You are on page 1of 8

PAGBASA AT PAGSUSURI SA

IBA’T IBANG TEKSTO SA


PANANALIKSIK
Modyul 1
Tekstong Naratibo
1

Pangalan : _Angelita Consuegra___ Petsa:___________Iskor:__________

KUWARTER 1 - MODYUL 1
PAKSA: URI NG TEKSTO
ARALIN 1: TEKSTONG NARATIBO

Layunin:
Magandang araw!
Sa modyul na ito, inaaasahang matutuhan mo ang sumusunod: Natutukoy
ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa.

Sa araling ito, mauunawaan natin ang kalikasan at layunin ng tekstong


naratibo. Magagamit ang iba’t ibang elemento ng tekstong naratibo sa
pagpaparating ng mahahalagang mensahe sa mambabasa.

PANIMULANG
PAGTATAYA
Panuto: Magtala ng mga uri ng aklat o mga babasahin na kinahihiligan mong
basahin .

1. _PIKSYON______________ 3._KOMIKO___________
2. __NOBELA_________________ 4._MAGASIN_______

Ano ang naibigay o naidulot sa iyo ng pagbabasa ng ganitong uri ng aklat o


babasahin?

___Binibigyan ako ng malawak na imahinasyon, mga makukulay na


bokabularyo, at magandang aralin na nakukuha sa libro.

PANIMULA

Mahilig ka bang magbasa? Mayroon din bang mga pagkakataon na may


bago tayong natututuhan o natutuklasan mula sa mga kuwentong binabasa natin.

Ang tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang


tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.

Dalawang uri ng tekstong naratibo ; piksyon-ito ay naglalahad ng kathang


isip tulad ng maikling kuwento, alamat, mitolohiya, pabula, nobela, parabula, at
anekdota at di-piksyon naglalahad ito ng tunay na pangyayari. Mga halimbawa
nito ay dokumentaryo, talaarawan, dyornal, talambuhay, autobiography, lathalain,
at memoir o alaala.
2

MGA ELEMENTO NG MG TEKSTONG NARATIBO

1. Tauhan – dito nakikilala ang isang tauhan batay sa kanyang kilos at


pagpapahayag.
2. Tagpuan at Panahon- ng panahon at lugar kung saan nangyayari ang
maikling kuwento
3. Banghay – ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa paksa o teksto.
 Simula. Dito ipinakikilala ang mga tauhan at tagpuang iikutan ng
kuwento at tema .
 Saglit na Kasiglahan. Nagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan
tungo sa paglutas ng suliranin.
 Kasuduklan. Dito nagaganap ang paglutas ng mga suliranin na
kinakaharap ng tauhan
 Kalakasan .Ito ay magiging kahitnanan o resolusyon ng kinalabasan ng
kasuduklan.
 Wakas. Ito ay pagkakaraoon ng makabuluhang wakas ng kwento.
4. Paksa o Tema-Ito ang sentral kung saan umiikot ang mga pangyayari sa
tekstong naratibo.

Narito ang halimbawa ng tekstong naratibo .

HULING EL BIMBO SA HOSPITAL

Madilim pa ang buong paligid nang bumangon siya sa higaan. Nang masipat
niya ang pambisig na orasan ay mag-aalas singko pa lang ng madaling araw.
Gustuhin man niyang umidlip muli, ngunit hindi pwede sapagkat may tungkulin
pa siyang kailangang gawin sa hospital.

Nagmadali siyang nag-almusal at naligo. Pagkatapos ay muli siyang


nagtungo sa kanyang kwarto para isuot ang matingkad na puting uniporme upang
mabalot ang kanyang katawan. Sunod niyang itinali ang kanyang buhok saka
nagsuot ng N 95 mask at surgical gloves. Huli niyang nilagay ang face shield upang
magsilbing proteksyon.

Apatnapung minuto na lang ay magsisimula na ang kanyang trabaho, kaya


bago siya pumanhik sa hospital ay nagtungo muna siya sa silid ng kanyang mag -
ama. Doon niya nasilayan ang mahimbing nilang pagtulog. Ilang minuto rin niyang
pinagmasdan ang kanyang asawa at anak habang inuukit sa kanyang isipan ang
bawat detalye ng kanilang maamong mukha. Nais niya man silang lapitan upang
mahagkan at makausap kahit sandali ngunit hindi maaari sapagkat kalakip ng
kanyang sakripisyo bilang isang frontliner ang lumayo pansamantala sa kanyang
3

pamilya upang mapanatili ang kanilang kaligtasan sa lumalaganap na COVID 19


pandemic.

