukasyon higit sa bahagi ng mga mag-aaral.

Kalidad ng Edukasyon. Tumutukoy ito sa kapasidad ng kaalaman na nilinang

sa paraang pag-iisip ng analitikal at kritikal sa mga paksang pinag-aaralan upang

magamit at maipalaganap.

Kamalayang Glokal. Mula sa pinagsamang salitang global at lokal. Ipinapakita

ang malalim na kabatiran at kaalaman sa mga panlipunan at pandaigdigang mga

suliranin sa pamamagitan ng analitikal at kritikal na pagsusuri ng mga kondisyon at

sitwasyon sa bawat lipunan.

Lokalisasyon. Ang pagsipat sa panloob na kalagayan ng bansa sa medaling

sabi pangangailangan na kailangangan matugunan sa pamamagitan ng global na

ideolohiya at paggamit nito nang may kaugnayan sa lokal na estado ng bansa.


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 12

Panlipunang at Pandaigdigang Isyu. Mga usapin at mga hamon mula lokal

hanggang global gaya ng problemang panlipunan, pang-ekonomiya, pang-kultura,

pampolitika, pang-sibiko, at iba pa.

Produktibidad ng Edukasyon. Tumutukoy ito sa kapasidad ng pagganap kung

saan sinusukat ang paglalapat ng kaalaman gamit ang nilinang na mga kasanayan para

sa pagpapalaganap.

Tekstong Babasahin. Mga tekstong binuo ng titik o letra. Inuunawa sa

pamamagitan ng pagbasa at pagsusuri ng nilalaman. Ito ay iba’t ibang babasahin sa

iba’t ibang disiplina na sumasalamin bilang babasahing multi-displinal.

Transpormatibong Edukasyon. Ito ay pagtugon sa kasalukuyang pedagohiya

ng edukasyon kung saan isinasaalang-alang ang relasyon ng kalidad ng edukasyon at

produktibidad ng edukasyon. Gayundin ang paglalapat ng lokalisado at globalisadong

materyal sa pagtutuo ng asignatura.


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 13

Kabanata II

REBYU NG MGA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito ay naglalaman ng mga sinuring mga pag-aaral at literatura na

naisulat at nailimbag na may kaugnay sa paksa ng pag-aaral ng mananaliksik.

ANG PAMAMAHALA SA BATAYANG EDUKASYON SA PILIPINAS (Prinsipyo at

Pilosopiya)

Ayon sa ginawang batas ng Senado at Mababang Kapulungan ng Pilipinas na

natitípon sa Kongreso mayroong batayan sa pamamahala para sa ating batayang

edukasyon gayundin, nakapaloob dito ang (Batas Republika Blg. 9155)

SEKSIYON 1. Maikling Pamagat. – Makikilala ang Batas na ito bílang “Batas

Pamamahala sa Batayang Edukasyon ng 2001.”

SEK. 2. Pagpapahayag ng Polisiya. – Ipinahahayag dito ang polisiya ng Estado

upang pangalagaan at itaguyod ang karapatan ng lahat ng mamamayan para sa

pagkakaroon ng batayang edukasyon na may kalidad at upang gawing bukás para sa

lahat ang naturang edukasyon sa pamamagitan ng pagkakaloob sa lahat ng batang

Filipino ng isang edukasyong libre at kinakailangan sa antas elementarya at libreng

edukasyon sa antas sekundarya. Kasama sa naturang edukasyon ang mga sistema ng

pagkatutong alternatibo para sa mga kabataang wala-sa-paaralan at matatandang mag-

aaral. Magiging layunin ng batayang edukasyon na pagkalooban sila ng mga

kasanayan, kaalaman, at halagahan na kinakailangan nila upang sila’y maging mga

mamamayang mapangalaga, nakapagsasarili, produktibo, at makabayan.


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 14

Ang paaralan ang magiging puso ng pormal na sistema ng edukasyon. Dito

natututo ang mga bata. Magkakaroon ng isang layunin ang mga paaralan na magkaloob

ng pinakamabuting maaaring batayang edukasyon para sa lahat ng mag-aaral.

