You are on page 1of 11

1

PPTTP – Grade 12
Unang Markahan
Unang Linggo
Aralin 2: Tekstong Impormatibo
PPTTP_ (F11PB – IIIa – 98)/ (F11PT – IIIa – 88)

Mga Inaasahan

Sa iyong pagsisimula sa panibagong kurso, unang pag-aaralan ang tekstong impormatibo at


ang mga katangian, kalikasan at iba’t ibang uri nito. Ang modyul na ito ay dinisenyo bilang gabay
sa iyong pagkatuto, basahing mabuti at unawain ang mga babasahing nakapaloob sa iyong
modyul ng pansariling pagkatuto upang masagutan ang mga pagsubok at gawain. Tiyaking
sumunod sa panuto. Maaaring kumunsulta sa iyong guro kung sakaling may bahaging hindi mo
lubusang naunawaan.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang malinang sa iyo ang mga kasanayang :

a) Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa (F11PB – IIIa – 98)
b) Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri
ng tekstong binasa (F11PT – IIIa – 88)

Halina’t tuklasin ang mga nakatagong karunungan sa Tekstong Impormatibo, alamin ang
totoong balita magpalaganap ng wastong impormasyon.

Paunang Pagsubok

Piliin ang tamang sagot at isulat ang letra sa nakalaang patlang.


_______ 1. Anong uri ng babasahin ang tiyak na halimbawa ng isang tekstong impormatibo?
A. Mitolohiya B. Fb post C. Nobela D. Papel-pananaliksik
_______ 2. Alin sa mga sumusunod na anyo ng teksto ang hindi kabilang sa tekstong
impormatibo?
A. Pagbibigay-Depinisyon C. Sanhi at Bunga
B. Problema at Solusyon D. Paglalarawan
_______ 3. Anong uri ng impormatibong teksto sa sitwasyong na: Ang kaibahan ng karanasan
ng Baby Boomers at Henerasyong Z
A. Problema at Solusyon C. Paghahambing
B. Sanhi at Bunga D. Enumerasyon
_______ 4. Naiugnay ni Alab ang kwento sa napanood niyang pelikula sa kasalukuyang
nagaganap na pandemyang pandaigdigan. Alin sa mga kakayahan sa pag-unawa ng tekstong
impormatibo ang kapansin-pansin sa karanasan ni Alab?
A. Pagkakaroon ng mayamang karanasan C. Pagbuo ng hinuha
B. Pagpapagana ng imbak na kaalaman D. Paghuhula
_______ 5. Ano ang pangunahing paksa ng isang impormatibong teksto?
A. datos B. talahanayan C. impormasyon D. grapikal na representasyon
_______ 6. Anong uri ng tekstong impormatibo ang babasahing Pagkilala: Novel Corona Virus
A. Pagbibigay-Depinisyon C. Sanhi at Bunga
B. Problema at Solusyon D. Paglalarawan
_______ 7. Malabo para kay Malaiyah ang Kabanata 14 ng nobelang kaniyang binabasa, ngunit
naunawaan niya pa rin ang daloy ng kwento dahil sa kasanayang taglay niya. Ano ang kasayan
ap ag-unawa ng tekstong impormatibo ang kaniyang nagamit?
A. Pagkakaroon ng mayamang karanasan C. Pagbuo ng hinuha
B. Pagpapagana ng imbak na kaalaman D. Paghuhula

Baitang 12: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan: Unang Linggo
2

_______ 8. Itinakda ni Bb. Vivian sa kaniyang mga mag-aaral na magdala ng mga babasahing
impormatibo sa susunod na pagkikita. Ano ang mga posibleng babasahin ang maaaring dalhin
ng kaniyang mga mag-aaral?
A. journal, balita sa diyaryo, siyentipikong ulat, diksyunaryo, almanac at encyclopedia
B. balita sa diyaryo, siyentipikong ulat, diksyunaryo, almanac at encyclopedia
C. balita sa diyaryo, siyentipikong ulat, diksyunaryo, almanac at nobela
D. journal, balita sa diyaryo, siyentipikong ulat
_______ 9. Anong uri ng tekstong impormatibo ang babasahing Uri ng mga Halamang Gamot sa
Bundok Banahaw?
A. Pagbibigay-Depinisyon C. Sanhi at Bunga
B. Problema at Solusyon D. Enumerasyon
_______ 10. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tekstong Sanhi at Bunga?
A. Proseso sa pagluluto ng Kare-kare
B. Ang Krisis bunga ng Covid-19
C. 100 Tula Para Kay Stella
D. Etemolohiya ng Amoeba

