You are on page 1of 5

Davao Oriental Regional Science High School

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino IX


Joey Anne B. Beloy

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;

a. natutukoy at naipaliliwanag ang mensaheng napanood na parabulang


isinadula F9PD-IIIa-50
b. nakapaglalahad ng saloobin at interpretasyon sa mga matatalinghagang
salita sa parabulang “ Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan”
c. nakapagsasadula ng mga pangyayaring nakita sa parabula na maaring
mangayari sa totoong buhay sa kasalukuyan.

II. Paksang-aralin

A. Paksa: Parabula - “Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan”


B. Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino Pluma at Panitikang
Asyano- Ikasiyam na Baitang. Modyul ng Mag-aaral sa Filipino. Unang Edisyon 2014.
C. Kagamitan: Panulat, Libro, Biwal na Pantulong, Laptop, Telebesyon, Marker
D. Pagpapahalaga/Saloobin: Pagpapahalaga sa katarunganat pagkakapantay-
pantay.
E. Pagsasanib ng Ibang Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pamukaw Siglang Gawain


- Ang guro ay papatayuin ang mga bata at magpapakita ng sayaw sa
telebesyon upang gayahin.

2. Balik-aral
- Pipili ang guro ng mag-aaral para balikan ang nakaraang aralin na
tungkol sa “Tanaga at Haiku”

3. Pagganyak
- Ang Ang guro ay magpapakita ng larawan sa screen at pipili ang
guro ng magbibigay iterpretasyon sa bawat larawan sa pamamagitan
ng Pass the Ball, kung sino ang makakahawak ng bola sa tuwing
sasambitin ng guro ang “Ikaw ang napili ko anak!” ang siyang
magbibigay interpretasyon.
B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad
- Pagkatapos sagutin ng mga mag-aaral ang mga gabay na tanong sa
ginawang pagganyak ay ilalahad na ng guro ang mga itinakdang
layunin sa talakayan. Pababasahin ng guro ang mga mag-aaral sa
mga layunin.

2. Pagtatalakay
- Ang Tatalakayin ng guro ang Parabula sa pamamagitan ng
powerpoint presentation at maglalahad ng isang parabula tungkol sa
“Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan” sa pamamagitan
ng pagpapakita sa telebesyon ng isang pagsasadula sa parabulang
ito.

Gabay na mga tanong:

 Ano ang mga katangian na mayroon ang mga tauhan sa


parabula?
 Ano ang ipinapahiwatig ng parabula sa Ang Talinghaga
Tungkol sa May-ari ng Ubasan”

3. Paglalahat
- Ang guro ay pipili ng mga mag-aaral na sasagot sa mga katanungan
ng guro at magbabahagi ng kanilang mga natutunan sa aralin sa
pamamagitan ng First Last Man Standing.

Gabay na mga tanong:

 Ano ang nakukuha mong aral sa parabula?


 Paano mo ito maihahalintulad sa iyong sariling buhay?

C. Pangwakas na Gawain

1. Pagsasanay
- Ang guro ay magbibigay ng gawain sa mga mag-aaral.

Panuto: Sa loob ng limang pangungusap tungkol sa kung ano ang nais


ipahatid ng mensahe ng parabu “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna
ay nahuhuli”
2. Paglalapat

GAWAIN:
a. Ang klase ay hahatiin sa tatlong na pangkat. Ang mga
miyembro ng grupo ay pipili ng pinuno at dalawang tagapag-ulat. Ang
bawat pangkat ay makakatanggap ng iba't ibang activity sheet.

b. Inaasahan na ang bawat miyembro sa grupo ay hihinaan ang


mga boses habang ginagawa ang aktibidad, magkaroon ng kooperatiba
sa grupo at nakikinig at nagbibigay respeto sa ibang grupo at sa ka
grupo tungkol sa kanilang mga ideya.

c. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 4 na minuto upang gawin


ang ibinigay na Gawain. Kinakailngan na matapos nila ang Gawain sa
takdang oras, ang pangkat na mahuhuli sa pagtapos ay babawasan ng
limang punto.

PAMANTAYAN SA PANGKATANG GAWAIN

MGA
BATAY 5 3 1
AN
Naibabaga May Maraming
y ng kaunting kakulangan
buong kakulanga sa
husay ang ng ang nilalaman
hinihingi nilalaman na ipinakita
ng na sa
takdang ipinakita pangkatang
paksa sa sa gawain
pangkatan pangkatan
g gawain. g gawain
Buong Naiulat at Di-
husay at naipaliwan gaanong
malikhain ag ang naipaliwa
g naiulat pangkatan nag ang
at g gawain pangkatan
naipaliwan sa klase. g gawain
ag ang sa klase
pagkatang
gawain sa
klase.
Naipapam Naipapam Naipapama
alas ng alas ng las ang
buong halos lahat pagkakaisa
miyembro ng ng iilang
ang miyrembr miyembro
pagkakais o ang sa paggawa
a sa pagkakais ng
paggawa a sa pangkatang
ng Paggawa gawain
pangkatan ng
g gawain pangkatan
g gawain.
Natapos Natapos Di natapos
ang ang ang
pangkatan pangkatan pangkatang
g gawain g gawain gawain
ng buong ngunit
husay sa lumagpas
loob ng sa takdang
itinakdang oras
oras.

 Pangkat 1– Bumuo ng pangungusap o salita sa bawat letra ng


PARABULA tungkol sa katangian ng parabula.

P-
A-
R-
A-
B-
L-
A-
 Pangkat 2 – Ibigay ang hinihinging kahulugan ng mga
matatalinghagang salita batay sa dayagram.

Literal na
Kahulugan
Simbolikon
g
Espiritwal na
Kahulugan
 Manila paper
 Tape
 Marker

 Pangkat 3 - Ibigay ang hinihinging kahulugan ng mga


matatalinghagang salita batay sa dayagram.

Literal na
Kahulugan
Simbolikon
g
Espiritwal na
 Manila paper Kahulugan
 Tape
 Marker
 Pangkat 4 – Magtangghal ng isang dula tungkol sa mga pangyayari
sa parabula na maaari ring mangyari sa totoong buhay at
ipaliwanang ito.

3. Pagpapahalaga
- Ag mga guro ay magbibigay ng ilang mga katanungan sa mga piling
mag-aaral.

Gabay na mga tanong:

 Bakit napakahalaga ang kabutihan at pagkakapantay-


pantay sa ating mundo?

III. Pagtataya

Panuto: Ilagay sa ang T kung Tama at M kung mali ang pahayag sa


pangungusap.

1. Ang ipinapahiwatig sa pahayag na “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay


nahuhuli” ay nangangahulugang mahalaga ang oras sa paggawa. ________
2. Ang parabula ay nagtuturo ng tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na
magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o
magdesisyon. ________
3. Makikita sa bibliya (Bagong Tipan) Ang Talinhaga Tungkol sa May-ari ng
Ubasan sa Mateo 20:1-16 ______
4. Siya utusan ang inutusan ng may- ari ng ubasan para tawagin ang mga
manggagawa _________
5. Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na “parabolah”._______

IV. Takdang-aralin/Kasunduan

Panuto: Magsaliksik ng tulang “Ang mga Dalit kay Maria”. Basahin ito.

Nabatid ni:
_____________________
Gurong Tagapagsanay

You might also like