You are on page 1of 17

MATALINGHAG

ANG PAHAYAG
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Nabibigyang-kahulugan ang mga
matatalinghagang pahayag na ginamit
MATALINGHAGANG
PAHAYAG
Ito ay ang mga ekspresyong may
malalalim na salita o may hindi tiyak
na kahulugan. Sinasalamin nito ang
kagandahan at pagkamalikhain ng
wikang Filipino
MATALINGHAGANG
PAHAYAG
Ito ay nakakapaghubog sa mga
intelektwal ng isang tao. Mas
binibigyang kahusayan ng mga
pahayag na ito ang mga akda.
MATALINGHAGANG
PAHAYAG
Ang mga matatalinghagang pahayag
ay maaaring nasa anyo ng sawikain o
idyoma, kasabihan o salawikain
HALIMBAWA:
Kapilas ng Buhay – asawa
Bukas ang palad – matulungin
Tuyo ang Papel – magandang imahe
Pagsusunog ng kilay – pagsisipag sa pag-
aaral
GAWAING-UPUAN:
Ibigay ang kahulugan ng
matatalinghagang pahayag na
nakatala sa ibaba. Isulat ang iyong
mga sagot sa inyong mga kuwaderno.
GAWAING-UPUAN:
“Pag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin”
GAWAING-UPUAN:
“Daig ng maagap ang
masipag”
GAWAING-UPUAN:
“Ubos-ubos na biyaya
Bukas nakatunganga”
GAWAING-UPUAN:
“Anak na di paluhain
Ina ang patatangisin”
GAWAING-UPUAN:
“Madaling maging tao
Mahirap magpakatao”
GAWAING-UPUAN:
“Kung ano ang bukambibig
Siyang laman ng dibdib”
GAWAING-UPUAN:
“Ang binabait ng bata
Sa magulang nagmumula”
GAWAING-UPUAN:
“Kapag maaga ang lusong
ay maaga ang ahon”
GAWAING-UPUAN:
“Kung sino ang masalita ay
siyang kulang sa gawa”
GAWAING-UPUAN:
“Walang naninira sa bakal
kundi ang sarili niyang
kalawang”

You might also like