Pagpapakilala ng Aralin

Ang matalinong mambabasa ay hindi lamang tumatanggap ng ano mang impormasyong


nakalimbag sa papel o nakatipa sa anumang platapormang online. Maaalala ang milyon-milyong
impormasyong makikita sa social media, bilang isang responsableng netizen at mamamayan ng
bansang Pilipinas, mahalagang matukoy kung alin ang lehitimo at huwad sa mga balitang ating
nasasagap. Hindi maaaring tumanggap lamang tayo ng mga balita nang walang malalim na pag-
unawa sa katotohanan. Gaya ng mga pagkain, mahalagang piliin natin ang mga natatanggap na
balita bago ito ipamahagi sa ating kapwa dahil maaaring maging sanhi ito ng lason sa isipan ng
mga tagatanggap ng impormasyon.

Ang Tekstong Impormatibo


Ang salitang impormatibo ay mula sa salitang Ingles na inform na ayon sa www.lexico.com ay
hango sa wikang Latin na informare o informativus sa Medieval Latin na ang ibig sabihin ay
“magturo o magpabatid”. Ang tekstong impormatibo ay maaari ring tawaging ekspositori dahil sa
layunin nitong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon tungkol sa tiyak na kaalaman, bagay o
pangyayari. Ito ay karaniwang sumasagot sa tanong na ano, sino, kailan, saan at paano. Ang
nilalaman ng isang tekstong impormatibo ay nababatay sa tiyak na pangyayari sa daigdig, hindi
katulad ng isang sulating piksiyon na nababatay lamang sa imahinasyon ng tao. Ang mga tiyak na
halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga impormasyong matatagpuan sa
diskyunaryo, encyclopedia o almanac, papel-pananaliksik sa mga journal, siyentipikong ulat at mga
balita sa diyaryo. Mahalaga sa isang mag-aaral ang pagbabasa ng isang tekstong impormatibo dahil
higit nitong napalalawak ang kasanayang pangwika ng isang indibidwal tuladng pagtatala ng
impormasyon, pagtukoy sa mahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri at
pagpapakahulugan ng impormasyon. Sa pagsulat ng isang impormatibong teksto, ginagamitan ito
ng manunulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan ang mambabasa gaya ng talaan ng
nilalaman, indeks, glosaryo, larawan o ilustrasyon, kapsyon o iba pang palatandaan gaya ng
graphic organizers.

Ang mahusay na impormatibong teksto ay may partikular na katangian gaya ng sumusunod:

1. Tiyak at pinili ang mga salitang naghahatid ng mensahe


2. Tiyak ang mga impormasyon o detalyeng nakaayos sa paarang lohikal
3. Madaling unawain nang babasa
4. Maayos ang pagkakahanay ng mga salita

Baitang 12: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan: Unang Linggo
3

Mayroong iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo depende sa estruktura ng paglalahad nito.
Ito ay maaaring sa pamamagitan ng sanhi at bunga, paghahambing, pagbibigay
depinisyo,enumerasyon at problema at solusyon.
Sanhi at Bunga. Ang estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari at kung paanong nagbunga ang isang aksyon. Ang sanhi ay nagsasaad ng kadahilanan
ng mga pangyayaring naganap at ang epekto ng pangyayari ay tinatawag na resulta.
Halimbawa: Sanhi: Malaki ang demand ng face mask at alcohol sa pamilihan
Bunga: Tumaas ang presyo nito dahil sa kakulangan ng suplay.
Kawalan ng Trabaho sa Panahon ng Pandemya

