You are on page 1of 8

Mathematics – Week 8

Aralin: Pagtukoy sa Posibilidad o Pagkakataon na Maaaring Mangyari o Maganap

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Tukuyin ang posibilidad o pagkakataon
na ang mga ito ay mangyayari o mararanasan mo sa araw na ito. Lagyan ng tsek ang angkop na kolum na
kumakatawan sa iyong sagot.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Ilarawan ang sumusunod na mga pangyayari o event gamit ang imposible,
maliit ang posibilidad, pantay na pagkakataon, mataas na posibilidad, o siguradong mangyayari.
1) Makakakita ako ng bulalakaw mamayang gabi.
Posibilidad: _______________________________________________________________________
Bakit?: ____________________________________________________________________________
2) Hindi ako manonood ng TV mamayang hapon.
Posibilidad: _______________________________________________________________________
Bakit?: ____________________________________________________________________________
3) Kung manganganak ang tita ko,lalaki ang magiging anak niya.
Posibilidad: _______________________________________________________________________
Bakit?: ____________________________________________________________________________
4) Ang pusa at aso ay mag-aaway.
Posibilidad: ________________________________________________________________________
Bakit?: _____________________________________________________________________________
5) Makikita ko ang Full Moon mamayang gabi.
Posibilidad: _________________________________________________________________________
Bakit?: _____________________________________________________________________________
6) Makahuhuli ng maraming isa si Tatay mamayang hapon.
Posibilidad: _________________________________________________________________________
Bakit?: ______________________________________________________________________________
7) Makakakita ako ng mga ginto sa dulo ng bahag-hari.
Posibilidad: ___________________________________________________________________________
Bakit?: _____________________________________________________________________________

Filipino – Week 8
Aralin: Pagtukoy ng Mahahalagang Detalye sa Paksang Narinig/Pagbibigay ng Paksa
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Iguhit ang masayang mukha sa patlang kung ito ay tama at malungkot na
mukha kung mali. Gawin ito sa sagutang papel.
_________1. Ang paksa ay ang pangunahing tinatalakay sa kuwento o sanaysay.
_________2. Mahalagang malaman ang tao o bagay at pangyayaring pinag-uusapan sa kuwento o sanaysay.
_________3. Malalaman ang paksa ng kuwento o sanaysay sa unang bahagi lamang.
_________4. Karaniwang sumasagot sa tanong na “Tungkol saan ang kuwento?”
_________5. Mabilis na malalaman ang paksa ng kuwento kung babasahin lamang ang wakas nito.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ipabasa ang sanaysay. Sagutin ang mga tanong pagkatapos mapakinggan.
Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

Pandemya
Ni: Dr. Maria Leilane E. Bernabe
Enero 2020 nang dumanas ng pandemya na COVID 19 ang ating bansa. Maraming pamilya ang
dumanas ng hirap sanhi ng pandemya. Naapektuhan ang mga mag-aaral, hindi na sila nakapupunta sa
paaralan para sa face-to-face classess dahil na rin sa ipinagbawal ng pamahalan upang proteksiyonan ang
mga kabataan sa lumalaganap na virus. Ang pandemya ay marami ng buhay ang kinuha lalo na ang mga
doktor at nars na nasa ospital. May dumating nang bakuna para sa COVID 19 ngunit ito ay hindi sapat
upang lahat ng tao sa Pilipinas ay mabakunahan. Kinakailangan pa rin nating mag-ingat upang hindi tayo
madapuan ng virus. Kailangan nating tanggapin na matagal pa bago maibabalik sa normal ang dati nating
buhay gawa ng pandemyang ito.

1. Tungkol saan ang sanaysay?


A. Pandemya dulot ng Covid 19
B. Maraming pamilya ang naghirap
C. Mag-ingat dahil sa virus
D. Ang bakuna
2. Ano ang paksa ng talatang binasa?
A. Ang pandemya ay maraming buhay ang kinuha
B. Matagal pa bago maibalik sa normal ang dati nating buhay
C. Kailangang mag-ingat upang hindi mahawahan ng virus
D. Naapektuhan ang mga mag-aaral
3. Anong sakit ang dulot ng pandemya?
A. Virus C. Lagnat at ubo
B. Covid 19 D. Dengue
4. Saang bahagi ng sanaysay mababasa ang paksa ng talata?
A. Unang bahagi C. Huling bahagi
B. Gitnang bahagi D. Hindi nabanggit
5. Ano ang dapat mong gawin upang makatulong sa pagpigil nang pagkalat ng Covid 19?
A. Makinig ng balita upang malaman ang pinakahuling
pangyayari tungkol sa pandemya.
B. Lumabas ng bahay upang makasagap ng balita
C. Sundin ang pinag-uutos na health protocol at pagsusuot ng face mask
D. Palaging maligo at maghugas ng kamay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tukuyin ang paksa sa bawat sanaysay. Piliin at bilugan ang letra ng tamang
sagot.

