You are on page 1of 17

Government Property

NOT FOR SALE

5
Edukasyon sa Pagpapalakas
ng Katawan (PE)
Ikaapat na Markahan - Modyul 1
Likas na Katangian at
Kaligiran ng Sayaw

Department of Education ● Republic of the Philippines


Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan (PE) – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 4-Modyul 1: Likas na Katangian at Kaligiran ng Sayaw
Unang Edisyon 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anu mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso

Development Team of the Module


Author: Pazmarita G. Reyna

Reviewers: Imelda D. Pongase Selina O. Macas


Renato C. Cagbabanua Ellen K. Arroyo
Lorena P. Rivera John Paul D. Simbajon

Illustrator and Layout Artist: Jarold James B. Serohijos Desi G. Aninao


Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO IV
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Myra P. Mebato, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Imelda D. Pongase, EPS-MAPEH
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Selina O. Macas, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-0990
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

ii
Edukasyon sa 5
Pagpapalakas ng
Katawan (PE)
Ikaapat na Markahan - Modyul 1
Aralin 1

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities.
We encourage teachers and other education stakeholders to email their
feedback, comments, and recommendations to the Department of Education
at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materials
(i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned
by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over
them. Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

iii

Talaan ng Nilalaman
Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya ----------------------------------------------------------- v
Nilalaman ng Modyul ----------------------------------------------------------- v
Pangkalahatang Panuto ---------------------------------------------------------- v
Icons na Ginagamit sa Modyul ------------------------------------------------- vii

Aralin 1: Likas na Katangian at Kaligiran ng Sayaw

Alamin ---------------------------------------------------------------------- 1

Balikan ---------------------------------------------------------------------- 1

Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 2

Suriin ------------------------------------------------------------------------ 3

Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 6

Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 6

Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 6

Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------------- 8

Sanggunian ----------------------------------------------------------------- 9

iv
Modyul 1
PE (Ikaapat na Markahan)
Pangkalahatang Ideya
Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga konsepto ukol
sa Likas na Katangian at Kaligiran ng Sayaw (folk, indigenous, ethnic, traditional, at
creative).

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay tungkol sa elementong Physical Education. Tampok dito ang
konsepto ng Likas na Katangian at Kaligiran ng Sayaw.

Nagsisimula ang modyul na ito sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga


mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang bahaging
Balikan kung saan masusuri ang natutunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin.
Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa
kasalukuyang aralin.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang


gawain. Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat na
matutunan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutunan ng mga


mag-aaral at magbibigay ng pagkakataong mahahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip ayang magpoproseso ng mahahalagang natutunan sa aralin at sa


bahaging Isagawa naman ay mailalapat ang mahahalagang natututunan ang mga pangyayari o
sitwasyon sa totoong buhay.

Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan nang mabuti ng mga mag-
aaral ang mga aralin sa PE Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa paaralan nang regular.
Sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang maging lubos ang iyong pag-
unawa sa mga nilalaman ng aralin.

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone, tablet, laptop, kompyuter kung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa pag-
aral.

v
3. Maglaan ng kwaderno sa PE para sa mga kasagutan ng mga tanong, mga gawain, at
mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa pagpapalalim. Isulat naman ang iyong mga
pagninilay sa isang dyurnal.
4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kwaderno sa PE.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning
pagkatuto at mapagtapos ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan, o


sa mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga
aralin na kinakaharap.

vi

Icons na Ginagamit sa Modyul


Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
Alamin mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na
ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin
tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri
kung ano na ang iyong natutunan kaugnay sa bagong
tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng


Tuklasin iba’t ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


Suriin
mong matutunan upang malinang ang pokus na
kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang
Pagyamanin
kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


Isaisip mahahalagang natutunan sa aralin.

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat


Isagawa
ang iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari
o sitwasyon sa totoong buhay.

Susi sa
Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba’t ibang mga gawain
Pagwawasto
at pagtatasa.

vii

Aralin Likas na Katangian at Kaligiran ng


1 Sayaw

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Explains the nature/background of the dance

Handa ka na ba?
Sa araling ito, matututuhan mo ang likas na katangian at kaligiran ng ilang mga
katutubo at malikhaing sayaw gaya ng Tiklos, Polka sa Nayon, Cariñosa,
Malikhaing Sayaw, Banga Dance, Ba-Ingles at Pandango sa Ilaw. Inaasahang
maibabahagi mo rin sa iba ang mga kaalaman at kasanayang matutuhan mo sa
mga sayaw na ito.

