You are on page 1of 7

Davao Oriental Regional Science High School

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino X


Joey Anne B. Beloy

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
a. nasusuri ang mga elemento ng tula; F10PB-IIc-d-72
b. nakapaglalahad ng interpretasyon sa matalinghagang salita sa tula,
c. nakakagawa ng isang masining na tula.

II. Paksang-aralin

A. Paksa: Elemento ng Tula- “Ang Matampuhin” ni Lope K. Santos


B. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino
C. Kagamitan: Chart, markers, cartolina strips, tape and scissors, Laptop, Projector

D. Pagpapahalaga/Saloobin: Pagpapahalaga sa tunay na pagmamalasakit at pagiging


makabayan
E. Pagsasanib ng Ibang Asignatura: Araling Panlipunan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pamukaw Siglang Gawain


- Ang guro ay papatayuin ang mga bata at magpapakita ng sayaw sa telebesyon
upang gayahin.

2. Balik-aral
- Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral tungkol sa nakaraang aralin na
"Mitolohiya" sa pamamagitan ng first last man standing
Gabay na mga tanong:
 Ano ang tinalakay natin kahapon?
 Ano ang mitolohiya?
 Magbigay ng halimbawa

3. Pagganyak
- Ihahati ng guro ang klase sa dalawang pangkat, ang guro ang magpapakita ng
pitong kahon na pagpipilian ng bawat grupo. Ang bawat pangkat ay pipili ng
tatlong magprepresenta sa grupo bilang pipili sa kahon at sasagot sa mga tanong,
kinakailangan na ang grupo ay tutulong sa tatlong myembro sa pagsagot sa mga
katanungan naibigay sa bawat pangkat. Ang may pinakamalaking punto ang
siyang makakatanggap ng premyo (ballpen).Panuto: Obserbahan ang unang
larawan na ipinakita at gamit ang mga larawan sa kaliwa, pumili rin ng mga
larawan na maaaring may koneksyon sa unang larawan o naging bunga sa mga
pangyayari sa unang larawan.

Kahon ng Misteryo:
Hulaan sino ako!

Ako ay ang pagpapahayag ng maririki't na kaisipan sa


maririkit na pananalita.

Ano ako?

Ako ay kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala


bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon
ng mga Pambansang Bayani.

Ano ako?

Ako ay nakapagbibigay ng kahulugan ng isipan sa


mambabasa
Ano ako?

Ako ay nakapagbibigay ng kahulugan ng isipan sa


mambabasa
Ano ako?

Ako ay uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang


paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo.
Ano ako?
Gabay na mga tanong:

 Ano ang ipinakita sa unang larawan?

 Ano ang mga naging sanhi kung bakit nagkaroon tayo ng online class at
pagbaha?

 Ano sa palagay ninyo ang susunod nating tatalakayin?

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad
- Pagkatapos sagutin ng mga mag-aaral ang mga gabay na tanong sa ginawang
pagganyak ay ilalahad na ng guro ang mga itinakdang layunin sa talakayan.
Pababasahin ng guro ang mga mag-aaral sa mga layunin.

2. Pagtatalakay
- Ang guro ay magbibigay ng mas malalim na kaalaman tungkol sa tula at elemnto
ng tula. Ang guro ay magbibigay ng sikat na tula at gagawa ngisang pagsusuri sa
tula na may partisipasyon ng mga mag-aaral.

ANG MATAMPUHIN
ni Lope K. Santos

Damong makahiya na munting masanggi’y


nangunguyumpis na’t buong nakikimi, matalsikan
lamang hamog na konti’t halik ng amiha’y mabigla sa
dampi mga kinaliskis na daho’y tutupi’t
tila na totoong lanta na’t uns’yami.
Mutyang balintataw ng buwang maningning sa salang
mabiro ng masayang hangi’y pipikit na agad sa likod ng
dilim,
panakaw-nakaw na sa lupa’y titingin,
sa tanaw ng ulap at ng panganorin.

Malinaw na batis ng mahinhing bukal na napalalabo


ng bahagyang ulan,
kahit dahong tuyo na malaglag lamang ay
nagdaramdam nang tila nasugatan; isang munting
batong sa kanya’y magalaw ay dumaraing na at
natitigilan.
Matingkad na kulay ng mayuming sutlang kay-sarap
damitin at napakagara,
munting mapatakan ng hamog o luha, ay natulukot na’t
agad namumutla;
salang malibangan sa taguang sadya’ y
pinamamahayan ng ipis at tanga.

Kalapating puting may batik sa pakpak, munting


makalaya’y malayo ang lipad;
habang masagana sa sariling pugad, ay napakaamo at
di lumalayas;
nguni, pag sa palay ay minsang manalat,
sa may-alagad man ay nagmamailap.

Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhay ay wala sa


pusong laging mapagdamdam; hindi nagluluwat ang
kapayapaang
mamahay sa palad na hubad sa lumbay; lalo sa pag-irog,
ang tampo’y di bagay kaning maya’t-maya at,
nakamamatay!