Ayon sa Philippine Statistics Authority, tumaas sa 17.7 porsyento nitong buwan ng Hunyo ang
nawalan ng trabaho mula sa 5.3 porsyento noong Enero, at 5.1 porsyento noong nakaraang taon. Ito
ang pinakamataas na naitalang bilang ng nawalan ng trabaho sa kasaysayan bunga ng pagsasara ng
iba’t ibang establishemento at negosyo. Ito ang naging aksyon ng mga negosyante dahil sa
pagpapatupad ng quarantine sa buong kapuluan upang mabawasan ang bilang ng mga nahahawaan
ng virus. Ngunit sa patuloy na pag-iral ng pandemya, at pagtaas ng kaso ng mga apektado ng Covid-
19 sa Pilipinas naging mabagal ang proseso ng pagbabalik operasyon sa paggawa. Ang mga
establishementong bumalik sa operasyon ay limitado lamang, tanging mga esensyal na kompanya
ang pinayagang magbukas muli habang sumasailalim sa health protocols.

Ang mga manggagawang bumalik sa operasyon ay limitado lamang o skeletal work force,
kaya marami ang napilitang magbawas ng empleyado o tuluyang isara ang negosyo na dahilan ng
pagbagsak ng ekonomiya. Tumaas ang bilang ng mga nawalan ng trabaho mula 4.99 libo hanggang
7.25 milyon. Ayon pa rin sa PSA, dalawa sa tatlong manggagawa ang nakadepende ang pang-araw-
araw na gastusin sa kanilang kinikitang sahod habang 28.7 porsyento ang propesyonal at may
sariling negosyo. Ayon sa inilabas na datos ng PSA, 13 milyong Pilipino ang mga manggagawang hindi
makapagtrabaho na kumakatawan naman sa 38.4 porsyento. Habang ang lakas paggawa ay
sumadsad sa pinakamababang tala ng bilang na 55.6 porsyento. Ang mga kasalukuyang mga
nagtatrabaho ay binubuo ng 57.1 porsyento mula sa sektor ng mga serbisyo (Services Sector), 25.9
porsyento naman mula sa sektor ng agrikultura at 17 porsyento mula sa industriya. Dahil sa
mababang demand ng kasalukuyang panahon, ang sektor ng Sining at Libangan ang may malaking
bilang ng mawawalan ng trabaho. Ayon na rin sa DOLE, tinatayang sampung milyon ang mawawalan
ng trabaho sa buong taong 2020 dahil sa pandemyang Covid-19.
Sanggunian: https://www.cnnphilippines.com, https://www.tradingeconomics.com., Philippine Statistics Authority

Paghahambing. Ang mga tekstong kabilang sa ganitong estruktura ay kadalasang nagpapakita ng


mga pagkakaiba o pagkakatulad sa pagitan ng dalawa o higit pang ideya, tao, bagay o lugar.
Halimbawa: Dulog sa Pagtuturo at Pagkatuto: Online Classes at Face-to-Face

Pagkatuto: Tradisyunal na Pamamaraan at Bagong Kadawyan

Agosto 24, 2020, ang opisyal na petsang itinakda ng Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon
na si Gng. Leonor Magtolis Briones upang buksan ang taong panuruan 2020-2021. Hindi tulad ng
dating normal, isang buwan bago ang pormal na pagbubukas ng klase ay abala ang komunidad sa
paghahanda ng mga paaralan at pasilidad nito. Ngunit sa taong ito, hindi ganoon ang senaryo sa mga
Paaralan. Malungkot at nababalot ng katahimikan ang mga gusali, nasa tahanan lamang ang mga
guro at mag-aaral upang makaiwas sa pakikisalamuha sa maraming tao. Ang tanong ng marami,
Paano tatakbo ang klase sa pagkakataong ito? Ang sagot naman ng kagawaran, maraming opsyon
ang mga mag-aaral kung paano matututo kahit nasa tahanan. Nariyan ang dulog modyular, online
classes, blended na pagkatuto, at tv o radio broadcasting bilang panghalili sa nakasanayang dulog na
face-to-face. Ang bagong kadawyan ay may pagkakatulad pa rin sa tradisyunal na estilo ng
pagkatuto, mayroon pa ring guro at mag-aaral, pagkatuto pa rin ang pangunahing layunin, pareho pa
rin naman ang mga kompetensiyang aaralin, nanatili rin ang mga asignaturang paghihirapang
bunuin.

