You are on page 1of 14

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____
11/12
PAGBASA AT PAGSUSURI
NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Kwarter III – Linggo 6
Tekstong Argumentatibo

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter III – Linggo 6: Tekstong Argumentatibo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa.
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Activity Sheets

Manunulat: Jerson Q. Orbiso

Pangnilalamang Patnugot: Enrile O. Abrigo, Jr.

Editor: Agnes C. Barrera-Mendoza

Tagawasto: Ariel I. Matchico at Carol V. Baron

Tagasuri: Luis R. Mationg, EPS – Filipino, Enrile O. Abrigo, Jr.,


Angie Lyka L. Galaroza, at Agnes C. Barrera-Mendoza

Tagaguhit: Angie Lyka L. Galaroza

Tagalapat: Agnes C. Barrera-Mendoza at Angie Lyka L. Galaroza

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald B. Brillantes
Mary Jane J. Parcon
Ronald N. Fragata
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Tekstong Argumentatibo
MELC: Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag: a. kalinawan,
b. Kaugnayan, c. Bisa sa reaksyong papel na isinulat (F11PU-IIIfg-90)
Mga Layunin:
1. Naibibigay ang kahulugan, katangian, at layunin ng tekstong
argumentatibo;
2. Nakabubuo ng tekstong argumentatibo batay sa mabisang paraan ng
pagpapahayag; at
3. Nailalapat ang sariling damdamin tungkol sa mga napapanahong isyu
sa lipunan.

Subukin Natin
PANUTO: Lagyan ng tsek (√) ang mga pahayag na nagsasabi ng katotohanan at ekis (X)
naman kung ito ay hindi nagtataglay ng katotohanan.

_______1. Ang pagbibigay ng sariling opinyon ay magagawa sa pamamagitan ng


paglalarawan o pagbibigay-deskripsyon sa mga bagay o paksa.

_______2. Isa sa kailangang tandaan sa pagbibigay ng matibay na argumento ay


ang pagiging subhetibo ng manunulat.

_______3. Hihina ang pagbibigay ng argumento kung walang inilalahad na mga


ebidensya o pansuportang impormasyon ang manunulat.

_______4. Kailangan ng masinsinang pag-aaral at paghihimay-himay ng mga datos


upang maging malinaw at malakas ang mga argumento.

_______5. Ikaw ay naatasang bumuo ng mga argumento tungkol sa isang isyu dahil
mayroon kayong pagdedebate, mahalagang malaman mo ang mga opinyon ng
mga kasama mo upang maging batayan ito ng iyong mga argumento.

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

______ 6. Ang paksa ang nauunang ginagamit o binabanggit sa pangungusap bago ang
panghalip.
A. Anapora C. Argumenatibo
B. Katapora D. Impormatibo

______ 7. Alin sa sumusunod ang wastong naglalarawan sa Pasaklaw bilang paraan ng


pangangatwiran?
A. Ang paraang ito ay iniisa-isa ang mga bahagi ng paksa upang ang mga ito
ay masuri nang husto.
B. Inuugat ang mga naging sanhi ng mga pangyayari.
C. Sinisimulan sa pangkalahatang katuwiran o kaalaman at iisa-isahin ang
mga mahahalagang punto.
D. Maaaring gawin sa pamamagitan ng pagtutulad, pagtukoy sa mga sanhi
ng pangyayari at mga patunay.

1
_______8. Inilalarawan ng manunulat ang mga dahilan kung bakit kailangang pag-
usapan ang isang isyu. Ipinaliliwanag din kung bakit mahalaga ang isyu para sa
manunulat. Anong elemento ng mabuting argumento ang tinutukoy?
A. Personal na dahilan C. Tesis
B. Mga Argumento D. Pinagkakasunduan

_______9. Binubuo ng dalawa o mas maraming talata na ipinaliliwanag ang mga dahilan
tungkol sa pahayag ng tesis. Dito rin iniisa-isa ang mga mahahalagang ebidensya
tungkol sa mga argumentong sumusuporta sa tesis. Aling bahagi ito ng tekstong
nangangatwiran?
A. Panimula C. Konklusyon
B. Katawan D. Cohesive devices

