You are on page 1of 8

KALIPUNAN NG MGA GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 11

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

MELC Blg. 1 Linggo Blg. 1

GAWAING PAGKATUTO
PAGBASA SA TEKSTO

Ang pagiging ignorante


natin sa maraming Sa mga aklat at iba
bagay ay nagbibigay ABNKKB pang babasahin
katugunan ng nakukuha ng ideya at
maraming aklat at S NPL mga salitang
babasahin AKO? iniimbak sa utak.

Ang mga pahayag ay nagtataglay ng mga kaisipan upang malinang ang


kasanayan sa pagbasa. Sa pagbasa ay maaaring mapakilos o mapagan ang limang
pangunahing pandama (five senses): paningin, pandama, pandinig, pang-amoy, at
panlasa. Lubos na maisasakatuparan ang mga ito kung mailapat ang sariling pag-unawa sa
tekstong binabasa. Malaking resulta nito kung makilala ang mga kaisipan o saloobin na
nais iparanas ng awtor mula sa kanyang akda binabasa natin.

1
Kung isasagawa ang pagbabasa nararapat na iayon sa ating interes ang
babasahin, matiyak ang konsepto o mga kaalaman na maaaring mapakinabangan na
magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay, at masuri ang mga realidad na kaganapan
o sitwasyon sa tekstong binabasa. Upang maganap ito kailangan na maihanda ang ating
pisikal na katawan tulad sa sistema ng malinaw na paningin at kondisyon ng utak para
sa proseso ng pag-iisip at pag-unawa.

Sa gawaing ito kailangan na may pokus sa mga tekstong babasahin at may


maayos na kondisyon sa proseso ng pagbasa. Ang resulta ng mga gawain ay upang
malinang ang meta-kognitib at kritikal na pagkilala sa mga saloobin, kaisipan, kaalaman,
mensahe at karanasan ng mga manunulat sa akdang binabasa. Magreresulta ito na
lalawak at mapapayaman ang karunungan at makapag-iimbak sa kahon ng kaalaman
(stock knowledge).

Alam kong handa ka na magamit mo ang iyong kasanayan sa pagbasa. Simulan mo


na!

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA:

Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa ( F11PB-IIIa-98)

PANUTO

Pokus ng mga inihandang gawain na mapagyaman ang kasanayan sa proseso ng


pagbasa na may kritikal na pag-unawa sa mga teksto at maging pagkilala sa mga
paksain ng bawat uri ng tekstong babasahin.

2
GAWAIN 1

A. Hanapin mula sa word search puzzle ang mga salitang maaaring nagpapakita
o nagpapahayag ng iba’t ibang pamaraan ng pagbasa, uri ng babasahin,
ginagamit sa pagbasa at pinaghanguan ng nilalaman ng tekstong binabasa.
Gamitin ang mga inilaang gabay na tanong upang masagot ang gawain.

1. Uri ng babasahin na naglalaman ng mga love story o tungkol sa pag-ibig.

2. Sikat na elektronikong babasahin sa website na naglalaman ng iba’t


ibang genre.

3. Kakayahan ng utak na maproseso ang mga bagay na nalaman.

4. Resulta o makukuha sa palagiang pagbabasa.

5. Nilalaman ng tesktong babasahin batay sa tunay na buhay.

6. Teknik sa pagbasa na matiim, malawak at mapanuri ang pagkilala sa

mensahe o nilalaman ng teksto.

7. Uri ng babasahin na naglalaman ng mga balita, editoriyal, isport at iba

pang impormasyon sa lipunan.

8. Bahagi ng katawan na maaaring magproseso sa iniisip.

9. Ang pokus o pinalulutang sa tuwing nagbabasa mula sa nais iparating ng

awtor.

3
10. Proseso ng pagkilala, paunawa, aplikasyon at integrasyon ng mga
binasang aklat o teksto.

11. Hanguan ng kaisipan batay lamang sa sariling pag-unawa, saloobin o

guniguni.

