You are on page 1of 15

Modyul 2: Aralin 2

Uri ng Paglalagom:
Sinopsis
Pagsulat ng Sinopsis/Pagbubuod
 Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na
kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa
tekstong naratibo tulad ng
kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula,
pelikula, video,pangyayari ,at talumpati iba
pang anyo ng panitikan.
 Maaaring 1/3 ng pahina lamang ng buong
nabasang teksto o mas maikli pa nito ang
sinopsis o buod. Sa pagsulat nito, mahalagang
maibuod ang nilalaman ng binasang akda
gamit ang sariling salita.

 Ang pagbubuod o pagsulat ng sinopsis ay


naglalayong makatulong sa madaling pag-
unawa sa diwa ng seleksyon o akda, kung
kaya’t nararapat na maging payak ang mga
salitang gagamitin.
 Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda,
mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod:
Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito,
magiging madali ang pagsulat ng buod. Sa
pagsulat ng sinopsis o buod ,mahalagang
maipakilala sa mga babasa nito kung anong akda
ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng
pagbanggit sa pamagat at pinanggalingan ng
akda .
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Sinopsis o Buod
1. Gumamit ng ikatlong panauhang panghalip na
(isahan o maramihan) sa pagsulat nito.

2. Isulat ito batay sa tono ng pagkasulat ng orihinal


na sipi nito. Kung ang damdaming naghahari sa
akda ay malungkot ,dapat na maramdaman din ito
sa buod na gagawin.

3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga


pangunahing tauhan maging ang kanilang mga
gampanin at mga suliranin kanilang kinakaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay
( gayunpaman,kung gayon, samakatuwid,gayundin,
sa kabilang daku ,bilang kongklusyon) sa paghabi
ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na
kung ang sinopsis ay ginawa ay binubuo ng dalawa
o higit pang talata.

5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay,at


mga bantas na ginamit sa pagsulat.

6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang


ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal
na sipi ng akda.
Mga hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis
1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing
mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o
paksa ng diwa nito.

2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di


pangunahing kaisipan.

3. Habang nagbabasa,magtala kung maaari ay


magbalangkas.

4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng


sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal na
pagkakasunod-sunod. Laging sa pangkasalukuyan
ang gamit ng pandiwa. Gamitan din ng malaking
titik ang pangalan ng karakter sa unang pagbanggit
nito.Tiyakin ang pananaw o punto de vista kung
sino ang nagkukwento.

6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung


mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang
kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinusulat
na buod.
Narito ang halimbawa ng sinopsis o lagom

Ang Alamat ng Ko So Thah


ni : Joaquin Sy

May isang bundok sa Tsina na pinangalanang Bundok ng Pao Kai.


Naninirahan sa paanan niyon si HAI SENG at kanyang asawa at
kapatid. Bagamat mahirap,may paggalang at pagmamahal sila sa
isa’t isa kung kaya’t kuntento at masaya silang namumuhay.Ngunit
heto’t dumating ang matinding tagtuyot hindi lamang sa bukirin
kundi pati sa karagatan. “Wari’y bigla ring naglaho ang isda sa
dagat!” Dahil sa pagaalala sa kanilang kahihinatnan, matatag ang
pagpapasya ni Hai Seng na humanap ng ikabubuhay sa ibayong
dagat. Sumakay siya bangkang may layag.Humayo siya habang
hinahatid ng tanaw ang maghipag. Narating niya ang isang
napakalayong pulo ngunit tila mailap ang kapalaran. Ilang taon na
siyang namalagi roon kahit nangungulila sa asawa at kapatid.
Nasasabik at naiinip ang maghipag sa tagal ng
panahong hindi bumalik si Hai Seng. Umakyat
sila sa tuktok ng bundok para maghintay . Araw-
araw nila itong gagawin.Sa bawat akyat nila, may
dala silang mga batong isinasalansan nila pataas
para lalo nilang matanaw ang kalawakan ng
karagatan pero wala pa rin ang hinihintay. ,kayat
sumulat ng liham ang asawa sa pamamagitan ng
dugong dumaloy sa kinagat na daliri. 18 Ikinabit
ang liham sa isang ginawang saranggola at
ipinailanlang ito sa kalawakan upang tangayin ng
hangin.
Sa ibayong dagat, nakita ng Hai Seng ang saranggola habang
nangungulila itong nakatanaw sa dalampasigan. Nagpasya
itong umuwi sakay ng bangkang may layag na gawa ng mga
kasamahan sa pulo.Laking tuwa niya nang matanaw ang
tuktok ng bundok at makita ang asawa at hipag.
Nagkawayan sila ngunit biglang sinalpok ng malaking alon
ang kanyang sinasakyan at tinangay siya ng alon. Nakita ito
ng maghipag. Agad silang bumaba ng bundok at tinangka
siyang sagipin ngunit pati sila’y nilamon ng mabagsik na
karagatan.Nalungkot ang buong nayon. Dahil dito , nagtayo
sila ng pagoda sa salansan ng mga bato sa tuktok ng
bundok. Tinatawag nila ito ngayong Pagoda ng Maghipag o
Ko So Thah.

You might also like