You are on page 1of 16

7

Filipino
Unang Markahan – Modyul 6:
MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK AT
PAGGAWA NG TRAVEL BROCHURE
Alamin
Dapat nating matutuhan:
 Pananaliksik -isang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na
paksa o suliranin.
 Datos / Sanggunian - mga impormasyong ginagamit upang magsilbing saligan o basehan ng anumang
kalalabasan o resulta ng pananaliksik.
 Turismo - isang paglalakbay sa ibang lugar o bansa na ang unang layunin ay makapagliwaliw at makita ang
likas na kagandahang taglay ng bawat lugar na pinupuntahan.
 Turista - ang tawag sa sinumang manlalakbay sa ibang bansa.
 Programang panturismo - isang proyekto na may layuning makapaghikayat ng mga turista na magtungo
sa isang partikular na bansa sa mas madaling paraan upang mapuntahan ang mga destinasyon na nais
puntahan.
 Advertisement ay nagpapalakas ng turismo sa bansa o ng partikular na lugar kaya napakahalaga at malaki
ang gampanin nito. Ginagamit ito ng mga turista upang maging gabay sa paghahanap ng lugar na nais
nilang puntahan.

Subukin
Panuto:Isulat ang T kung mga pahayag ay Tama at M kung ito ay mali ayon sa hakbang sa pananaliksik at
wastong paggawa ng proyektong panturismo.
_____ 1. Ang pananaliksik ay nakatutulong upang mabigyang solusyon ang isang suliranin.
_____ 2. Kinakailangang marami ang paksa sa pananaliksik upang maging malawak ito.
_____ 3. Hindi maaaring gamitin ang mga datos na nakuha sa internet sa iyong pananaliksik.
_____ 4. Mahalaga na gumawa muna Tenatatibong Balangkas upang magkaroon ng direksyong susundan ang isang
mananaliksik
_____ 5. Ang mga magasin at pahayagan ay hindi maaaring pagkunan ng datos sa isang pananaliksik. Aralin
_____ 6. Natutulungan ang industriya ng isang lugar.
_____ 7. Ang ibang lugar ay hindi naibabahagi ang kanilang mga likas na yaman sa ibang probinsiya.
_____ 8. Maraming turista ang nabighani sa mga katangi-tanging tanawin sa Mindanao.
_____ 9. Ipinakilala ang magagandang topograpiya at kakaibang hayop sa bansa.
_____ 10. Pinagbabawal ng iba ang pagpunta sa kanilang lugar upang hindi ito masira.

Aralin

6
MGA PAKSA:
 Iba’t Ibang Maaaring Mapagkunan ng Impormasyon sa Pananaliksik
 Mga Hakbang sa Pananaliksik
 Mga Proyektong Panturismo
 Mga Dapat Isaalang-Alang sa Paggawa ng Travel Brochure

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pampagkatuto:


 Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggang mga pahayag
F7PN-Ij-6
 Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo
(halimbawa: pagsusuri sa isang promo coupon o brochure) F7PB-Ij-6
Balikan
Panuto: Tukuyin ang mga pag-ugnay na ginamit sa pangungusap. Bilugan ang pang-ugnay na nakikita sa bawat
pangungusap.
____1. Naiwan si Iyah sa kanyang biyahe patungong bayan dahil sa malakas na ulan.
____2. Mabilis na tumakbo ang bata patungo sa kanyang ina.
____3. Mataas ang ang nakuhang marka ni Ela kung kaya nagkaroon ng munting salu-salo sa kanilng tahanan.
____4. Ang pagpupulong ay tungkol sa pagbubukas ng klase sa taong 2020-2021.
____5. Masipag mag-aral si Gia ngunit siya ay sakitin

Tuklasin
A.Panuto: Tukuyin at bilugan ang mga salitang makikita mo sa puzzle na maaaring maging paksa ng isang
pananaliksik.

B. Panuto: Ang Mindanao ay tinaguriang “Lupaing Pangako” na siyang may magagandang tanawin at sagana sa
likas na yaman, at pinangakong ng isang kapayapaan. Balikan at panoorin ang video clip sa link na
https://vimeo.com/285958360
1.Ano-anong lugar ang sakop ng Mindanao?
2. Maipamamalaki ba natin ang Mindanao sa kabilang ng mga kaguluhan dito? Bakit?