Nakapitong tawag na siya ng mga pampasaherong dyip at tricycle ngunit


wala man lang nagmagandang-loob na siya ay isakay papunta sa kanyang
pinagtatrabahuan. Kaya upang hindi siya mahuli sa kanyang trabaho ay nilakad
na lamang niya ang halos isa’t-kalahating metro ng daan patungo sa hospital. Wala
pang tatlumpung minuto nang marating niya ang kanyang paroroonan. Bago siya
tuluyang pumasok sa loob ay kinuha muna ng gwardiya ang temperatura ng
kanyang katawan gamit ang thermal scanner. Ngunit ganoon na lamang ang
pagtataka ng mga nakabantay na gwardiya sa nakuha nilang temperature ng
kanyang katawan na umabot ng 40.5 degree Celsius. Agad siyang sumailalim sa
rapid testing at swab test na itinalaga ng hospital na kanyang pinagtatrabahuan.
Bigla siyang nanlumo sa naging resulta ng kanyang rapid test sapagkat positibo
siya sa COVID 19.

Sa mga nakalipas na tatlong araw ay hindi niya nakapiling ang asawa’t anak
na kasalukuyan ding sumasailalaim sa labing apat na araw ng home quarantine.
Tanging sa video call na lamang sila nakapag uusap ng kanyang mga pamilya.
Kinabukasan, lumabas ang resulta ng kanyang swab test na labis niyang
ikinalungkot sapagkat positibo siya sa COVID 19 at aktibo ang virus na nakapasok
sa kanyang katawan na marahil ay nakuha niya sa isang pasyente na kanyang
inalagaan noong nakaraang linggo. Dumaan pa, ang dalawang araw na walang
anomang pagbuti ng kanyang kalagayan. Hanggang sa ikasampung araw niyang
pananatili sa intensive care unit ng hospital ay unti -unti siyang binawian ng
buhay. Nabigo siyang labanan ang virus.

GAWAIN 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Anong damdaming umiiral sa akdang “Huling El Bimbo”, Paano


napalabas sa akda?

Ang damdaming umiiral sa akdang Huling El Bimbo ay ang


paghihinagpis dahil sa paghihirap na dinalas ng frontliner nung
pandemiya.
4

2. Ano-ano ang mga hamong kinaharap ng tauhan batay sa


binasang teksto?

Ang unang hamon ay ang hindi pagtulog ng maayos dahil sa


kanyang trabaho sa ospital. Hindi din siya pinapasakay ng ng
mga pampublikong sasakyan sa mga taong nagtatrabaho sa mga
ospital dahil sila ay takot mahawa. Pangatlo, ang hindi niya
malapitan ang kaniyang mag ama dahil sa sakit nila. Pang apat
ay ang pagkuha niya ng sakit galing sa kaniyang mga pasyente at
tuluyang pagkamatay.

3. Paano nakaapekto ang pandemiya sa pamumuhay ng tauhan?

Mahirap ang buhay ng tauhan nung pandemiya. Hindi niya


nakakasama ang kanyang pamilya, binubukod ang mga
frontliners sa mga pampubliko na sasakyan at madaling kapitan
ng sakit dahil sa mga pasyenteng natamaan din ng COVID 19.

4. Ano sa tingin mo, bakit pinamagatang itong Huling El Bimbo?

Ipinamagatang Huling El Bimbo ang akdang ito dahil sa dami


niyang kahirapan na naipon, ang kanyang pagpanaw ang
nagwakas dito. Hanggang sa huli, hindi niya nagawang
makasama ang kanyang pamilya. Kung saan sya noon ang taga
bantay sa mga pasyenteng namamatay, siya naman ang
nilamayan bilang isang frontliner at pasyente.

5. Sa iyong palagay , bakit tinawag ang mga frontliners bilang


bagong bayani ?

