You are on page 1of 13

11 Activity Sheet sa

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Quarter 2 – MELC 16
Pananaliksik Ating Payabungin Tungo sa
Mapaghamong Buhay

REGION VI – KANLURANG VISAYAS

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11 – Filipino 11
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon

ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11 - Filipino

11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa
Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Komunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kulturang Pilipino 11 – Filipino 11

Manunulat: Melody Grace M. Patriarca, T III

Editor: Dexter S. Panizales, HT III

Tagasuri: Dexter S. Panizales, HT III

Aileen N. Menor, MT I

Tagaguhit: Juvy Mae S. Consibit, MT I

Tagalapat: Mervic Hope G. Villanueva, T III

Division of Iloilo City Management Team:

Ma. Luz M. Delos Reyes, SDS
Ernesto F. Servillon Jr., ASDS
Dr. Jerry M. Lego, SGOD Chief
Arlo L. Villalva, CID Chief
Leila G. Valencia, EPS-LRMDS
Jezereel Grace G. Tiron, PDO II
Bernie P. Alcedo, Librarian II
Dr. Cynthia J. Punsalan, EPS-Filipino

Regional Management Team:

Ma. Gemma M. Ledesma, CESO V
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Mr. Donald T. Genine
Dr. Celestino S. Dalumpines IV
MABUHAY!

Ang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11 – Filipino

11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang
pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod ng Iloilo sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and
Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na
matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na
inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan

nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11 – Filipino

11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang pangangailangan
ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit
na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa
kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11 – Filipino

11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang
iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS
na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-
aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Kwarter 2, Linggo 8
Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 16

Pangalan ng mag-aaral: _______________________ Grado at Seksyon: ____________

Petsa: ________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT

KULTURANG PILIPINO 11

Pananaliksik Ating Payabungin Tungo sa Mapaghamong Buhay

I. Kasanayang Pampagkatuto;

Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at

panlipunan sa bansa (F11EP-IIij-35)

II. Panimula

Sa huling linggo ng unang semestre, inaasahan na may natutunan ka sa

nakalipas na aralin na siyang makatutulong sa pagpapatuloy ng ating leksiyon sa
pananaliksik. Ang mga dating kaalaman ay magpapadali sa pagsulat at pagbuo ng isang
sulating pananaliksik na siyang inaasahang magagawa pagkatapos unang semestre.

Mahalagang mahasa ang kakayahang pananaliksik sapagkat makatutulong ito

sa pagsagot ng ating mga katanungan at suliranin na magagamit sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Ang patuloy na pag-aaral ng pananaliksik ay pupukaw sa iyong malikot at
mapanuring imahinasyon.

Sa tingin ng marami maituturing ito isang mahirap na gawain na kailangan ng

oras at kaalaman subalit sa araling ito mapapatunayan mong ito ay madali at kasiya-
siyang gawin lalo na’t ikaw ay patuloy na nagsasanay. Walang magaling na nag-
uumpisa bilang isang magaling dahil ang lahat ng tao ay nagiging bihasa kung patuloy
itong hinahasa at binigyan ng malalalim na pag-unawa. Isipin na walang mahirap na
gawain kung ikaw ay matiyaga at pursigido upang mapagtagumpayan ang pagbuo ng
isang sulating pananaliksik.

III. Sanggunian

Patriarca, Melody Grace. Di Nailathalang Akda.

IV. Mga Gawain

Pangkalahatang Panuto: Basahin at gawin ang mga gawain sa ibaba. Isulat ang
lahat ng sagot sa iyong sagutang papel.

Pagsasanay 1:

Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba para sa isang impormal na sarbey.

