You are on page 1of 15

 Ang balangkas ay isang

nakasulat na plano ng
mahahalagang bahagi ng isang
sulatin na nakaayos ayon
sa pagkakasunod-sunod ng mga
ito. Mahalagang bahagi lamang ang
nakapaloob dito upang magsilbing
patnubay sa gagamitin ukol sa
magiging nilalaman ng isang
sulatin.
 Binubuo ng mga pangunahin at
pangalawang ideya na siyang
kumakatawan sa buod o konsepto na
nais ipahatid ng isang akda. Ito rin
ang nagsisilbing gabay sa mga taga
ulat, taga basa, at taga pakinig
upang malaman at maipahatid ang
pinaka punto ng isang akda. Ang
balangkas ay tinatawag na outline sa
Ingles.
 Ang pagbabalangkas ay isang
maayos na pagtatala ng mga
pangunahing kaisipan o paksa
ayon sa pagkakasunud-sunod sa
isang katha o seleksyon.
 Division – pinananandaan ng mga bilang
Romano (I, II, III)

 Subdivisyon – pinananandaan ng
malalaking titik ng Alpabeto (A, B, C…)

 Seksyon – pinananandaan ng bilang Arabiko


(1,2,3…)
 Ito ay binubuo ng salita o parirala
lamang dahil matipid ito sa pananalita
o pahayag. Madalas ginagamitan ito ng
mga pangalang-diwa.

 Isinusulat sa anyong parirala.


 Ito ay binubuo ng mga buong
pangungusap na naglalaman ng
pangunahing ideya at maynor na
ideya.

 Isinusulat sa buong pangungusap.


 Basahin muna nang pahapyaw ang isang
tekto bago magtala ng mga paksa o detalye.

 Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa


binasang teksto

 Pag-aralan kung ano-ano ang mahahalaga


o pangunahing ideya at ang mga pantulong
na ideya.
 Tiyakin kung anong uri ng balangkas
ang angkop na gamitin sa paksa.
 Sundin ang halimbawa ng pormat ng
balangkas na nakalarawan sa teksto.
 Gumamit ng wastong bantas.
 Tandaan na ang balangkas ay
maaaring baguhin o palitan kung
kinakailangan.
1. Hanapin o alamin ang pangunahing diwa ng buong
seleksyon.
2. Isulat ito bilang pinakapamagat ng balangkas
3. Isulat ang pangunahing diwa ng bawat talata na
bumubuo sa seleksyon.
4. Gamitin ang roman numerals (I, II, III…) sa pagsulat
ng pangunahing diwa o paksa.
5. Gamitin ang malaking letra sa pagsulat ng unang
salita at lahat ng mahahalagang salita ng bawat
pangunahing diwa.
6. Maglagay ng tuldok pagkatapos ng roman
numerals at malaking letra.
7. Isulat nang may pasok sa ilalim (indention) ng
pangunahing diwa ang mga kaugnay na paksa.
8. Gamitin ang malaking letra (A, B, C…) sa
bawat kaugnay na paksa (sub topic).
9. Gamitin ang arabic numerals (1, 2, 3…) sa
unahan ng mga detalye na sumusuporta sa
kaugnay na paksa.
10. Isulat ito nang may pasok sa ilalim ng
kaugnay na paksa. Simulan ito sa malaking
letra.

You might also like