You are on page 1of 3

Banghay Aralin

Filipino

I. Layunin:
Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang kahulugan ng komunikasyon na di-berbal at ang mga
halimbawa ng uri nto.

II. Paksa: Di-berbal Na Komunikasyon


Sanggunian: Wika at Komunikasyon(pahina 161-172) at Internet
Kagamitang Panturo: Laptop, TV.

III. Pamamaraan:
A1. Gawain
 Pang-araw-araw na Gawain
-Panalangin
-Pag-alam ng Lumiban

A. Pagganyak

Magpapakita ng larawan ang guro.

Gabay na tanong:

 Ano ang napansin ninyo sa larawang ipinakita?

B. Paglalahad
A. Ibibigay ng guro ang kahulugan ng di-berbal na komunikasyon at ang
halimbawa ng uri nito.

B. Gawain
-Ipapangkat sa apat ang klase.
-Bawat pangkat ay may nakaatas na gawin.
-Bibigyan lamang ng sampung minuto upang tapusin ng bawat pangkat
ang kanilang gawain.

Panuto:

Mag sadula ng mailking eksena gamit ang mga halimbawa ng “Uri ng di-
berbal na komunikasyon”.

Unang Pangkat: “Ekspresyon ng mukha at Galaw ng mata”

Ikalawang Pangkat: “Pandama o Paghawak (Haptics)”

Ikatlong Pangkat: “Kumpas at Tinding o Postura”

Ikaapat ng Pangkat: “Simbolo (Icons)”


Pamantayan Puntos

Pagkakaisa 5

Pagtutulungan 5

Malinaw na nailahad 10
ang ibinigay na gawain
Kabuuan 20

A2. Pagsusuri

Bakit mahalaga ang paggamit ng komunikasyon na di-berbal?

A3. Paglalapat

Paano natin malalaman kung naipahayag ba nang maayos ng komunikasyon na


di-berbal ang mensaheng nais nating iparating?

A4. Paglalahat

Ano ang ginampanang papel ng komunikasyon na di-berbal sa tao at sa


lipunan?

IV. Pagtataya

Gumawa ng tatlo hanggang limang pangungusap lamang.


Isulat sa kalahating papel ( ½ crosewise )

Tanong: Paano nabibigyang buhay ng komunikasyon na di-berbal ang mga simbolong


nakikita natin sa paligid?

V. Takdang-aralin

Magsaliksik ng iba pang uri ng komunikasyon na di-berbal at ang kahulugan nito. Isulat
sa isang buong papel.
Inihanda ni: Juvy Rose Ycong Sale

You might also like