You are on page 1of 20

8

Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 3:
Mga Hakbang sa Pananaliksik
Filipino – Ikawalong Baitang
Unang Markahan – Sariling Linangan Kit 3: Mga Hakbang sa Pananaliksik
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Sariling Linangan Kit
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Allan G. Farnazo


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Lyn Vincent J. Balatero, Emely L. Fajardo, Hope T. Quebec
Editor: Avelino T. Gapol
Tagasuri: Rene P. Sultan/ Avelino T. Gapol
Tagaguhit: Jemar D. Aliñabo/ Hareld O. Candari
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Mary Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Department of Education-Division of Davao City

Office Address: Daang E. Quirino, Davao City


Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
8

Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 3:
Mga Hakbang sa Pananaliksik
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan ka sa
pagsagot, huwag mag-atubiling komunsulta sa iyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Napapansin mo bang nasa panahon na tayo ng mga makabagong


teknolohiya? Nakamamangha ang iba’t ibang gadyet na mayroon tayo na
nagbibigay sa atin ng kaginhawaan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay
hindi ba? Naisip mo ba kung paano kaya naimbento ang mga ito? Alam mo
ba na isa sa mga elemento kung bakit nagtagumpay ang isang imbentor sa
kaniyang ginawang imbensyon ay ang kaniyang masusing pananaliksik.
Sa aralin na ito ay matutuhan mo ang mga hakbang sa paggawa ng
isang sistematikong pananaliksik. Sa pamamagitan ng pag-aaral nito ay
mahahasa ang iyong kasanayan sa pagsulat ng sulating pananaliksik.
Kasabay ng pag-aaral tungkol sa pananaliksik ang paglinang ng mga
kasanayang pangwika na hinggil sa mga pahayag sa pag-aayos ng datos.
Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo
ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa
binasang datos;
2. nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos
na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino; at
3. nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos
(una, isa pa, iba pa).

Subukin Natin
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Ang sumusunod ay tama hinggil sa kahulugan ng pananaliksik maliban
sa?
A. Ang pananaliksik ay isang pagtatangka na makakuha ng mga sagot
sa suliranin.
B. Isang proseso ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng
haka-haka.
C. Isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
D. Ang pananaliksik ay isang maingat at mapanuring pag-aaral tungkol
sa isang bagay sa layunin na mabigyan ng tamang impormasyon ang
ilang katanungan ng pananaliksik.
2. Ito ay ang talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo,
report, peryodiko, magasin at iba pang nalathalang materyal maging ang
internet.
A. balangkas C. burador
B. bibliyograpi D. manuskrito

1
3. Ito ang proseso ng pagsusuring mabuti sa mga inihandang tentatibong
balangkas upang matiyak kung may mga bagay bang kailangang baguhin
o ayusin.
A. Pagpili ng Paksa
B. Ang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas
C. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi
D. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline
4. Tukuyin ang pariralang ginamit na nagpapahayag ng pag-aayos ng datos
sa pangungusap na:
“Una sa lahat, dapat magkaroon tayo ng sapat na kamalayan sa mga
pangyayari sa ating paligid.”
A. dapat magkaroon
B. una sa lahat
C. tayo ng sapat
D. pangyayari sa ating paligid
5. Punan ang pangungusap ng angkop na pahayag. “Isang mahalagang sektor
ng ekonomiya ang agriklutura. Una, dahil ito’y nagbibigay sa atin ng
pagkain. _____, nagdaragdag din ang agrikultura sa pambansang kita
bunga ng pagluluwas ng mga produkto nito sa ibang bansa.”
A. ika-2 C. pangalawa
B. ikalawa D. makalawa

Aralin Natin

Basahin ang teksto na nasa loob ng kahon.

SISTEMATIKONG PANANALIKSIK

Isang mahalagang kasanayang dapat matutuhan ng mga mag-aaral


ay ang sistematikong paraan ng pananaliksik. Ang pananaliksik ay isang
mapanuri at makaagham na imbestigasyon o pagsisiyasat ng isang bagay,
paksa, o kaalaman sa pamamagitan ng pangangalap, pagpapakahulugan,