Piliin ang sagot at isulat sa iyong papel
1. Saan ka huling nakakuha ng balita o impormasyon?
a. Telebisyon b. Radyo c. Dyaryo d. Internet
2. Anong pamamaraan ang kadalasang ginagamit o mas tinatangkilik sa pagkuha
ng impormasyon?
a. Telebisyon b. Radyo c. Dyaryo d. Internet
3. Ano sa tingin mo ang mas may kredibilidad sa pagbibigay ng balita?
a. Telebisyon b. Radyo c. Dyaryo d. Internet
4. Ano ang mabilis at mas madaling mapagkunan ng balita?
a. Telebisyon b. Radyo c. Dyaryo d. Internet
5. Saan higit na malinaw o mas mapanatili sa iyong isipan ang nakuhang balita?
a. Telebisyon b. Radyo c. Dyaryo d. Internet
6. Ilang oras ang nilalagak mo sa pakikinig ng balita?
a. 0-1 b. 2-3 c. 3-4 d. 6 o mahigit pa
7. Kailan ka huling nakinig ng balita para gamitin sa gawain sa paaralan at hindi
para sa panlibang lamang?
a. Kahapon c. Nakaraang Linggo
b. Kanina d. Nakaraang buwan
8. Anong pamamaraan ang higit mo na ginagamit sa pananaliksik sa mga gawain
sa paaralan?
a. Telebisyon b. Radyo c. Dyaryo d. Internet
9. Saang asignatura ka kadalasang nagsasaliksik? _________________
10. Sa iyong palagay, handa ka bang manaliksik at bumuo ng isang sulating
pananaliksik? Maglahad ng mga paliwanag sa iyong
sagot____________________.

Dagdag Kaalaman

Marahil sa pagsagot ng impormal na sarbey hati ang iyong sagot. Sigurado ka ba na

tama ang balitang binabasa at pinapanood? Sa pamamagitan ng balita nababatid ng tao
ang mga mahahalagang pangyayari sa kanilang kapaligiran. Nakatutulong ito sa sa pang-
araw-araw na pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng impormasyon.

Sa panahon ngayon ay uso ang imbentong mga balita at madalas na ito ay makikita
sa internet. Bukod kasi sa radyo, telebisyon at diyaryo, sa internet kumukuha ng balita ang
mga tao.

Layunin ng sinagutang impormal na sarbey na ipakita ang iba’t ibang kaparaanan sa

pagkuha ng balita o impormasyon. Sa pamamagitan ng pananaliksik mabigyan ng
kasagutan ang mga katanungang pumapaloob sa paksa at higit na ipaintindi sa masa na
maging matalino sa pagpili ng balitang pinapaniwalaan sapagkat ang bawat balita na ating
nabasa at napakinggan ay maaring makaapekto ng mabuti at masama sa emosyon, isipan
at gawi ng isang tao.

Balikan ang nakaraang aralin at gamitin ito sa mga sumusunod na pagsasanay

upang ipakita ang iyong kagalingan sa pag-unawa. Basahin at unawain upang masundan
ang mga nakatakdang Gawain. Mag-isip ng mga penomenang kultural at panlipunan sa
kasalukuyang panahon na nangyayari sa ating bansa at siyang gagamitin sa pagsulat ng
panimulang pananaliksik.

1. Pagpili ng Paksa
Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay masusing pag-unawa
sa paksa at mga kaugnay na gawain na ibibigay ng guro. Kailangang pumili ng paksa na
napapanahon na sa tingin mo ay mahalaga at makatutulong sa kasalukuyang panahon
at susunod pang taon. Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging
matagumpay ang isang sulating pananaliksik. Sa pagpili ng paksa dapat suriin kung
makabuluhang itong sulatin.

Halimbawa ng isang Paksa:

“Larong Pinoy: Ipinamana ng Nakaraan at Regalo sa Kasalukuyan”

Pagsasanay 2:

Panuto: Halina’t ating subukang gawin ang panimulang hakbang sa pagbuo

ng sulating pananaliksik sa pamamagitan ng pagpili mo ng paksa.

Ngayon, mag- isip ka ng tatlong paksa na maaring ipasuri sa iyong guro upang maging
batayan ng iyong pipiling paksa sa sa sulating pananaliksik na maaring tatalakay sa kultural
at panlipunang penomena.