Bagaman, iba na ang estilo at proseso, sa bagong kadawyan tuloy pa rin ang proseso gamit
ang module, laptop, radio o tv na kaharap ng guro at mag-aaral habang nagtuturo o nag-aaral.
Imbes, magbayad sa tsuper ng pamasahe upang makarating sa tamang oras ng klase, ngayon
kailangang mayroong internet connection upang huwag mahuli sa talakayan, o di kaya ay
kailangang kunin ang modyul sa paaralan o barangay bilang sanggunian at maaari ring panoorin sa
tv o pakinggan sa radio ang broadcast ng aralin na sasabayan. Hindi na lamang nakakulong sa
tradisyunal na konsepto na si titser ang kaharap ng mga bata para matuto dahil maaaring ang
nanay, tatay ate o kuya na ang gumabay sa mag-aaral habang nag-aaral. Malawak na rin ang
klasrum sa pagkatuto, hindi na lamang ang apat na sulok ng pisikal na kwarto ng paaralan.
Makabago at high-tech ang midyum ng pagtuturo sa klase hindi kagaya ng tradisyunal na tisa at
Baitang 12: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
chalkboard lamang.
Unang Maraming
Markahan: bagay ang dapat matutuhan sa bagong normal. Bagamat hindi danas
Unang Linggo
nino man, ang pagiging bukas sa pagbabago ng sistema ang susi sa pagtatangkang tumbasan ng
4

Pagbibigay ng Depinisyon. Isang anyo ng paglalahad na ginagamit ng mga manunulat kung gusto
nilang bigyan ng pagpapakahulugan ang isang paksa, termino, o konsepto. Ito ay maaaring tungkol
sa isang konkretong bagay gaya ng uri ng hayop, puno o kaya naman ay abstraktong mga bagay
gaya ng katarungan, pagkakapantay-pantay, o pag-ibig. Sa ganitong uri ng tekso, mahalagang pag-
ibahin ang kahulugang denotatibo at konotatibo.
Ang denotatibong pagpapakahulugan ay likaso literal na kahulugan ng mga salita na
karaniwang nakikita sa diskyunaryo o ibang kaparehong sanggunian. Samantala, ang
konotatibong pagpapakahulugan namn ay sinasamahan ng emosyon o saloobin. Ang mga salita
ay nabibigyan ng ibang kahulugan batay sa pagkakagamit ng ibang kahuugan batay sa
pagkakagamit ng mga ito sa pangungusap.
Halimbawa: Babae
Denotatibo: Si Heartleen Jane ay isang magandang babae.
Ang salitang babae sa pangungusap ay tumutukoy sa kasarian.
Konotatibo: Pinagbintangan ni Milagros ang kaniyang asawa na palaging nanggagaling sa babae
nito kaya laging ginagabi sa pag-uwi.
Ang salitang babae sa pangungusap ay nangangahulugang kalaguyo.

Papel
Madalas puti minsan naman ay makulay. Sa simula malinis, ngunit sa tinagal-tagal nang
pagsusulat ay nadudumihan, natutupi, nalulukot nilalamukos at tinatapong tila walang saysay. Ayon
sa sikolohistang si John Locke, ang isipan ng tao ay nagsimulang tabula rasa o maihahalintulad sa
isang blangkong papel. Sa paglipas ng mga araw ay sinusulatan natin ng ating mga kaalamang bunga
ng karanasan. Tayo ay binubuo ng mga bagay na ating natututuhan. Kapag tumatagal ang tao at
tumatanda dumarami ang kaniyang natutuklasan, ang blangkong papel ay napupuno, gumugulo, hindi
na maunawaan.