2
pagbubuo, at pag-uulat ng mga ideya nang obhetibo, matapat, at may
kalinawan.
Narito ang mga hakbang sa paggawa ng isang sistematikong
pananaliksik.
1. Pagpili ng Paksa
Sa pagpili ng paksang susulatin unang bagay na dapat mong isaalang-
alang ay kung ito ba ay kawili-wili o naaayon sa iyong interes. Ikalawa,
kailangang masiguro kung kakayanin mong gawin ang pananaliksik at ang
huli, ang pagpili sa paksa na may sapat na malilikom na datos.
2. Paglilimita ng Paksa
Mahalagang bigyang-limitasyon ang paksang pipiliin upang hindi ito
masyadong maging masaklaw at matapos sa tamang panahon. Sa
paglilimita ng paksa, gawing batayan ang sakop ng panahon, sakop ng
edad, sakop ng kasarian, sakop ng grupong kinabibilangan, sakop ng
anyo/uri, at sakop ng perspektiba.
Halimbawa:
Paksa: Ang Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino
Nalimitang Paksa: Ang mga Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino sa
Rehiyon 1
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi
Sumunod na gawin ang paghahanda ng pansamantalang
bibliyograpi. Tandaan ang paghahanda nito ay isang patuloy na proseso.
Ang bibliyograpi o talasanggunian ay talaan ng iba’t ibang
sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, at
iba pang nalathalang materyal maging ang Internet. Siguraduhing ang mga
aklat o impormasyong isasama sa talaan ay may kaugnayan sa paksang
tinatalakay.
Hindi kailangang basahin nang masinsinan ang mga aklat o
artikulong nasa talaan. Subalit, mahalagang basahin ito nang pahapyaw
upang matiyak ang kaugnayan nito sa paksa. Ito ang mga bagay na dapat
isaalang-alang sa paggawa ng pansamantalang bibliograpi.
• Pangalan ng awtor
• Pamagat ng kanyang isinulat
• Impormasyon ukol sa pagkakalathala
• Mga naglimbag
• Lugar at taon ng pagkakalimbag
• Pamagat ng aklat
• Ilang mahalagang tala ukol sa nilalaman
4. Ang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas
Ang pagbabalangkas ay isinasagawa upang maisaayos ang mga
ideyang nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng mga datos.
Makatutulong ito upang mabigyan ng gabay at direksiyon ang pananaliksik
sa simula pa lamang. Sa pagbuo ng balangkas kailangang isulat ang

3
pangunahing ideya o pinakabuod ng pananaliksik na isinasagawa. Isunod
na ilista ang mga pantulong na ideya. Sumunod na tiyakin kung paano
ilalahad nang maayos ang mga ideya: kung ito ba’y kronolohikal o ayon sa
lugar sa lugar at saka isaayos ang pormat.
5. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline
Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas
upang matiyak kung may mga bagay bang kailangang baguhin o ayusin.
Balansehin ang lagay ng bawat punto. Tantiyahin ang bawat bahagi kung
nasosobrahan o nakukulangan ng detalye.
6. Pagsulat ng Burador o Rough Draft
Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga kard ng tala ay maaari
ka nang magsimulang sumulat ng iyong burador. Kailangang ang sulating
pananaliksik ay dapat magkaroon ng panimula na kababasahan ng mga
ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin, ng katawan na kababasahan
ng pinalawig na balangkas, at ng iyong kongklusyon sa siyang nagsasaad
ng buod ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik.
Sa pagsusulat, dapat ding tandaan at isaalang-alang ang paggamit
ng pahayag sa pag-aayos ng datos. May mga pananda na naghuhudyat ng
pag-uugnayan sa iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag. Ang ilan sa mga
panandang magagamit sa pag-aayos ng mga datos ay ang una,
sunod/sumusunod, saka, bilang pagtatapos, wakas, o sa dakong huli.
7. Pagrerebisa
Makatutulong ang muling pagbasa sa sinulat para mamataan ang
mga kamaliang nagawa na kailangang maiwasto ang bawat pagungusap at
walang makaalpas na mali. Dito pag-ukulan ng pansin ang pagbaybay,
kaangkupan ng pagkakagamit ng mga salita, gamit ng mga bantas, at ang
estruktura ng mga pangungusap.
8. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito
Manuskrito ang tawag sa pinal na sipi ng isang sistematikong
pananaliksik. Ito ay dapat na nakaayon sa pamantayan o istandard na
ibinigay ng guro. Tandaang bago ipasa ang pinal na gawa, repleksiyon ng
sarili ang anumang ginagawa kaya’t kailangang pagbutihin ang pagsulat
bilang pagpapabuti rin sa sarili.
Sa pananaliksik, mahalagang matutuhan mo rin ang tamang
paggawa ng talasanggunian o bibliyograpi. Ngunit tandaang sa
pangangalap ng mga impormasyon ay hindi lamang isang aklat ang iyong
magagamit upang mapagsanggunian. Maaari ka ring gumamit ng Internet,
panayam, o panoorin sa pangangalap ng mga impormasyon.
Importante ang paggawa ng talasanggunian dahil sa bukod sa
pagbibigay-galang sa mga may-akda o may ideya ng iyong mga nakalap na
impormasyon, ito rin ay isang matibay na ebidensya o pagpapatunay ng
katumpakan ng mga impormasyong iyong nakalap.