1. Matalik na kaibigan ang turing ko sa kaniya. Kahit saan ako magpunta ay kasama ko siya. Mabilis siyang
tumakbo at malakas tumahol. Palagi kaming naghahabulan sa aming bakuran. Minsan isang araw bigla na
lamang siyang naging matamlay at ayaw kumain, kaagad ko siyang dinala sa doktor. Kinabukasan, malakas
na ulit siyang kumain at nakikipaglaro na sa akin. Tuwang-tuwa ako sa pagpabalik ng kaniyang sigla. Ang
aso kong si Primo.
A. Ang magkaibigan
B. Ang aking kalaro
C. Masaya ang aming tahanan
D. Ang aking alagang aso

2. Mahilig si umawit si Ana. Sinasabayan niya ang lahat ng nursery rhymes na kaniyang naririnig. Ibinili
siya ng kaniyang mga magulang ng sariling microphone. Sa kaniyang pagtanda, natutuhan na rin niya ang
gumawa ng sariling awit. Halos lahat ng kaniyang sinulat na awitin ay nagustuhan ng mga nakaririnig.
Tuwing may okasyon sa kanilang bayan siya ay naiimbitahan upang iparinig ang kaniyang magandang tinig.
Maraming siyang kababayan napapahanga kapag narinig ang kaniyang malamyos na tinig.
A. Ang pagkahilig ni Ana sa pag-awit
B. Ang pagsusulat ng awitin
C. Umaawit sa mga pagtitipon
D. Sinasabayan ang nursery rhymes

3. Likas na magalang ang mga Pilipino. Ang pagmamano sa matanda ay nagpapakita ng pagiging magalang.
Pagsasabi ng po at opo ay hindi kinalilimutan. Ikinararangal ng bawat magulang ang mga anak na taglay ang
magandang asal na pagiging magalang.
3. Ano ang paksa ng talata?
A. Ang pagiging mabait ng mga Pilipino.
B. Ang pagiging mapagmahal ng mga Pilipino.
C. Ang pagiging magalang ng mga Pilipino.
D. Ang pagiging masayahin ng mga Pilipino.
4. Anong kaugalian ang taglay ng bawat pamilyang Pilipino?
A. Pagiging magalang
B. Pagiging masayahin
C. Pagiging mapagmahal
D. Pagiging madasalin
5. Saang bahagi mababasa ang paksa ng talata.
A. Unang bahagi
B. Gitnang bahagi
C. Hindi nabanggit
D. Huling bahagi

Music – Week 8
Aralin: Tambalang Awit

Science – Week 8
Aralin: Mga Natural na Bagay na Makikita sa Kalangitan (Buwan)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin kung anong mukha ng buwan ang ipinakikita ng bawat larawan.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Week 8
Aralin: Paniniwala Mo, Igagalang Ko
Bilang pangwakas, buoin mo ang kaisipan sa loob ng kahon na maglalarawan sa iyong pagpapahalaga sa
paggalang at paniniwala ng iba tungkol sa Diyos.

Ang paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos ay pagpapakita ng _____________ sa kapwa. Ito ay
makatutulong upang magkaroon ng ____________ at ______________ ang bawat isa.
Bilang isang bata, maaari mong maipakita ang paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos sa
pamamagitan ng _____________, _____________ at ___________.

Pagkakaunawaan pakikipagkaibigan respeto


pakikipag-usap paggalang pakikisama
pakikipagtalo

Arts – Week 8
Aralin: Pagkukuwento Gamit ang mga Puppet

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 : Ihanda ang mga kagamitan sa pagtatanghal. Sundin ang mga pamamaraan sa
ibaba.
Pagkukuwento tungkol sa mga pagpapahalagang Pilipino
Mga Kagamitan: Halimbawa ng mga puppet, puppet na daliri, puppet na patpat, puppet na sako, at puppet na
bag
Pamamaraan:
1. Gumawa ng maikling kuwento na nagpapakita ng pagpapahalagang Pilipino.
2. Dapat Makita ang iba’t ibang tauhan sa kuwento ng gagawin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 : Gamitin ang pamantayan sa ibaba sa pagmamarka ng iyong output.