Marahil na sila ay tawagin na bagong bayani dahil sa sakripsyo


nila para sa bayan. Itinala nila ang kanilang buhay upang
matulungan ang mga may karamdaman dahil sa COVID 19. Araw
araw nila binubuwis ang buhay nila upang maalagaan ng maayos
ang kanilang pasyente at maglingkod sa kapwa kahit ito’y
nangangahulugan na hindi nila makakapiling ang kanilang mga
pamilya.

GAWAIN 2

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong kaugnay ng paksa


mo tema ng tekstong binasa.
Ano ang paksa o temang tinalakay sa unang akda?

Tukuyin ang paksa o temang tinalakay sa akda at at


ipaliwanag ang napiling mong sagot.

Dapat kilalanin at bigyang-pugay ang paghihirap ng mga


frontliners

Ang pandemya ang daan sa pagkakaisa.


5

Ang pamilya ang siyang sandigan sa mga problemang


kinahaharap.

Pagkawalang bahala ng gobyerno sa suliranin o problemang


kinahaharap ng bansa.

Manatiling sumunod sa alintunintunin ng gobyerno sa


pagsugpo ng COVID 19.

PALIWANAG:

Ang aking napiling paksa o tema ay,

‘Dapat kilalanin at bigyang-pugay ang paghihirap ng mga


frontliners” ito ang napili ko dahil sa akda, isinalaysay ang mga
paghihirap na pinagdaraanan ng mga frontliners noong
pandemiya. Ang kanilang sakripisyo ay hindi biro at dapat
natin sila pasalamatan sa lahat ng naitulong nila para sa
bansa.

GAWAIN 3

Panuto: Balikan ang tekstong “Huling El Bimbo” sa aralin. Isulat


sa ibaba ang mga pangyayaring bubuo sa banghay ng teksto.

Simula: gumising ang tauhan ng maaga upang makapaghanda


para sa trabaho.
Saglit na Kasiglahan :bago pumasok ay isinilip nya ang kaniyang
mag ama ng saglit lamang upang masilayan sila habang
natutulog.
Kasuduklan: walang tricycle ang may gustong magsakay sa kanya
sapagkat sya ay isang nurse, mataas ang kanyang temperatura
nung kinuhanan siya ng gwardya bago pumasok. Nagparapid
test sya at nalaman na sya ay positibo sa COVID-19.__
Kalakasan :inilakad niya ang daan papuntang ospital kahit malayo.
Nakapag video call silang magkapamilya dahil hindi pwedeng
pumunta sa ospital ang mag -ama. __
Wakas :Binawian siya ng buhay pagkatapos ng sampung araw sa ICU._

ALAMIN ANG PAG-UNAWA


6

Mahalaga ba ang pagbabasa at pagsusulat ng tekstong


naratibo? Ipaliwanag ang iyong sagot.

_Napakaimportante nitong pagbasa ng tekstong naratibo na ito


sapagkat, naimulat ang mga mata ng mga mag-aaral sa mga
sakripisyo at paghihirap ng mga frontliners dahil sa
pandemiya. Sila ay dapat kilalanin, alagaan ng bansa at bigyan
ng madaming pasasalamat upang mabayaran ang kanila
serbisyo sa bayan.

PANAPOS NA PAGTATAYA

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang tekstong naratibo?

___Ang tekstong naratibo ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari,


totoo man o hindi, ng isang tauhan.
2. Ano ang pagkakaiba ng piksyon at di piksyon sa tekstong naratibo?
Magbigay ng halimbawa. __Ang piksyon ay gawa lamang sa kathang
isip katulad na lamang ng Ibong Adarna. Ang Di piksyon ay totoong
pangyayari lamang. Katulad ng talambuhay ng isang katauhan. Ang
tekstong naratibo naman ay pwedeng piksyon o di piksyon at ito ay
tumatalakay sa mga pangyayari, lugar at karanasan ng katauhan,
katulad ng Huling El Bimbo sa Ospital.

3. Ano-ano ang mga elemento ng tekstong naratibo?


a. Tauhan
b. Tagpuan at panahon
c. Banghay
 Simula
 Saglit na Kasiglahan
 Kasukdulan
 Kalakasan
 Wakas
d. Paksa o tema

SANGGUNIAN:
Alma, Dayag and Del Rosario, Mary Grace. Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik.Quezon City:Phoenix Publishing House,Inc.2017
Mula sa Huling El Bimbo ni Ronald Sandaga
7

You might also like