4
Ilan sa mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng
talasanggunian ay:
• Maaari itong isaayos nang paalpabeto batay sa pangalan ng may-akda
ng aklat o mula sa pinakabagong limbag na aklat hanggang sa
pinakaluma.
• Pagpangkat-pangkatin ang mga uri ng sanggunian kung ito ay ba ay aklat
mula sa isang pahayagan, magasin, ulat o Internet.
• Ilagay ang pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat, tagapaglimbag, at
taon ng pagkakalimbag.
Pinagyamang Pluma, Ang Bagong Baitang 8 ph. 134-137

Alam kong masaya ka ngayon dahil marami ka nang natutunan hinggil


sa pananaliksik. Maaaring naiisip mo ngayon na madali lang naman pala ang
paggawa nito lalo na kung susundin mo nang tama ang mga hakbang sa
pananaliksik.
Isa sa mga kailangan mo rin malinang na kasanayan sa pagsulat ng
pananaliksik ay ang iyong kaalaman sa mga pahayag sa pag-aayos ng datos.
Sa lohikal na paghahanay ng mga ideya at datos, mahalagang matutunan mo
ang mga pang-ugnay.
Kaya ang sunod mong pag-aaralan ay ang mga pahayag sa pag-aayos
ng datos. Basahin at unawain ang nasa loob ng kahon. Hangad ko ang iyong
dagdag na kaalaman mahal kong mag-aaral!

MGA PAHAYAG SA PAG-AAYOS NG DATOS


1. Pang-ugnay na Panserye
Ginagamit ito sa pag-uugnay-ugnay ng mga katwiran o ideyang
inilalahad. Nagpapakita ito ng pagkasusunod-sunod. Ginagamit ang mga
salitang tulad ng una sa lahat / una, ikalawa…kahuli-hulihan, sa
kabuoan, sa wakas, at iba pang kauri nito.
Halimbawa:
Una sa lahat, alamin mo ang lugar na nais mong paksain.
Ikalawa, hanapin ang kahulugan ng mga susing salita.
2. Pang-ugnay na Nagpapatuloy
Nagpapakita ito na ang isang ideya ay karugtong ng isa pang ideya.
Ginagamit dito ang mga salitang tulad ng at, dagdag/ karagdagan dito, at
iba pang kauri nito.
Halimbawa:
Ang pagkalap ng mg impormasyon at pakikipanayam sa mga
awtoridad ay mahalaga sa awtentikong pananaliksik. Dagdag pa rito,
mahalagang maging maayos ang paghahanay ng mga nasaliksik na
kaalaman.
Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan, Binagong Edisyon 8, ph. 121