C.Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Pag-ugnayin ang mga titik sa loob ng kahon upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga salitang madiin
ang pagkakasulat sa bawat bilang.
1. Sa pananaliksik mahalagang maging sistematiko sa pangangalap ng mga impormasyon at datos.
2. Sa pagsunod sa proseso ng pananaliksik, mapapadali ang pagkuha ng mga datos na kinakailangan.

3. Ang mga promo materials ay makatutulong sa pagpapalaganap ng kampanya kontra COVID – 19.

4. Isa sa mga katangian ng leaflets o flyers ay sigurado ang mga impormasyong nakasulat at hindi maligoy.

5. Ang brochure ay uri ng promo material na nagsisilbing gabay sa mga mamimili dahil naglalahad ito ng
detalyadong paglalarawan ng produkto.

Suriin

A. Pagtalakay sa Aralin
Paksa 1: IBA’T IBANG MAAARING MAPAGKUNAN NG IMPORMASYON SA PANANALIKSIK
 Datos / Sanggunian - mga impormasyong ginagamit upang magsilbing saligan o basehan ng anumang
kalalabasan o resulta ng pananaliksik.
Pangunahing Sanggunian Sekondarya Sanggunian Sangguniang Elektroniko /
Internet

Paksa 2: MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK


Ang pananaliksik (research)
isang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa tiyak na paksa o suliranin.
proseso ng pangangalap ng mga makatotohanang impormasyon na humahantong sa kaalaman.

Ano ba ang hinanap kapag nagsasaliksik?


1.naghahanap ng mga impormasyon na tutugon sa isang suliranin.
2.may sistematikong pamamaraan ng paghahanap ng makabuluhang impormasyon na nakatutulong sa pagsagot ng isang
suliranin o kaganapan.

Hakbang na Dapat Isaalang-alang sa Pananaliksik


(* Paksa - magsisilibing sentro ng pag-uusapan ng gagawing pananaliksik.)
1.Pag-alam o Pagpili ng Paksa (Topic)
Piliing mabuti ang paksa. Dapat ang paksa ay pinag-isipang mabuti. Narito ang maaaring
itanong sa sarili bago gumawa ng paksa:
a.Interesado ba ako sa paksang ito?
b.Angkop, makabuluhan at napapanahon ba ang paksang ito?
c. Masyado bang malawak ang paksang ito sa loob ng maikling panahon?
d.Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa maikling panahon?
e. Marami kayang sanggunian (reference) ang maaaring pagkunan ng impormasyon?
Tandaan: Siguraduhing pipiliing paksa ay naaayon sa interes o mayroon kang malawak na kaalaman ukol dito.

2.Pagbuo/Paglalahad ng Layunin (Goal) (*Layunin - mga dahilan at magbibigay direksyon o gabay sa iyong susulatin.)

Maaaring itanong sa sarili, “Ano-ano ang mga dahilan o layunin ng pananaliksik mo?”

3.Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya (Citation)


(*Bibliyograpiya –talaan ng iba’t ibang sanggunian o makukunan ng impormasyon tulad ng aklat, artikulo, report , peryodiko,magasin, internet at iba pa.)

Maging maingat at suriing mabuti ang nakukuhang impormasyon sa Internet dahil hindi lahat ay tunay na
impormasyon.Maaaring gumamit ng 3x5” index card at isulat ang mga sumusunod na mga impormasyon:
a.Pangalan ng awtor
b.Pamagat ng kanyang isinulat
c.Impormasyon ukol sa pagkakalathala:
(1) mga naglimbag
(2) lugar at taon ng pagkakalimbag
(3) pamagat ng aklat
d.Ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman

4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas (Tentative Outline)


(*Balangkas-nakasulat na plano na nagpapakita ng mga bahagi na bubuo sa isang sulatin. Nalalaman din kung ano-ano ang mga pangunahing ideya at suportang ideya.)