2. Pagbuo ng Pahayag sa Sulating Pananliksik

Isipin na hindi nagtatapos sa pagpili ng paksa ang kagalingan ng iyong gagawing
sulating pananaliksik. Kinakailngang masagot at maipalawang ang sumusunod:

a. Kabanata 1
 Kaligiran ng Pag-aaral
Dito ipinapaliwanag ang pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng iyong
pananaliksik. Layunin nitong bigyan ang mambabasa ng ideya sa
pinakapunto ng iyong pananaliksik. Kadalasan ito’y nasa isa’t isang
kalahating bond paper.

Halimbawa:
(Ang halimbawang ibibigay ay ibinatay sa paksang binigay sa itaas)

Pagsasanay 3:

Panuto: Gamit ang nabasang halimbawa sa kabilang kolum, gumawa ng

sariling pagpapaliwanang batay sa iyong napiling paksa.

“Larong Pinoy: Ipinamana ng Nakaraan at Iyong napiling Paksa

Regalo sa Kasalukuyan”
Ang paglalaro ay isang gawaing hindi
dapat palagpasin nang kahit na sinuman.
Simula sa ating pagkabata, namulat at
natutuo ng unang hakbang ay hindi natin
maiwasan ang maglaro ng paulit ulit
hanggang sa tayo ay magka-edad. Ang
paglalaro ay naging kaakibat na ng ating
isip, diwa, at katawan.
Masasabing isa sa mga tinatangkilik ng
mga Pilipino mapabata man o matanda ay
ang mga laro ng lahi bilang panlibang at
nagtatayong pampalakasa sa mga
programa tulad ng piyesta, linggo ng wika,
at iba pa. Ngunit ano ng aba ang
sinasabing laro ng lahi?
Ayon sa Magna Kultura Foundation
(1989) na nangangalaga sa mga larong
Pinoy ay yaman ng isang lahi. Ito ang mga
kinalakihang laro ng ating mga ninuno.
Mahalaga sa mga kabataan ang
matutunan ang mga larong katutubo.
Natuturuan sila ng pakikibagay sa mga tao
at pagpapahalaga sa laro ng sariling bayan,
Dahil sa pagususulputan ng mg
makabagong laro gaya sa mga online
games nararamdang tila unti-unting
nawawala ang ating isip sa mga tradisyunal
na laro at napalitan na ito makabagong
pamamaraan.
Dahil dito, napansin ng mananaliksik na
ang mga ipinamanang laro ay tila ibinaon
na sa limot ng mga Pilipino. Kaya, nag-
udyok ito sa mga mananaliksik na
magsagawa ng pag-aaral upang imulat ang
lahat at manumbalik sa isipan ng bawat
mamayan ng Pilipinas lalo na ang mga
bagong sibol na henerasyon ang mga laro
ng lahi sa kabila ng patuloy nap ag-usbong
ng makabagong teknolohiya.
 Paglalahad ng Suliranin
Sa paglalahad ng suliranin dito makikita ang mga katanungan na nais mong
matuklasan at bibigyang kasagutan

Pagsasanay 4:

Panuto: Mag-isip ng maaring suliranin o problema na nais mong alamin o

matuklasan batay sa iyong napiling paksa. Ilagay sa iyong papel.

Halimbawa:
1 Ano ano ang mga makalumang 1
laro ng mga Pilipino na nanatiling
buhay at nilalaro pa rin sa
kasalukuyang panahon?
2 Mayroon bang pagkakaiba sa 2
mga laro noon at ngayon batay
sa: a. Mekanismo
b. Kagamitan
c. Terminolohiya
3 Ano ano ang mga epekto ng 3
paglalaro noon at ngayon sa
kalusugan, pag-aaral, at pag-
uugali ng mga kabataan?
 Ipotesis
Pagbibigay ng sariling palagay o haka sa maaring maging kasagutan sa
isang tiyak na suliranin. Siguraduhing makapagbigay ng ipotesis sa
katanungan sa paglalahad ng suliranin. Maaring ang sagot ay magpapatunay
o magpapasubali sa iyong palagay.