Habang tumatanda, palungkot nang palungkot, malayo man ang narating at marami man ang
napagtagumpayan, ang paghahanap ng makahihigit sa naunang kwento ng iyong tagumpay ay walang
katapusan. Hindi na kagaya ng dati, nagkakasya ka lamang sa mga simpleng bagay na
nakapagpapasaya sa musmos mong isipan. Kasi ngayon, habang tumatanda ka at sinusulat ang sarili
mong kwento sa malinis na papel kahit mahaba-haba na ang listahan, naghahanap ka na ng papel mo
sa mundong ginagalawan. Sino ka ba? Ano ang silbi mo sa bayan? Uubra ka pa bang panindigan ang
papel mo sa lipunan?

Enumerasyon. Ito ay tumutukoy sa talaan o listahan ng mga ideya, katotohanan, detalye o


tungkol sa pangunahing ideya. Ang estrukturang ito naman ay kadalasang naghahati-hati ng isang
malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang
pagtalakay. Sinisimulan ang pagtalakay sa pangkalahatang kategorya at pagkatapos ay bibigyang
depenisyon at halimbawa ang iba’t ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim nito.
Halimbawa: Ang Kalagayan ng Wika ng Pilipinas sa ilalim ng Iba’t ibang Mananakop
Ang Tatlong Sangay ng Pamahalaan

Ayon sa Artikulo II, Seksiyon1 ng 1987 Konstitusyon, ang Pilipinas ay isang demokratiko at
republikanong Estado. Nasa mga mamamayan ang kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang
buong pamunuan ng pamahalaan. Ang Pilipinas ay isang republikang may pampanguluhang anyo ng
pamahalaan kung saan pantay na nahahati ang kapangyarihan sa tatlong sangay nito: ehekutibo,
lehislatibo at hudikatura.

Isang mahalagang bunga ng pampanguluhang sistema ng pamahalaan ay ang prinsipyo ng


paghahati ng kapangyarihan, kung saan nasasailalim sa Kongreso ang paggawa ng mga batas,
nasasailalim sa Ehekutibo ang pagpapatupad ng mga ito, at nasasailalim sa Hudikatura ang
pagpapasya sa mga kontrobersiyang legal.

Ehekutibong Sangay

Ito ay inubuo ng Pangulo at Pangalawang Pangulo na kapwa inihalal ng boto ng nakararami at


magsisilbi sa loob ng anim na taon. Binibigyan ng Konstitusyon ang Pangulo ng kapangyarihang piliin
Baitang
ang kanyang 12: Pagbasa
gabinete. at Pagsusuri
Bubuuin ng mgang Iba’t ibang Tekstoito
kagawarang Tungo
angsaisang
Pananaliksik
malaking bahagi ng burukrasya ng
Unang Markahan: Unang Linggo
bansa.
5

Lehislaturang Sangay

Pinahihintulutang gumawa, mag-amyenda at magsawalang-bisa ng batas gamit ang


kapangyarihang ibinigay sa kongreso ng Pilipinas ang sangay na ito. Nahahati ang institusyong ito sa
Sebado at kapulungan ng mga Kinatawan.

Hudikaturang Sangay

Ang kapangyarihan ng sangay na ito ay lutasin ang mga sigalot sa pagpapatupad ng mga
karapatang nakasaad sa batas. Hinahatulan ng sangay na ito kung nagkaroon o hindi ng matinding
pang-aabuso sa pagpapasya na katumbas ng kakulangan o kalabisan ng kapangyarihan, sa panig ng
pamahalaan. Binubuo ito ng Korte Suprema at mga nakababang hukuman.

