You are on page 1of 8

Larawan ng Sanaysay o PHOTO ESSAY

Ano nga ba ang sanaysay ng larawan?

Patuloy ang pagbabago sa ating panahon, maituturing makabagong paraan ng pagsulat ang paggamit
ng larawan bilang paksa ng isang sulatin. Mas napapadali ang paggawa ng isang komposisyon kung
mayroong ideya buhat sa isang larawan. Ito ay nakilala sa tawag na sanaysay ng larawan o photo
essay.

Ito ay isang uri ng pagsulat na ginagamitan ng mga larawan na may kaugnayan sa bawat isa. Umiikot sa
isang tema o paksain na kinapapalooban ng opinyon o saloobin ng isang manunulat. Maaari itong
personal na paniniwala sa isang partikular na isyu, usapin o paksa na mayroong repleksyon ng kultura,
paniniwala, tradisyon, pulitika at iba pang mga tema ng sulatin. Maaari itong maging simple o malikhaing
pagsulat.

Mga hakbang sa pagsulat ng Sanaysay ng Larawan o Photo essay

1. Pumili ng larawan na naaayon sa iyong interes.

2. Maghanap ng mga datos na susuporta sa iyong gagawing sanaysay.
3. Pagsunod-sunurin ang mga larawan na naaayon sa tema iyong nais.
4. Lagyan ng pagkakawing ang bawat larawan na kinapapalooban ng iyong damdamin na
maaaring makapukaw sa interes ng mga mambabasa.
5. Simulan ang iyong sanaysay sa pahapyaw na paglalarawan sa bawat imahe at lapatan ito ng
iyong kuro o saloobin.
6. Makatutulong sa iyo ang paggamit ng mga transisyunal devices upang magkaroon ng kohirens
ang iyong pagsulat.
7. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay.

Halimbawa:

ANG PAMILYANG PILIPINO

Noon at ngayon
http://criselasor.blogspot.com/ (binuksan noong Abril 24, 2017)
Malayo na ang narating ng tao sa lahat ng larangan at aspekto. Ang teknolohiya, siyensiya, moda,
pelikula, medisina at iba pa ay malayong-malayo na kumpara sa ngayon. Ganundin ang pananampalataya,
kaugalian, paniniwala, kasabihan at iba pang lumang nakagawian nang mga tao ay iba na rin sa
kasalukuyan. Kung hindi man ito tuluyang nabago ng modernong panahon karamihan naman ay lubusang
nag-iba siguro’y nakatakda talaga ito dahil ang tao noon at ngayon ay malaki ang pagkakaiba.

Anne Curtis Paolo Ballesteros

Ano-ano ito?
Halika, liripin natin ang ilang pagkakaiba at pagbabago ng noon at ngayon. Mula sa may kababawan
hanggang sa may kalaliman.
Noon. Hindi lahat ng babae ay maganda.
Ngayon. Hindi lahat ng maganda ay babae.
Noon. Ang “virginity” sa kababaihan ay isang malaking isyu.
Ngayon. Pangkaraniwan na lamang sa magkasintahan ang premarital sex.
Noon. Karamihan sa kababaihan ay tipong “Maria Clara”.
Ngayon. Karamihan sa kababaihan ay liberated na.
Noon. Ang tattoo sa katawan ay iniuugnay lamang sa mga preso at ex-convict.
Ngayon. Ang tattoo kahit anong itsura ay itinuturing na form of art.
Noon. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga naka-shorts at nakatsinelas sa mga establisimiyento.
Ngayon. Cool nang maituturing kung ikaw’y naka-shorts ng ubod ng igsi at nakatsinelas lamang kahit saan
ka man magtungo.
Noon. (Halos)Libre ang inuming tubig at ligtas kahit galing sa gripo.
Ngayon. Debote na ang tubig at mineral ang tawag kahit hindi naman.
Noon. Ang pagmamano, pag-gamit ng po at opo ay pangkaraniwan lang sa kabataan.

Ngayon. Ang pagmamano, pagsasabi ng po at opo ay bihira na lang at tila ‘di komportable ang kabataan
sa pag-gamit nito .
Noon. Kuntento at nakangiti na ang masang Pinoy sa matamis na kamote at kapeng barako.
Ngayon. French Fries at kape sa Starbucks ang paborito nang naghihirap daw na Pinoy.
Noon. Ang singko, mamera lalo’t ang piso ay malaki ang halaga at marami ang mabibili.
Ngayon. Halos wala ng halaga ang sampung pisong nasa bulsa mo.

Noon. Malaki ang respeto ng mga anak sa kanilang mga magulang na isang sutsot pa lang ay agad na
tumatalima ang anak.
Ngayon. Halos wala ng galang ang mga anak sa magulang. Kahit lawit na ang dila ng magulang sa
kakasaway ay hindi pa rin sumusunod ang anak.
Noon. Halos isang tao lang ang kinasusulakman at kinaiinisan ng mga Pinoy sa pulitika.
Ngayon. Halos lahat ng pulitiko ay kinaiiritahan at kinaiinisan ng mga Pinoy.
Noon. Malaki ang pag-galang ng mga tao sa mga Pulis at Militar.
Ngayon. Itinuturing na ng maraming Pinoy na notoryus ang Pulis at militar at tipong ‘di ka ligtas sa kanila
dahil sa iba’t-ibang kontrobersiyang kanilang kinasasangkutan.
Noon. Isang sagrado at pinahahalagahan nang husto ang privacy ng mga tao.
Ngayon. Halos lahat na ng mga tao ay isinisigaw at isinahihimpapawid pa ang bawat kilos, galaw at lugar
na pupuntahan sa pamamagitan ng facebook, twitter, blog at online journal.
Noon. Itinuturing na luho ang pagkain ng mansanas at iba pang angkat na prutas dahil sa kamahalan ng
halaga nito.
Ngayon. Bagamat hindi na luho at mahal ang halaga ng mansanas marami pa rin naman ang hindi
makakain nito dahil sa kawalan ng pera.
Noon. Library, Recto at hard to find encyclopaedia ang sources ng research at term papers.