Mabilis ang paggamit nito dahil nagbibigay ng direksyon o gabay ang iyong hinahanap. Maaaring gamiting ang ihinandang
index card ng bibliograpiya upang makabuo ng balangkas.

5.Pangangalap ng mga Tala (Note Taking)


Maaaring balikan ang isinulat sa index card at hatiin sa tatlong parte.
 Lagom-Naisusulat ang mga impormasyon sa sariling salita na impormasyon na nawawala
 Tuwirang-sipi – kokopyahin anglahat ng salita at lalagyan ng panipi o quotation marks (“..”)
 Hawig- pagbibigay ng paliwanag sa sinabi ng orihinal
Tandaan: Basahing mabuti ang mga ito at magtala ng mahahalagang impormasyong magagamit sa susulatin.
Iminumungkahing isulat nang maayos ang iyong mga tala.
6.Paghahanda sa Iwinastong Balangkas (Final Outline)
Maaaring suriing mabuti ang tentatibong balangkas para makita kung may dapat bang baguhin o ayusin. Iplano ang
kabuoan ng pananaliksik

7. Pagsulat ng Burador (Rough Draft)


Mula sa iwinastong balangkas at mga impormasyon sa index card, maaaring isulat nang tuloy-tuloy ang mga naiisip.
Tandaan: Huwag isipin kung may maling pangungusap, bantas, baybay at iba pa.)

8.Pagwawasto at Pagreresiba ng Burador (Revise Draft)


Basahing mabuti ang burador, iwasto ang mga ispeling, bantas, wastong gamit ng salita at nilalaman ng paksa. Bigyang-
pansin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan, pormal na pananalita at pagkilala sa pinagmulan ng mga impormasyon.

9.Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik (Final Research)


Ang Pagsulat ng Pananaliksik ayon sa pormat na ibinigay ng guro.

Paksa 3: MGA PROYEKTONG PANTURISMO


Ang turismo ay isang paglalakbay sa ibang lugar o bansa na ang unang layunin ay makapagliwaliw at
makita ang likas na kagandahang taglay ng bawat lugar na pinupuntahan. Ito rin ay tumutukoy sa negosyo ng
pagbibigay ng serbisyo sa mga manlalakbay o turista.
Ang turista naman ang tawag sa sinumang manlalakbay sa ibang bansa.
Ang programang panturismo ay isang proyekto na may layuning makapaghikayat ng mga turista na
magtungo sa isang partikular na bansa sa mas madaling paraan upang mapuntahan ang mga destinasyon na nais
puntahan.
Malaking tulong ang turismo sa pagpapaunlad ng ekonomiya dahil nakapagbibigay ito ng trabaho sa mga
mamamayan. Kaya naman,ginagastusan ng gobyerno ang iba’t ibang proyektong panturismo upang
makapanghikayat ng mga dayuhan sa Pilipinas.
Ang advertisement ay nagpapalakas ng turismo sa bansa o ng partikular na lugar kaya napakahalaga at
malaki ang gampanin nito. Ginagamit ito ng mga turista upang maging gabay sa paghahanap ng lugar na nais nilang
puntahan.

Paraan ng Proyektong Panturismo:


PRINT ADVERTISEMENT ELECTRONIC MEDIA
ADVERTISEMENT
 Poster – binubuo ng mga larawan at mensaheng nagpapakita  Travel Blog – pagsasalaysay
ng kagandahan at mga natatanging tanawin sa isang bayan. o pagkukwento gamit ang
Internet sa naging mga
karanasan sa lugar
pinuntahan, mga damdamin
sa lugar, uri ng pamumuhay,
o kaugalian ng mga tao sa
isang lugar
 Audio-visual presentation –
gumagamit ng pinagsamang
audio at video na maaaring
magpakita ng larawang may
caption, video ng lugar, at
maikling pag-uulat sa
kasaysayan ng lugar.
 Tavel Brochure- madalas gamitin ng mga turista bilang gabay
sa paghahanap ng lugar na nais nilang puntahan.