Hango sa: https://www.gov.ph

Problema at Solusyon. Sa ilalim ng estrukturang ito nagpapahayag ng problema at nagtatala


ng isa omahigit pang solusyon sa problema. Karaniwan ito ay nagsisimula sa pagbibigay ng
suliranin at pagsusuri ng mga kalagayang lumilikha ng nasabing suliranin.
Halimbawa: Problema sa Online Enrollment
Solusyon: Drop Box Enrollment at SMS Enrollment

Online Enrollment

Hunyo 1, 2020 opisyal na nagsimula ang enrollment sa mga pampublikong paaralan. Sa unang
pagkakataon, hindi ito ang nakasanayang pisikal na enrollment na pipila, makikipaggitgitan at paroo’t
parito sa iba’t ibang istasyon ng pag-eenroll sa mga paaralan dahil sa bagong normal ay
ipinagbabawal ang malakihang pagtitipon. Nagpatupad ang Kagawaran ng Edukasyon ng online
enrollment sa pamamagitan ng pagsagot sa google forms na inihanda ng kagawaran. Ito ay maaaring
ma-access kahit sa android phone ng mga mag-aaral. Ang aksyon ay sinadya upang mabilis na
makapagkolekta ng datos habang iniiwasan ang kontak sa mararaming tao na maaaring maging sanhi
ng paglaki ng bilang ng kaso ng Covid-19.

Aktibong nakiisa ang Caloocan High School sa proseso ng online enrollment. Ngunit matapos
ang mahigit isang buwang palugit, nagkarooon pa rin ng suliranin ang sistema dahil sa ilang hindi
makapag-access online. Bunga nito, nagdesisyon ang Caloocan High School na magsagawa ng Drop
Box Enrollment sa mismong Paaralan. Maaaring bumisita ang magulang o tagapangalaga ng mag-
aaral upang kumuha ng pormularyong pampag-eenroll na kanilang ipapasa sa mga nakahandang
drop box. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang kontak sa maraming tao at mabibigyan pa rin ng
pagkakataon ang mga walang kakayahang makapag-enroll online. Maraming bagong taktika ang
kagawaran ng edukasyon dahil sa restriksyon sa dating proseso na taliwas sa tuntunin ng pag-iwas sa
pandemya.

Bilang isang mambabasa, mahalagang hasain ang tatlong kasanayan na maaaring


makatulong sa higit nap ag-unawa sa isang tekstong impormatibo. Ito ay ang pagpapagana ng mga
imbak na kaalaman, pagbuo ng hinuha at pagkakaroon ng mayamang karanasan(De Laza, 2016).
Ang pagpapagana ng imbak na kaalaman ay tumutukoy sa pag-alala ng mga salita at
konseptong dati nang alam na ginamit sa teksto upang ipaunawa anng mga bagong
impormasyonsa mambabasa. Halimbawa: Kung nagbabasa ang mag-aaral ng mga balita sa
napapanahong pangyayari makikilala niya ang iba’t ibang katangian ng pinuno na maaari niyang
pagbatayan ng pagpili sa mga susunod na lider. Higit na nauunawaan ang teksto kung nakalilikha
ng ugnayan tekstong binabasa at dating alam o nabasa.
Ang pagbuo ng hinuha naman ay may kinalaman sa pgbasa ng mga bahagi ng teksto na
hindi gaanong malinaw sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa iba pang bahaging malinaw.
Halimbawa, kapag nagbabasa ng isang artikulong may bahaging malabo, nauunawaan pa rin natin
ito sa tulong ng mga bahaging may tiyak na kahulugan.
Ang huling kasanayan ay ang pagkakaroon ng mayamang karanasan sa pagbasa ng mga
teksto at pagdanas nito. Halimbawa kung ang isang tao ay may malawak na karanasan sa
paghahalaman, mas madali niyang matutukoy ang iba’t ibang uri ng mga halaman.

Baitang 12: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan: Unang Linggo
6

Dagdag pa rito, higit na nauunawaan ng isang mambabasa ang teksto kung may malawak
na bokabularyo, maaaring iugnay ang dating alam na salita sa mga makabagong terminong
mababasa.

Mga Gawain

Gawain 1 Pagpapaliwanag

Sagutin ang mga tanong batay sa naunawaan.