Ngayon. Google, Wikipedia at iba pang search engine sa Internet ang katapat ng anumang impormasyon
kailangan mong malaman.
Noon. Napakamahal at aabuting ng mahabang panahon bago ka magka-telepono. Simbolo rin ito noon ng
karangyaan.
Ngayon. Minuto lang ang iyong kailangan para ikaw’y magkatelepono at ito ay sa murang halaga.
Noon. Proud ang bawat Pilipino sa likas at taglay na kulay kayumanggi.
Ngayon. Marami sa mga Pilipino ay nais pumuti kaya malakas ang benta ng Glutathione kahit ito’y mahal.
Noon. Napakahalaga ng buhay at isusugal at isasakripisyon ng ina ang mismong sarili niyang buhay para
lamang sa anak.
Ngayon. Walang pakundangan at walang respeto sa buhay ang marami sanang ina dahil ayon sa pag-
aaral higit sa kalahating milyong sanggol ang intensyonal na pinalalaglag taon-taon.
Noon. Ang anumang uri ng panlalait sa kapwa ay itinuturing na masamang gawain.
Ngayon. Ang panlalait ay isa na lang pangkaraniwang ugali ng marami at marami-rami na rin na
pinagkakakitaan ang gawaing ito.
Noon. Hinahangaan tayo ng bansang South Korea dahil sa ganda ng ating ekonomiya.
Ngayon. Pilipinas na ang humahanga sa bansang South Korea sa ganda ng kanilang ekonomiya.
Noon. Muntik ng maging mayaman ang bansang Pilipinas.
Ngayon. Ang Pilipinas ay kabilang na sa pinakamahihirap na bansa sa mundo.

Hindi na nga maikakaila na napakalaki na nang pagbabago’t pagkakaiba ng noon at ngayon. At sa

darating pang mga panahon ay marami pa ang magaganap na pagbabago. Kung kailangan nating
sumabay sa pagbabago at agos ng panahon ay hindi ko alam dahil maraming pagbabago ang hindi
angkop sa nais nating mangyari datapwat tutol man tayo dito ay wala tayong magawa. Madalas kung ano
pa ang ayaw mong magbago ‘yun pa ang may malaking pagbabago. Sabi nga eh, walang permanenteng
bagay dito sa mundo kundi ang pagbabago (bukod siyempre sa buwis).

Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Ano ang kahulugan ng sanaysay ng larawan o photo essay?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
____________________________
2. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng larawan sa pagsulat ng sanaysay?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________
3. Ano-ano ang hakbang sa pagsulat ng sanaysay na larawan o photo essay?

__________________________________________________
4. Nakatutulong ba sa pagpapatalas ng imahinasyon ang pagsulat ng sanaysay ng larawan o photo essay?
Suportahan ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
________________________________________________________
5. Sa papaanong paraan mo magagamit ang pagsulat ng photo essay sa iyong napiling larangan? Magbigay ng
halimbawa.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
________________________________________________________
Talasalitaan
Pumili ng dalawang salita na hindi pamilyar ang kahulugan nito sa iyo. Ilapat ito sa susunod na grapik
organayser at gawin ang panutong nakapaloob dito.

1.

Isulat ang rito ang iyong

napiling salita
________________________
Ano ang kahulugan ng salitang iyong napili?
______________
____________________________________________________
____________________________________________________
________________________________

Iguhit rito ang larawan

Saan mo nakita Kabalitaran ng Napapaisip ako ng
ang salitang ito? salitan ito ay salitang ito na

_______________ _______________ _______________

_______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________
___ ___ ___

Bilugan kung anong bahagi ng pananalita ang napili mong salita

Pangngalan Pandiwa Pang-uri Pang-abay

2.
Isulat ang rito ang iyong
napiling salita
_______________________
Ano ang kahulugan ng salitang iyong napili?
_______________
___________________________________________________
___________________________________________________
__________________________________

Iguhit rito ang larawan

Saan mo nakita Kabalitaran ng Napapaisip ako ng
ang salitang ito? salitan ito ay salitang ito na

_______________ _______________ _______________

_______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________
___ ___ ___

Bilugan kung anong bahagi ng pananalita ang napili mong

salita

Pangngalan Pandiwa Pang-uri Pang-abay

Paglalahat
Maghanap ng larawan na may kaugnayan sa araling natalakay. Ilapat ito sa graphic organizer at gawin ang mga
gawain sa loob nito.

Idikit dito ang larawan

Ano ang kaugnayan ng

larawan sa araling natalakay?

_________________________
_________________________
________________

Ano ang natutuhan mo?

You might also like