You are on page 1of 10

PAANO MAKALIMOT?

MARCH 11, 2017 / JAEANNETABILE


TEKSTONG PROSIDYURAL: Paano makalimot?
MARCH 11, 2017 / JAEANNETABILE
 
Sa lahat ng ginagawa natin sa pang araw araw ay parang isang
lutong ulam, ihahanda mo ang mga rekado, mga kagamitang
na gagamitin, mga proseso o mga hakbang upang matapos mo
ang isang producto. Katulad sa buhay ng isang tao may
proseso kung paano tayo ginawa ng ama, paano tayo
pinanganak, paano tayo pumasok sa paaralan, paano tayo
maligo, paano tayo kumain, paano tayo magpamahal, paano
tayo masaktan at higit sa lahat paano tayo magmove on? Lahat
ng mga yan may proseso, may mga sangkap, may kagamitan
upang patuloy mo siyang makalimutan. Patuloy mawala ang
mga alala niyong magkasama. O sa madaling salita mawala na
siya sa buhay mo.
Ang pinakamahirap gawing sa buhay ng isang tao ay
kalimutan ang taong minahal mo, pinahalagahan mo,
pinagkatiwalaan mo, binigay mo ang lahat makunteto lang sya
siyo. Kasama sa ilang taon at gumagawa kayo ng masasayang
bagay, bumubuo ng bagong memorya, nangakong walang
iwanan at habang buhay magsasama. Paano bang mabuhay ng
wala siya? Paano bang maging independe sa pagmamahal mo
sakanya, kung gaano ko sya kamahal, ganun din kahirap kung
paano ko sya makakalimutan. Sa bawat lungkot na dati’y saya
na hinawi na kasabay ng hanggin. Sinubukan ko na ang lahat
ng paraan para makalimutan sya. Ang hirap pala talaga kapag
wala na siya siyo. Yung may kulang sa bawat araw mo. Yung
may hinanap hanap ka. Ano ba ang kailangan kong gawin
makalimutan lang sya.
Kaytagal na pala, anim na buwan na ang nakakaraan,
di ko parin sya makalimutan, ginawa ko na ang lahat,
di pa ba sapat mga yun.
Linibot ko na ang lahat. Naghanap ako sa internet,
magazine at iba pa. Ngunit wala talaga! Pero sa isang
telebisyon ko lang pala makikita ang sagot sa
kalahating buwan na sakit sa puso ko, yung kirot sa
pakiramdam ko, at yung lito sa isip ko. Ang apat na
mga hakbang para makalimutan sya. Ang dalawang
sangkap na kaylangan, ang puso at isip ko. Ang
kagamitan na namumukud tanging sarili ko lang
pala. Ako lang pala kamamasagot sa mga tanong
kung paano ko makakalimutan ang taong nagpahirap
sakin ng sobra, makalimutan lang siya.
Tatawagin natin itong oplan makalimutan sya.
Una, ihanda mo ang puso at isip mo bilang
mga sangkap. Ang sarili mo bilang kagamitan.
Ingatan mo ang mga ito upang maging
maayos ang ating plano. Isipin mo para sa iyo
rin ang mga ito. Pangalawa, alamin mo ang
mga hakbang upang makalimutan sya.
Pangatlo, gawin nyo na nga mga ito.
Gawin mo ang unang hakbang, Acceptance lang pala. Ibaon mo sa puso’t isipan
ang pagtanggap na wala na sya. Tanggapin mo na tapos na ang lahat. Isipin mo na
dahil sa kanya di ka totoong naging masaya. Di ka bitter kapag ganun ginawa mo,
kundi inisip mo lang ang ikabubuti mo. Mahal mo sya pero kaylangang mong
tanggapin na hanggang dun lang yun. Mahal mo sya pero wala na. Pangalawa,
Forget. Kalimutan mo na sya, katulad ng paglimot niya siyo. Isipin mo ang lahat
ng bagay sa positibong paraan tulad ng: iniwan ka nga kasi may taong mas
karapat dapat para saiyo. May nagmamahal pa sayo na di nya katulad. Dapat mo
syang kalimutan kasi ang pangit nya. Lahat ng bagay na nagpapaalala sa kaniya,
simula sa mga litratong magkasama kayo, sa mga konbersasyong nabuo niyo nung
masaya pa kayo, at higit sa lahat yung numero nya, kahit pa ito’y kabisdo mo
pa.Pangatlo, Change. Magbago ka para sa sarili mo, magbago ka hindi para sa
kanila. Tandaan mo, sa huli ang taong mapapagkatiwalaan mo ay ang sarili mo
lang, wala nang iba. Magbago ka kasi mahal mo yung sarili mo at mahal mo ang
mga taong nakapaligid sayo at nagaalala na bakit malungkot ka. Magbago ka para
makalimutan sya. Magbago ka kasi mahal mo sarili mo. Magbago ka kasi wala ng
pakakataon mabalik sya sayo. Pang-apat, Walk Away. Magsimula kang muli,
maging masaya, ienjoy mo ang bawat araw mo. Bumuo ka ng panibagong journey,
mag isa ka? Ok lang yun, subalit mas masaya kapag kasama mo ang mga taong
sumusuporta sayo. Maglakad ka patungo sa kasiyahan mo. Maglakad ka
hanggang sa walang hanggan.
Ang mga hakbang na ito ay tungo sa paglimot
mo sa kanya at para sa ikakabuti mo. Sige
lang, ipagpatuloy mo tungo sa ikakaganda ng
buhay mo. Hindi lang sya ang nagmamahal
siyo. Madami sila. Huwag mong ipagsiksikan
yung sarili mo. Sa taong di mo deserve.
Maging masaya ka, okay na yun.
Susuportahan kita.
Ihandanda mo ng maigi ang sarili, puso at
isipan mo. Gawin mo ang lahat lahat para
maging success at maayos ang plano natin.
Ayos lang masugatan ang puso mo dahil
tama ang desisyon ng isip mo. Subukan mo
lang, hindi masamang subukan, wala namang
mawawala sayo eh.
Pagluluto ng Adobo

Mga Sangkap ng Adobong Baboy

500 grams ng karne ng baboy, hiwaan ng naaayon sa gustong


lake
3 piraso ng bawang na pinitpit
1 kutsaritang pamintang buo
3 dahon ng laurel
1/2 tasa ng toyo
1/3 tasa ng suka
1 kutsarang asukal
Paraan ng pagluto ng Adobong Baboy

1. Paghaluin ang karne ng baboy, bawang, dahon ng laurel,


paminta at toyo sa kaldero at imarinate ng 30 minuto.
2. Ilagay ang kawali sa kalan na may mahinang apoy sa loob ng
40 minuto o hanggang lumambot ang karne. Magdagdag ng
tubig kung kinakailangan.
3. Ilagay ang suka at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.
4. Maglagay ng asin at asukal ng naaayon sa iyong panlasa.
5. Hanguin ang karne at isantabi muna ang sabaw o sauce.
6. Sa kawali, iprito ang karne hanggang magkulay brown.
7. Ibalik ang karne sa sabaw o sauce at pakuluan ng kahit 1
minuto.
8. Ilagay sa lalagyan ang Adobong Baboy at ihanda ito sa
hapag kainan.

You might also like