You are on page 1of 1

FILIPINO 1

(Quiz No.2)
PAGBASA

A. Piliin sa mga pagpipilian ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang. Gamitan ng malaking titik.

1. Ang proseso ng pag-aayos, pagkuha at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya na
kinakatawan ng mga salita o simbolo.
a. pagsulat b. pakikinig c. pagsasalita d. pagbasa
2. Ito ay tumutukoy sa kaalaman sa kahulugan ng salita.
a. pag-unawa b. pagkilala c. reaksyon d. bokabularyo
3. Aspekto ng pagbasa saan kinakailangan ang dalawang hakbang sa kognisyon tulad ng pagkilala at pag-unawa.
a. pisyolohiya b. kognitibo c. komunikatibo d. panlipunan
4. Hakbang sa pagbabasa saan ginaganap ang proseso ng pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.
a. pag-uugnay b. pagkilala c. pag-unawa d. reaksyon
5. Paraan sa paglinang ng talasalitaan kung saan hinuhulaan natin ang kahulugan ng salita batay sa kung paano ito
ginamit sa loob ng pangungusap.
a. konteksto b. estruktura c. pagbigkas d. lahat ng ito
6. Isang sangay sa disiplina ng linggwistika na sumusuri sa kung paano ang mga salitang nakapaloob sa isang pahayag
ay nagkakaugnay-ugnay.
a. ponolohiya b. syntax c. morpolohiya d. semantics
7. Proseso sa pagbabasa kung saan nagkakaroon ng transaksiyon sa pagitan ng teskto at mambabasa.
a. Teoryang Ibaba-Pataas c. Teoryang Taas-Ibaba
b. Interaktibong Proseso d. Iskema
8. Ito ay hakbang o proseso sa pagbabasa na tumutukoy sa kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng
mambabasa sa kaniyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay.
a. pag-uugnay b. pagkilala c. reaksyon d. pag-unawa
9. Ito ay tumutukoy sa kahulugang makukuha mula sa buong pangungusap.
a. ponolohiya b. morpolohiya c. sematics d. syntax
10. Bahagi ng utak na nagbibigay ng interpretasyon o kahulugan sa mga simbolo.
a. Cerebellum c. cerebral cortex
b. central cortex d. retina
11. Kahit saan magpunta at kahit saan tumingin ay napakaramig maaaring basahin. Anong aspekto ng pagbasa ang
tinutukoy nito?
a. komunikatibo b. panlipunan c. pisyolohiya d. kognitibo
12. Hakbang sa pagbabasa na tumutukoy sa proseso ng pagpapasiya o paghatol sa kawastuhan at kahusayan ng teksto.
a. pag-uugnay b. reaksyon c. pagkilala d. pag-unawa
13. Teorya sa pagbasa na nagsasabing ang pag-unawa sa binasa ay nag-uumpisa sa mga simbolo papuntang utak
matapos maproseso ng mata at utak.
a. morpolohiya b. ponolohiya c. syntax d. sematics
14. Sa interaktibong proseso ng pagbabasa tayo ay bumubuo ng kahulugan gamit ang mga kaalaman mula sa
pinagsama-samang tunog.
a. morpolohiya b. ponolohiya c. syntax d. semantics
15. Proseso ng pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na salita o simbolo at kakayahang mabigkas ang tunog ng mga
titik na bumubuo sa bawat salita.
a. pag-uugnay b. pag-unawa c. reaksyon d. pagkilala
16. Tumutukoy ito sa tagal o bilis ng pagtitig o tagal ng pagtitik simbolo o salita.
a. inter-fixation b. return sweeps c. regression d. fixation
17. Paggalaw ng mata, mula itaas pababa, mula kaliwa pakanan.
a. fixation b. return sweeps c. regression d. inter-fixation
18. Galaw ng mata mula simula ng binabasa hanggang dulo ng teksto.
a. return sweeps b. regression c. fixation d. inter-fixation
19. Ang bahagi ng ating katawan na may kakayahang magdesisyon at mamili ng tesktong babasahin.
a. retina b. utak c. cerebral cortex d. mata
20. Isang awtoridad sa larangan ng pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa ay basehan ng pagbibigay ng kahulugan;
at ang kahulugan ay inihahatid ng mga nakalimbag na titik at hindi mula sa mga mismong teksto.
a. Mc Cormick b. Dechant c. SEDL d. Atanacio

You might also like