You are on page 1of 21

Mga Hakbang

Sa Pananaliksik
Mga Paalala
 Ihanda ang inyong mga self-learning module sa
Filipino
 Buksan ang inyong mga isipan
 Talasan ang inyong pandinig
 Magtala sa inyong kwaderno
 Makibahagi sa ating aralin
Layunin ng Aralin
Pagkatapos ng aralin, narito ang inasaahan kong
malinang sa inyo;
 naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa
pananaliksik mula sa napakinggang mga pahayag.
 nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa
isang proyektong panturismo (halimbawa:
pagsusuri sa isang promo coupon o brochure)
Pangganyak
__ A __ - __ __ I __
__ A __ D __ __ __ __
__ __ L __ __ __ __ A __
__ __ U __ __ __ Y __ __
T __ __ N __ __ __ __ I __ __
PANANALIKSIK

SALIKSI
K
HUMANA
P
ANO ANG PANANALIKSIK?

Ang pananaliksik ay isang uri ng


sulatin na nangangailangan ng sapat na
paghahanda at masusing pag – iisip
upang patunayan at makuha ang
anumang impormasyon na nais ng
manunulat.
MGA HAKBANG SA
PANANALIKSIK
1. Alamin o Piliin ang paksa

Kung walang tiyak na paksang sasaliksikin


siguraduhing ang pipiliing paksa ay naaayon sa
iyong interes, may mga materyales na
mapagkukunan at yaong mayroon kang
malawak na kaalaman.
MGA HAKBANG SA
PANANALIKSIK
2. Paglalahad ng Layunin
Isa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung bakit nais isagawa ang
pananaliksik.

3. Paghahanda ng Pansamantalang
Bibliyograpi
Ang bibliyograpi ay talaan ng iba`t ibang sanggunian katulad
ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at iba pang
nalathalang materyal. Maaari ring gamitin ang internet.
MGA HAKBANG SA
PANANALIKSIK
4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas

Makatutulong ito para sa mas mabilis na pananaliksik dahil ito ang


magbibigay ng direksiyon at magsisilbing patnubay mo sa pagbabasa at
pangangalap ng mga tala.
MGA HAKBANG SA
PANANALIKSIK
5. Pangangalap-tala o Note Taking
Sa paghahanap ng tala ay iminumungkahing gumamit ng index card.
Hatiin sa tatlo ang mga talang nakuha-lagom, tuwirang sipi at hawig.
3 Uri ng Tala
 LAGOM o buod
pinaikling bersiyon ng isang mahabang teksto.

 TUWIRANG SIPI
ang direktang pagkopya mula sa sanggunian.
gumagamit ito ng “panipi”.

 HAWIG
may mga pananalita o salita kang binabago ngunit
hindi dapat nalalayo sa orihinal kinakailangang ang
kaisipan ay naroroon pa rin.
MGA HAKBANG SA
PANANALIKSIK
6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas
o Final Outline
Sa bahaging ito planuhin at isiping mabuti ang kabuuang
pananaliksik na gagawin.
7. Pagsulat ng Burador o Rough Draft
Tuloy-tuloy na isulat ang mga kaisipang dumadaloy sa isip.
Huwag munang bigyang-diin ang mga maling pangungusap.
MGA HAKBANG SA
PANANALIKSIK
8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador

Sa bahaging ito ay bigyang-pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat


gayon din ang baybay, wastong bantas at wastong gamit ng mga salita.

9. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik


Isulat ang pinal na pananaliksik batay sa pormat na ibinigay
ng guro.
BABASAHIN
SURIIN ANG PROMO COUPON AT TRAVEL BROCHURE NA
GINAMIT BATAY SA MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK.

You might also like