English – Week 8
Lesson: Presentation of Information

Learning Task 1: Use Show and Tell strategy. Draw your favorite clothes and complete the paragraph
below.
My Favorite Clothes

This is my favorite ______________. Its color is______________. I wear it when I am ______________.


My ______________bought it for me.

Learning Task 2: Act as a reporter for a day. Report the given passage in front of your family members.
Then, answer the questions that follow.

Typhoon Ulysses with the international name Vamco hardly hit Luzon on November 11-12, 2020
carrying heavy rains that triggered massive flooding affecting Cagayan Valley, Metro Manila and nearby
provinces.
The typhoon entered the Philippine Area of Responsibility (PAR) on November 10 and weakened on
November 13 before finally leaving PAR.
Its first landfall was recorded in the vicinity of Patnanungan Island, Province of Quezon on
November 11.
In a Philippine News Agency’s report, about 891457 families; 6169 barangays in Regions I, II, III,
IV-A, IV-B, V, NCR and CAR were affected.

1. What is the international name of Typhoon Ulysses? ___________________________________


2. When did it enter the PAR? ________________________________________________________
3. What places were affected by the typhoon? __________________________________________
4. Where did its first landfall happen? _________________________________________________

MTB – Week 8
Aralin: Paggamit ng Pang-ukol

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Punan ng angkop na pang-ukol na nasa kahon ang mga sumusunod na
pangungusap.

sa likod sa ibabaw sa loob


tungkol sa sa sa ilalim

1. Ang pusa ay pumasok _____________ ng bahay.


2. Nakita ni Allan ang kanyang laruan ______________ ng cabinet.
3. Ang kuwento na binasa ng mga bata ay __________________ magiting na Caviteño.
4. Kumuha si Nanay ng mga gulay __________________ ng aming bahay.
5. Si Carlo ay naglagay ng kanyang mga gamit __________ tamang lalagyan.

P.E – Week 8
Aralin: Pakikiisa sa mga Kasiya-siyang Gawaing Pisikal: Luksong Tinik

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin nang mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung wasto
ang pahayag at MALI naman kung hindi wasto. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_______1. Ang luksong tinik ay isang katutubong laro.
_______2. Gumagamit ng bola sa paglalaro ng luksong tinik.
_______3. Ang luksong tinik ay binubuo ng tatlo o higit pang manlalaro.
_______4. Sa paglalaro ng luksong tinik napapaunlad ang kasanayan sa tamang pagtalon.
_______ 5. Sa paglalaro ng luksong tinik, ang kamay at paa ang nagsisilbing tinik.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Lagyan ng tsek (✓) ang wastong kahon na naglalarawan sa iyong paglalaro
ng luksong tinik.
Araling Panlipunan – Week 8
Aralin: Pamamahala sa Sariling Lalawigan at Rehiyon

Magtala ng ilan sa katangian ng isang mabuting lider.

________________
____

Katangian
________________ ng isang ________________
____ Mabuting ____
Lider

________________
____

Health – Week 8
Aralin: Tagubilin Para sa Isang Ligtas na Pamayanan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa binasang kwento ni Ben.
1. Sino ang batang nagkukuwento? ______________________________________
2. Ano ang ginagawa ng pamilya ni Ben? _____________________________________________
3. Bakit sumasali ang pamilya ni Ben sa mga crime prevention programa ng barangay?
______________________________________________________________________________
4. Kung ikaw si Ben, sasali ka rin ba sa ganitong programa sa inyong barangay? Bakit?
__________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng
pag-iingat sa pamayanan at MALI naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
_______ 1. Mahalagang malaman ko ang mga impormasyon tungkol sa aking mga magulang.
_______ 2. Ang panonood ng balita sa telebisyon ay hindi mahalaga dahil nakakasawa.
_______ 3. Dapat tayong magpanic sa oras ng panganib.
_______ 4. Hindi ako dapat nakikipag-usap sa mga taong hindi ko lubos na kilala.
_______ 5. Ang pagpunta sa mga madidilim na lugar ng nag-iisa ay mapanganib.

You might also like