 Flyers/ Leaflets -paraan ng patalastas kung saan malikhaing


inilalapat sa malilit na papel ang mga detalye ng isang
produkto, konsepto, paalala o polisiya.
1.May kapansing-pansin na pabalat o front cover
 Madaling makuha ang interes ng turista sa pamamagitan ng mga malikhain
at magandang disenyo ng pabalat. Gumamit ng color scheme o
magkakalapit na kulay sa disenyo. Maglagay ng taglines o nakapupukaw
na linya paramahikayat ang mga turista sa
pagpunta sa pinopromote na lugar. Maaaring
gumamit rin ng akronim o paggamit ng letra.

2. Dumaan sa masusing pananaliksik at pagsulat ang


nilalaman ng iyong Travel Brochure.
 Ang isang turista ay madaling maakit na puntahan o
pasyalan ang isang lugar kapag maganda ang
nilalaman ng iyong travel brochure kaya napakahalaga
ito. Makabubuti na magsaliksik at magbasa ka upang
marami kang maibahagi tungkol sa lugar na ito.
3.Nalalaman ang target audience(anong uri ng turista?)
a.Mga kabataan o magbabarkada bang mahilig sa
adventure na may limitadong budget?
b.Mga mag-aaral na gusto ng educational fieldtrip?
c.Buong pamilya kasama ang mga anak na nais mag-
bonding?
d.Mga nakatatanda o retiradong nais ng tahimik na
bakasyon?
 Kapag alam mo na ang turistang nais mong maakit ng iyong
travel brochure ituloy mo na ang iyong pananaliksik. Mula sa
iyong nasaliksik ay piliin ang pinakamahalagang bagay na
gusto mong bigyang diin
4. May mga nakaaakit na larawan ng lugar.
 Pumili ng mga larawang makapupukaw ng atensyon. Ang
mga larawang ito ay inaasahang lalo pang makapang-aakit sa
target mong uri ng turista.
 Isama rito ang lokasyon ng lugar o kilalang pasyalan pati na
ang lugar na pwedeng pahingahan at kainan
 Mga larawan ng pwedeng gawin sa mga lugar na ito tulad ng
pangangabayo, pagsi-zipline, pagpipiknik, o simpleng
paglalakad sa dalampasigan.
 Tiyaking ang mga larawan ay sadyang makaaakit, bago, at
may mataas na kalidad o hindi malabo.

Pansinin kung paano isinulat ang deskripsyon sa bawat


tanawin.

5.Isaalang-alang din ang mga larawan at halaga ng


transportasyon, pasyalan, activities, kainan,
mapagpapahingaan at mga bilihin.
 Makatutulong ito upang mapaghandaan ng isang turista
ang maaaring gastusin.
6. Emergency Hotline/Contact Number
 Kung saka-sakaling may mga katanungan ang turista
maaari siyang tumawag sa mga numerong makikita sa
travel brochure.
7.Pagdadagdag ng larawan ng mapa at promo coupons
8. Maging makatotohanan at may malakas na panghihikayat sa turista
9. Pagbuo ng Burador Para sa Iyong Travel Brochure.
 Bago pa tuluyang buoin ang travel brochure ay makatutulong ang pagbuo muna ng burador para maging
huwaran o template ng iyong bubuoin. Kahit wala munang mga larawan o teksto, iguhit lang muna kung
saan ilalagay ang mga ito gayundin kung paano titiklupin ang travel brochure. Karaniwang tinitiklop sa
tatlong bahagi ang travel brochure.
10. Pagbuo ng Aktuwal na Travel Brochure
 Gagamitin mo na ngayon ang mga impormasyong iyong nasaliksik gayundin ang mga larawang pinili mo.
 Tiyaking malinaw at nababasa ang mga teksto sa travel brochure. Iwasan ang masyadong maliliit na titik.
 Bigyang-diin ang pinakamahalagang bahagi sa pamamagitan ng paggamit ng ibang kulay o paggamit ng diin
(bold face) sa mga ito.
 Sangguniin ang binuong burador para matiyak na naaayon sa plano ang harap, ang gitna, at ang huling
bahagi ng brochure.
11.Sundin ang iyong pinal na balangkas (final outline) sa pananaliksik ng lugar.
12. Tamang baybay at bantas
 Sa iyong proyekto kailangang naipaliwanag din ang mga salitang ginamit tulad ng mga acronym.
13. Gumamit ng wasto at angkop na wikang Filipino.
 Ito ang isang uri ng sulating ginagamitan ng pormal na wika at hindi ng mga balbal, kolokyal, o lalawiganing
salita.
 Gawing simple ang mga gagamiting salita. Gumamit ng wasto at angkop na salita sa wikang Filipino at
bantas.
14.May direkta, maikli at malinaw sa detalye ang nilalaman.
 Importanteng detalye lamang ang ilagay.Huwag masyadong madetalye dahil tatamarin ang mambabasa
nito

