You are on page 1of 15

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Sangay ng Bulacan
CALUMPIT NATIONAL HIGH SCHOOL
Calumpang, Calumpit, Bulacan

Pagbasa at Pagsusuri
ng Teksto Tungo sa
Pananaliksik
IKATLONG MARKAHAN
ActivityARGUMENTIBO
TEKSTONG Sheet 6
Tekstong Argumentatibo

PANGALAN: _____________________________________________________

TAON AT PANGKAT: ______________________________________________

PETSA NG PAGSUSUMITE: _________________________________________

0
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

B. Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa.

C. MELCs
Pang-anim na Linggo
1. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.
(F11PS – IIIf – 92)
2. Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa
katangian at kabuluhan nito sa:
a. Sarili b. Pamilya c. Komunidad d. Bansa e. Daigdig
(F11EP – IIIj – 37)

D. Tiyak na Layunin
1. Natutukoy ang kalikasan at katangian ng Tekstong Argumentatibo

2. Nailalapat ang kaalaman sa elemento ng Tekstong Argumentatibo.

3. Nakasusulat ng reaksyong papel batay sa binasang teksto.

II. NILALAMAN

Aralin 2 - Ang Tekstong Naratibo


a. Kahulugan, Katangian at Layunin
b. Mga Elemento
c. Mga uri

1
III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
Paunang Pagtataya:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Naglalayong mangumbinsi ng mambabasa batay sa datos o impormasyon ng manunulat


a. Argumentatibo b. Deskriptibo c. Naratibo d. Persweysib
2. Ang tekstong argumentatibo ay maaaring nagtatanggol ng paksa o nagpapanig sa
kasalungat na ideya laban sa paksa
a. Tama b. Mali c. Maaaring Tama o Mali d. Wala sa nabanggit
3. Alin dito ay HINDI halimbawa ng tekstong argumentatibo?
a. Editoryal b. Debate c. Posisyong Papel d. Talambuhay
4. Hindi mahalaga ang mga sanggunian na pinagmulan ng mga karagdagang impormasyon
na ginamit sa teksto."
a. Tama b. Mali c. Maaaring Tama o Mali d. Wala sa nabanggit
5. Ito ay ang pagpapahayag ng mga dahilan at ebidensya upang maipagtanggol ang
katuwiran ng isang panig. Ang nangangatwiran ay kailangang may sapat na kaalaman
sa proposisyon upang makapaglahad ng mahusay na argumento.
a. Argumento b. Katibayan c. Panukala d. Proposisyon
6. Ito ay ang pahayag na inilalatag upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ay dapat
mapagkasunduan bago magsimula ang pagbibigay ng argumento ng dalawang panig.
a. Argumento b. Katibayan c. Panukala d. Proposisyon
7. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag natin silang
tularan.
a. Pagsang-ayon b. Pagsalungat c. Pangangatwitan d. Pagtatalo
8. Maling-mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan ang pahayag na iyan.
a. Pagsang-ayon b. Pagsalungat c. Pangangatwitan d. Pagtatalo
9. Transisyon ang magpapatibay ng pundasyon ng isang teksto. Ito rin ang nagbibigay ng
koneksyon sa pagitan ng mga kaisipan sa bawat talata. Anong katangian ito ng Tekstong
argumentatibo?
a. Lohikal b. Maikli c. Napapanahon d. Pagkasunod-sunod
10.Umiikot sa iisang pangkalahatang ideya lamang. Ito ang magbibigay ng linaw at
direksyon sa buong teksto upang magkaroon ng kaayusan o pagiging organisado,
a. Lohikal b. Maikli c. Napapanahon d. Pagkasunod-sunod

2
Balik-aral:
Sa pagkakataong ito aalamin naman natin kung naalala mo pa ang paksang aralin
na tinalakay sa Tekstong Naratibo.

Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng paglalagay ng mga salita o


pangungusap.
Dati kong nalalaman tungkol sa Nais kong malaman sa Mga natutuhan ko matapos ang
tekstong naratibo tekstong naratibo aralin sa tekstong naratibo

B. Paglulunsad ng Bagong Aralin

Ang Pagpapatupad ng Anti-Terror Law ay


Pagbibigay Pangil sa Estado

Pasado na sa ikatlo at huling pagdinig ng Kamara at Senado ang kontrobersyal na


Anti-Terrorism Bill, na sinasabi nila ay magbibigay ng pangil sa estado "laban sa mga
terorista at karaniwang mamamayan. Nangangailangan na lang itong mapirmahan ni
Pangulong Rodrigo Duterte, sa dahilang kinopya lang ng House Bill 6875 ang mga
probisyon ng Senate Bill 1083.
Sa declaration of policy ng panukala, sinasaad ang mga sumusunod:
"It is declared a policy of the State to protect life, liberty, and property from terrorism,
to condemn terrorism as inimical and dangerous to the national security of the country and
to the welfare of the people, and to make any terrorism a crime against the Filipino people,
against humanity, and against the law of nations."
Gayunpaman, ilang beses nang No. 1 trending topic sa Twitter at iba pang social
media sites ang katagang #JunkTerrorBill, sa dahilang sasagasa raw ito sa karapatang
pantao, kahit na mga hindi terorista.

3
Tinututulan ito nang nakararami sa dahil ito raw ay “warrantless arrest.” Ayon sa
Section 29 ng panukala, pinapayagan ang mga pulis at militar na ikulong kahit walang
judicial warrant of arrest o kaso ang mga "pinagsususpetyahang" gumawa, nagpaplanong
gumawa, at nakikipagsabwatang gumawa ng terorismo ng hanggang 14 na araw, na maaari
pang pahabain ng 10 araw pa.
Mas malala pa sa probisyon ng suspensyon ng writ of habeas corpus (Article VII,
Section 18 ng 1987 Constitution), kung saan dapat pakawalan ang sinumang inaresto sa
loob ng tatlong araw kung hindi makakasuhan ang suspek. Dahil diyan, tinatawag ng
Concerned Lawyers for Civil Liberties (CLCL) na unconstitutional ang gustong gawin ng
anti-terror bill.
Tinanggal din ng anti-terror bill ang probisyon ng Human Security Act of 2007 na
nagbibigay ng P500,000 danyos perwisyos kada araw sa sinumang suspek ng terorismo
na mapatutunayang inosente pala o walang danyos sa inosente. Pangamba tuloy ng ilan,
kahit mapatunayang walang sala ang suspek ay dumanas na sila ng 'di makatwirang
pagkakakulong nang walang kapalit.
Ito rin daw ay isang uri ng iegal na paniniktik; na ayon sa terror bill, sa Section 16
ng panukala, maaaring i-wiretap nang pasikreto, o tiktikan, ang mga "pinaghihinalaang
terorista," sa loob ng 60-araw. Maaari itong palawigin pa nang 30 araw.
Tatawaging "terorista" ang mga taong lumalabag sa Section 4 hanggang 12, pati
ang mga miyembro ng mga "terrorist organizations" na tinutukoy sa listahan ng United
Nations Security Council-Designated Terrorist Organization.
Ang problema para sa marami, sa ilalim ng Section 25, pwede ring ideklarang
terorista ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang mga inibidwal, organisasyon o asosasyon
basta't may "probable cause" — kahit hindi naman sila korte. Dahil diyan, tila libreng-libre
raw ang ATC na tukuying terorista ang sinuman, kahit ang mga kritiko ng gobyerno at
administrasyon.
Bubuuin ang ATC ng: Executive Secretary (chairperson); National Security Adviser
(vice chairperson); Secretary of Foreign Affairs; Secretary of National Defense; Secretary
of the Interior and Local Government; Secretary of Finance; Secretary of Justice; Secretary
of Information and Communications Technology; Executive Director of the Anti-Money
Laundering Council (AMLC) Secretariat at 20 miyembro nito.
Iba pa ito sa proseso ng "proscription" (pagbabawal) ng teroristang grupo, kung
saan mag-aapply ang Department of Justice (DOJ) sa Court of Appeals para matawag na
terorista at iligal ang isang organisasyon. Pero bago maghain ng aplikasyon, kailangan
muna silang bigyang otoridad ng ATC, matapos ang rekomendasyon ng National
Intelligence Coordinating Agency (NICA).

4
Magiging teroristang gawain ang mga sumusunod kung makalilikha ito ng takot,
"mamimilit o maninindak" ng gobyerno, organisasyon o publiko na gawin ang anumang
bagay. Teroristang gawain din ang mga nasa itaas kung ginawa para mag-"destabilize" ng
pampulitika, pang-ekonomiko at panlipunang istruktura ng lipunan.

