You are on page 1of 4

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Department of Education
REGION V – BICOL
Schools Division Office – Camarines Norte
Lazaro Cabezudo High School
Calintaan, Talisay

Final Test
FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK
Grade 11-GAS
TEST I. MULTIPLE CHOICE. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat na ilagay sa unang pahina ng katitikan ng pulong?
a. Oras ng pagtatapos ng pulong
b. Lugar ng pulong
c. Pangalan ng organisasyon
2. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang makikita dsa katawan na bahagi ng katitikan ng pulong?
a. Mga dumalo
b. Ikatlong agenda
c. Oras ng pagsisimula ng pulong
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kailangan habang kumukuha ng notes para sa gagawing katitikan ng pulong?
a. Audio recorder
b. Katitikan ng nakaraang pulong
c. Bolpen at papel
4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalahad?
a. Matangos ang ilong ng babae
b. Pulang pula ang labi ng babae
c. May dugong hapones ang babae
5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nangangatwiran?
a. Dapat na wakasan na ang korapsyon sa bansa
b. Hindi talaga mawakasan ang korapsyon sa bansa
c. Mahalagang wakasan ang korapsyon para umunlad ang bansa
6. Ano ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalaysay?
a. Hindi maaring gamitin sa posisyong papel
b. Gamitin bilang mga ebidensya sa argumento
c. Ginagamit sa pagkukuwento ng mga pangyayari
7. Ano ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel?
a. Ang talumpati ay isinusulat upang bigkasin samantalang ang posisyong papel ay isinulat upang basahin
lamang.
b. Ang talumpati ay guamagamit ng pagsasalaysay habang ang posisyong papel ay gumagamit naman ng
pangangatwiran.
c. Ang talumpati ay dapat makahikayat, pero ang posisyong papel ay dapat maglarawan ng isang particular na
isyu.
8. Alin sa mga sumusunod ang maaring gamiting matibay na ebidensya para sa mga argumento?
a. Narinig na kwento
b. Balitang napanood
c. Sariling karanasan
9. Batay sa binigkas na talumpati ni Dr. buenvinido Lumbera sa 2009 Carlos Palanca Awards Night, “Ano ba ang
nagging batayan sa pagpaparangal sa nagwaging likha? Galling sa akademya ang karaniwang hinihirang na
hurado, kaya’t ang mga propesor at manunulat ay naghahanap ng mga katangiang kinikilala sa unibersidad at
kolehiyo bilang makabukuhan at masining.” Ano ang mahihinuha sa mga pahayag na ito tungkol sa pagpili ng
mga paparangalang likha?
a. Kinikilala at batikang mga manunulat ang nagdedesisyon sa mananalo
b. Mga mahuhusay at tanyag na propesor ang pumipili ng mga mananalo
c. Mataas na uri ng sining at pagpapahalaga sa lipunan ang pinipiling mananalo
10. Batay sa Posisyong papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga
kolehiyo at Unibersidad, “Sa halip na alisin, hindi ba’t nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo s apamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito.” Ano ang
pangunahing argumento sa nasabing pahayag?
a. Pagkilala ng sariling wika
b. Intelektwalisasyon ng wika
c. Pagtakwil sa dayuhang wika
11. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa katangian ng Sanaysay?
a. Nagsasaad ng opinion
b. Nagsasaad ng mga ideyang napag aralan na
c. Nagsasaad ng sariling damdamin, kuro kuro o kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kanyang Nakita o
naobserbahan
12. Ito ay uri ng sanaysay na patungkol sa mga kasabihan o salawikain.
a. Kritikal c. mapanuri
b. Personal d. patalinhaga
13. Ito ay isang akademikong teksto na nagsasalaysay at naglalarawan ng mga karanasan ng may-akda sa
pinuntahang lugar.
a. Talumapati c. Replektibong sanaysay
b. Lakbay sanaysay d. Buod
14. Alin sa mga sumusunod ang susing salita ng PAGLALAHAD?
a. Pagpapaliwanag c. Panghihikayat
b. Pagkukuwento d. Pagpappakita ng katangian
15. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa PAGLALARAWAN?
a. Pagkukuwento c. Panghihikayat
b. Pagpapakita ng katangian d. Pagpapaliwanag
16. Alin sa mga sumusunod ang susing salita ng PANGANAGTWIRAN?
a. Pagkukuwento c. Panghihikayat
b. Pagpapakita ng katangian d. Pagpapaliwanag
17. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa PAGSASALAYSAY?
a. Pagpapaliwanag c. Panghihikayat
b. Pagkukuwento d. Pagpappakita ng katangian
18. Ito ay tekstong binibigkas sa harap ng maraming tao at ito ay isang uri ng akademikong sulatin na maaring
gamitan ng paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad, at pangangatwiran.
a. Talumapati c. Replektibong sanaysay
b. Lakbay sanaysay d. Buo
19. Isang uri ng sanaysay na patungkol sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan?
a. Personal c. Mapanuri
b. Kritikal d. Patalinhaga
20. Ang Personal na Sanaysay ay tumutukoy sa ________________.
a. Tungkol sa nararamdaman,kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan
b. Tungkol sa naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan
c. Tungkol sa mga kasabihan o sawikain