Mga Bahagi at Nilalaman ng Travel Brochure


1. Introduksiyon o panimula
 Maglalarawan ito sa lugar ukol sa kasaysayan. Maaring gumamit ng iba’t ibang tagline o dayalekto na
makapupukaw sa interes ng turista.
2. Lokasyon ng mga prominente o kilalang pasyalan
 Higit na magiging madali sa mga turista ang paghahanap ng mga landmark o tourist spots kung may
kasama itong mapa o paraan kung paano ito pupuntahan.
3. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga
 Ito ang isa sa pinakamahalagang nilalaman ng brochure na madalas makaligtaan. Marapat isama sa
brochure ang mga lugar na maaaring kainan at naghahanda ng mga delicacies ng nasabing lugar.
4. Mga larawan ng mga lugar na maaring pasyalan, kainan at mapagpapahingahan
 Madalas na inuuna ng mga turista ang pagtingin sa larawan kaysa sa detalye.
5. Halaga ng transportasyon at iba pang bilhin
 Makatutulong ito nang malaki sa mga turista upang makapagtabi ng sapat ng halaga

OUTSIDE FLIP BACK COVER FRONT COVER


INSIDE FLIP
Pagyamanin
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa bawat pahayag batay sa tamang hakbang ng pananaliksik.
Lagyan ng bilang 1-9.
______Hatinggabi na nang matulog si Joy pagkat sinulat na niya ang pinal niyang pananaliksik
______Tuwang tuwa siya pagkat batid niyang matatapos niya ang kanyang pananaliksik dahil tapos na niya ang
kanyang Tentatibong balangkas.
______ “Ang mga Paboritong Lutuin ni Nanay” ang pamagat ng pananaliksik ni Joy dahil alam niyang may
mapagkukunan siya ng datos.
______Kumuha siya ng index card upang may mapagsulatan siya ng mga mahahalagang impormasyong kaugnay ng
kanyang pananaliksik.
______Gumawa siya ng talaan ng mga aklat at iba pang sanggunian gayundin tumingin din siya sa internet para sa
mga datos na magagamit niya.
______Inilahad niya na ibig niyang malaman ang dahilan kung ano-ano ang mga pangunahing sangkap sa pagluluto
ng kanyang nanay
______Pinag-isipang mabuti ni Joy ang kabuuan ng pananaliksik na kanyang gagawin.
______Anuman ang mga ideyang pumapasok sa kanyang isipan ay kanyang itong isinulat nang hindi muna
pinapansin ang mga maling pangungusap.
______Sinuri niyang mabuti ng nilalaman ng kanyang pananaliksik, ang mga baybay, mga salitang ginamit at mga
bantas kung ito ba ay tama.

Isaisip
Panuto: Punan ng angkop na mga salita ang mga pangungusap upang mabuo ang diwa nito. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel o notbuk.

Pagpipilian: -Paksa -layunin -internet -datos/ impormasyon -bibliyograpi

Sa paggawa ng pananaliksik, pumili ng 1.____________ na naaayon sa iyong interes. Isipin kung ano ang iyong
2._____________ sa gagawing pananaliksik. Dapat maingat sa pagkalap ng mga 3.____________ dahil nagkalat sa
4.____________ ang mga hindi makatotohanan na impormasyon. Huwag kalimutang ihanda ang 5.____________ na
ginawang batayan sa pagkuha ng datos.