5
Gawin Natin
Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon sa bawat bilang at isulat ang
titik ng may tamang sagot sa sagutang papel.
1. Napapansin ni Matthew na halos lahat ng kaniyang kaklase sa baitang 8
ay nahihilig sa larong Mobile Legends (ML). Nababahala siya dahil marami
na siyang mga kaibigan na lumiliban sa klase para lamang makapaglaro
nito kaya mababa ang kanilang grado. Ano ang nararapat na paksa ang
kaniyang gagamitin para sa kanyang gagawing pananaliksik?
A. Dahilan ng Paglalaro ng Mobile Legends ng mga Mag-aaral ng
Baitang 8
B. Mga benepisyo ng paglalaro ng Mobile Legends sa mga Mag-aaral
C. Epekto ng Mobile Legends sa Akademikong Pagganap ng Mag-aaral
ng Baitang 8
D. Suliraning Nararanasan sa Paglalaro ng Mobile Legends ng mga
Mag-aaral ng Baitang 8
2. Alin sa sumusunod ang hindi dapat gawin sa pagpili ng paksa sa
pananaliksik?
A. Ang paksa ay napapanahon.
B. Ito ay naaayon sa iyong interes.
C. Naglalaman ng matalinghaga salita.
D. May sapat na malilikom na mga datos.
3. Ang sumusunod ay ang kahalagahan ng paggamit ng bibliyograpi o
talasanggunian sa pananaliksik, maliban sa;
A. Ipinakikita ng bibliyograpi ang lawak ng isinasagawang
pananaliksik.
B. Magagawang hanapin ng sinumang mambabasa ang ginamit na
sanggunian.
C. Pagbibigay-galang sa mga may-akda o may ideya ng iyong mga
nakalap na impormasyon
D. Ito’y nagsisilbing palamuti upang mapaganda at mapalawak ang
paksa ng pananaliksik.
4. May napili ng paksa sina Cheska at Louise sa kanilang pananaliksik.
Naihanda na nila ang kakailanganing mga sanggunian. Nakabuo na rin
sila ng pansamantalang balangkas ng mga nakalap na inisyal na mga
datos. Ano ang susunod na hakbang ang kanilang gagawin?
A. Maaari na silang magsimulang sumulat ng iyong burador.
B. Ipapasa na nila ang kanilang manuskrito sa kanilang guro.
C. Susuriin nilang mabuti ang inihandang tentatibong balangkas
upang matiyak kung may mga bagay bang kailangang baguhin o
ayusin.
D. Gagawa na sila ng pagrerebisa ng kanilang balangkas upang
maiwasto ang bawat pagungusap at walang makaalpas na mali.

6
5. Ayusin ang sumusunod na hakbang sa pagbuo ng pansamantalang
balangkas.
1. Paglista ng mga pantulong na ideya.
2. Pagtiyak na nailahad na may tamang pagkakasunod-sunod ng mga
ideya.
3. Pagsulat ng pangunahing ideya o pinakabuod ng pananaliksik.
A. 3-1-2 C. 2-3-1
B. 1-2-3 D. 1-3-2

Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong. Suriin kung saang hakbang


ng pananaliksik ito magagamit. Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon. Titik
lamang ang isulat.

A. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito


B. Pagpili ng Paksa
C. Pagsulat ng Burador or Rough Draft
D. Pagrerebisa
E. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliograpi

1. Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang


pananaliksik at pagsulat ng ukol dito?
2. Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat
bang kagamitan o sanggunian upang magamit ko sa pagpapatunay sa
pahayag ng aking tesis?
3. Kompleto na ba ang mga bahagi ng aking sulating pananaliksik? May
introduksyon, katawan at konklusyon na ba ito?
4. Naisagawa ko ba ang pitong mga hakbang sa pagsulat ng pananalisik?
Nakatitiyak na ba ako na ang aking sulatin ay naaayon sa pamantayan o
istandard na ibinigay ng guro?
5. Naiwasto na ba ang bawat pagungusap? Tama ba ang baybay ng mga
salita? Angkop ba ang pagkakagamit ng mga salita at bantas?

Sanayin Natin

Panuto: Tukuyin ang mga salita o pariralang ginamit para sa mabisang


pahayag sa pag-aayos ng datos. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang pamimintas at paghamak sa kapuwa ay isang gawaing hindi


kinalulugdan ng Maykapal.
2. Upang malabanan mo ang takot na iyong nararamdaman, una sa lahat
ay dapat magkaroon ka ng malalim na pananampalataya sa Panginoon.
3. Ang kagutuman ay nararanasan din sa iba pang panig ng mundo.
Unang itinuturong dahilan nito ay ang krisis na nararanasan natin ngayon.

7
4. Ipinadama pa rin niya ang kaniyang mainit na pagmamahal sa kaniya
kahit sa kahuli-hulihang sandali ng kaniyang buhay.
5. Pangatlo, dapat ay magkaroon ka ng sapat na kaalaman sa pangyayari.

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na pang-ugnay sa mabisang


pagpapahayag ng datos. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

karagdagan nito at panghuling


pangatlo una sa lahat

PAGGAWA NG SCRAPBOOK
Ang scrapbook ay kalipunan ng mga larawan, 1. ____ clipping, mga tala,
at iba pang mga souvenir na pinagsama-sama nang maayos upang makabuo
ng isang tila malaaklat na alaala.
Ang isang scrapbook na panturismo ay may tiyak na tuntunin na dapat
sundin. 2. ____, kinakailangang maging bunga ito ng masusing pag-aaral at
pananaliksik. 3. ____, bubuoin ito ng mga detalyeng tulad ng paglalarawan
sa lugar, lokasyon, at mapa. 4. ____, idagdag din ang pangkat-etnikong
kinabibilangan ng mga mamamayan; ang kanilang kultura, produkto, at mga
panturismong lugar na ipinamamalas; at tradisyong sinusunod, mga
pagdiriwang, at iba pang kaugnay nito. 5. ____ dapat gawin ay gumamit din
ng mga pahayag, islogan, at iba pang ekspresyong makatutulong upang
maging mapanghikayat ang proyekto.