______10. Kadalasan itong matatagpuan sa panimulang bahagi ng sulatin. Ito ang iyong
paninindigan sa isang isyu at nakikita rin huling pangungusap ng panimulang
talata. Anong elemento ng mabuting argumento ang tinutukoy?
A. Personal na dahilan C. Tesis
B. Mga Argumento D. Pinagkakasunduan

Ating Alamin at Tuklasin

Binhi ng Kaalaman

Pahayag ng tesis -ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya


ng sulating pananaliksik. Isa itong matibay na pahayag na naglalahad sa
pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksang
handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos
at ebidensiya.

Tekstong Argumentatibo

Ito ay paglalahad at pagpapaliwanag ng mga ideya tungkol sa isang paksa.


Makikitang epektibo ang paglalahad ng argumento kung ang mga mambabasa ay
napapaisip o napakikilos mo tungkol sa iyong pinaninindigan. Upang maisagawa ito
kailangang mailahad ng manunulat ang matibay na mga impormasyon at kaisipan tungkol
sa kanyang tesis.

Anim na Elemento ng Mabuting Argumento


1. Tesis – kailangang maliwanag, katanggap-tanggap, at tiyak ang iyong argumento.
Iwasan ang mga ideyang ginagamitan ng “lahat”o “wala” sapagkat mahirap itong
suportahan o patunayan.
Ano ang pahayag ng tesis?

Kadalasan ang pahayag ng tesis ay matatagpuan sa panimulang bahagi ng


sulatin. Ito ang iyong paninindigan sa isang isyu. Nakikita rin ang pahayag ng tesis
na huling pangungusap ng panimulang talata.
2
Halimbawa ng walang pokus at hindi wastong pahayag ng tesis – Magandang
hakbang sa kapayapaan ang pagsasabatas ng Anti-Terror Bill ni Pangulong
Duterte dahil direktang uunlad ang ating ekonomiya at mawawala ang mga kalaban
ng pamahalaan.

Halimbawa ng malinaw, tiyak at lohikal na pahayag ng tesis – Magandang


hakbang ang pagsasabatas ng Anti-Terror Bill ni Pangulong Duterte dahil ito’y
paghahanda at pagpapalakas ng kakayahan ng pamahalaan sa mga masasamang
loob na walang iniisip kundi ang maghasik ng terorismo sa bansa.

Isa sa magandang pamamaraan upang maorganisa ang iyong ideya ay ang


pagbuo ng Pro at Con T-start. (Pro – pabor sa pahayag ng tesis, Con – hindi sang-
ayon sa pahayag ng tesis)

Pahayag ng tesis: Hindi dapat ituloy ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa gitna ng
pandemya.

PRO CON

1. Maraming mga mag-aaral ang 1. Hindi lang online ang pamamaraan


walang internet at gadgets. ng pagtuturo. Pwedeng modular
2. Walang panustos ang mga instruction.
magulang para paaralin ang 2. Walang gagastusin sa modyuls dahil
mga anak. libre ito sa mga paaralan.
3. Hindi matututukan ng mga 3. Nariyan ang mga guro na handang
magulang ang mga anak sa umalalay sa mga mag-aaral.
pagtuturo. Maaaring tawagan ang mga
magulang at iba pa.

2. Personal na dahilan – inilalarawan ng manunulat ang mga dahilan kung bakit


kailangang pag-usapan ang isang isyu. Ipinililiwanag din kung bakit mahalaga ang
isyu para sa manunulat.

3. Pinagmulan ng paksa – upang mas maging mabisa ang paglalahad ng mga argumento
kailangang bigyan ng kaalaman ang mga mambabasa tungkol sa konteksto ng isyu
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyon tungkol dito.

4. Pinagkakasunduan – ito ang mga ideya o mga argumento na kapareho ng bawat panig.
Ang paglalahad ng mga ideya na pinagkakasunduan ng magkabilang pananaw ay
makatutulong upang mas maging maliwanag ang pagtalakay ng isang isyu o paksa.

