You are on page 1of 6

Davao Oriental Regional Science High School

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino VII


Joey Anne B. Beloy

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;

a. nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat ng


awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal), (F7WG-IIa-b-7)
b. napapahalagahan ang angkop na paggamit ng salita sa
pakikipagkomunikasyon batay sa antas ng wika,
c. nakapagsasagawa ng awitin, tula at dula gamit ang iba’t ibang antas ng
wika batay paksa gamit ang mga antas ng wika.

II. Paksang-aralin

A. Paksa: Antas ng Wika Batay sa Pormalidad


B. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino Pluma at Filipino –
CO_Q2_Filipino 7_ Module 3
C. Kagamitan: Panulat, Libro, Biwal na Pantulong, Laptop, Telebesyon, Marker
D. Pagpapahalaga/Saloobin: Pagpapahalaga sa paggamit ng wika batay sa
pormalidad
E. Pagsasanib ng Ibang Asignatura:

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pamukaw Siglang Gawain


- Ang guro ay papatayuin ang mga bata at magpapakita ng sayaw sa
telebisyon upang gayahin.

2. Balik-aral
- Pipili ang guro ng mag-aaral para balikan ang nakaraang aralin na
tungkol sa “Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa”

3. Pagganyak
- Pipili ang guro ng sasagot sa mga katanungan sa bawat wheel sa
pamamagitan ng First Last Man Standing.

SPIN THE WHEEL


 Ang bawat wheel ay may mga pangungusap na may mga bagong salita,
ang mag-aaral ay susuriin ang mga salitang kakaiba sa pangungusap at
bigyan ito ng kahulugan tungkol sa mga nalalaman nila sa salita. Ang mag-
aaral na makakuha ng tamang sagot sa bawat wheel ay may matatanggap
na premyo.

Gabay na mga tanong:

- May mga ideaya na ba kayo tungkol saan ang tatalakayin natin sa


araw na ito?

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad
- Pagkatapos sagutin ng mga mag-aaral ang mga gabay na tanong sa
ginawang pagganyak ay ilalahad na ng guro ang mga itinakdang
layunin sa talakayan. Pababasahin ng guro ang mga mag-aaral sa
mga layunin.

2. Pagtatalakay
- Tatalakayin ng guro ang mga antas ng wika sa pamamagitan ng
powerpoint presentation at magpapakita ng guro ng mga sakit na
awiting bayan at sabay-sabay na susuriin ang mga antas na wika na
makikita sa awiting bayan.

Gabay na mga tanong:


1. Ano ang mga salita na ginagamit niyo sa tuwing kayo ay nakikipagkomunikasyon sa
inyong mga kaibigan? Sa inyong mga magulang at guro?
2. Sa inyong palagay ano ang mga salik kung bakit nagkakaroon tayo ng wikang balbal?
3. Anu ano ang mga antas na wika ang inyong nakikita sa mga awiting bayan?

3. Paglalahat
- Ang guro ay pipili ng mga mag-aaral na sasagot sa mga katanungan
ng guro at magbabahagi ng kanilang mga natutunan sa aralin sa
pamamagitan ng First Last Man Standing.

Gabay na mga tanong:

1. Gaano kahalaga na maging angkop tayo sa paggamit ng mga antas wika sa


pakikipagkomunikasyon?
2. Ano ang mga natutunan mo sa ating aralin?

C. Pangwakas na Gawain

1. Pagsasanay.

Panuto: Tukuyin ang antas na wika na ginamit sa mga salita sa pangungusap.


(BALBAL, KOLOKYAL, LALAWIGANIN, PORMAL)

1. Huwag kang mag yosi sa mga pampublikong lugar sapagkat ito ay


ipinagbabawal na. ________________
2. Promdi pala ang bago nating kaklase na si Ellise?____________________
3. Bakit maraming lispu sa kanto Tatay?________________
4. Ang aso kung si Chokchok ay matalino kahit askal._______________
5. Nahulog ang aking sinsilyo sa kalsada habang ako ay pababa ng
dyip._______________

2. Paglalapat

GAWAIN:
a. Ang klase ay hahatiin tatlong pangkat. Ang mga miyembro ng grupo ay
pipili ng pinuno at dalawang tagapag-ulat. Ang bawat pangkat ay
makakatanggap ng iba't ibang activity sheet.