Baybayin, Paglalayag sa Wika at


Panitikan, Binagong Edisyon 8, ph. 120

Tandaan Natin

Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-iimbestiga at pag-aaral


upang maipaliwanag at mailahad ang katotohanan gamit ang iba’t ibang batis
ng kaalaman. Isinasagawa ang pananaliksik bilang isang lohikal at
organisadong batayan ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa tao,
kultura, at lipunan. Ginagamit ito bunsod ng pangangailangang palawakin o
palalimin ang kaalaman sa isang larangan lalo na sa mga institusyong pang-
akademiko.

8
Ang paghahanap, pangangalap, pagtatasa o pagtataya at pagiging
kritikal ay mga kasanayang nalilinang sa pagsasagawa ng pananaliksik.
Mahalagang masunod nang tama ang bawat hakbang sa pananaliksik upang
ito ay makapagbigay ng malinaw at totoong interpretasyon ng ginagawang
pag-aaral.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teskto Tungo sa Pananaliksik, p.133

Suriin Natin
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat mo sa sagutang papel ang titik na
may tamang sagot.
1. Suriin ang katangian ng pananaliksik batay sa pahayag na;
“Sa pananaliksik, mayroon itong proseso o magkasunod-sunod na
hakbang na dapat sundin tungo sa pagtuklas sa kasagutan sa
anumang layunin ang pananaliksik.”
A. impormatib C. objektib
B. kontrolado D. sistematik
2. Pinangkat na ni Jacob ang kanyang mga nagamit na sanggunian. Inilista
niya sa papel ang pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat,
tagapaglimbag, at taon ng pagkakalimbag. Nasa anong hakbang na siya ng
pananaliksik?
A. Pagrerebisa
B. Pagpili ng Paksa
C. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas
D. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi
3. Ang sumusunod ay tama hinggil sa kahulugan ng pananaliksik maliban
sa?
A. Ang pananaliksik ay isang pagtatangka na makakuha ng mga sagot
sa suliranin.
B. Isang proseso ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng
haka-haka.
C. Isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
D. Ang pananaliksik ay isang maingat at mapanuring pag-aaral tungkol
sa isang bagay sa layunin na mabigyan ng tamang impormasyon ang
ilang katanungan ng pananaliksik.

9
4. Ito ay ang talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo,
report, peryodiko, magasin, at iba pang nailathalang materyal maging ang
Internet.
A. balangkas C. burador
B. bibliyograpi D. manuskrito
5. Ito ay ang pagsusuring mabuti sa mga inihandang tentatibong balangkas
upang matiyak kung may mga bagay bang kailangang baguhin o ayusin.
A. Pagpili ng Paksa
B. Ang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas
C. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi
D. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na pang-ugnay sa mabisang


pagpapahayag ng datos. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

ang huling gawin dagdag pa dito pangalawa


at ikalima pangatlo isa pa
unang-una sa kabuoan dahil dito

Ang Corononavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit


na dulot ng bagong coronavirus. Maaari itong maiiwasan kung masusunod
ang ilang simpleng hakbang upang maprotektahan ang iyong kalusugan. 1.
____ ay hugasan nang madalas ang iyong mga kamay. 2. ____, namamatay
ang mga virus sa maaaring dumikit sa iyong kamay gamit ang sabon at tubig
o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol. 3. ____, ay iwasan ang
paghawak sa iyong mga mata, ilong at bibig. Madalas nating hinahawakan
ang ating kamay nang hindi namamalayan. Kapag kontaminado na ang
kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong 4. ____ bibig. 5. ____ ay takpan ang
iyong ubo at bahing.
6. ____, iwasan din ang matatao na lugar at malapit na pakikisalamuha
sa taong may lagnat at ubo 7. ____ ay pagpapanatili sa bahay kung ikaw ay
may sakit. 8. ____, kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa paghinga,
magpakonsulta agad ngunit tawagan mo muna ang health facility. 9. ____ ay
ang pagkuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad. 10. ____,
kung masusunod natin itong lahat ay kayang-kaya nating puksain ang
pandemyang ito!