5. Mga Kahulugan – Kailangang ibigay ng manunulat ang kahulugan ng mga termino


upang maunawaan ng mga karaniwang magbabasa. Ang isang termino ay
mabibigyang-kahulugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng katumbas na salita o
pagbibigay ng halimbawa.

6. Mga Argumento
Argumentong hindi sumusuporta sa tesis - kailangang ilahad ng manunulat
ang mga ideyang sumasalungat sa tesis. Ito ang magiging batayan sa
pagpapalinawag. May tatlong pamamaraan sa pagtugon sa mga ideya: pagtanggap
ng argumento, pagkontra sa argumento, at pagpapaliwanag sa argumento.

3
Argumentong sumusuporta sa tesis – kailangang isama ang mga dahilan at
ebidensya kung bakit sinusuportahan ang mga argumento sa tesis. Ang
pinakamagandang ebidensya at mga ebidensya ay dapat ilatag sa huling bahagi ng
sulatin.

KAYARIAN NG ARGUMENTATIBONG TEKSTO

Panimula – pumupukaw sa interes ng mambabasa. Ipinakikilala ang isyu. Inilalahad din


dito ang tesis o paninindigan ng manunulat sa isang isyu. Ito ay binubuo ng isa
hanggang dalawang talata.

Katawan – binubuo ng dalawa o mas maraming talata na ipinaliliwanag ang mga dahilan
tungkol sa pahayag ng tesis. Dito rin iniisa-isa ang mga mahahalagang ebidensya
tungkol sa mga argumentong sumusuporta sa tesis.

Limang Uri ng Ebidensiya

Mga totoong kaganapan – isang pangyayari na nakita o mismong narasan

Estadistika – mga numero o bilang.


Awtoridad – mga mga pangalan ng eksperto at kanilang larang o field.
Analohiya – pagkukumpara.
Sitwasyong haypotetikal – naiisip o nabuong sitwasyon.

Konklusyon – nagbibigay ng solusyon tungkol sa isyu. Nananawagan ng aksiyon o babala.


Muling pagbibigay-diin sa tesis o paninindigan tungkol sa isang paksa.

(Pinagkunan:https//:www.tamiu.edu/uc/writingcenter/documents/WritinganEssayCDA.pdf)

4
Tayo’y Magsanay

Panuto: Basahin ang walong paksa. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay magandang paksa para
sa argumentatibong teksto.

________ 1. Ang unang beses kong makasakay ng eroplano.


________ 2. Pagtanggal ng matrikula sa mga unibersidad.
________ 3. Paano at bakit nagkakaroon ng bagyo.
________ 4. Itaas ang sahod ng mga pampublikong guro.
________ 5. Mga hakbang sa pagluluto ng adobong manok.
________ 6. Pagsasabatas ng Anti-Terror Bill
________ 7. Pagtaas ng bilang ng Teenage Pregnancy
________ 8. Paano maging isang mahusay na Youtube Vlogger.

PANUTO: Bumuo ng analisis tungkol sa ibinigay na halimbawang tekstong argumentatibo.


Basahing mabuti kung naisagawa ang pamantayan at isulat ito sa espasyong nakalaan.

Halimbawa ng Tekstong Argumentatibo


Paksa: Pagpapatuloy ng Edukasyon sa Gitna ng Pandemya

Panimula:
Malaking hamon sa Kagarawan ng Edukasyon ang pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga
estudyante sa buong Pilipinas. Tinatayang 27 milyong mag-aaral ang magpapatuloy ng pag-aaral
sa bagong normal ayon sa kagawaran. Kailangang maipagpatuloy ang edukasyon kahit nasa
kalagitnaan ng pakikibaka laban sa pandemya sapagkat maraming paraan upang matuto at
maisasaalang-alang pa rin ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Katawan
Inilatag ng Kagawaran ng Edukasyon ang iba’t ibang pamamaraan upang walang
mahihintong mag-aaral. Nariyan ang online learning para sa mga may kagamitan at internet
connection. Naglaan din ng panahon at husay ang mga guro upang bumuo ng mga modyul na
gagamitin ng mga mag-aaral.
Sa pakikipagtulungan ng mga magulang, lokal na pamahalaan, at iba pang katuwang ng
paaralan sa komunidad ay tiyak na mapagtatagumpayan din ang hamon sa paghahatid ng
karunungan sa mga mag-aaral. Tuloy ang Brigada Eskwela at pagtugon ng iba’t ibang ahensya
ng pribado at pampublikong institusyon upang makatulong sa mga pangangailangan ng paaralan
bilang paghahanda sa pasukan.