1. Ano-ano ang iba’t ibang estruktura ng tekstong impormatibo? Ipaliwanag ang pagkakaiba ng
bawat isa.

______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

2. Ano ang layunin ng tekstong impormatibo?

______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

3. Ano ang katangian ng tekstong impormatibo?

______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

4. Ano-ano ang mahahalagang kakayahan upang maunawaan ang tekstong impormatibo?

______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

5. Naniniwala ka bang mahalaga ang tatlong kakayahang tinalakay upang maunawaan ang
tekstong impormatibo?

______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

Gawain 2 Pagbibigay ng Kahulugan

Ibigay ang konotatibo at denotatibong kahulugan ng bawat salita at gamitin ito sa sariling
pangungusap

Salita Denotatibong Gamit sa Konotatibong Gamit sa


Kahulugan Pangungusap Kahulugan Pangungusap
Hal: buwaya Hayop na Si Lolong ay kinilala Ganid, gahaman sa Maraming buwayang
reptilia sa bilang isang salapi o makasarili maituturing na
naninirahan pinakamalaking nakaluklok sa
lawa, ilog o buwaya. pwesto ang ayaw
sapa. bumitaw sa posisyon.
1. linta
2. tinik
3. bulaklak
4. kadena
5. krus

Baitang 12: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan: Unang Linggo
7

Gawain 3 Paggamit ng Graphic Organizer

Pumili ng isa sa alinman sa limang mga halimbawang tekstong impormatibo. Isalin ang
impormasyon sa isang graphic organizer na maaaring makatulong upang higit na maunawaan
ang babasahin. Maaaring sundin ang mungkahi sa ibaba at maaari namang mag-isip ng
pansarili. Tiyaking mailalahad ang eksaktong impormasyon.

Pamagat

1. Sanhi at Bunga (Fishbone Map) 2.


Paghahambing (Venn Diagram)

3. Pagbibigay Depinisyon 4. Enumerasyon


(Break out Topic Organizer)

5 Sanhi at Bunga (T-Chart)

Tandaan

 Ang tekstong impormatibo ay maaari ring tawaging ekspositori dahil sa layunin nitong
magpaliwanag at magbigay ng impormasyon tungkol sa tiyak na kaalaman, bagay o
pangyayari
 Ang mga tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga impormasyong
matatagpuan sa diskyunaryo, encyclopedia o almanac, papel-pananaliksik sa mga journal,
siyentipikong ulat at mga balita sa diyaryo.
 Mayroong iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo depende sa estruktura ng paglalahad
nito. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng sanhi at bunga, paghahambing, pagbibigay
depinisyo,enumerasyon at problema at solusyon.

Baitang 12: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan: Unang Linggo
8

Pag-alam sa Natutuhan

Gawain 4 Pag- unawa sa binasang Teksto

Pumili ng alin man sa limang halimbawa ng tekstong binasa at sagutan ang mga sumusunod na
tanong.

Pamagat:__________________________________

Uri ng Estruktura:____________________

1. Ano ang paksang tinalakay sa teksto?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

2. Angkop ba ang pagtalakay ng paksa batay sa estruktura nito?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

3. Ano ang kasanayan sa pag-unawa ng tekstong impormatibo ang iyong nagamit sa pagbasa ng
teksto? Talakayin.

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Gawain 5 Paggawa ng Impormatibong Teksto

Pumili ng alin man sa limang estruktura ng isang tekstong impormatibo. Gumawa ng sariling
tekstong impormatibo na hindi bababa sa 300 salita at may kinalaman sa napapanahong isyu, o
kaganapan sa ating pamayanan. Gawin sa malinis na papel.

Batayan ng Pagmamarka Puntos


Tumpak ang mga datos at impormasyong ginamit 20
Napapanahon at kapaki-pakinabang ang napiling paksa tungkol 20
sa kalikasan
Maayos ang sistema at malinaw ang paglalahad ng mga bahagi 20
Malikhain at maayos ang kabuuang presentasyon ng datos 20
Kabuuan 80

Pangwakas na Pagsusulit

Piliin ang tamang sagot at isulat ang letra sa nakalaang patlang.