Isagawa
AWTPUT 7: Pananaliksik sa Proyektong Panturismo
Panuto: Pagsasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa tradisyon, kultura, pamahiin at paniniwala. Isamang itampok
ang landmarks o tourist spot, ipinagmamalaking pagkain, kasuotan, pagdiriwang at iba pa sa isang lugar sa Mindanao.
Kailangang mahikayat ang mga lokal na turista na bumisita sa Mindanao(Maaaring pumunta sa silid-aklatan, computer lab, o
cellphone). Buoin ang hinihinging impormasyon ayon sa balangkas.

Maaaring sundin ang mga hakbang ng pananaliksik.

1.Paksa (Topic): _________________________ (Napiling lugar sa Mindanao)

2. Ang mga dahilan o layunin (Goal) ng iyong pananaliksik:


a._______________________________________ d. _________________________________________
b. ______________________________________ e. __________________________________________
c._______________________________________ f. __________________________________________

3.Pinagkunan ng Impormasyon o Citation: (tignan muli sa itaas)


Pinagkunan Bibliyograpiya Impormasyong nakuha
ng (Citation)
Impormasyon
4.Isaliksik ang mga sumusunod at gumawa ng Tentatibong Balangkas (Tentative Outline)

______________________
Pamagat

I.Turistang target (Maaari kang pumili rito ng target mo o mag-isip pa.)


a.kabataang mahilig sa adventure
b. backpacker na may limitadong badyet
c. estudyanteng gusto ng fielftrip
d.pamilyang may mga anak
e. mga mamatanda na gusto ng tahimik na bakasyon
f. Iba pa : ____________________________________________
II. Target na lalawigan o probinsya sa Mindanao na nais i-promote sa napiling turista
a.
III. Mga naisip na catchy slogan o taglines-mga simpleng salitang nakakapukaw (halimbawa: It’s more fun in the Philippines)
a. ________________________________ c. _____________________________
b. ________________________________ d. _____________________________
IV. Kaunting impormasyon tungkol sa kasaysayan ng lugar na iyong pinili (Maghanap ng larawan ng mapa nito. )
a.
b.
c.
V. Mga nakaakit na lugar o tourist spots na makikita (Maglagay ng larawan, may kaunting deskripsyon sa lugar at paano
pupuntahan) (Maaaring magdagdag)
a.
b.
c.
d.
VI. Mga maaaring gawing aktibidad sa lugar at halaga nito. (Tiyaking may mga larawan ay sadyang makaaakit) (Maaaring
magdagdag)

a.
b.
c.
VII. Mga delicacies o natatanging pagkain ng lugar at halaga nito(Maaaring magdagdag)
a.
b.
c.
VIII. Mga halaga ng transportasyon (Maaaring magdagdag)
a.
b.
c.
IX. Pangalan at iyong contact information (address, cellphone #, e-mail address, website, FB page etc.)
a.Pangalan:_____________ c. Cellphone #: ______________e. Website:_____________
b. Address:______________ d. E-mail Address: ___________ f. FB page: _____________

5. Isulat ng Borador o Rough Draft. Tuloy-tuloy na isulat ang mga naiisip. (Huwag isip kung may maling pangungusap o
wrong grammar sa isinulat sa bilang 4)
6. Revise Draft . Basahin at tignan muli ang mga ispeling, bantas, wastong gamit ng salita at nilalaman ng paksa.
7. Suriing mabuti ang mga impormasyon nakalap.
8. Isulat muli sa isang malinis na papel ang Pinal na Pananaliksik sa ibinigay na pormat ng guro sa bilang 4

Rubrik sa Pagpupuntos:
Pamantayan Laang Iyong
Puntos Puntos
Kompleto ang impormasyong hinihingi at wasto ang mga ito. 8 puntos
Maayos at may kaisahan ang mga pangungusap na ginamit sa pagbubuod 6 puntos
Maayos na naisalaysay ang buod ng maikling kuwentong nasaliksik 6 puntos
Kabuoang Puntos 20 puntos

UNANG MARKAHANG PANGKABUONG PROYEKTO


Proyektong Panturismo “Travel Brochure”
Ilang Paalala sa Gawain Pamproyekto sa Filipino 7