Balikan Natin

Lagyan ng tsek ang mga katutubong sayaw.


____ 1. Tinikling
____ 2. Pandanggo sa Ilaw
____ 3. Tiklos
____ 4. Ballet
____ 5. Maglalatik
____ 6. Tango
____ 7. Polka sa Nayon
____ 8. Boogie
____ 9. Bulaklakan
____ 10. Cha-cha

1
Tuklasin Natin
Gawain 1.
Pagtambalin ang hanay A sa hanay B.

A B

1. A. Pandanggo sa Ilaw

B. Tiklos
2.

3. C. Malikhaing Sayaw

D. Banga Dance
4.

E. Cariñosa
5.

Sources: https://folkdance607.wordpress.com/
Batayang Aklat sa Pagpapalakas
https://images.app.goo.gl/z4hH8bo48bkbLLBY6

Gawain 2
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Matutukoy mo ba kung anu-ano ang mga ito?
Pagbukud-bukurin ang mga larawan ayon sa uri.

A C

B D
Sources : https://images.app.goo.gl/abxsoY1qtSoX6FDQ6
https://images.app.goo.gl/R2Z5hUHXjeu6AVQU9
https://images.app.goo.gl/J7JYYXuuFNojx8w49
https://prezi.com/h2z1c_fx_jf-/sayaw-sa-bangko/

Suriin Natin

Ang sayaw ay tumtukoy sa pangkalahatang galaw ng tao na ginagamit bilang isang


anyo ng pagpapahayag ng saloobin o tinatanghal sa isang tagpuang panlipunan, espirituwal,
at pagganap. Tinatawag na mga mananayaw ang mga taong sumasayaw, maging bata man o
may edad. Maaari ring tawagin na sayaw ang isang pangyayari na ginaganap ang pagsayaw.
Tinatawag na koreograpiya ang sining ng paggawa ng sayaw.

Ang kasaysayan ng sayaw ay ang pag-aaral sa ebolusyon ng pagsasayaw sa pagdaan


ng mga kapanahunan. Noong unang panahon bago pa man naitala o naisulat ang kasaysayan
o panahong prehistoriko, nagkaroon na ang tao ng pangangailangan na maipahayag ang
kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga galaw ng kaniyang katawan at mga bahagi ng
katawan, na matatawag bilang sinaunang mga sayaw. Ang mga kilos na ito ay nagpapahayag
o nagpapamalas ng mga damdamin at mga kalagayan ng pagkilos. Ang sinaunang mga kilos
na ito na may ritmo at indayog ay nagsisilbi rin bilang mahahalagang mga kaganapang
pangritwal katulad ng mga pagdiriwang dahil sa kapanganakan o kaarawan, kasal, digmaan, o
dahilang panrelihiyon.
3
Alam mo ba ang mga katutubong sayaw sa ating bansa? Ilan sa mga ito ang kaya
mong sayawin sa kasalukuyan?
1. Cariñosa – isang sayaw ng lambingan ang karinyosa (cariñosa) na nagmula sa isla ng
Panay sa Kabisayaan. Ang ikinatatangi ng sayaw na ito ay ang paglalangkap ng larong
taguan. Gamit ang panyo o pamaypay, ang magkaparehang lalaki at babae ay nagagawang
magtaguan at magdungawan sa nakaekis na panyo sa kanilang pagitan. Gaya ng
ipinahihiwatig ng salita, ang karinyosa ay isang impluwensiyang Espanyol. Karaniwang
nasa estilong balintawak ang suot ng kababaihan. Maaari ring patadyong at kamisa.
Mayroon ding nakasabit na pamaypay sa kanang baywang nila. Barong tagalog naman ang
suot ng kalalakihan at may nakatagong panyo sa kanilang bulsa.

Source: https://folkdance607.wordpress.com/

2. Polka sa Nayon - ay isang uri ng sinaunang sayaw na nakilala mula sa probinsya ng


Batangas. Sikat ito dahil isa ito sa mga sinasayaw sa mga malalakihang pagdiriwang tulad
ng mga piyesta sa nayon at iba pa. Kaalinsabay ng pagsayaw nito ay ang tamang pagsuot
ng kasuotan sa porma ng barong tagalog para sa mga kalalakihan habang baro’t saya
(balintawak) naman sa mga kababaihan.