Konklusyon
Kung matatakot tayo at magpapadala sa sitwasyon, talagang hindi natin maipagpapatuloy
ang pag-aaral ng mga kabataan sa panahon ng pandemya. Kailangan lang nating buksan ang
ating kaisipan na hindi ang paghinto ng taong-panuruan 2020-2021 ang solusyon. Maraming
pamamaraan na maisabay ang pagkatuto habang nag-iingat sa pandemya. Lawakan lamang
natin ang ating pag-unawa at maging positibo sa mas maraming hamon na kakaharapin sa
larangan ng edukasyon.

5
PAMANTAYAN Ang Aking Analisis

Nailalahad nang malinaw ang


mga argumento, may kalakip na
ebidensyang ibinibigay, at
naiuugnay ito upang palakasin
ang nais iparating sa
mambabasa.

Kumpleto at malakas ang


mga ebidensyang
ipinapaliwanag at may mga
ebidensya rin upang pasubalian
ang mga argumentong
ibinabato.

Ang pinaninindigang
perspektibo, ebidensya, at
pagpapaliwanag ay
magkakaugnay upang
mapalakas ang nais ipahiwatig
sa mga mambabasa.

Wasto ang paggamit ng mga


salita at hindi kakikitaan ng
pagkakamali sa pagbabaybay at
gramatika.

6
Ating Pagyamanin

Panuto: Basahin ang mga pahayag ng tesis at kumpletuhin ang T-tsart ng Pro at Con.
Sumulat ng tatlong ideya na susuporta sa bawat pahayag. Sumulat din ng tatlong ideya
na kokontra rito.
1. Pahayag ng tesis: Kautusan ng gobyerno na tanggalin ang swab test bilang
requirement sa paglalakbay patungo sa Lungsod ng Puerto Princesa.
PRO CON

1. ___________________________________ 1. _____________________________________
2. ___________________________________ 2. _____________________________________
3. ___________________________________ 3. _____________________________________

2. Pahayag ng tesis: Pagkapanalo ng NO sa isinagawang plebisito sa Palawan.


PRO CON

1. ___________________________________ 1. _____________________________________
2. ___________________________________ 2. _____________________________________
3. ___________________________________ 3. _____________________________________

Panuto: Sundin ang mga hakbang upang makabuo ng tesktong argumentatibo. Una,
pumili ng napapanahong paksa at gawan ito ng pahayag ng tesis na nais mo. Tandaan na
kailangang ang paksang pipiliin mo ay may higit sa isang pananaw upang makilala bilang
argumento.

Paksa: __________________________________________________________________________

Pahayag ng Tesis:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

7
1. Ngayon naman ay bumuo ka ng mga ideya tungkol sa napili mong paksa. Gumawa
ng Tsart na Pro at Con at upang matukoy ang mga pangunahing kaisipan na nais
mo.

PRO CON

1. ____________________________________ 1. _____________________________________
2. ____________________________________ 2. _____________________________________
3. ____________________________________ 3. _____________________________________

2. Nakita mo na ang magkabilang panig tungkol sa paksa. Pumili ka ng isang


argumento sa CON at isipin mo kung paano mo ito kokontrahin.

Counterargument (mula sa CON) Pagkontra (Atake – anong problema?)

8
Ang Aking Natutuhan

DUDUGTUNGAN KO

Ang tekstong argumentatibo ay paglalahad at 1___________________ ng mga


ideya tungkol sa isang 2____________________. Makikitang epektibo ang paglalahad
ng argumento kung ang mga mambabasa ay napapaisip o napakikilos mo tungkol
3
sa iyong _____________________. Upang maisagawa ito kailangang mailahad ng
manunulat ang matibay na mga 4_______________________ at kaisipan tungkol sa
kanyang 5_______________________.