1. Ang iyong gagawin ay ang proyektong panturismo ay ang Travel Brochure bilang proyekto sa Filipino 7.
2. Maaaring isagawa bilang indibidwal, may ka-partner o pangkatang na may hanggang 5 miyembro.
3. Sundin ang mga hakbang sa pananaliksik ng mahahalagang impormasyon tungkol sa lugar sa
Mindanao lamang.
4. Suriin ang ginamit o pinagkunan ng impormasyon sa pananaliksik kung ito ba ay mapagkakatiwalaan.
5. Sundin ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng travel brochure.
6. Sundin o gawing gabay ang pormat ng bahagi ng travel brochure na makikita sa larawan. Maaaring
maghanap sa Internet ng mga sample nito upang magkaroon ng ideya.
7. Gumamit ng wasto at angkop ang pormal na wikang Filipino sa pagsasagawa ng travel brochure.
8. Maaari kang mag-lay-out sa computer pagkatapos, i-print ito sa short bondpaper. Maaari ka ring gumawa
ito sa pamamagitan ng paggupit ng mga larawan at detalye, at idikit sa short bond paper o isang
puting cartolina.
9. Pag natapos na ang iyong travel brochure, ipaliwanag ang mga salitang ginamit tulad halimbawa ng mga
acronym, taglines, promo coupons at iba pa. Isulat ang paliwanag ng mga sa salitang ginamit sa malinis
na short bond paper.

10. Suriin mo ang nagawang travel brochure gamit ang pamantayan sa pagpupuntos. Maaaring gamitin ang
checklist na ito sa pagsusuri kung naisagawa ang dapat ilagay sa travel brochure.

****Checklist: Lagyan ng tsek ( / ) kung nagawa mo na at ekis (X ) kung hindi pa. Suriin ang mga nilagyan mo
ng ekis (X) at ayusin ang mga naturang detalye nang sa gayon ay tiyak na mailalahad mo ito nang maayos at
mahusay. (***Paalala: Ito ay checklist lamang upang masuri kung naisagawa ba ang lahat ng hakbang sa
pagsasagawa ng travel brochure.)
______1) Nakabuo ka ba ng isang makatotohanang proyektong panturismo sa anyo ng isang travel
brochure?
______2)Naisa-isa mo ba ang mga hakbang na iyong ginawa sa pananaliksik ng mahalagang datos
tungkol sa turismo ng iba’t-ibang lugar sa ating bansa?
______3) Nasuri mo ba ang ginamit o pinagkunan ng datos o impormasyon sa pananaliksik?
______4)Angkop o mapagkakatiwalaan ba ang pinagkunan mo ng mga datos o impormasyon?
______5)Naglagay ka ba ng pagkakakilanlan o citation?
______6)Naipaliwanag mo ba ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyektong panturismo
tulad ng mga acronym?
______7)Naisa- isa mo ba ang mga tamang hakbang at panuntunan sa paggawa ng proyekto?
______8)Nagamit mo ba nang wasto at angkop ang pormal na wikang Filipino sa pagsasagawa ng
iyong proyektong panturismo

Rubrik sa Pagpupuntos :
Pamantayan Kahanga- Katanggap May Puntos
hanga (20- -tanggap potensyal
15 puntos) (14-10 (9-0
puntos) puntos)
1.Paglalahad ng Impormasyon – Mahusay at
napakalinaw ng pagkakalahad ng impormasyon o
datos buhat sa masusing pananaliksik. Kumpleto
ang mga hinihinging impormasyon
2.Kaayusan ng Larawan at Disenyo
3. Wasto ang pagkagamit ng wika at gramatika.
4. Orihinal at Makatotohanan – Sariling likha sa
pag-lay-out at sa mga salitang ginamit.
5. Kabuoang Dating - Nakapupukaw ng interes at
kawili-wili ang paglalahad.
Kabuoan: 100 puntos

