You are on page 1of 34

Ang Tekstong

Persweysib
Bb. Ayessa Jhen Olan Mercado
ayessa.jhen.mercado@dlsl.edu.ph
ayessa_Mercado@dlsu.edu.ph
JRF 33
MAGANDANG
UMAGA
A11-03
Layunin
o Matukoy ang ilang mahahalagang
konsepto kaugnay ng uri ng tekstong
tatalakayin;
o Makapagbigay ng sariling paraan ng
pangungumbinsi sa ibang tao; at
o Makapaglahad ng katwiran hinggil sa
napapanahong isyu.
o Kung ikaw ay mabibigyan ng
pagkakataong makapagtayo ng negosyo
katulad ng nakita sa larawan, anong
negosyo ito? Bakit?

o Paano mo hihikayatin o kukubinsihin


ang mga tao na tangkilin ang iyong
negosyo?
Tekstong Persweysib

o naglalayong manghimok o mangumbinsi


o ginagamit upang maimpluwensyahan
ang paniniwala, pag-uugali, intensiyon
at paninindigan ng ibang tao

o subhetibong tono
Ilan sa mga halimbawa ng sulatin o
akda:

 Talumpati

 Patalastas
Elemento ng Tekstong Persweysib

3 Elemento ng Panghihikayat ayon kay


Aristotle

 ethos o karakter
 logos o lohika
 Pathos o emosyon
Elemento ng Panghihikayat

Ethos: Ang Karakter, Imahe o Reputasyon


ng Manunulat/Tagapagsalita

 Karakter o kredibilidad ng nagsasalita


batay sa paningin ng nakikinig
 Ito ang nagpapasiya kung kapani-paniwala
ang tagapagsalita o ang manunulat
Elemento ng Panghihikayat
Ethos: Ang Karakter, Imahe o Reputasyon
ng Manunulat/Tagapagsalita
Madaling mahikayat ang mga tagapakinig kapag
ang nagsasalita ay . . .

 may magandang ugali  maganda ang hangarin


 maayos kausap  may sapat na kaalaman
 may mabuting kalooban at kakayahan sa paksa
Elemento ng Panghihikayat

Logos: Ang Opinyon o Lohikal na


pagmamatuwid ng Manunulat/Tagapagsalita
Logos
 pangangatwiran
 panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman
 katuturan ng sinasabi upang makahikayat ng
iba
Elemento ng Panghihikayat
Pathos: Emosyon ng
Mambabasa/Tagapakinig
 emosyon ang pinakamabisang motibasyon
upang kumilos ang tao
 malaki ang impluwensya nito gaya ng galit,
awa at takot sa pagdedesisyon at
paghuhusga
Tandaan!
 Isaalang-alang ang etika ng panghihikayat

 Hindi wasto na mas pahalagahan ang pathos


o ethos at tuluyang kaligtaan ang logos

o Responsibilidad ng manunulat o mananalita


na ibigay ang wasto at totoong impormasyon
at magkaroon ng kredibilidad.
Gabay sa Pagbasa ng Tekstong
Nanghihikayat

 Kredibilidad ng may-akda
 Nilalaman ng teksto
 Pagtukoy sa elementong pathos sa
pagnhihikayat
 Bisa ng panghihikayat ng teksto
Paghahanda para sa Pagsulat ng
Tekstong Nanghihikayat

 Linawin kung ano ang layunin ng isusulat na


teksto
 Unawain ang uri ng mambabasa o
tagapakinig
 Magsaliksik ng mga kaisipan o ideya na
susuporta sa paksa
Paghahanda para sa Pagsulat ng
Tekstong Nanghihikayat
 Magsaliksik ng salungat na posisyon o
opinion at gamitin ito bilang paghahambing
 Magbigay din ng alternatibo o ibang panig
 Isaalang-alang ang wasto, may batayan,
mabuting layunin at nilalaman ng
impormasyong ipalalaganap.
Tekstong Argumentatibo
Tekstong Argumentatibo

o Layuning manghikayat sa pamamagitan


ng pangangatwiran batay sa
katotohanan
o Pagtatanggol ng manunulat sa kanyang
paksa o pagbibigay ng kasalungat laban
sa nauna gamit ang mga ebidensya
Ilan sa mga halimbawa ng sulatin o
akda:

 Tesis
 Posisyong papel
 Papel na pananaliksik
 Editoryal
 petisyon
Gabay sa Pagbasa ng Tekstong
Argumentatibo

 Pagpapahayag ng tesis at balangkas


ng teksto
 Tibay ng argumento
 Bisa ng panghihikayat ng teksto
Paghahanda para sa Pagsulat ng
Tekstong Argumentatibo
 Suriin nang mabuti ang iba-ibang panig
tungkol sa isang usapin
 Magsaliksik at humanap ng mga ebidensyang
batay sa katotohanan
 Pinakasimple at diretso sa puntong balangkas
(Introduksiyon, tig-iisang talakay ng bawat
ebidensya, konklusyon)
Paghahanda para sa Pagsulat ng
Tekstong Argumentatibo
Sa introduksiyon . . .
 Kailangang madaling makakuha ng atensyon at
interes ng mambabasa
 Magbigay ng pang-unang impormasyon tungkol
sa paksa
 Maaaring talakayin ang “pinanggalingan” ng
may-akda (kung bakit niya naisipang bumuo ng
argumento)
Paghahanda para sa Pagsulat ng
Tekstong Argumentatibo

 Pinakamahalagang unang mabuo ang


pahayag ng tesis ng teksto
 Isaad nang malinaw ang posisyon o panig
 Hindi dapat bumaba sa tatlo ang ibibigay
na ebidensya
Paghahanda para sa Pagsulat ng
Tekstong Argumentatibo
Sa katawan ng teksto. . .
 Talakayin ang bawat ebidensyang susuporta sa
argumento
 Magtampok ng pamaksang pangungusap at
maayos na suportang detalye
 Maaaring magbigay ng mga estatistika, resulta
ng pag-aaral o pananaliksik
Paghahanda para sa Pagsulat ng
Tekstong Argumentatibo
Sa konklusyon . . .
 Lagumin ang mga pangunahing punto
 Pag-isipan kung paani “isasara” ang teksto nang
mag-iiwan ng impresyon sa mga mambabasa
 Kailangang mahikayat ang mambabasa na
umayon sa panig ng may-akda
Tekstong Persweysib Tekstong Argumentatibo

 Nakabatay sa opinyon  Nakabatay sa mga


 Walang pagsasaalang- totoong ebidensya
alang sa kasalungat na  May pagsasaalang-
pananaw alang sa kasalungat na
 Nakabatay ang pananaw
kredibilidad sa karakter  Ang panghihikayat ay
ng nagsasalita, at hindi nakabatay sa katwiran
sa merito ng ebidensya at mga patunay na
at katwiran inilatag
 Nakabatay sa emosyon  Nakabatay sa lohika
Gawain
DEBATE

 Hahatiin ang klase sa dalawang malaking


pangkat.
 Ang dalawang pangkat ay magpapalitan ng
mga katwiran at maninindigan sa dalawang
magkaibang panig hinggil sa paksang pag-
uusapan.
Gawain
DEBATE

 Ang bawat pangkat ay mayroon lamang 10


minuto upang pag-usapan ang katwiran ng
kanilang grupo.

 Mahalagang isaalang-alang ang rubrik sa


pagmamarka ng debate
Pamantayan Puntos Natamong
Puntos
-Mabisa ang ginamit na panghikayat upang makuha ang atensiyon at 5  
interes ng manonood.
-Nakapagbigay ng sapat na impormasyon at Malaki ang naitulong upang
maunawaan ng manonood ang bawat panig.
-Malinaw ang argumento sa isyu. Hindi mababa sa tatlo ang bilang ng
ebidensiyang susuporta sa argumento.
-Buo ang talakay sa bawat ebidensiya. 5  
-Sapat ang mga impormasyong ginamit.
- Gumamit ng ibang paraan ng panghihikayat na hindi salungat sa o
taliwas sa argumento ngunit nakatutulong na mahikayat ang manonood.
-Maayos na nailagom ang impormasyong inilahad. 5  
 
Sumunod sa wastong balarila at baybay. 5  
Angkop at wasto ang mga ginamit na salita.
Mahusay ang paggamit ng wika
Legalisasyon ng
Same Sex Marriage
Legalisasyon ng
Death Penalty
Bagong Sistema ng
Pagbubuwis

You might also like