12. Babasahing mayroong kasamang mga larawan na may

kasamang diyalogo.

13. Paraan ng pagbasa na ginagamit lamang ang mata.

14. Naglalaman ng mga makabuluhang ideya, pananaw o kaalaman

sa binabasa.

15. Paraan ng pagbasa na ginagamit ang boses.

16. Inaasahang taglay na maunawaan ang binasa o “Read between

the lines.”

17. Ito ang nagsisilbing ilaw o ekstensyon ng utak upang makabasa.

18. Uri ng babasahin may kinalaman sa mga fashion style, estilo

sa pamumuhay, produkto o maging sikat na personalidad.

19. Unang proseso upang mabasa o makilala ang simbolong nakalimbag


sa pagbabasa.

20. Pangunahing kailangan sa kapag nagbabasa upang hindi wala


sa pokus.

4
GAWAIN 2

A. Sa loob ng crossword puzzle kilalanin ang iba’t ibang uri ng teksto na maaaring
binabasa sa mga aklat o iba pang uri ng babasahin. Punan ng tamang letra
ang mga kahon.

PAHALANG PABABA

1. Ang tekstong nagpapahayag ng 2. Layunin ng isang teksto na


impresyon o kakintalang likha ng manghikayat o mangumbinsi sa
pandama. Sa pamamagitan ng pang- tagapakinig, manonood o
amoy, panlasa, pandinig at pansalat, mambabasa. Hinihikayat din nito ang
itinatala ng sumusulat ang mambabasa na tanggapin ang
paglalarawan ng mga detalye na posisyong pinaniniwalaan o ineendoso
kanyang nararanasan. ng teksto.

3. Tekstong nangangailangang 4. Ito ay isang teksto na naglalahad


ipagtanggol ng manunulat ang ng mga tiyak na pinaghanguan ng
posisyon sa isang paksa o usapin gamit mga inilalahad na kaalaman. Ang mga
ang mga ebidensya mula sa personal kaalamang hinango mula sa iba ay
na karanasan, kaugnay na mga malinaw na tinitiyak at inilalahad.
literatura at pag-aaral, ebidensiyang
6. Uri ito ng teksto na isang paraan
kasaysayan at resulta ng empirikal
ng paglalahad na kadalasang
na pananaliksik.
nagbibigay ng impormasyon at
5. Ito ay isang uri ng babasahing di- instruksyon kung paanong isasagawa
piksyon. Ito ay naglalayong ang isang tiyak na bagay.
magbigay ng impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw at
walang pagkiling tungkol sa iba’t
ibang paksa.

5
B. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Kilalanin ang mga paksa
at uri ng teksto binasa. Pumili sa kahon ng sagot at isulat sa patlang ang napiling
kasagutan.

Deskriptibo Impormatibo o Eksporsitori Naratibo


Argumentatibo Persuweysib Prosidyural

1. Bawat Pilipino ay may karapatang mabuhay. Mabuhay nang


mapayapa, mabuhay nang marangal at mabuhay nang maunlad.
Magagawa lamang natin ito kung ang wikang ating ginagamit sa araw-
araw ng ating buhay saanmang larangan ay ang wikang Filipino.
Naniniwala ako na ang wikang Filipino ang isa sa mga susi upang hindi
na makawala pa sa ating mga kamay ang mga karapatan na ito.

2. Isang araw, di maipaliwanag ang pangyayaring nasaksihan ng lalaki


sa labas ng kanilang maliit na dampa. Namatay ang mga halaman,
natuyo ang lupa at walang tubig ang batis at ilog. Lumaganap ang
taggutom. Dumating ang panahon na nagluwal ng sanggol ang babae
kaya’t napilitan silang maghanap ng pagkain. Nilibot nila ang kagubatan,
pinasyal ang burol at inakyat ang ituktok ng bundok. Sa kanilang
pagkagulat ay nakita sila roon ng isang kakaibang halaman. May manipis
na dahon at may mga bunga iyon. Noon lamang sila nakakita ng
ganoon.

