You are on page 1of 2

PANGALAN:

PETSA:

SUMMER CLASS 2023

TEKSTONG IMPORMATIBO

INAASAHAN
Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa araling ito, inaasahang ikaw ay:
A. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
F11PB-IIIa-98
B. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang
ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa F11PT-IIIa-88
C. Nakasusulat ng sariling tekstong impormatibo

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang ipinahahayag ng sitwasyon. Sagutin ang
sumusunod na tanong.
Sitwasyon: Gusto mong bumili ng aklat sa isang bookstore ngunit sapat lang ang
pera mo para bumili ng isang aklat lamang. Ano ang pipiliin mo?

Pangalan ng aklat o babasahin:__________________________________________________

Bakit ito ang napili mo?_________________________________________________________

Ano ang naibibigay o naidudulot sa iyo ng pagbabasa ng ganitong uri ng aklat o


babasahin? _____________________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Piliin sa
kahon ang letra ng tamang kasagutan.

A. KABANATA I C. KABANATA III


B. KABANATA II D. KABANATA IV
_____ 1. Ang bahaging ito ay nagsisilbing panimula o introduksiyon, nagpapakilala ng
halaga ng may akda batay sa konteksto o kaligiran nitó, at nagbibigay ng layunin ng
pananaliksik.
______2. Ang bahaging ito ay tumatalakay sa kinalabasan ng pag-aaral batay sa
suliraning inilahad.
______ 3. Sa bahaging ito ay tutukuyin kung anong uri ng pananaliksik ang nararapat na
gamitin, kung ito ba ay kuwantitatibo o kuwalitatibo. Ito ay nakabatay sa layunin o
paglalahad ng suliranin maging sa uri ng instrumentong gagamitin sa pangangalap at
pagsusuri ng datos.

______4. Ito ay ang kabuoang lagom o buod ng kinalabasan ng pag-aaral na nakabatay


sa pagsusuri ng datos mula sa suliraning inilahad sa pag-aaral.

______5. Sa bahaging ito ay inilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong


gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo
at pamamaraan ang instrumento.
A. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng Tekstong Impormatibo nabibilang ang bawat sitwasyon
sa ibaba. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Masayang-masaya si Anafe sa balitang nasa pahayagang hawak niya. Sinasabi ritong “ang
kandidata ng bansang Pilipinas ang nagwagi sa Miss. Universe.”
A. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan B. Pag-uulat ng Impormasyon
C. Pagpapaliwanag D. Wala sa nabanggit

2. Nagbabasa ng balita si Mildred. Makikita sa hawak niyang ito ay isang pahayagan ang
balitang ito ay patungkol sa “nalalapit na pagbabakuna kontra Covid-19.”
A. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan B. Pag-uulat ng Impormasyon
C. Pagpapaliwanag D. Wala sa nabanggit

3. Maraming pag-aaklas ang nagaganap sa isang pabrika. Gustong malaman ni Alfred ang
totoong pangyayari sa naganap na pag-alis ng mga trabahador. Hawak niya ang sulat ng mga ito
upang malaman ang kadahilanan.
A. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan B. Pag-uulat ng Impormasyon
C. Pagpapaliwanag D. Wala sa nabanggit

4. Patuloy na nakararanas ng matinding pagdurusa ang mga taong dinapuan ng virus. Nais ni
Nelda na magkaroon ng maraming impormasyon ukol sa sakit na ito. Hawak niya ang tekstong
may kinalaman sa sakit na lumalaganap.
A. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan B. Pag-uulat ng Impormasyon
C. Pagpapaliwanag D. Wala sa nabanggit

5. Mahilig sa paruparo si Annie. Nais niyang malaman kung bakit ito nagpapalit ng kulay.
Hawak niya ang tekstong may pamagat na “Pagbabago ng kulay ng Paru-paro.”
A. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan B. Pag-uulat ng Impormasyon
C. Pagpapaliwanag D. Wala sa nabanggit

B. Panuto: Isulat ang salitang Impormatibo kung ito ay nagpapahayag ng impormasyon at ekis
(X) naman kung hindi.

1. Ang global warming ay terminong ginagamit upang ialarawan ang gradwal na pag-init ng
mundo at ng karagatan. Ang pagbabago sa temperature ay pinaniniwalaang permanenteng
pagbabago sa klima ng mundo.

2. Ayon sa survey, paninigarilyo ang una sa mga bisyong kinahuhumalingan ngayon ng mga
kabataan. Halos kalahating porsiyento sa bilang ng kabataan ngayon ang nakaranas nang
manigarilyo.

3. Ayon kay Dr. Marcelo Agana Jr., nagkakaroon ng hypertension ang mga taong laging
nakararanas ng stress at hindi sapat ang oras ng tulog.

4. Batay sa pag-aaral na isinagawa ng Unibersidad ng Ateneo noong 1989, ang Filipino ay ganap
na lingua franca sapagkat 92% sa Pilipinas ang nakauunawa ng wikang Filipino.

5. Makabubuting ilista ang mga dapat gawin bago pumasok sa larangan ng pagnenegosyo.

You might also like