3. Tiklos - ay isang katutubong sayaw na nagmula sa Leyte. Tumutukoy ito sa isang linggo
nang pag-aayos ng lupa para sa pagtatanim ng bukid at iba pang gawain sa bukid, kasama
na dito ay pagpapatayo ng bahay. Tuwing tanghaling tapat ay nagtitipon ang mga tao
upang mananghalian at magpahinga. Sa mga oras na iyon ay ipinapatugtog ang musika ng
“Tiklos” gamit ang ibat-ibang instrumento gaya ng pluta na sinasabayan ng gitara at ng
tambol habang isinasayaw ito ng mga magsasaka.

Source: Batayang Aklat sa Pagpapalakas ng Katawan 5

4. Ang Sayaw ng Banga o Pot ay isang kontemporaryong sayaw ng mga taga Hilagang
bahagi ng Pilipinas. Ang "Banga" ay isang earthen pot na gawa sa luad o molden clay na
maaaring maging bilog o spherical jar. Ito ay ginagamit para sa pagkuha ng tubig ng mga
kababaihan. Dinadala ito ng mga babaeng mananayaw sa kanilang ulo habang sumasayaw.
Ipinapakita nito ang kasanayan at lakas ng mga kababaihan habang nagdadala sila ng
mabibigat na luad na kaldero (Banga).

Source: https://images.app.goo.gl/JFyvfpkHHiHBEz126

5. Ang Ba-Ingles ay nagmula sa mga salitang "baile" at "Ingles" na nangangahulugang


English Dance. Ito ay nagmula sa Cabugao, Ilocos. Ang sayaw na ito ay pinaniniwalaang
itinuro rito sa ating bansa ng mga mangangalakal na Ingles noong unang panahon.
Maliban sa huling pigura na karaniwang Ilocano ang galaw, ang lahat ng iba pang mga
kasanayan at termino ng sayaw ay magkatulad sa ilan pang mga sayaw ng mga banyagang
Ingles.

6. Pandanggo sa Ilaw – ay katutubo sa Lubang at Mindoro. May tatlong tinggoy o oil lamps
ang nagsasayaw na babae. Maninimbang siya ng isang tinggoy sa ibabaw ng ulo at
dalawang tinggoy sa mga kamay, pero hindi humahawak ang daliri ng mananayaw. Para
sayawin ang Pandanggo sa Ilaw ng mananayaw, kailangan niya ng magagandang bikas at
mahusay na panimbang.

7. Malikhaing Sayaw
Sa kasalukuyan, ang mga kabataang tulad mo na mahilig sa sayaw ay nakatuon ang
pansin sa mga makabagong sayaw kumpara sa katutubong sayaw. Nakabase ang mga
hakbang na iyong ginagamit mula sa mga napapanood sa telebisyon. Ngunit kung iyong
susuriing pagmamasdan, ang bawat hakbang na ginagamit sa pag-indak ay hango pa rin sa
katutubong galaw. Nagiging exaggerated lamang ang kilos katulad ng paglalagay ng
bounce sa mga ito at hindi simple katulad ng sa katutubong sayaw.

Source: MAPEH 5 PE Q4 LM

Pagyamanin Natin
Gawain 1. Tama o Mali. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno sa MAPEH.
________1. Mananayaw ang tawag sa taong sumasayaw bata man o may edad.
________2. Ang “Pandanggo sa Ilaw” ay sayaw na nagpapakita ng kasanayan at lakas ng
mga kababaihan habang nagdadala sila ng mabibigat na luad na kaldero
(Banga).
________3. Ang “Malikhaing Sayaw” ay ang paggawa ng sariling hakbang sa pagbuo ng
sariling sayaw.
________4. Ang “Cariñosa” ang isang sayaw ng lambingan na gumagamit ng panyo at
pamaypay.
________5. Kailangan ng magagandang bikas at mahusay na panimbang sa pagsasayaw ng
“Tiklos”.

Gawain 2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa inyong activity
notebook.
1. Ano ang tawag sa sining ng paggawa ng sayaw?
2. Ano ang tamang pagsuot ng kasuotan sa sayaw na “Polka sa Nayon”?
3. Saan nagmula ang salitang Ba-Ingles?
4. Paano pinatugtog ang musika ng Tiklos habang sumasayaw ang mga magsasaka?
5. Paano naiiba ang malikhaing sayaw sa katutubong sayaw?

Isaisip Natin

Ang katutubong sayaw ay binubuhay sa puso at isip ng mga kabataang Pilipino sa


pamamagitan ng maraming kapistahan o festival sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Ito ay
nagpapakita ng pagkakaisa, paniniwala, at kaugalian ng mga mamamayan sa iba’t ibang
bayan o rehiyon. Ang palagiang pag-indak ay makatutulong sa paglinang ng balanse,
koordinasyon, at mabilisang pagtugon (reaction time) para maging maganda at makabuluhan
ang pagkilos.

