You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino

Inihanda ni: Bb. Ellen Joy C. Alumbro

I.Layunin:
Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. makikilala ang mga teorya ng pinagmulan ng wika.
b. naipapaliwanag ang iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng wika.
c. nakapagsasadula ng isang pangyayaring nagpapakita ng pinagmulan ng
wika.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Mga Teoryang Pinagmulan ng Wika
Sanggunian: Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Binagong Edisyon) ni
Cecilia S. Austero at Lolita K. Abueg
Kagamitan: kartolina, pentel pen, laptop, projector

III. Pamamaraan:
A. Motibasyon:
( Magpapakita ng iba’t ibang larawan ang guro, at ipaalam sa kanila ang
tunog nito.)

B. Paglalahad ng Aralin:
Ang paksang pag- aaralan natin ngayon ay tungkol sa mga Teoryang
Pinagmulan ng Wika.

Saan nga ba nagmula ang wika ng tao?

C. Pagtatalakay:
1. Mula sa Banal na Kasulatan ( Hango sa Kwento ng Tore ng Babel)

2. Ebolusyon:
Mga Teorya
A. Teoryang Bow-Wow- ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng
mga sinaunang tao sa tunog ng mga hayop. (Hal. Bow-wow-para sa
aso, ngiyaw-para sa pusa)

B. Teoryang Ding-dong- nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga


sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan.(hal. Dugundong ng
kulog,ihip ng hangin

C. Teoryang Yo-He-Ho- ang mga tao ay bumabanggit ng mga salita


kapag siya’y gumagamit ng pisikal na lakas.

D. Teoryang Pooh-Pooh-sinasabi sa teoryang ito na dahil ang mga tao ay


may taglay na damdamin at kapag nasapol ang damdaming ito,
nakapagbubulas siya ng mga salita kaakibat ng nararamdamang tuwa,
lungkot, takot, pagkabigla, pagkamangha, sakit at iba pang uri ng
damdamin.

E. Teoryang Ta-ta-ang teoryang ito ay nagsasabing ang kumpas o galaw


ng kamay ng tao ay kanyang ginagawa upang magpaalam.

IV. Paglalapat:

Pumili ng isa o higit pang mga Teorya ng pinagmulan ng Wika at gumawa ng


eksena na nagpapakita na natutunan ng tao ang wika dahil sa nabanggit na Teorya.
Gawin ito sa loob ng sampung (10) minuto at ang bawat grupo ay may anim(6) o
pitong (7) miyembro lamang.

V. Ebalwasyon:
Basahin ng mabuti ang tanong sa bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

A. Teoryang Ding-dong D. Teoryang Bow-Wow


B. Teoryang Yo-he-Ho E. Teoryang Pooh-Pooh
C. Teoryang Ta-ta F. Mula sa Banal na Kasulatan(Biblia)

________ 1.) Ang teoryang ito ay nagsasaad na ang tao ay may taglay na
damdamin at kapag nasapol ang damdaming ito, nakapagbulalas siya
ng mga salita kaakibat ng iba’t ibang uri ng damdamin.

________ 2.) Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng
kamay ng tao sa paggalaw ng dila.

________ 3.) Sinasabi sa teoryang ito na nagmula raw ang wika sa panggagaya
ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan.

________ 4.)Ang wika raw na ito ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang


tao sa mga tunog na nikha ng mga hayop.

________ 5.) Nagsasaad na ang tao ay bumabanggit ng mga salita kapag siya’y
gumagamit ng pisikal na lakas.

________ 6.) Ang dagundong ng kulog ay halimbawa ng anung teorya?

You might also like