Dahil sa mga pananalitang 'yan, pangamba ng ilan na maaring maging saklaw ang
mga grupo na umuudyok sa gobyerno na baguhin ang kanilang mga polisiya.

-hango sa artikulong https://www.philstar.com/pilipino-star-


ngayon/bansa/2020/06/04/2018692/

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pangunahing paksang diwa ng binasang teksto?


2. Batay sa pagkakabuo ng artikulo, ano ang layunin ng manunulat sa kaniyang akda?
3. Bakit sinasabi sa akda na magkakaroon ng pangil ang estado? Magbigay ng ilang
patunay.
4. Matapos basahin ang teksto, ano ang iyong reaksyon o damdamin ukol dito?
5. Sang-ayon ka ba sa binasang teksto? Pangatuwiranan ang sagot.

Pagtalakay sa Paksa

Tekstong Argumentatibo

Teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang


paksa o usapin gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga
literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan at resulta ng empirikal na pananaliksik.
Sa pagsulat ng ganitong uri ng teksto, ito ay nangangailangan ng masusi at maingat
na pagkalap ng mga datos o ebidensya. Kapag may matibay na ebidensya, ang manunulat
ay obligado nang panindigan ang kaniyang panig. Maaari na rin siyang magsimulang
magsulat ng malaman at makabuluhang pangangatwiran. Sa pamamagitan ng detalyadong
pag-aaral sa paksa o isyu, mas mauunawaan ng mananaliksik ang iba’t ibang punto de
bista na maaaring matalakay sa diskurso. Dahil may sapat na rin siyang kaalaman tungkol
sa paksa, mas madali na rin para sa kanya ang pumili ng posisyon o papanigan.

5
Sa tekstong argumentatibo, ang pangangatwiran ay nararapat na maging malinaw
at lohikal, kahit pa ang layunin lamang nito ay magpahayag ng opinyon sa isang tiyak na
isyu o usapin.

Mga halimbawa ng Sulatin o Akda na Gumagamit ng Tekstong Argumentatibo:

✔ Tesis
✔ Posisyong Papel
✔ Papel na Pananaliksik
✔ Editoryal (nababasa karaniwan sa bahaging editoryal ng mga magasin at dyaryo)
✔ Petisyon
✔ Debate (pakikipagtalo na maaaring nakasulat o binibigkas gaya ng Balagtasan)

Halimbawa ng mga Paksa na Gumagamit ng Tekstong Argumentatibo

❖ Pagpapatupad ng Programang K-12 bilang sistema ng edukasyon sa Pilipinas"


(Pabor at Di-pabor)
❖ Pag-apruba ng Divorce Bill sa Pilipinas" (Pabor at Di-pabor)
❖ Pag-ban sa entry ng galing China dahil sa Corona Virus" (Pabor at Di-pabor)

Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo

● Mahalaga at napapanahon ang paksa - ang pagpili ng paksa sa tekstong


argumentatibo ay napakahalaga dahil dito iikot ang buong diskusyon. Kapag
pumipili ng paksa, dapat isaalang-alang kung ito ba ay napapanahon sa mga isyu o
kaganapan sa lipunan.

● Maikli – mas mainam ang maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis
sa unang talata ng teksto. Sa unang talata, dapat ipaliwanag nang mabuti ng
manunulat ang buong konteksto ng paksa sa pamamagitan ng pagtatalakay nito sa
pangkalahatan. Makikita rin sa bahaging ito ang kahalagahan ng paksa at kung bakit
kailangang makialam ng mambabasa sa nasabing isyu.

● Malinaw at lohikal na transisyon - Transisyon ang magpapatibay ng pundasyon ng


isang teksto. Ito rin ang nagbibigay ng koneksyon sa pagitan ng mga kaisipan sa
bawat talata. Kung walang lohikal na pagkakaayos ng kaisipan, maaring hindi
makasunod ang mambabasa sa argumento at hindi maging epektibo ang kabuoan

6
ng teksto. Ang transisyon ay nakakatulong din upang ibuod ang ideya ng naunang
bahagi ng teksto at magbigay ng introduksyon sa susunod na bahagi.