Ating Tayahin
PANUTO: Lagyan ng ekis (X) ang mga pahayag na nagsasabi ng katotohanan at tsek (/)
naman kung ito ay mali.

_______1. Hihina ang pagbibigay ng argumento kung walang inilalahad na mga


ebidensya o pansuportang impormasyon ang manunulat.

_______2. Ang pagbibigay ng sariling opinyon ay magagawa sa pamamagitan ng


paglalarawan o pagbibigay-deskripsyon sa mga bagay o paksa.

_______3. Isa sa kailangang tandaan sa pagbibigay ng matibay na argumento ay


ang pagiging subhetibo ng manunulat.

_______4. Ikaw ay naatasang bumuo ng mga argumento tungkol sa isang isyu dahil
mayroon kayong pagdedebate, mahalagang malaman mo ang mga opinyon ng
mga kasama mo upang maging batayan ito ng iyong mga argumento.

_______5. Kailangan ng masinsinang pag-aaral at paghihimay-himay ng mga datos upang


maging malinaw at malakas ang mga argumento.

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

______ 6. Alin sa sumusunod ang wastong naglalarawan sa Pasaklaw bilang paraan ng


pangangatwiran?
A. Ang paraang ito ay iniisa-isa ang mga bahagi ng paksa upang ang mga ito
ay masuri nang husto.
B. Inuugat ang mga naging sanhi ng mga pangyayari.
C. Sinisimulan sa pangkalahatang katuwiran o kaalaman at iisa-isahin ang
mga mahahalagang punto.
D. Maaaring gawin sa pamamagitan ng pagtutulad, pagtukoy sa mga sanhi
ng pangyayari at mga patunay.
9
______ 7. Ang paksa ang nauunang ginagamit o binabanggit sa pangungusap bago ang
panghalip.
A. Anapora C. Argumenatibo
B. Katapora D. Impormatibo

_______8. Inilalarawan ng manunulat ang mga dahilan kung bakit kailangang pag-
usapan ang isang isyu. Ipinililiwanag din kung bakit mahalaga ang isyu para sa
manunulat. Anong elemento ng mabuting argumento ang tinutukoy?
A. Personal na dahilan C. Tesis
B. Mga Argumento D. Pinagkakasunduan

_______9. Kadalasan itong matatagpuan sa panimulang bahagi ng sulatin. Ito ang iyong
paninindigan sa isang isyu at nakikita rin huling pangungusap ng panimulang
talata. Anong elemento ng mabuting argumento ang tinutukoy?
A. Personal na dahilan C. Tesis
B. Mga Argumento D. Pinagkakasunduan

______10. Binubuo ng dalawa o mas maraming talata na ipinaliliwanag ang mga dahilan
tungkol sa pahayag ng tesis. Dito rin iniisa-isa ang mga mahahalagang
ebidensya tungkol sa mga argumentong sumusuporta sa tesis. Aling bahagi ito
ng tekstong nangangatwiran?
A. Panimula C. Konklusyon
B. Katawan D. Cohesive devices

10
Susi sa Pagwawasto

Subukin Tayo’y Magsanay


1. x Gawain 1 Gawain 2
2. x 1 -Nakabatay sa sagot ng
3. / 2/ mga mag-aaral
4. / 3
5. x 4/
6. A 5
7. C 6/
8. A 7/
9. D 8
10. C
Ating Pagyamanin
Ang Aking Natutuhan Gawain 1 - Nakabatay sa sagot ng mga
1. pagpapaliwanag mag-aaral.
2. paksa Gawain 2 - Nakabatay sa sagot ng mga
3. pinaninindigan mag-aaral.
4. impormasyon
5. tesis
Ating Tayahin
1. /
2. x
3. x
4. x
5. /
6. C
7. A
8. A
9. C
10. D

Sanggunian
1. Internet

“Argumentative Paper Structure,” University of Washington, last accessed


January 15, 2021
http://www.depts.washington.edu/owrc

“Writing an Argumentative Essay” TAMIU, last accessed January 15, 2021,


https://www.tamiu.edu

11
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

12

You might also like