You are on page 1of 37

PANALANGIN

Panginoon naming Diyos, hiling namin na patnubayan mo po ang araw na ito upang
magampanan namin ang aming sariling tungkulin lalong-lalo na sa aming mga
asignatura. Bigyan mo kami ng gabay at pagkalinga sa pagtupad ng aming mga
gawain. Bigyan mo kami ng tulong sa aming mga desisyong ginagawa. Pagpalain mo
po kami at iligtas mo po kami sa lumalaganap na sakit na COVID-19. Gabayan po
ninyo ang mga doktor, nars at mga frontliners sa buong mundo. Ikaw po ang aming
sandigan at kalakasan. Sa ngalan ni Hesus. Amen.

San Lorenzo Ruiz, unang Pilipinong Santo,


Ipanalangin mo kami
Pagpayaman at
Pag-oorganisa ng Datos:

Character Sketch
Character Sketch
CHARACTER SKETCH

Isang anyo ng sanaysay na


naglalarawan o nagsasalaysay tungkol sa
isang tao, hayop, bagay, o lugar tungo sa
isang impresyon o kakintalan, o kaya’y
insight o kabatiran.
Pagpapayaman at Pag-oorganisa ng
Datos sa Character Sketch

Una, pumili ng paksa na


pamilyar sa manunulat.
Pagpapayaman at Pag-oorganisa ng
Datos sa Character Sketch

Pangalawa, pumili ng
paksa na makabuluhan sa
lipunan.
Pagpaparami ng Datos sa
Character Sketch
Dalawang aspekto ng pagsulat ang mahalaga
sa character sketch:

Una, ang kasapatan ng datos, at

Pangalawa, ang organisasyon o pagsasaayos ng


mga datos na ito.
Mahalaga na matutuhan ang ilang estratehiya sa
pagpaparami ng datos sa konteksto ng personal na
sanaysay tulad ng character sketch.

•paglilista
•pagmamapa, at
•malayangpagsulat.
Paglilista
Inililista ang anumang salita o
parirala na may kaugnayan sa
paksa.

Hindi kailangang bigyang paliwanag


o bigyang-katuwiran sa isip ang
bawat impormasyong isusulat sa
listahan.

Ang mahalaga, isulat lamang ang


lahat ng detalyeng pumasok sa isip
habang naglilista.
PROSESO SA PAGLILISTA

1.Sa isang malinis na papel, isulat sa ibabaw ang paksa ng character


sketch.

2. Sa ilalim nito, sumulat ng anumang salita o parirala na pumapasok sa


isip kaugnay ng paksa.

3. Maaari ding maglista ng mga salita o pariralang may kaugnayan, hindi


lamang sa paksa, kundi maging sa mga salita o pariralang nailista na.
PROSESO SA PAGLILISTA

4. Huwag masyadong mag-isip. Iwasan din munang mag-edit. Ang


mahalaga ay ang tuloy-tuloy at mabilisang paglilista.

5.Ang paliwanag tungkol sa estratehiyang ito, kapag may presyur sa


pagsusulat, tulad ng tuloy-tuloy na paglilista, lumalabas ang ilang
impormasyon o detalye nang hindi inaasahan.

6. Orasan ang paglilista. Gawin lamang ang paglilista saloob ng limang


minuto.
ANG LOLA MELIANG KO
Mabait
Mahilig kumain
Paborito ang prutas na may gatas
Papaya
Avocado
Saging
Magaling magluto
Pagmamapa
Isinusulat din ang mga salita o
parirala na may kaugnayan sa
paksa. Ang kaibahan lamang,
mas naipakikita sa estratehiyang
ito ang koneksiyon ng mga
detalye o aytem sa listahan sa
isa’t isa.
PROSESO SA PAGMAMAPA

1.Sa isang malinis na papel, gumuhit ng isang maliit na bilog sa gitna.

2.Sa loob ng bilog ay isulat ang paksa.