TEST II. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong pangungusap, isulat ang TAMA,
kung may bahagi namang mali sa pangungusap, isulat nag MALI at SALUNGGUHITAN ang salita o mga salita na
nagpamali sa pahayag.

_____21. Ang sanaysay ay akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuro kuro o kaisipan ng isang
manunulat kaugnay ng kanyang Nakita o naoobserbahan.
_____22. Seryoso at personal ang paksa ng pormal na sanaysay.
_____23. Kalimitang ginagamit ang patalinhagang sanaysay sa mga impormal na sanaysay.
_____24. Maituturing na lakbay-sanaysay ang programang Biyahe ni Drew.
_____25. Ang programang pampaglalakbay ay nakasulat na tekstong naglalarawan at nagsasalaysay tungkol sa lugar,
tao, aktibidad at pagkain sa isang particular na lugar.
_____26. Ang lakbay-sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol sa mga naiisip ng manunulat
kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan.
_____27. Ang Replektibong-sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga nararamdaman, kaugnay ng mga
nakikita o naoobserbahan ng manunulat.
_____28. Maaaring lamanin ng repektibong sanaysay ang mga kalakasan at kahinaan ng manunulat.
_____29. Mas naglalahad at nagangatwiran ang replektibong sanaysay kaysa nagsasalaysay at naglalarawan.
_____30. Parehong may introduksyon, katawan, at wakas ang replektibong sanaysay at lakbay sanaysay.
_____31. Ang mga tekstong naglalahad at naglalarawan ay nagpapahayag ng mga katangian batay sa limang pandama:
paningin, pandinig, pang amoy, panglasa at panalat.
_____32. Nanghihikayat pumanig sa opinion ng tagapagsalita ang akademikong sulating nangangatwiran.
_____33. Ang talumpati ay isang akademikong teksto na binibigkas sa harap ng mga taga pakinig.
_____34. Sapat na ang matitibay na argumento sa posisyong papel kahit walang ebidensya.
_____35. Mas epektibo ang posisyong papel kung mabulaklak ang pananalita upang maitago ang tunay na kahulugan ng
mga pahayag.
TEST III. ENUMERASYON.
36-39. Ibigay ang apat na Uri/Katangian ng pagsulat ng Teksto.
1.
2.
3.
4.
40-42. Ibigay ang tatlong uri ng sanaysay
1.
2.
3.
43-45. Magbigay ng tatlong lugar na pinuntahan at nabanggit sa pinanood at tinalakay na bidyo na Byahe ni Drew.
1.
2.
3.
46-50. ESSAY
Sumulat ng dalawang lebel na balangkas na pangungusap para sa isusulat na replektibong sanaysay. Kumpletuhin ang
pangungusap na. Ito ang magsisilbing pamagat ng sanaysay. (Pangalan ng mag aaral) bilang (Gawain o trabaho) ng
Pilipinas.

Inihanda ni:
Crisel M. Samante
Teacher II

You might also like