http://www.who.int./philippines/new/feature-stories/detail/pitong-simpleng-
hakbang-upang-maprotektahan-ang-sarili-at-ang-ibalaban-sa-covid-19

10
Payabungin Natin

PAGPAPATIBAY NG TURISMO
Magagandang tanawing masarap pasyalan, iba’t ibang kulturang
matutuhan at masasarap na pagkaing matitikman. llan lamang iyan sa mga
bagay na mararanasan sa paglalakbay o pamamasyal sa iba’t ibang lugar
sa Pilipinas.
Nakatutuwang isipin na ang ating pamahalaan at iba pang mga
pribadong sektor ay gumagawa ng iba’t ibang paraan ng pagpapalakas ng
turismo sa ating bansa.
Ang turismo ay ang akto ng paglalakbay sa labas o loob ng bansa
para sa layunin ng paglilibang, pagsasaya o mga bagay na may kinalaman
sa negosyo o komersyo.
Batay sa World Tourism Organization (WTO), turista ang tawag sa
sinumang naglalakbay ng 50 milya (80.5 kilometro) ang layo mula sa
kaniyang tirahan.
Ang turismo ay napakahalaga sa ekonomiya ng isang bansa. Bukod
sa salaping ipinapasok ng mga turista, ito ay nagbibigay ng hanapbuhay sa
mga lokal na mamamayan ng isang bansa sa industriyang serbisyo. Dahil
sa kahalagahan ng turismo sa ekonomiya ng isang bansa, ang pamahalaan
ay gumagastos ng malalaking halaga sa advertisement upang itaguyod at
isulong ang industriya ng turismo sa bansa.
Isinasaalang-alang ng mga turista ang magaganda at abot-kayang
atraksyon, seguridad ng bansa mula sa krimen, at magagandang komento
o karanasan mula sa mga dayuhan nagpunta sa iba’t ibang lugar sa
Pilipinas.
Malaki ang gampanin ng advertisement sa pagpapalakas ng turismo
sa bansa. Nahahati ito sa dalawang kategorya-print at electronic media.
Nasasaklaw ng electronic media ang mga advertisement sa telebisyon, radio,
at internet habang print media naman ang dyaryo, magazine, brochure at
flyer.

Kalinangan, Workteks sa Filipino (Wika at Panitikan)


para sa Hayskul, Binagong Edisyon 7 p. 73

Panuto: Buoin ang pahayag sa pamamagitan ng pagbahagi ng iyong sariling


opinyon o pananaw sa loob ng 2-3 pangungusap.

1. Para sa akin ang turismo ay ____________________________________________.


2. Mahalaga ang turismo dahil ____________________________________________.

11
3. Bilang mamamayang Pilipino, makatutulong ako upang maitaguyod ang
turismo sa aming lugar sa pamamagitan ng ____________________________.

Pagnilayan Natin

Panuto: Gumawa ng isang scrapbook na panturismo na nagpapakita ng


pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino. Tandaang dapat ito ay
nakabatay sa mga awtentikong datos. Dahil sa pandemya na ating
nararanasan sa kasalukuyan, ang mga kabataang tulad mo ay
pinagbabawalan lumabas ng bahay kaya’t humingi ka ng tulong sa iyong
magulang o kasamahan sa bahay na maaaring makatulong sa iyong mga
kakailanganin datos at gamit.