SINTESIS NG PAGSUSURI

Sa kabuuan, ipinakikita mula sa mga kaugnay na pag-aaral at literatura kung

gaano kahalaga ang gampanin ng edukasyon sa paghubog ng mga mag-aaral na

malikhain, kritikal sa pag-iisip, matatas sa pakikipagtalastasan, at nakikipagtulungan na

umaayon sa pasulong na galaw ng mundo katuwang ang kagamitang teknolohiya.

Bilang institusyong humuhulma sa kaisipan at kakayahan ng mag-aaral, binibigyang-diin

ang pagkiling sa kasalukuyang pedagohiyang transpormatibo. Sa ganitong

pagpapahalaga sa direksyon, hindi lamang tayo makapaghuhubog ng mahuhusay na

propesyunal at manggagawa kundi ng mga makataong Pilipino taglay ang sensitibong

kultural at panlipunang responsibilidad.

Mapagtatagumpayan ang paghubog na ito sa pamamagitan ng pagtuturo ng

edukasyon gamit ang panitikan. Ang babasahin na salaylayan ng realidad, kuhanan ng

inspirasyon at aspirasyon, at tungtungan ng pagkilos para sa pagbabagong panlipunan.

Ang pagsasadiskurso ng mga nilalaman ng babasahin ay daan upang bigyang

kamalayan ang mga mag-aaral hinggil sa panlipunan at pandaigdigang mga kondisyon

at sitwasyon. Magagamit nila ito sa paglikha ng mga posibleng solusyon, kritikal na

masusuri ang mga isasagawang pagkilos, matalas na maibabahagi at maisasadiskurso

ang mga ideya at konsepto, at kolaboratibong pakikipagtulungan mula sa glokal na

kamalayan patungong transpormatibong pagkatuto.


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 15

Kabanata III

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito ihahain ng mananaliksik ang mga paglalarawan batay sa

pamamaraang ginamit, pagpili at deskripsyon ng respondente, instrumentasyon at

pamamaraan sa pangangalap at pangongolekta ng mga datos at impormasyon.

Metodo ng Pananaliksik

Gagamitin sa pag-aaral na ito ang descriptive method o palarawang pananaliksik

para makakalap, makarecord maglarawan, mag-analisa at mag-interpret ng mga

impormasyong nakuha ng mananaliksik.

Ang Deskriptibong Pamamaraan o palarawang pag-aaral para sa metodong

kuwalitatibo upang mabuo ang mga tiyak, kongkretong paglalarawan at pagsusuri sa

bawat nakalap na mga datos na nagbigay linaw sa inilatag na mga suliranin ng mga

mananaliksik ukol sa pag-aaral na “”

Sa descriptive method o palarawang pananaliksik, mangangalap ang

mananaliksik ng datos at impormasyon na may kinalaman sa mga kondisyon ng mga

ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, mga paniniwala at prosesong nagaganap,

mga epektong nararamdaman o mga kalakarang nilinang.

Ang pag-aaral ng deskriptibo ayon kay Sanchez (1998) ay sumasaklaw sa lahat

ng pag-aaral na may layuning maglahad ng mga katotohanan na umiiral sa mga pangkat


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 16

ng tao, bilang ng mga pangyayari o kahit anong mga problema na nais pag-aralan ng

mga mananaliksik.

Ayon kay Kowalczyk (2015) ang deskriptib na pananaliksik ay pag-aaral na

dinesenyo upang maglarawan sa mga kalahok sa tamang paraan. Ang mga

mananaliksik ay may tatlong (3) paraan, ito ay: Observational na tumutukoy sa

metodong pagtingin at pagtatala ng mga kalahok; case study, na tumutukoy naman sa

mas malalim na pag-aaral ng grupo o indibidwal, at Surbey na tumutukoy sa maikling

interbyew o talakayan sa isang indibidwal sa ispesipikong paksa. (Salin ng mga

mananaliksik).