Halimbawa:
“Sa kabila ng di mabilang na mga larong Pilipino ay bilang na lamang sa daliri
ngayon ang ang kinagigilawan pa ring nilalalro ng mga kabataan. Ngunit nanatili pa
rin ang habulan at tagu-taguan na kadalasan at patuloy na nilalaro ng mga kabataan
sa kabila ng makabagong dala ng teknolohiya.”

Pagsasanay 5:

Panuto: Ngayon, susubukan mong magbigay ng iyong Ipotesis batay sa

iyong paglalahad ng suliranin. Huwag mag-aalala kung sa tingin mo hindi tama ang
iyong gagawin dahil ang iyong guro ay handang magbigay ng paliwanag upang
maging kasiya-siya ang iyong gawain.
_________________________________________________________________________

 Kahalagahan ng Pag-aaral
Dito inilalahad ang kahalagahan ng iyong pananaliksik sa mga ispisipikong
tao upang mabigyan ng kalinawan ang mga ito sa iyong pag-aaral.
Kadalasan ito ay mahalaga sa mga sumusunod;
o Mag-aaral;
o Magulang;
o Guro;
o Mananliksik sa hinahap; at sa grupong may malaking epekto ng iyong
pananaliksik.

Pagsasanay 6:

Panuto: Mula sa halimbawa sa ibaba, mag-isip ng mga pahayag kung bakit

mahalaga ang iyong pananaliksik sa mga nasabing tao o grupo ng tao.

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga

upang mauwaan nga mag-aaral ng sa
gayon magsilbing gabay at sanggunian
upang mas lalong lumawak ang kailang
ideya sa pagkakaiba ng tradisyunal na
laro at ng kasalukuyang mga laro
kaugnay sa epekto nito sa kanilang
pag-aaral, kalusugan at pag-uugali
tungo sa iba,

Mag-aaral: Mag-aaral:
 Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral
Sa saklaw at hagganan ng pag-aaral, binigyang pansin kung anong lawak o
sakop ng iyong pag-aaral. Kinakailangang matukoy kung sino, saan, kalian at
paano gagawin ang pananaliksik.

Halimbawa:

Ang pananaliksik na ito ay bibigyang pansin ang mga laro ng lahi noon sa
mga laro ngayon. Ang mga laro noon at ngayon ay paghahmbingin batay sa
mekaniks, kagamitan, at terminolohiya batay sa pananaw ng mga mag-aaral (isulat
kung sino ang inyong mga tagatugon) sa taong panuruan 2020-2021.

Ang mananaliksik ay gagawa ng sarbey sa tatlumpong (30) mag-aaral. Ang

mga sarbey ay naglalaman ng mga katanungang na siyang magiging basehan sa
pagtuklas ng mga kasagutan na inilatag sa paglalahad ng suliranin.

Pagsasanay 7:

Panuto: Batay sa binasang halimbawa, mag-isip at gumawa ng iyong sariling

saklaw at hangganan batay sa iyong napiling paksa. Isulat sa iyong papel.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

 Katuturan ng Katawagan
Ang mga salita ay bibigyan ng pagpapakahulugan para sa kalinawan ng mga
mambabasa ng pananaliksik, ang mga mahahalagang salita na ginamit sa panaliksik
ay bibigyan ng konseptwal at operasyunal na kahulugan.

Halimbawa:

“Larong Pinoy: Ipinamana ng Nakaraan at Regalo sa Kasalukuyan”

Ipinamana: Sa konseptwal na kahulugan ang ipinamana ay ang bagay na ibinigay ng

isang tao (gaya ng magulang sa anak, kamag-anak at iba pa) o inahabilin sa
sinumang pagkamatay ng may-ari (Diksyunaryong Filipino, 2008)

Sa operasyunal na pagpapakahulugan, ang ipinamana ay ginamit sa

pananliksik na siyang kaugnay sa mga larong Pinoy na ipinamana ng mga
sinaunang Pilipino.