● Maayos ang pagkakasunud-sunod - umiikot sa iisang pangkalahatang ideya


lamang. Ito ang magbibigay ng linaw at direksyon sa buong teksto upang
magkaroon ng kaayusan, kinakailangan ding isaalang-alang ang lohikal na
koneksyon sa bawat talata. Dagdag pa, ang pagkakaroon ng maikli ngunit malaman
na talata ay makakatulong upang mas maintindihan ng mambabasa ang teksto.

● Matibay na ebidensiya para sa argumento - ang tekstong argumentatibo ay


kinakailangang maging detalyado, tumpak at napapanahon ang impormasyon. Sa
pagkakaroon ng matibay na ebidensiya, masisigurado ng manunulat ang
katotohanan ng kaniyang sinulat na argumento.

2 Elemento ng Tekstong Argumentatibo

1. Proposisyon

Ayon kay Melania L. Abad (2004) sa “Linangan: Wika at Panitikan”, ang proposisyon
ay ang pahayag na inilalatag upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ay dapat
mapagkasunduan bago magsimula ang pagbibigay ng argumento ng dalawang panig.
Kung walang itatakdang proposisyon, magiging mahirap ang pangangatwiran sapagkat
hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang dalawang panig. Sa ibaba, iyong
mababasa ang ilan sa mga halimbawa ng proposisyon.

❖ Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual education kaysa sa


bilingual education.
❖ Dapat ipasa ang Divorce bill upang mabawasan ang karahasan laban sa
kababaihan
❖ Dapat ipatupad ang RH Bill upang makontrol ang populasyon at kahirapan.
Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang magtrabaho
sa ibang bansa.

2. Argumento

Ang argumento ay ang pangalawang elemento ng pangangatuwiran. Ito ay ang


pagpapahayag ng mga dahilan at ebidensiya upang maipagtanggol ang katuwiran ng

7
isang panig. Ang nangangatwiran ay kailangang may sapat na kaalaman sa proposisyon
upang makapaglahad ng mahusay na argumento.

C. Pang-isahang Gawain

Gawain 1:
Panuto: Punan ang grapikong representasyon ng mga natutuhan sa aralin.
.

Kahulugan
5 Katangian ng
Argumentatibo
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________

Gawain 2:
Panuto: Sagutan ang mga katanungan sa ibaba batay sa iyong natutuhan sa Tekstong
Argumentatibo.
1. Ano ang dati mong pagkakaunawa sa tekstong argumentatibo? Ito ba ay malapit sa
mga impormasyong inihanay sa mga binasa mo tungkol sa tekstong persweysib?
Ipaliwanag.
2. Bakit may ibang kayarian ang tekstong argumentatibo kung ikukumpara sa mga
napagdaanan nating uri ng teksto?
3. Alin sa mga impormasyong nabasa mo tungkol sa tekstong argumentatibo ang hindi
mo masyadong naunawaan? Isa-isahin ang mga ito at ipaliwanag kung bakit hindi mo
ganap na naunawaan? Ilahad din kung ano ang magagawa mo upang mas
maunawaan ang mga ito.
4. Bakit kailangan mong alamin ang tekstong argumentatibo? Ano ang kahalagahan ng
pagkatuto mo sa uri na ito ng teksto?
5. Ilahad ang mga napapanahong paksa na nalalaman mo. Ano kaya sa mga paksang ito
ang gusto mong gawan ng tekstong argumentatibo? Ipaliwanag kung ano ang mga
ideya na maaari mong ipasok tungkol dito.

8
Kasanayang Komunikatibo

Pagsang-Ayon at Pagsalungat

Sa pagpapahayag ng opinyon o proposisyon ay hindi maiiwasan ang pagsalungat o


pagsang-ayon. Bawat isa ay may kani-kaniyang opinyong dapat nating igalang o irespeto, ito man
ay pabor sa atin o hindi. Kailangan maging magalang at malumanay sa pagbibigay ng ating mga
opinyon upang maiwasan ang makapanakit ng damdamin

PAGSANG-AYON
Ito ay nangangahulugan ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang
pahayag o ideya. Ang ilang hudyat na salita o pariralang ginagamit sa pagsang-ayon ay kabilang
sa pang-abay ng panang- ayon gaya ng:
bilib ako sa iyong sinabi na
ganoon nga
kaisa mo ako sa bahaging
maasahan mo ako riyan
iyan din ang palagay ko
iyan ay nararapat
sang-ayon ako
sige
lubos akong nananalig