Mula sa mga resulta, magiging batayan ito sa pagbuo ng mga mungkahing

pamantayan na magsisilbing batayan sa paglinang ng transpormatibong pagkatuto sa

pagtuturo ng mga mag-aaral sa Baitang 11 sa Senior High School sa Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Deskripsyon ng mga Kalahok

Ang mga piling respondente ay mga gurong nagtuturo sa Baitang 11 sa Mataas

na Pambansang Paaralan ng Batasan Hills sa Senior High School, Lunsod Quezon at

sa Piling Paaralan sa Ibang Lunsod.


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 17

Pakikipanayam naman para sa metodong kuwalitatibo. Face to face interview

ang gagamitin upang makalap ang malalim na pag-unawa sa suliranin ng pag-aaral.

Makukuha ito sa pamamagitan ng malayuning pagpili ng pangkat ng mga indibiduwal.

(Nyuba, et.al 2018) at Pakikipanayam upang maisagawa ang intensibong indibiduwal na

pakikipanayam nang matuklasan ang iba’t ibang perspektibo sa partikular na ideya at

sitwasyon. (Dudovskiy, 2018).

Hinggil sa panayam, harapang mag-uusap ang mananaliksik at kapanayam na

guro respondente naman ang mapapabilang sa Face to face interview kasama ang

mananaliksik, guro sa Filipino at eksperto sa larang na respondente mula

Departamento ng Senior High School ang kakapanayamin.

Gamit ang dulog-kwalitatibo, masisiguro ng mananaliksik na maibibigay ng mga

kalahok ang mas malalim na pagpapahayag ng kanilang mga perspektibo hinggil sa

mga katanungang bibigyang kasagutan. Ang “open-ended” na paraan ng pagtatanong

sa oras ng panayam o interbyu ay isang mabisang paraan gaya ng nabanggit sa itaas.

Bukod sa pagtatala ng mananaliksik sa mga katugunan ng mga kalahok sa oras

ng panayam ay gagamit din ng “tape/voice recorder” para masigurado mamamanipula

ang mga detalye at impormasyong ibibigay ng bawat respondent.

Isang sistematikong balangakas ang magiging lunsaran sa paglalatag at

paghahanay mga nakalap na impormasyon para masala ang magkakatulad at

magkakaibang impormasyon.
BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 18

Instrumento ng Pananaliksik

Sa pag–aaral na ito, ang pangunahing instrumentong gagamitin ay ang mga

datos partikular sa mga gurong nagtuturo sa pampublikong paaralan sa Dibisyon ng

Lunsod Quezon at ilang guro sa ibang lunsod.

Magsasagawa ng pakikipanayam ang mananaliksik sa mga gurong nagtuturo sa

Baitang 11 hinggil sa proseso at pamantayan ng kanilang pagpili ng mga babasahing

teskto sa pagtuturo ng Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo

sa Pananaliksik gayundin, ang ilan sa mga tekstong kanilang napili sa pagtuturo.

Ang mga katanungan ay para sa mga guro at tagapanihala sa kagawaran ng


edukasyon at komisyon sa mataas na edukasyon.

Matapos makuha ang impormasyon hinggil sa pagkakatulad at pagkakaiba ng

impormasyon ay bibigyang tuon at diin ng mananaliksik ang tugon nito sa pagkamit ng

mga pamantayan pangnilalaman at pagganap na siyang magsisilbing tuntungan sa

pagsipat sa transpormatibong edukasyon mula kahingiang malikhain, kritikal sa pag-

iisip, matatas sa pakikipagtalastasan, at nakikipagtulungan na umaayon sa pasulong na

galaw ng mundo katuwang ang kagamitang teknolohiya.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Sinasabi na ang mga datos ay mga mahalagang sangkap na nagpapatibay at

nagbibigay linaw sa mga suliraning kinahaharap sa isang partikular na pag-aaral. Kung

kaya’t ang mga sumusunod na pamamaraan ay isinagawa ng mananaliksik upang

matiyak na magkakaroon ng matibay na datos at impormasyon na posibleng maging

malaking kontribusyon sa akademya at maging sa lipunang kinabibilangan.