3. Dahil sa pagsulat, napapanatiling buhay ang kultura at hindi nababaon


sa limot sa kasaysayan ang isang bansa. Ang mga nasulat na tala ay
mababasa ng salinlahi kaya’t malalaman nila ang pinagdaanan ng
kanilang bansa.

4. Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa


mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito.
Ang pagbabasa’y isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng
pakikinig, pagsasalita at pagsulat. Ito ay paraan ng pagkilala
pagpapakahulugan at pagtataya ng mga kagamitang nakalimbag.

5. Ang pagsulat ay isang prosesong dapat na sundin nang maayos.


Una, pagpasyahan mo kung ibig mong magpadala ng nakasulat na
mensahe. Ikalawa, planuhin ang iyong mensahe. Isulat mo ang lahat ng
ibig mong ilahad sa iyong dokumento. Organisahin ang iyong mga ideya
sa paraang pabalangkas. Pagkaraan, isulat ang iyong unang burador.
Pagkatapos, irebyu, irebisa at i-edit ang sinulat mo. Sa huli, ibahagi ang
iyong isinulat sa taong pinagkakatiwalaan mo para makatulong siya sa
pagsusuri.

6. Saanmang bahagi natin ito tingnan, malinaw na nagpapakita na ang


nabigong coup ay isang paglabas sa batas sapagkat ito’y di
makatarungang pagtira sa pamahalaang konstitusyonal na lehitimong
itinatag ng higit na nakararaming mamamayan sa pamamagitan ng
demokratikong eleskyon. Kung gayon, walang ibang paraan upang
tingnan ang coup na ito maliban sa isang pagtatangka na pabagsakin
ang tinamasa nating konstitusyonal na demokrasiya upang mapalitan
ito ng dikturya at pasistang militar.

6
7. Mahalagang paunlarin ang iyong sarili. Luma na ang kaisipang kung
hindi ka matalino sa Lingguwistika, Matematika o sa Agham ay bobo ka!
Lumang kapaniwalaan. Maraming uri ng katalinuhan bukod sa
nabanggit na. Mayroon sa musika, sa sayaw, sa pag-arte, sa pagguhit,
pakikinig, pagsulat, pagsasalita, at maging sa pagtingin sa buhayat
kamatayan. Sino nga ba ang walang ganoong kakayahan? Maaaring
dalawa o higit pa ang mayroon ka! Ang gagawin mo lang ay tuklasin ito at
idevelop.

8. Pinaniwalaan ng isang bishop noong 1870 na wala nang maaaari


pang maimbento ang tao. Sinabi niya ito sa isang presidente ng isang
maliit na kolehiyo. Hindi sumang-ayon sa kanya ang presidente at
sinabing marami pang dapat tuklasin ang tao. Wika niya, “Darating ang
panahong ang tao ay makalilipad tulad ng mga ibon.” Hindi naniniwala ang
bishop at sinabing iyon ay paglapastangan sa Diyos. Ayon sa kanya,
“Ang paglipad ay para lamang sa mga anghel! Pagkaraan ng 33 taon,
pinalipad ng magkapatid na Orville at Wilbur ang kauna-unahang
sasakyang mas mabigat pa sa hangin. Ito ang pinagmulan ng eroplano.
Sino ang bishop? Si Milton Wright, ang ama ng magkapatid na
umimbento ng eroplano!

9. Kung ibig mong mamasyal, maaari mong bisitahin ang Isarog


National Park. Ito ay matatagpuan sa Naga City. Malawak ang parke.
May kabuuang sukat itong 10,000 ektarya. Napakaraming likas na
yamang nakatira rito. Itinatayang mayroong 150 uring ibon dito, 33 uri ng
mammalsat 1,163 uri ng mga halaman. May pirmihang patubigan din itong
nagsusuplay sa mga pangangailangang domestik, agrikultural at komersyal.
Kailangang- kailangang alagaan at pagyamanin ang parkeng ito. Bihira
na ang ganito sa Pilipinas.