PAGSALUNGAT
Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi pagtaliwas, patutol, pagkontra sa isang
pahayag o ideya. Ang mga pang-abay na pananggi ay ginagamit sa pagpapahayag na ito sa
pagsalungat nang lubusan ginagamit ang mga sumusunod:
ayaw ko ang pahayag na…
hindi ako naniniwala riyan..
hindi ako sang-ayon dahil…
hindi ko matanggap ang iyong sinabi …
hindi tayo magkasundo..
hindi totoong..
huwag kang…
ikinalulungkot ko…
maling-mali talaga ang iyong …
sumasalungat ako sa…

9
Gawain 3:
Panuto: Basahin ang mga halimbawang proposisyon. Lagyan ng tsek () kung sang-
ayon at ekis (x) kung di sang-ayon sa mga pahayag sa ibaba.

Proposisyon Hindi
Sang-ayon Sang-ayon
1. Ang pagpapatupad ng death penalty ay makatutulong
para mabawasan ang kriminalidad sa bansa.
2. Dapat ipatupad ang RH Bill upang makontrol ang
populasyon at kahirapan.
3. Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang
modyular kaysa online class.
4. Dapat na ituro ang Sex Education sa mga mag-aaral
sa kindergarten.
5. Dapat na libre sa lahat ang bakuna laban sa COVID-
19.

Gawain 4:
Panuto: Tukuyin kung Pagsang-ayon o Pagsalungat ang sumusunod na pahayag sa
bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
______________1. Tinututulan ito ng nakararami sa dahil ito raw ay “warrantless
arrest.”.
______________2. Kaisa ang ahensya ng Human Rights ang taong bayan na ibasura
ang Anti-terror law sa senado.
______________3. Ikinalulungkot ng karamihan ang pagpapatupad ng Anti-Terror Law sa
Pilipinas.
______________4. Gayunpaman, ilang beses nang No. 1 trending topic sa Twitter at iba
pang social media sites ang katagang #JunkTerrorBill, sa dahilang
sasagasa raw ito sa karapatang pantao, kahit na mga hindi terorista.
______________5. Ang muling pagrepaso ng Anti-terror law ay nararapat na gawin,

10
Gawain 5:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat ito sa sagutang papel.
1. Kung ikaw ay namatayan ng isang miyembro ng pamilya, Anong pahayag ang ginamit
sa sumusunod na pangungusap na upang matukoy na sumasalungat sa usapin?
“Hindi ko matanggap ang pagkawala niya nang maaga.”
a. pagkawala niya nang maaga c. Hindi ko matanggap
b. matanggap ang pagkawala d. nang maaga
2. Kung ikaw ay magbibigay ng pagsang-ayon na pahayag, Alin sa sumusunod na
pangungusap ang nagtataglay ng pahayag na pagsang-ayon?
a. ayaw ko ang pahayag na sinabi mo
b. maling-mali ang kaniyang inihaing pagbabago
c.lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda
d. ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabi ng hindi maganda sa kapwa
3. Alin ang angkop na pahayag na ilagay sa patlang? ___________ may mga taong
negatibo ang pananaw sa buhay
a. huwag lang b. talaga pa lang c. iyan ang nararapat d. talagang kailangan
4. Kung ikaw ay isang nagtratrabaho sa ibang bansa, Ang sumusunod na pahayag
ay mga ginamit sa sumusunod na pangungusap upang matukoy ang pagsang-ayon sa
isang opinyon o usapan maliban sa isa?
a. nakalulungkot isipin c. lubos akong nanalig
b. marahil nga tama d. nakatutuwang marinig

5. Dugtungan ang pahayag na nagpapakita ng di pagsang-ayon: Sinasabi ko sa iyo


_________________ na maidudulot ang labis na paggamit ng gadyet.
a.may maganda b. totoong maganda c. di kanais-nais d. walang maganda

D. Paglalapat

Panuto: Ilahad ang kasagutan sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap lamang.

Pabor ka ba sa isang pagtatalo o


argumento? Pangatwiranan ang
kasagutan.