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel o notbuk.
_____1. Sa anong hakbang sa pananaliksik ipinababatid mo sa iyong mambabasa ang nais mong
tugunan o isakatuparan sa iyong pananaliksik?
A. pagpili ng paksa C. pangangalap ng Datos
B. paglalahad ng layunin D. pagsulat ng Borador
_____2. Naging mabilis ang pagsasakatuparan ni Edna sa kanyang pananaliksik dahil sa kanyang
ginawang patnubay sa pagbabasa at pangangalap ng mga tala. Anong hakbang ang
isinaalang-alang ni Edna?
A. pagpili ng paksa C. paghahanda ng tentatibong balangkas
B. pangangalap ng datos D. pagsulat ng borador
_____3. Walang patid sa pagsulat ang mga mag-aaral ng anumang ideya na pumapasok sa
kanilang kaisipan, hindi nila pansin kung tama o mali ang mga pangungusap. Nasa anong
hakbang ng pananaliksik ang mga mag-aaral?
A. pagpili ng paksa C. paghahanda ng tentatibong balangkas
B. pangangalap ng datos D. pagsulat ng borador
_____4. Sa hakbang na ito masusing iwinawasto ng mananaliksik ang nilalaman ng kanyang pag-
aaral, tulad ng wastong baybay at wastong gamit ng mga salita.
A. pagsulat ng pinal na pananaliksik C. pangangalap ng datos
B. pagwawasto ng Borador D. pagsulat ng borador
_____5. Bakit kailangang maging maingat sa pagkuha ng mga tala sa internet?
A. Maaaring magkapareho kayo ng tala ng iyong kapwa mananaliksik.
B. Nagiging paulit-ulit ang paggamit ng mga talang ito.
C. Maraming impormasyon dito ang kaduda-duda o walang katotohanan.
D. Maraming impormasyon dito ang maaari ring makuha sa aklat.
_____6. Mahalaga ang travel brochure sa mga turista, sa paanong paraan ito makatutulong sa kanila?
A. maaaring lumakbay nang wala ito
B. maaari itong makapagpalito sa mga turista
C. maaaring gamitin ito ng mga turista upang maging gabay sa paghahanap ng lugar na nais
puntahan
D. lahat ay posibleng tama
_____7. Marami ang maitutulong ng turismo sa pag-unlad ng isang lugar. Isa sa mga ito ay ang _________.
A.pagbibigay ng hanapbuhay sa mga lokal na mamamayan ng isang lugar sa pamamagitan ng
serbisyo.
B. pagkakaroon ng pagkakataong magkagulo
C. pagkakataong dadami ang populasyon
D. lahat ay posibleng sagot
_____8.Anong hakbang sa pagbuo ng proyektong panturismo ang ginamit ni Dianne?
A. Pananaliksik at Pagsulat ng Nilalaman ng Iyong Travel Brochure
B. Pagpili ng mga larawang Isasama sa Travel Brochure
C. Pagbuo ng Borador Para sa Iyong Travel Brochure
D. Pagbuo ng Aktwal na Travel Brochure
_____9.“Matapos ang pananaliksik ni Jing sa lugar na nais niyang itampok sa gagawing travel brochure,
humanap na rin siya ng mga larawan para rito. Pagkatapos ay gumawa na siya ng plano para sa
gagawing proyekto. Ano ang susunod na hakbang na gagawin ni Jing upang mabuo ang proyektong
panturismo?
A. Pagbuo ng Aktwal na Travel Brochure
B. Pagbuo ng Borador Para sa Iyong Travel Brochure
C. Pagpili ng mga larawang Isasama sa Travel Brochure
D. Pananaliksik at Pagsulat ng Nilalaman ng Iyong Travel Brochure
_____10.Nalinang ang aking pagiging malikhain sa paggawa ng travel brochure.
A. Mapatutunayan ko na mas magaling ako sa iba
B. Maipagmamalaki ko ang magagandang tanawin sa aming lugar
C. Mahihikayat ko ang sinomang makabasa na bisitahin ang aming lugar
D. Mapaunlad ko ang sariling kakayahan

Karagdagang Gawain
Panuto: Gumupit ng mga larawan na makikita mo sa pahayagan o sa brochure. Sumulat ka ng sarili mong
advertisement. Pagkatapos ipaliwanag mo ang mga salitang iyong nagamit at ang kahulugan nito.

You might also like