You are on page 1of 3

Lecture No.

PANANALIKSIK

 Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak
na paksa o suliranin.
 Ayon naman, kina Mauel at Medel (1976), ang pananaliksik ay proseso ng pangangalap ng mga datos o
impormasyon upang malutas ang isang particular na suliranin sa siyentipikong paraan.

Sa pagsasagawa ng isang pananaliksik, kailangang isaalang-alang ang sumusunod na mga hakbang:

1. Pag-alam o Pagpili ng Paksa: Kung walang tiyak na paksang sasaliksikin, siguraduhing ang pipiliing paksa ay
naaayon sa iyong interes, may mga materyales na mapagkukunan, at yaong mayroon kang malawak na kaalaman.

2. Paglalahad ng ayunin: Isa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung bakit nais isagawa ang pananaliksik.

3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliograpiya: Ang bibliograpiya ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad
ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at iba pang nalathalang materyal. Maaari ring gamitin ang internet.
Maging maingat lamang at suriin mabuti ang mga talang makukuha sa internet sapagkat maraming impormasyon na
makukuha rito na kaduda-duda o walang katotohanan.

4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas: Makatutulong ito para sa mas mabilis napananaliksik dahil ito ang
magbibigay ng direksiyon at magsisilbing patnubay sa pagbabasa at pangangalap ng mga tala.

5. Pangangalap ng mga Tala o Note Taking: Sa pangangalap ng mga tala, iminumungkahing gumamit ng index
card. Hatiin sa tatlo ang mga talang makukuha - lagom, tuwirang-sipi at hawig.

 Kapag lagom, isulat ang tala sa sariling salita nang walang kahulugan o impormasyong nawawala.
 Sa hawig naman, malayang ipahayag ang tala sa pagbibigay-paliwanag sa sinabi sa orihinal.
 Sa tuwirang-sipi, kopyahin ang mga salita sa aklat at ipaloob iyon sa panipi.

6. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline: Sa bahaging ito, planuhin at isiping mabuti ang kauuan
ng pananaliksik na gagawin.

7. Pagsulat ng Borador o Rough Draft: Tuloy-tuloy na isulat ang mga kaisipang dumadaloy sa isip. Huwag munang
bigyang-din sa bahaging ito ang mga maling pangungusap.

8. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Burador: Sa bahaging to, bigyang-pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat
gayundin ang baybay, bantas at wastong gamit ng mga salita.

9. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik: Isulat na ang pinal na pananaliksik batay sa pormat na ibinigay ng guro.
Lecture No. 6

TRAVEL BROCHURE
Ang travel brochure ay ginagamit upang maging gabay ng mga manlalakbay patungo sa kanilang
destinasyon, ito ay isang maliit na booklet, pamphlet, o leaflet. Hangad nitong mapadali at maging
kawili-wili sa mga turista ang lugar na pinatutungkulan ng travel brochure.

Ang travel organizer ay tinatawag ding travel planner. Ito ay tala ng isang turista ng mga
maaaring gawin sa loob ng panahon ng kaniyang paglalakbay. Kabilang dito ang mga lugar na kaniyang
bibisitahin. Nakapaloob din ang mga sasakyang maaaring gamitin sa lupa man o sa himpapawid. Mga
hotel o lugar na puwedeng kainan o matuluyan, o mga numero ng teleponong maaaring tawagan.
Kadalasan nakatala rin dito ang kilalang tao na nakatira sa lugar na kaniyang pupuntahan. Upang maging
tiyak, maayos at kasiya-siya ang planong pagbabakasyon o paglalakbay sa isang hindi pamilyar na lugar
ginagamit ang travel organizer.

 Ang akto ng paglalakbay sa labas o loob ng bansa upang makapaglibang, makapagsaya, o


anumang bagay na may kinalaman sa negosyo o komersyo ay tinatawag na turismo.
 Turista namang matatawag ang sinumang naglalakbay ng 50 milya (80.5 kilometro) ang layo
mula sa kaniyang tirahan.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA NG TRAVEL BROCHURE
1. Makatatawag-pansin na pabalat- ang maganda at kaakitakit na disenyo ng pabalat ay makapupukaw ng interes
ng mga turista.
2. Tiyakin ang nais ng audience- magkaroon ng malinaw na brochure na pasok budget ng mga turista.
3. Simple at malinaw na nilalaman- ang kompleto at simpleng detalye ay mahalagang taglayin ng travel brochure
upang madali itong maunawaan at hindi magdulot ng kalituhan sa pagkaunawa sa nilalaman nito.
4. Antas ng wikang gagamitin-isaalang-alang ang antas ng wikang gagamitin- maaaring ito ay pormal o
impormal. Kailangan naaayon ito sa pangkalahatang populasyon ng mambabasa upang higit na maunawaan ng
nakararami.
5. Disenyo/Istilong gagamitin- bukod sa maganda at kaaakit-akit na disenyo ng travel brochure, mahalagang
isalang-alang ang kultura ng isang turistang pupunta sa isang lugar. Tiyakin ang katangian ng pangunahing lugar,
tampok na produkto, mga lugar na dinarayo, o anumang positibong bagay na maglalarawan dito. Maging positibo sa
pagbuo ng larawang diwa ng nasabing lugar.

MGA NILALAMAN NG ISANG TRAVEL BROCHURE


1. Maikling kasaysayan ng lugar. Maaaring gumamit ng tagline sa introduksiyon o panimula na maglalarawan hinggil
sa kasaysayan ng lugar.
2. Lokasyon ng kilalang pasyalan. Mas mapapabilis sa turista ang paghahanap ng tourist spot o kilalang pasyalan
kung may mapa ito at kung paano puntahan. Kapana-panabik din ang paglalagay ng outdoor activities tulad ng
paglalangoy, pagakyat ng bundok, pagsakay sa zipline, at iba pa.
3. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga. Kinatatampukan ng mga maaaring kainan at delicacies ng
nasabing lugar.
4. Mga larawan ng lugar. Kadalasan larawan ang unang tinitingnan ng turista sa pagpili ng lugar na kaniyang
papasyalan o pupuntahan.
5. Gastusin sa transportasyon at halaga ng iba pang bilihin. Malaking tulong sa mga turista ang mapaghandaan ang
gastusin sa kanilang gagawing paglalakbay.

You might also like