You are on page 1of 6

Davao Oriental Regional Science High School

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino VII


Joey Anne B. Beloy

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;

a. naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng pangyayari F7PB-Id-e-3


b. naiaangkop ang tamang sanhi at bunga sa pahayag
c. nakabubuo ng pangungusap na may sanhi at bunga

II. Paksang-aralin

A. Paksa: Sanhi at Bunga


B. Sanggunian: Fil7 Q1 W4 – Module
C. Kagamitan: Panulat, Libro, Biwal na Pantulong, Laptop, Telebesyon, Marker
D. Pagpapahalaga/Saloobin: Napapahalagahan at nabibiigyan ng pansin ang
mga maaaring maging bunga at sanhi ng pangyayari sa lipunan o kapaligiran
E. Pagsasanib ng Ibang Asignatura: Edukasyon Sa Pagpapakatao

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pamukaw Siglang Gawain


- Ang guro ay papatayuin ang mga bata at magpapakita ng sayaw sa
telebesyon upang gayahin.

2. Balik-aral
- Ang guro ay magbibigay ng katanungan tungkol sa nakaraang aralin
at pipili ng sasagot na mag-aaral sa pamamagitan ng last man
standing.

 Ano ang tinalakay natin kahapon?


 Ano ang mga salitang pang-ugnay?
 Magbigay ng mga halimbawa na pangungusap na
gumagamit ng mga salitang pang-ugnay.

3. Pagganyak
- Ang guro ay magpapakit ng mga larawan na maaring hulaan ng mga
mag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng mga ipinapakitang larawan.
Ang guro ay magbibigay ng isang maliit na bola at magpapatugtog
ng kanta habang ang bola ay ipanapasa ng mga mag-aaral sa
kaniyang mga katabi at kung sino ang mag-aaral ang nakakahawak
sa bola kapag ipintigil na ng guro ng kanta ang siyang sasagot o
gagawa sa mga ipapagawa ng guro sa pagganyak.

Panuto: Obserbahan ang unang larawan na ipinakita at gamit ang mga larawan
sa kaliwa, pumili rin ng mga larawan na maaaring may koneksyon sa unang
larawan o naging bunga sa mga pangyayari sa unang larawan.

Gabay na tanong:

 Ano ang ipinakita sa unang larawan?


 Ano ang mga naging sanhi kung bakit nagkaroon tayo ng online
class at pagbaha?
 Ano sa palagay ninyo ang susunod nating tatalakayin?

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad
- Pagkatapos sagutin ng mga mag-aaral ang mga gabay na tanong sa
ginawang pagganyak ay ilalahad na ng guro ang mga itinakdang
layunin sa talakayan. Pababasahin ng guro ang mga mag-aaral sa
mga layunin.

2. Pagtatalakay
- Ang guro ay magkakaruon ng talakayan tungkol sa sanhi at bunga,
Magbibigay ng mga halimbawa at ilang mga katanungan at siya ay
pipili lamang sa mga mag-aaral.

Sanhi - ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay


nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.

Narito ang mga pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan.


¥ Sapagkat/pagkat
¥ Dahil/ dahilan sa
¥ palibhasa
¥ kasi
¥ naging
¥ sanhi nito
Bunga - ay ang resulta, kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng
kadahilanan ng pangyayari.

Narito ang mga pang-ugnay na nagpapakita ng bunga o resulta.

¥ kaya/kaya naman
¥ dahil ditto
¥ bunga nito
¥ tuloy
Sa mga pahayag na nagbibigay ng sanhi at bunga kadalasay
Tandaan: Hindi lahat ng sanhi at bunga ay pinagmulan ng pang-ugnay.

Gabay na mga tanong:

 “Si Ana ay pagod, kaya nakatulog siya sa klase” saan ang sanhi
at bunga dito?
 “Kumain ng biscuits si Aliah na expired na kaya naman sumakit
ang kaniyang tiyan” saan ang sanhi at bunga dito? tama ba na
ang bunga dito ay ang pagkain ni Aliah ng biscuits? bakit mo
naman nasabi na ito ay hindi ang bunga at saan dapat sa
pangyayari ang bunga?

3. Paglalahat
- Sa paglalahat ang guro ay magbibigay ng katanungan sa mga mag-
aaral.

Gabay na mga tanong:

 Ano ang sanhi at bunga?


 Ano mga pang-ugnay na nagpapakita ng bunga at sanhi?

C. Pangwakas na Gawain

1. Pagsasanay.

Panuto: Bumuo ng limang pangungusap na nagpapakita ng sanhi at


bunga tungkol sa mga pangyayari sa ating lipunan.

1. ________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________
4. ________________________________
5. ________________________________
2. Paglalapat
- Ang klase ay hahatiin sa tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay
makakatanggap ng mga larawan. Kapag ang pangkat ay
nakatanggap ng larawan at may nakalagay na “Sanhi” limang
maaaring naging sanhi ng pangyayari at kapag ang pangkat naman
aynakataggap ng “Bunga” ibig sabihin na ang pangkat ay
magbibigay ng mga naging bunga sa pangyayari sa larawan. Ang
bawat pangkat ay pipili ng representative upang magpresenta sa
Gawain.

Unang Pangkat:

SAN
HI
Ikalawang Pangkat:

BUN
GAA
Pangatlong Pankat:

BUN
GAA
3. Pagpapahalaga
- Ag mga guro ay magbibigay ng ilang mga katanungan sa mga piling
mag-aaral.

Gabay na mga tanong:

 Bakit mahalaga na malamin natin ang mga sanhi at


bunga sa mga pangyayari sa ating pang-araw-araw
na pamumuhay?

III. Pagtataya

Panuto: Bilogan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay


nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.

a. Bunga
b. Sanhi
c. Pang-ugnay

2. Ito ay ang resulta, kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng


kadahilanan ng pangyayari.

a. Pang-ugnay
b. Sanhi
c. Bunga

3. Dahil sa kawalan ng disiplina ng mga tao kaya marumi ang mga ilog.
Ang sinalunguhitan na pahayag ay sanhi o bunga?

a. Sanhi
b. Bunga
c. Wala sa dalawa

4. Hindi nakapagsuklay ng buhok si Charity dahil sa kanyang


pagmamadali. Ang sinalunguhitan na pahayag ay sanhi o bunga?

a. Sanhi
b. Bunga
c. Wala sa dalawa
5. Unti-unti ng nauubos ang mga puno sa kabukiran kaya naman konting
ulan ay bumabaha kaagad. Ang sinalunguhitan na pahayag ay sanhi o
bunga?

a. Sanhi
b. Bunga
c. Wala sa dalawa

IV. Takdang-aralin/Kasunduan

Panuto: Basahin ang “Kwento ni Solampid”

Nabatid ni:
_____________________
Gurong Tagapagsanay

You might also like