b. Inaasahan na ang bawat miyembro sa grupo ay hihinaan ang mga boses


habang ginagawa ang aktibidad, magkaroon ng kooperatiba sa grupo at
nakikinig at nagbibigay respeto sa ibang grupo at sa ka grupo tungkol sa
kanilang mga ideya.

c. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 4 na minuto upang gawin ang ibinigay


na Gawain. Kinakailngan na matapos nila ang Gawain sa takdang oras, ang
pangkat na mahuhuli sa pagtapos ay babawasan ng limang punto.
PAMANTAYAN SA PANGKATANG GAWAIN

Mga Batayan 5 3 1
Naibibigay ng buong May kaunting Maraming
1.Nilalaman husay ang hinihingi ng kakulangan ang kakulangan sa
takdang paksa sa nilalaman na ipinakita nilalaman na
pangkatang gawain sa pangkatang gawain ipinakita sa
pangkatang gawain
2.Presentasyon Buong husay at Naiulat at Di- gaanong naipaliwanag ang
malikhaing naiulat at naipaliwanag ang pangkatang gawain sa klase
naipaliwanag ang pangkatang gawain sa
pagkatang gawain sa klase
klase
Naipapamalas ng Naipapamalas ng Naipamamalas ang pagkakaisa
3.Kooperasyon buong miyembro ang halos lahat ng ng iilang miyembro sa
pagkakaisa sa miyembro ang paggawa ng pangkatang
paggawa ng pagkakaisa sa gawain
pangkatang gawain paggawa ng
pangkatang gawain
Natapos ang Natapos ang pangkatang Di natapos ang pangkatang
4.Takdang oras pangkatang gawain gawain ngunit gawain
nang buong husay sa lumampas sa takdang
loob ng itinakdang oras
oras

 Pangkat 1– Gumawa ng isang awitin tungkol sa kaibigan gamit ang


Balbal na antas ng wika.

 Pangkat 2 – Magsadula ng isang pangyayari na tungkol sa


karaniwang nangyayari sa loob ng bahay gamit ang Kolokyal na
antas ng wika.

 Pangkat 3 - Gumawa ng isang tula tungkol sa inyong bayan gamit


ang lalawiganin na antas ng wika.

 Manila paper
 Tape
 Marker

3. Pagpapahalaga
- Ang guro a magbibigay ng katanunugan sa piling mag-aaral

Gabay na mga tanong:


 Bakit mahalaga para sa atin na magkaroon ng kaalaman sa mga
antas ng wika?
 Paano nakakatulong ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga antas ng
wika?

III. Pagtataya

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa kalye o lansangan kaya’t


madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.

a. balbal
b. kolokyal
c. lalawiganin

2. ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng


pagpapaikli o pagkakaltas ng ibang titik sa salita upang mapaikli ang salita o
kaya’y mapagsama ang dalawang salita.

a. lalawiganin
b. kolokyal
c. balbal

3. mga salitang karaniwang ginagamit sa lalawigan o probinsya o kaya’y partikular


na pook kung saan nagmula o kilala ang wika. Kapansin-pansing ang mga
lalawiganing salita ay may taglay na kakaibang tono o bigkas na maaring
magbigay ng ibang kahulugan dito.

a. lalawiganin
b. balbal
c. kolokyal

4. mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng mga
nakapag-aaral sa wika. Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa paaralan, sa
mga panayam, seminar, gayundin sa mga aklat, ulat at sa iba pang -usapan o
salitang pang-intelektuwal.

a. pormal
b. balbal
c. lalawiganin

5. masisining na salita tulad ng mga tayutay, idyoma, kasabihan at kawikaang


lalong nagpaparikit sa pagkakagamit ng wika.

a. pormal
b. Pampanitikan/ Pangretorika
c. lalawiganin
IV. Takdang-aralin/Kasunduan

Magsaliksik ng kahulugan ng Konotasyon at Denotasyon. Ilagay sa isang ¼


sheet na papel.

Nabatid ni:
_____________________
Gurong Tagapagsanay

You might also like