Ang likhang sayaw ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng kombinasyon ng


lokomotor at di-lokomotor na galaw. Higit itong kinagigiliwan kapag ito ay sabay-sabay na
ginagawa sa saliw ng tugtugin.

Isagawa Natin

Panuto: Isulat ang K kung Katutubo at M kung Malikhain ang sumusunod na mga sayaw.

____ 1.
6
____ 2.

____ 3.

____ 4.

____ 5.

Source: https://images.app.goo.gl/SnQZVJr3jr2LDbaB7
https://images.app.goo.gl/bJSUQjKGqVZevCJf7
MAPEH 5 PE Q4 L

Tandaan:

Ang palagiang pagsayaw ay may dulot na maganda sa kalusugan dahil


napauunlad nito ang physical fitness ng isang tao. Maaaring gamitin ang
mga napapanood sa telebisyon at sine, o nababasa sa libro na pagbatayan
ng tema sa paglikha ng sayaw.

7
Susi sa Pagwawasto
Balikan Natin Tuklasin Natin

Gawain 2
1. ✔ 1. E A at D
2. ✔ 2. A B at C
3. ✔ 3. B
4. 4. C
5. ✔ 5. D
6.
7. ✔
8.
9. ✔
10.

Pagyamanin Natin

Gawain 1
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Mali

Gawain 2
1. Koreograpiya
2. Barong Tagalog sa mga kalalakihan at Baro’t Saya sa mga kababaihan
3. Mula sa salitang “bale” at “ingles” na nangangahuluganng English Dance
4. Gamit ang iba’t-ibang instrument gaya ng pluta na sinasabayan ng gitara at tambol
5. Sa malikhaing sayaw ang bawat hakbang na ginagamitsa pag-indak ay hango sa
katutubong sayaw. Nagiging exaggerated lamang ang kilos katulad ng paglalagay ng
bounce sa mga ito at hindi simple katulad ng sa katutubong sayaw.
Isagawa Natin
1. K
2. K
3. K
4. M
5. M
8

Sanggunian
Wikimedia Commons. (1995). Retrieved 29 July 2020, from
https://images.app.goo.gl/rqw17xWj4qWP6aBR6

1. ↑ Abad (2004), p. 15.


2. ↑ "Dance". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier
Incorporated. 1977., tomo para sa titik na "D", pahina 22-23

https://ranaostar.blogspot.com/2014/06/ebolusyon-ng-sayaw.html

Daniel Louise S Marasigan 09999706931 Taliba, San Luis, Batangas       John Conrad
Vergara 09357195438 Mahabang Ludlod, Taal Batangas       Kenth Vladimir Paris S. Garcia
091695959191 Calumala, Sta, Teresita, Batangas   folkdance607.wordpress  

Banga dance. (2020). Retrieved 29 July 2020, from


https://images.app.goo.gl/z4hH8bo48bkbLLBY6

Sail Pose | Colored version of the Sail Pos… | Flickr. (2014). Retrieved 31 July 2020, from
https://images.app.goo.gl/J7JYYXuuFNojx8w49

College, N. (2010). Image: File: Bend and Snap, contemporary dance performance at
Nazareth ... Retrieved 31 July 2020, from https://images.app.goo.gl/R2Z5hUHXjeu6AVQU9

Ciencia, S. (2010). Image: Tinikling (Cabanatuan City, Nueva Ecija) | December 2010 |
Shubert ... Retrieved 31 July 2020, from https://images.app.goo.gl/abxsoY1qtSoX6FDQ6

Liebman, A. (2015). Sayaw Sa Bangko. Retrieved 31 July 2020, from


https://prezi.com/h2z1c_fx_jf-/sayaw-sa-bangko/

(2020). Retrieved 31 July 2020, from https://images.app.goo.gl/JFyvfpkHHiHBEz126

Google Image Result for


https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/b/bc/Tinikling.jpg. (2007). Retrieved 31
July 2020, from https://images.app.goo.gl/SnQZVJr3jr2LDbaB7

Philippines folk dances from Mindanao | Cultural dance ... (2020). Retrieved 31 July 2020,
from https://images.app.goo.gl/bJSUQjKGqVZevCJf7

9
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Ozamiz City


Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax : (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

You might also like