_______ 1. Ano ang angkop na estruktura ng tekstong impormatibo sa sulating Ano ang E-bola
Virus?

A. Pagbibigay-Depinisyon C. Sanhi at Bunga

B. Problema at Solusyon D. Paglalarawan

_______ 2. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng babasahing impormatibo?

A. Siyentipikong pananaliksik ng Serpentina C. Sulating Editoryal

B. Impormasyon sa diksyunaryo D. Balita

Baitang 12: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan: Unang Linggo
9

_______3. Anong uri ng estruktura ng sulating impormatibo ang ang Pagkaubos ng Yamang-dagat
sa Asya?

A. Pagbibigay-Depinisyon C. Sanhi at Bunga

B. Problema at Solusyon D. Paglalarawan

_______ 4. Sa pagbabasa ni Angel ng mga journal sa pananaliksik, higit niyang naunawaan ang mga
terminolohiyang matatayog dahil sa kaniyang kasanayan sa wikang pang-agham. Ano ang
kasanayan ang kapansin-pansin kay Angel?

A.Pagkakaroon ng mayamang karanasan C. Malawak na bokabularyo

B. Pagpapagana ng imbak na kaalaman D. Pagbuo ng hinuha

_______ 5. Anong uri ng teksto ang maihahalintulad sa tekstong Impormatibo?

A. Argumentatibo C. Ekspositori

B. Persuweysib D. Naratibo

_______ 6. Ano ang mainam na graphic organizer ang maaaring gamitin bilang pantulong sa
Impormatibong tekstong naghahambing?

A. Venn Diagram C. Concept Map

B. Fishbone Chart D. Bubble Map

_______ 7. Madaling nakuha ni Gian ang talakayan sa kanilang kalse kaugnay ng migrasyon, dahil
bilang anak ng pulis naranasan niyang magpalipat-lipat ng tirahan kung saan naka-destino ang
kaniyang tatay. Ano ang kakayahan sa pag-unawa ng tekstong impormatibo ang kapansin-pansin
sa sitwasyon?

A.Pagkakaroon ng mayamang karanasan C. Malawak na bokabularyo

B. Pagpapagana ng imbak na kaalaman D. Pagbuo ng hinuha

_______ 8. Ang tekstong Imperyalismo sa Iba’t Ibang Teritoryo ay halimbawa ng anong klase ng
estruktura ng impormatibo?

A. Problema at Solusyon C. Paghahambing

B. Sanhi at Bunga D. Enumerasyon

_______ 9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng isang tekstong
impormatibo.

A. Tiyak ang mga impormasyon o detalyeng nakaayos sa paarang lohikal.

B. Tiyak at pinili ang mga salitang naghahatid ng mensahe.

C. May matibay suporta sa mga katuwiran.

D. Madaling unawain nang babasa.

_______ 10. Anong depinisyon ng salitang makunat ang ginamit sa pangungusap?

Masyadong makunat ang Lola Trining ni Leo, ni ayaw magbigay ng pang-ambag ng apo sa
paaralan.

A. Konotasyon C. Literal

B. Denotasyon D. Talinhaga

Baitang 12: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan: Unang Linggo
10

Pagninilay

Tinukoy sa aralin na mahalaga ang malawak na bokabularyo, karanasan at imbak na


kaalaman sa pagbasa at pagbuo ng mga tekstong impormatibo. Bukod sa pagkatha ng anomang
tekstong impormatibo, sa ano pang mga gawain magagamit ang tatlong kasanayang nabanggit?
Magtala ng limang sitwasyon at ipaliwanag.

Baitang 12: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan: Unang Linggo
11

Sanggunian:

De Laza, Crizel Sicat, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Unang
Edisyon. 2016.Rex Book Store, Inc.

https://www.cnnphilippines.com.

https://www.tradingeconomics.com.

https://www.gov.ph

www.lexico.com

Baitang 12: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Unang Markahan: Unang Linggo

You might also like