3.Mula sa isang gilid ng bilog, gumawa ng isang maiksing guhit palayo


rito.

4. Sa ibabaw ng guhit ay sumulat ng isang salita o parirala na may


kaugnayan sapaksa.
Malayang
Pagsulat
Tuloy-tuloy na paglilista ng mga detalye sa
anyong patalata. Mahalaga sa estratehiyang
ito ang mahigpit na pagsunod sa wastong
proseso.

Tulad sa paglilista, kontrolado rin ang oras


ng pagsasagawa ng estratehiya upang
maging mabisa ito at makapagpalitaw ng
mga detalye tungkol sa paksa.
PROSESO SA MALAYANG PAGSULAT

Sa isang malinis na papel, isulat sa ibabaw ang paksa.

Tiyakin na walang anumang sagabal sa pagsulat bago


magsimula.

Siguraduhin ding maoorasan ang proseso.


PROSESO SA MALAYANG PAGSULAT

Sa pagsisimula, sumulat ng mga parirala o pangungusap


na may kaugnayan sa paksa.

Sa mga susunod, isulat lang ang kung anumang pumasok


sa isip. Huwag munang mag-edit. Hindi rin kailangang
sumunod sa wastong gamit ng bantas.
PROSESO SA MALAYANG PAGSULAT

Kung walang pumapasok na salita o detalyes aisip, ulit-


ulitin lang ang huling salita na isinulat; puwede ring
maglagay ng sunod-sunod natuldok. (...)

Hangga’tmaaari, huwag iaangat ang lapis o bolpen mula


sa papel.

Mahalaga ay ang tuloy-tuloy at mabilisang pagsulat.


PROSESO SA MALAYANG PAGSULAT

Kung walang pumapasok na salita o detalyes aisip, ulit-


ulitin lang ang huling salita na isinulat; puwede ring
maglagay ng sunod-sunod natuldok. (...)

Hangga’t maaari, huwag iaangat ang lapis o bolpen mula


sa papel.

Mahalaga ay ang tuloy-tuloy at mabilisang pagsulat.


Pagsasaayos ng mga Datos sa character Sketch

Kailangang mabigyan ng kaayusan ang mga datos


upang makatulong sa pagpapalitaw ng kakintalan o
kabatirang nais palitawin tungkol sa paksa, at
upang maintindihan ng mambabasa ang sulatin.
Pagsasaayos ng mga Datos sa character Sketch

May ilang paraan ng pagsasaayos ng mga detalye


na tatawaging orasan, paputok, at sayaw.
ORASAN
Maaari itong magsimula sa detalye o pangyayaring
pinakaunang naganap na susundan ng iba pang
detalye o pangyayaring lumitaw o naganap ayon sa
daloy ng panahon.
PAPUTOK
Batay sa paputok, nagsisimula sa isang
mahalagang pangyayari, at, kasunod nito,
ilalahad naman ang mga bunga o resulta ng
pangyayaring ito.
Sayaw
Tinawag na sayaw ang estratehiyang ito dahil ang
manunulat ay puwedeng gumamit ng detalye o
pangyayari mula sa iba’t ibang lugar at panahon. Ang
magbibigay ng kaisahan sa mga datos na ito ay ang
paksa o temang nais idebelop sa sulatin.
A S I N G K R O N O N G

Aktibidad
Panuto: Pumili ng isang bagay na iyong makikita
sa iyong silid upang maging paksa at gawin ang
mga sumusunod sa ibaba:

A. PAGLILISTA
B. PAGMAMAPA
C. MALAYANG PAGSULAT
Pangwakas na Panalangin

Purihin ang Panginoong Hesukristo,

ngayon at magpakailanman..

Sa ngalan ng Ama,

at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen

.
Pangwakas na Panalangin
Luwalhati sa Ama, Anak at Diyos Espiritu
Santo

Kapara ng sa unang-una

Ngayon at magpakailanman, magpasawalang


hanggan

Amen.

You might also like