________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
_______________________________________
11
IV. PAGTATASA

Panuto: Batay sa binasang akda ukol sa sa Pagpapatupad ng Anti-Terror Law ay


nakapagbibigay pangil sa estado. Ibigay ang bisang pandamdamin at
pangkaisipan ng teksto. Naging epektibo ba ng halimbawang teksto upang
maunawaan mo ang kalikasan ng Tekstong Argumentatibo? Maging malaya sa
pagpapahayag ng iyong kasagutan.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit:

1. Tekstong nahahawig sa argumentatibo dahil sa taglay nitong katangian at layunin.


a. Deskriptibo b. Naratibo c. Persweysib d. Prosidyural
2. Ang tekstong argumentatibo ay maaaring nagtatanggol ng paksa o nagpapanig sa
kasalungat na ideya laban sa paksa
a. Tama b. Mali c. Maaaring Tama o Mali d. Wala sa nabanggit
3. Hindi mahalaga ang mga sanggunian na pinagmulan ng mga karagdagang
impormasyon na ginamit sa teksto."
a. Tama b. Mali c. Maaaring Tama o Mali d. Wala sa nabanggit
4. Alin dito ay HINDI halimbawa ng tekstong argumentatibo?
a. Editoryal b. Debate c. Posisyong Papel d. Talambuhay

12
5. Ito ay ang pagpapahayag ng mga dahilan at ebidensya upang maipagtanggol ang
katuwiran ng isang panig. Ang nangangatwiran ay kailangang may sapat na kaalaman
sa proposisyon upang makapaglahad ng mahusay na argumento.
a. Argumento b. Katibayan c. Panukala d. Proposisyon
6. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag natin silang
tularan.
a. Pagsang-ayon b. Pagsalungat c. Pangangatwitan d. Pagtatalo
7. Ito ay ang pahayag na inilalatag upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ay dapat
mapagkasunduan bago magsimula ang pagbibigay ng argumento ng dalawang panig.
a. Argumento b. Katibayan c. Panukala d. Proposisyon
8. Maling-mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan ang pahayag na iyan.
a. Pagsang-ayon b. Pagsalungat c. Pangangatwitan d. Pagtatalo
9. Dapat ipaliwanag nang mabuti ng manunulat ang buong konteksto ng paksa sa
pamamagitan ng pagtatalakay nito sa pangkalahatan ngunit ispisipiko at hindi malawak
ang argumento. Anong katangian ito ng Tekstong argumentatibo?
a. Lohikal b. Maikli c. Napapanahon d. Pagkasunod-sunod
10. Ang Tekstong argumentatibo ay dapat ay mga isyung panlipunan sa kasalukuyang
panahon. Anong katangian ito ng Tekstong argumentatibo?
a. Lohikal b. Maikli c. Napapanahon d. Pagkasunod-sunod

V. KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Sa bahaging ito, sumipi ng isang napapanahong balita mula sa dyaryo o internet.
Maaaring gupitin o i-copy paste ito. Basahin ang nakuhang balita at sumulat ng
reaksyong papel o argumentasyon batay sa nabasa. Tatayahin ang papel batay
sa rubric sa ibaba. (Maaaring gawing Performance Task ng guro)
Rubrik

Pamantayan: Puntos Marka


Mahalaga at napapanahon ang paksa
5
Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy ng
argumento 5
Malinaw at lohikal na transisyon.
5
Maayos ang pagkakasunud-sunod 5
Matibay na ebidensiya para sa argumento 5

Kabuoan 25

13
Mga Sanggunian

Academia.edu: MODYUL 2 Tekstong Argumentatibo. Hinango noong Pebrero 21. 2021


https://www.academia.edu/43343022/MODYUL_2_Tekstong_Argumentatibo
Department of Education- Bureau of Learning Resources. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. DepEd Complex: Meralco Avenue, Pasig City.
Unang Limbag, 2016.

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store

Deped Learning Resources Portal. “K+12 Resources in Grade 11 and 12.” Hinango noong
Pebrero 20, 2021. https://lrmds.deped.gov.ph/learning-resources/

Negros Oriental Learning Rseources Portal. “Senior High School Resources.”


Hinango noong Pebrero 21, 2021. http://negorlrmds.weebly.com/senior-high1.html

14

You might also like