10. Isang mabigat na isyu ang pang-aabuso sa mga bata at kabataan.


Maaaring ang pang-aabuso ay pisikal o emosyunal. Kabilang sa pang-
aabuso ang sapilitang pagtatrabaho, pornografi, exployteysyon at
pagsasamantalang sekswal. Inireport sa The Council of Elders for
the Protection of Children na ang prostitusyon, pagiging delingkwente,
pagtatangkang magpakamatay, depresyon, mababang pagtingin sa
sarili at pagkatakot sa isyung may kaugnayan sa sex ay mga indikasyon
at epekto ng pang-aabuso sa mga kabataan.

GAWAIN 3
LINANGIN ANG KASANAYAN SA PAGBASA

A. Basahin at unawain ang seleksyon.

Ang Tinolang Manok


1Ang tinolang manok ay isang simpleng sinabawang ulam na pamilyar sa hapag ng mga
pamilyang Pilipino. Maliban sa karne ng manok, nilalahukan din ito ng mga gulay na sayote o hilaw na
papaya at dahon ng sili o ng malunggay. Ang linamnam naman nito ay mula sa tamang timpla ng patis.
2Ang
putaheng ito ay nabanggit sa Noli Me Tangere, ang bantog na nobela ng ating
pambansang bayani si Jose Rizal.
3Madaling lutuin ang Tinolang Manok. Ganito ang isang simpleng paraan kung paano.
7
Ihanda lamang ang mga sangkap: 1) manok 2) luya (at bawat sa iba pero hindi ko na
nilalagyan dahil minsan pumapait kapag nasunog ang bawang); 3) sayote o papaya, dahon ng sili o
dahon ng malunggay; 4) patis.
4Ganito ang pagluluto ng Tinolang Manok:
Igisa ang luya at bawang, kasama ang mga manok. Isangkutsa ang manok hanggang
mamuti ang lamang loob ng manok. Kapag sa tantsa mo ay nasangkutsa (nagisa) mo na ang
manok, maglagay ng 3 kutsaritang patis. Haluin mo. Maglagay na ng tubig na magsisilbing sabaw
ng tinola. Ilagay na rin kasama ang panahog na gulay (sayote o papaya). Pakuluan. Kapag kumulo
na ang sabaw, tignan kung tama na ang lambot ng sayote o papaya para iyo. Tikman ang sabaw,
kung kulang pa sa lasa, dagdagan mo lang ng patis at ilagay na rin ang dahon ng sili o
ng malunggay. Mayroon ka nang Tinolang Manok! Kanin na lang ang kulang.
-mula sa http://paanopinoy.wordpress.com

-hinalaw sa aklat na Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat ng Teksto tungo sa Pananaliksik/Bernales, Rolando, et. al. (2016)

1. Sa unang talata ng seleksyon, anong uri ito ng tekstong impormatibo?


a. paglalarawan b. deksripsyon c. definisyon d. paglalahad

2. Ipinakilala ang tinolang manok bilang putaheng nabanggit sa nobela ni Rizal.


Ang talata ay nagpapahayag ng .
a. impormasyon b. refleksyon c. deskripsyon d. definisyon

3. Alin sa mga talata ng seleksyon ang nagpapahayag ng prosidyural sa pagluluto ng


tinolang manok.
a. una b. ikatlo c. ikaapat d. ikatlo at ikaapat

4. Sa huling pahayag ng talata, “Mayroon ka nang Tinolang Manok! Kanin na lang


ang kulang.” isang halimbawa ito ng .
a. pangatngatwiran b. paglalarawan c. panghihikayat d. pagkukwento

5. Isangkutsa ang manok hanggang mamuti ang lamang loob ng manok. Ang
kahulugan ng salitang may salungguhit ay .
a. ilaga b. iprito c. iihaw d. igisa

You might also like