Rubric sa Pagbuo ng Scrapbook na Panturismo

Mga Pamantayan 15 Puntos 10-14 Puntos 1-9 Puntos Puntos

Napakahusay ng Malinaw na Walang malinaw


1. Panghikayat ng pagkakabuo ng gumamit ng na konsepto ang
pamagat at ng takip ng konsepto ng konsepto sa takip at pamagat
scrapbook. pamagat at takip pagbuo ng ng scrapbook.
ng scrapbook. pamagat at takip
ng scrapbook.
2. Kasiningan ng Ang lahat ng Mahusay na Hindi mahusay na
presentasyon elemento ng naisagawa ang naisagawa ang
a. Pang-akit ng lay-out kasiningan ng karamihan ng mga elemento ng
(disenyo, kulay, at anyo) kasiningan ng
b. Materyales na ginamit presentasyon ay elemento ng presentasyon.
c. Lengguwaheng ginamit mahusay na kasiningan ng
d. Orihinalidad mahusay na presentasyon.
naisagawa.
3. Kalinawan ng Napakalinaw at Malinaw at Hindi malinaw at
konsepto at tema katangi-tangi ang maayos ang maayos ang
a. Pagsusulong ng konsepto at tema konsepto at tema konsepto at tema
kulturang Pilipino ng scrapbook. ng scrapbook. ng scrapbook.
b. Panghihikayat sa
turismo
4. Kahusayan ng Napakalinaw na Malinaw na Hindi makikita sa
pananaliksik ng makikita sa makikita sa scrapbook ang
awtentikong datos scrapbook ang scrapbook ang pananaliksik ng
a. Kahalagahan at kahusayan ng awtentikong datos.
pananaliksik ng
katiyakan ng mga pananaliksik ng Walang tiyak na
impormasyon. awtentikong datos. awtentikong datos.
b. Pagkakaugnayugnay May tatlo o higit May isa o bahaging
ng mga impormasyon. pang dalawang tiyak na naglalahad nito.
c. Pakikipanayam tiyak na bahaging bahaging
naglahad nito. naglalahad nito.

12
5. Kalinawan ng sariling Kitang-kita at Makikita ang Hindi
katangian sa binuong lutang na lutang sa sariling binigyangpansin
scrapbook. binuong scrapbook katangian sa ang sariling
ang
binuong katangian, sa halip
sariling katangian
scrapbook. nangopya lamang
at kahusayan.
ng gawa ng iba.

Kaayusan ng mga Angkop na angkop Maayos ang mga Hindi maayos ang
pahayag at kawastuhan at napakaayos ng pahayag na mga pahayag na
ng gamit ng mga salita at mga pahayag at ginamit. May isa o ginamit. Maraming
bantas sa kabuoan. wasto ang lahat higit pang
pagkakamali sa
ng mga salita at paggamit ng mga pagkakamali sa
bantas na ginamit. salita at bantas. salita at bantas na
ginamit.
Kabuoang Puntos

81-90 - Napakahusay 19-36 - Papahusay


56-80 - Mahusay 1-18 - Paghusayin Pa
37-55 - Mahusay-husay

13
14
Pagnilayan Natin Payabungin Natin
Gawing batayan sa Markahan ang
pagmamarka ang sagot ng mag-aaral
inilahad na rubrics batay sa inilahad
sa pagtataya. na pagsa-sanay.
Suriin Natin Sanayin Natin Gawin Subukin
Natin Natin
A. A.
1. D 1. C 1. B
2. D 1. at 2. C 2. B
3. B 2. una sa lahat 3. D 3. D
4. B 3. unang 4. C 4. B
5. D 4. kahuli-hulihang 5. A 5. B
5. pangatlo
B. B. 1. B
1. unang-una 1. at 2. E
2. dahil dito 2. una sa lahat 3. C
3. pangalawa 3. karagdagan 4. A
4. at nito 5. D
5. pangatlo 4. pangatlo
6. dagdag pa dito 5. panghuling
7. ikalima
8. isa pa
9. ang huling
gagawin
10. sa kabuoan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Anastacio, Heidi C., Lingat, Yolanda S., Morales, Rita D. Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teskto Tungo sa Pananaliksik (2016), C & E Publishing,
Inc., 839 EDSA, South Triangle, Quezon City

Guimarie, Aida M. Kalinangan, Workteks sa Filipino (Wika at Panitikan)


para sa Hayskul, Binagong Edisyon 7(2015), Rex Book Store, Inc.
(RBSI), 856 Nicanor Reyes Sr. St., Sampaloc, Manila

Infantado, Remedios, Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan, Binagong


Edisyon 8 (2018), Rex Book Store, Inc., Nicanor Reyes Sr. St., C.M.
Recto Avenue, Manila, Philippines

Julian, Ailene Baisa, Del Rosario, Mary Grace G., Lontoc, Nestor S.
Pinagyamang Pluma, Ang Bagong Baitang 8 (2015), Phoenix Publishing
House, Inc. Philippine Education Publisher Association, 927 Quezon
Ave., Quezon City

http://www.who.int./philippines/new/feature-stories/detail/pitong-
simpleng-hakbang-upang-maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-laban-sa-
covid-19

15
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI


F. Torres St., Davao City
Telefax:
Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like