Gabay na katanungan:

1. Ano ang masasabi niyo sa tula?


2. Ano ang ipinahiwatig ng tula?
3. Ito ba ay tulang tradisyonal o tulang may malayang taludturan? kung ito ay isang
malayang taludturan, gamit ang mga elemento ng tula, suriin natin ang tula.
4. Paano nakatulong ang paggamit ng mga matatalinghagang salita upang
mapalutang ng may-akda sa mga mambabasa ang mensahe?

3. Paglalahat
- Sa paglalahat ang guro ay magbibigay ng katanungan sa mga mag-aaral.

Gabay na mga tanong:

 Ano ang sanhi at bunga?

 Ano mga pang-ugnay na nagpapakita ng bunga at sanhi?


C. Pangwakas na Gawain
1. Pagsasanay.
- Ang guro ay magbibigay ng gawain sa mga mag-aaral.
Panuto : Gumawa ng isang tulang tradisyonal sa papel batay sa sumusunod na pamantayan :

1. Paksa – Pagmamahal sa Ina


2. Sukat - pitong pantig
3. Kailangang may tugma
4. Binubuo ng dalawang saknong at sa bawat sakong may tig-apat na taludtod

2. Paglalapat

Gawain:

a. Ang klase ay hahatiin sa tatlo na pangkat. Ang mga miyembro ng grupo ay pipili ng
pinuno at dalawang tagapag-ulat. Ang bawat pangkat ay gagawa ng pangalan ng kanilang
grupo at ang bawat grupo ay dapat ding gumawa ng 10 segundong yell at ipapakita ito
bago ipresenta ang gawain. Ang bawat pangkat ay makakatanggap ng iba't ibang activity
sheet.

b. Inaasahan na ang bawat miyembro sa grupo ay hihinaan ang mga boses habang
ginagawa ang aktibidad, magkaroon ng kooperatiba sa grupo at nakikinig at nagbibigay
respeto sa ibang grupo at sa ka grupo tungkol sa kanilang mga ideya.

c. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 10 minuto upang gawin ang ibinigay na Gawain.
Kinakailngan na matapos nila ang Gawain sa takdang oras, ang pangkat na mahuhuli sa
pagtapos ay babawasan ng limang punto

PAMANTAYAN SA PANGKATANG GAWAIN

MGA 5 3 1
BATAYAN
1. Nilalaman Naibigay ng buong May kaunting Maraming sa
husay ang hinihingi kakulangang ang kakulangan na
ng takdang paksa sa nilalaman na ipinakita nilalaman sa
sa ipinakita
pangkatang gawain.
pangkatang gawain
pangkatang gawain
2.Presentasyon Buong husay at Naiulat at Di- gaanong
malikhaing naiulat at naipaliwanag ang naipaliwanag ang
naipaliwanag ang pangkatang gawain sa pangkatang gawain sa
pagkatang gawain sa klase. klase
klase.
3.Kooperasyon Naipapamalas ng Naipapamalas ng Naipapamalas ang
buong miyembro halos lahat ng pagkakaisa ng iilang
ang pagkakaisa sa miyrembro ang miyembro sa
paggawa ng pagkakaisa sa paggawa ng
pangkatang gawain Paggawa ng pangkatang
pangkatang gawain.
gawain
4. Takdang Natapos ang Natapos ang Di natapos ang
pangkatang gawain ng pangkatang gawain pangkatang gawain
Oras buong husay sa loob ngunit lumagpas sa
ng itinakdang oras. takdang oras

 Pangkat 1 “Phoenix” Alamin ang sukat at ilang saknong sa bawat taludtod


 Marker
 Manila paper
 Tape

 Pangkat 2 “Python” – Sagutin ang tanong na “Paano nakatulong ang paggamit ng


mga matatalinghagang salita upang mapalutang ng may-akda sa mga mambabasa ang
mensahe? “ sa pamamagitan ng talkshow

 Pangkat 3 “Ranger” – Magbibigay ng mga matatalinhagang pananalita at simbolismo


sa binasang tula.
 Manila paper
 Tape
 Marker

3. Pagpapahalaga
- Ang guro ay magbibigay ng katanungan sa mga piling mag-aaral.
Gabay na tanong:
 Sa ginawang tula ni Lope K. Santos, paano ng aba dapat nating papahalagaan
ang tunay na pagmamalasakit at pagiging Makabayan sa ating mahal na
bansa?

III. Pagtataya
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

Saknong Dula Tugma

Sukat Tula Kariktan

1. _____ito ay elemento ng tula na tumutukoy sa magkakasintunog ng huling pantig ng huling


salita ng bawat linya.
2. _____ ito ay elemenot ng tula na tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may
dalawa o maraming taludtod
3. _____ Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang
damdamin at kawilihan
4. _____ Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ipinapahayag nito ang
damdamin ng isang tao.
5. _____Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
6. _____Ito ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga
taludtod.
7. _____ ito ay elemento ng tula tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo
sa isang saknong,

IV. Takdang-aralin/Kasunduan
Panuto: Sa isang buong papel, gumawa ng isang masining na tulang tradisyonal na may;

 Walong sakong
 Apat na taludtod
 Sukat- pitong pantig

TANDAAN: Kayo ay Malaya sa pagpili ng paksa.

Nabatid ni:
_____________________
Gurong Tagapagsanay

You might also like