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 19

a. Nagtungo sa mga Silid-aklatan

Unang binisita ng mga mananaliksik ang silid-aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas

upang makalap ang mga impormasyon na may malaking kaugnayan sa isinasagawang

pag-aaral. Sinikap din ng mga mananaliksik na makakuha ng mga panibagong

impormasyon at datos sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas De La Salle University,

at New Era University, kasama na dito ang mga pagtatanong-tanong sa mga dalubguro

maging mga kawani ng naturang unibersidad na may mga isinagawang pag-aaral na

may kinalaman sa mga teorya na pumapatungkol sa paksa.

b. Pag-akses sa Internet

Nagsagawa rin ang mga mananaliksik ng pagkuha ng datos at impormasyon

mula sa iba’t ibang websites para makahanap ng iba’t ibang artikulo at journals na mga

pagkukunang batayan gamit ang internet upang mas mabigyan pa ng matibay na

pundasyon ang pag-aaral na isinasagawa.

c. Panayam

Ang mananaliksik ay mangangalap ng datos sa paraang pagsasagawa ng

panayam sa mga mga guro sa Filipino at eksperto sa larangan sa ilalim ng

Departamento ng Senior High School ng Mataas na Pambansang Paaralan ng Batasan

Hills, T.P. 2019-2020 at sa ilang Piling guro sa Paaralan sa ibang Lunsod.

Ito ang mga respondenteng pinili dahil nakasentro ang pag-aaral sa

pagmumungkahi ng mga babasahing teksto sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik na isang Core Subject sa Baitang 11 na

itinuturo sa paaralan tuwing Ikalawang Semestre. Isasakatuparan ito sa pamamagitan


BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 20

ng personal na pagbisita sa bawat silid-aralan. Gayundin, ang pagtitipon ng mga guro

para masagutan ang mga set ng katanungan.

Pinagmulan ng Datos

Magmumula ang mga datos ng mananaliksik mula sa mga makakalap na

impormasyon sa isasagawang pakikipanayam kasama ang piling mga guro at taganihala

sa Baitang 11 sa Filipino ng Departamento ng Senior High School ng Mataas na

Pambansang Paaralan ng Batasan Hills at ilang guro sa ibang lunsodT.P. 2019-2020 .

Sa tulong ng mga tanong na bubuuhin ng mananaliksik para sa pakikipanayam,

makukuha ang kanilang pananaw hinggil sa maitutulong ng mga mungkahing

babasahing teksto sa kasalukuyang panlipunang kondisyon at sitwasyon ng Lungsod ng

Quezon bilang isa sa mga pampublikong paaralang urban sa lungsod gayundin, ang

layunin ng transpormatibong edukasyon.

MGA ETIKAL NA KONSIDERASYON

Bilang mananaliksik, kahingian ang etikal na paraan ng pananaliksik. Bilang

pagsunod dito isasaalang-alang ng mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Tiniyak ng mananaliksik ang pagbibigay-alam sa mga magiging respondente

ng paksa, layunin, at tunguhin ng isinasagawang pag-aaral. Gayundin, ang pagtitiyak na

malinaw at naunawaan ng respondente ang mga nabanggit.

2. Tiniyak ng mananaliksik na Boluntaryo ang magiging partipasyon ng

respondente. Hindi pinilit at ipinagtulakan na makibahagi dahil batid ng mananaliksik ang

paggalang sa respondente.
BATASAN HILLS NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL 21

3. Tiniyak ng mananaliksik na ligtas ang mga respondente mula sa

kapahamakan habang isinasagawa ang pananaliksik.

4. Tiniyak ng mananaliksik na ang anumang impormasyon na ilalagay at

sasabihin ng respondente ay konpidensyal at tanging ang mananaliksik lamang ang

makakikita.

6. Tiniyak ng mananaliksik na ang mga impormasyon na ibabahagi ng

respondente ay gagamitin lamang sa pagtataya ng mahalaga at makabuluhang bahagi

ng pananaliksik.

Sa huli, ang mga nakalap na datos ng mananaliksik mula sa mga naging

respondente ay nagging lunsaran lamang sa pagsagot sa mga naging suliranin ng pag-

aaral at nagsilbing batayan sa mga mungkahing pamantayan sa pagpili ng tesktong

babasahin sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik.

You might also like