You are on page 1of 3

Pangalan: Cordero, Crizza Loraine A.

Seksyon: 11 STEM22C - Swati Mohan

Pagsusuri ng Tekstong Naratibo

III. Mga Aktibiti sa Pansariling Pagkatuto

A. Sagutin ang mga katanungan ukol sa paksa

1) Ano ang Tekstong naratibo? Sa paanong paraan ito naiba sa isang tekstong impormatibo?

Ang isang naratibong teksto ay naglalarawan tungkol sa buhay ng isang tao o isang pangyayari o
kaganapan o isyu sa ating lipunan. Bukod dito, ang tekstong ito ay posibleng maglarawan, maglahad,
mangatwiran, o magsalaysay. Samantala, ang impormatibong teksto naman ay kadalasang maikli at
nagbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa. Ang isa sa
pinakamagandang halimbawa nito ay ang mga talata.

2) Bakit maituturing na naratibo maging ang mga akdang di-piksyon katulad ng talambuhay?

Dahil ang mga akdang di-piksyon katulad ng talambuhay ay nagtataglay ng masining na pagsasalaysay,
-ibang imahen, metapora at
mga simbolo.

3) Bakit sinasabing bahagi ng pang-araw -araw na buhay ang naratibong pagsasalaysay? Sa anong
pangyayari ito nagaganap?

Sinasabing bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang naratibong pagsasalaysay sapagkat nagtataglay


ito ng mga pangyayari tulad ng gawain, gampanin, aksyon, at desisyon na nagaganap sa araw-araw na
buhay ng isang tao. Nagaganap ang naratibong pasalaysalay sa buhay ng isang tao kung ito ay
nakikipagtalastasan sa ibang tao at isinasalaysay ang mga pangyayari sa kanyang araw-araw na
gampanin.

4)
pananaw o paninging ito ang higit na gamitin?

Sa pagsasalaysay o pangkukuwento ay may mga matang matutunghay sa mga


pangyayari. Ito ang ginamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay. Ang
pinakakaraniwang gigamit para sa naratibo ay ang una at ikatlong panauhan. Bihirang-bihirang magamit
ang ikalawang panauhan. Sa mas mahahabang naratibo tulad ng nobela ay maaaring hindi lang iisa kundi
nagbabago-bago ang ginagamit na pananaw.

5) Kung ikaw ang bubuo ng sarili mong tekstong naratibo,aling pananaw ang gagamitin mo ? Bakit?

Kung ako ang bubuo ng sarili kong tekstong naratibo, ang pananaw na gagamitin ko ay ang unang
panauhan dahil parang ako na mismo ang nagkwukwento sa aking mga mambabasa. Mas madali rin ang
pagbabahagi ng sariling pananaw o kwento sa pamamagitan ng unang panauhan.
B. Isulat sa loob ng kahon ang karaniwang bahagi ng banghay ng tekstong naratibo. Ayusin ito ayon
sa pagkasunud-sunod.

IV. Pagsasanay

A. Panuto: Buuin ang graphic organizer at tukuyin kung anong katangian at elemento ng tekstong
naratibo ang ginamit sa tekstong binasa.

PUNTO DE VISTA Ikatlo at Unang Panauhan

MGA TAUHAN Ang tauhan sa teksto ay sina Lilia Antazo


at ang may-akda.

TAGPUAN AT
Sa gitna ng COVID-19 pandemya .
PANAHON

Nagsimula ang kwento ng ipinakilala ang mga tauhan


at kung kalian naganap ang kwento. Dumating ang
BANGHAY problema nang nagsimula ang COVID-19 virus.
Kasunod naman ikinwento ng may-akda ang suliranin
na hinarap ng tauhan. Nahihirapan ang tauhan dahil
kinakailangan niyang bumiyahe paroon sa kaniyang
trabaho na nakamaskara ngunit labis pa din ang
kaniyang takot at pag-aalala na baka siya ay
mahawaan sa kumakalat na virus. Ngunit sa kabila ng
kaniyang edad nagawa niya panatilihing malusog ang
kaniyang sarili habang inaalagaan din niya ang
kaniyang anak.

Ang tema ng teksto ay sa kabila ng pandemya


dapat panatilihin nating malakas at malusog
TEMA ang ating pangangatawan at sundin ang mga
healthy protocols upang maiwasan ang
pagkalat ng virus.
B. Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang banghay ng tekstong naratibong, Ang kuwento tungkol sa
COVID-19: Sinusubukan ng 72 taong gulang mahalagang manggagawa manatiling malusog
habang nag-aalaga ng iba. Sagutin ang gawaing ito batay rin sa iyong sagot sa Aktibiti 1.

Sa kabila ng kaniyang edad


patuloy pa rin siyang
nagtratrabaho bilang
taga-alaga. Pinapatigil
siya ng kaniyang pamilya
pero kagustuhan niya na
ipagpatuloy ito.

Pinotrektahan niya ang kaniyang sarili laban sa


virus sa pamamagitan ng pagsuot ng maskara at
pagtanggi sa trabaho na kinakailangan pa niya Habang nagtratrabaho pinatili niya
bumiyahe upang maiwasan niya na makahalubilo sa paring maging malusog, at nagawa
mga tao.
niya pang alagaan ang kaniyang
anak na nahawaan ng COVID-19 at
gumaling rin ito kalaunan.

Dumating ang
COVID-19 virus.

Sabi niya patuloy pa rin daw


siya sa pagtratrabaho kahit
matanda na siya. Sa panahon
ng pandemya ipinakita ng
Inilarawan ang tauhan ang kahalagahan ng
tauhan at ang pagiging malusog at
komunidad. matatag.

V. Pagtataya

“Ang Aking Karanasan sa Panahon ng Pandemya”

Ako nga pala si Crizza, isang studyante na nakatira sa Cebu. Gusto ko ibahagi sa inyo ang aking
kwento sa panahon ng paglaganap ng pandemya. Una sa lahat, napakalaki talaga ng naging epekto ng
pagdating ng COVID-19 virus. Sobrang nahirapan akong mag-adjust sa mga pagbabago lalo-lalo na sa
pag-aaral ko kasi nag-iba na ang pamamaraan ng pagtuturo. Ilang gabi akong umiiyak dahil sa hirap na
dinaranas ko, pero kalaunan ay parang nasanay na rin ako. Sa kabilang banda naman, labis ang takot at
pangamba ko sa tuwing ako y lumalabas sa aming bahay dahil sa takot ko na mahawaan ng virus. Sa tulong
ng pagsuot ng mask, at face shield gumaan ang loob ko kahit konti dahil may pansangga ako. Itinatak ko sa
isip ko na kinakailangan ko maging matatag at malakas sa panahong ito kaya t kumakain talaga ako ng
masustansiyang pagkain at sinusunod ko rin ang health safety protocols na ipinanukala ng gobyerno.
Dahil dito hanggang ngayon maayos pa rin ang kalagayan at pangangatawan ko. Importante talaga na
ating alagaan at bigyang-pansin ang ating kalusugan at katawan dahil kung pababayaan natin ito tayo
lang din ang maghihirap sa huli.

You might also like