Kasalukuyan.
Laro.
Nakaraan.
Pinoy
Regalo

Pagsasanay 8:
Panuto: Gamit ng iyong napiling pamagat ng pananaliksik, magbigay ng
konseptwal at operasyunal na kahulugan sa mga salitang bibigyan ng kalinawan.
(Ang mga salitang bibigyang kalinawan ay siyang makikita sa pamagat)
b. Kabanata 2

Mga kaugnay na Babasahin at Pag-aaral

Sa bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga

babasahin na may kinalaman sa iyong pananaliksik. Binibigyang pansin ag mga
pag-aaral sa Pilipinas at sa ibang bansa na siyang magagamit sa pagpapatibay ng
iyong pananaliksik. Ang mga babasahing ito ay maaring magamit pansuporta o
pasubali sa resulta ng iyong pananaliksik. Isinasalang-alang ang tamang pagkuha ng
ideya at bibliyograpiya.

Halimbawa:
Batay sa pag-aaral ni Catayco (2010), hinikayat niya ang mga bata na
maglaro ng puzzle, Maze, o kaya adventure games para maiwasan ang patayan,
sakitan at pakasira ng samahan.

Naging malaking usapan din sa ibag bansa tungkol sa paglaho ng tradisyunal

na laro dahil sa makabagong teknolohiya at modernisasyon. Katulad na lamang ng
pag-aaral ni Naviski (2012), ang mga kabataang Canadian ay malimit na lang
makikita sa mga daan na dating puno ng mga kabataang naglalaro ng tagu-taguan

Pagsasanay 9:

Panuto: Mula sa napag-aralan, basahin at sagutin ang mga katanungan batay

sa iyong naunawaan. Isulat sa iyong papel.

1. Bakit mahalaga ang pamagat o paksa sa paggawa ng isang pananaliksik?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Ano ano ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng pamagat na sasaliksikin?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga sa pananaliksik ang mga sumusunod?

a. Paglalahad ng suliranin;
b. Ipotesis;
c. Kahalagahan ng Pag-aaral;
d. Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral; at
e. Katuturan ng katawagan.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Bilang mag-aaral, paano nakatutulong ang kakayahan sa pananaliksik sa mga

gawain pampaaralan?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

5. Batay sa napag-aralan, paano ang kaalaman sa pagsulat ng pananaliksik

makatutulong sa pang-araw-araw nating pamumuhay?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pagsasanay: 10

Panuto: Sa tulong ng iyong binigay na kasagutan sa gawain 1-6, buoin at

ayusin ito upang makasulat ng isang panimulang pananaliksik sa penomenang
kultural at panlipunan sa bansa(F11WG-IIh-89)

Gawing gabay ang rubric upang lubos na maayos at mapaganda ang iyong
sulating pananaliksik.

3- Natugunan at naibigay ng maayos ang gawain

2-May Ilang kakulangan o kamalian /hindi gaanong malinaw ang ginawa
1-Maraming kakulangan o kamalian kung kaya’t hindi gaanong natugunan
ang gawain.

Kategorya Pamantayan 3 2 1

Paksa Nakapipili ng pamagat ng pananaliksik batay sa mga

penomenang kultural at panlipunan sa bansa.
Estilo Sinusunod ang mga hakbang sa pagbuo ng sulating
pananaliksik gamit ang malikhain, malinaw at
organisado na pamamaraan.
Bisa ng Gumagamit ng mapakatiwalaang sanggunian.
Sanggunian detalyado at kapani-paniwala ang mga patunay na
ibinigay.
Kabuang Makabuluhan at kapaki-pakinabang ang pananaliksik
mensahe na ginawa sa mga tao sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

V. Repleksiyon

Ako’y nagagalak at iyong napagtagumpayan ang huling linggo ng unang semestre. Kaya
nais kong magbigay ka ng sarili mong repleksiyon sa iyong natutunan sa araling ito.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
VI. Susi sa Pagwawasto

Ang guro ang magpapasya ng mga sagot

You might also like