You are on page 1of 9

Ang TALATA ay isang maikling

katha na binubuo ng mga


pangungusap na magkakaugnay,
may balangkas, may layunin at
pag-unlad ng kaisipang nakasaad
sa pinapaksang pangungusap na
maaaring lantad o di-lantad.


Ito ang pangunahing katangian ng isang
mabuting talata na nasasalig sa mga
sumusunod:
1.KAGANAPAN
Masasabing may kaganapan ang isang
talata kung natupad o naipakita nito ang
layunin ng pagsulat.
2. KAISAHAN
Ang talatang may kaisahan ay yaong
may mga pangungusap na nakatutulong
sa pagbuo ng kaisipang isinasaad ng
pamaksang pangungusap.
3. KAAYUSAN
Ito ay tumutukoy sa maayos at tamang
pagkakasunud-sunod ng mga
pangungusap na bumubuo nito.
4. PAGKAKAUGNAY-UGNAY
Sa isang talata, ang pagkakaugnay-ugnay
ay nangangahulugan ng mahigpit na
pagtutulungan ng lahat ng mga
pangungusap upang makabuo ng isang
pangunahing diwa o kaisipan.


Ayusin ang mga pangungusap
upang makabuo ng isang
makabuluhang talata.
___1. Simple siyang manamit at kaiga-igaya sa pag-
aayos sa katawan, ngunit ang tingin ng
lahat,pinakamaganda siya, sapagkat bukod sa
maganda na, napakanda pa ng kanyang kalooban.
____2. Angkop sa kaniyang iugnay ang salawikaing
nasa pagiging simple ang kagandahan.
____3. Ang katulad niyay kasabihang ang tubig na
tahimik ay malalim.
____4. Sa lahat ng kaibigan sa paaralang aking
pinapasukan, si Marian lamang ang aking
kinagigiliwan at hinahangaan.
_____5. Ano pat sa taglay niyang mga katangiang
ito, maituturing siyang mapalad sa dilang mapalad.
_____6. Mahinhing-mahinhin din siya ngunit
napakahusay naman sa klase.

You might also like