You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY


Roxas Avenue, Roxas City, Capiz 5800
GRADUATE SCHOOL – MAT

MA. CINDY A. MALICUDIO Prof. MARIBEL BUENAVIDES


Taga-ulat Propesora

Filipino 414

ANG PINAG-UGATAN NG TULA


 KASAYSAYAN
Sa dahon ng kasaysayan ay madudulang ang pinag-ugatang karunungan ng mga tao noong unang
panahon. Ang kalawakan ng papawirin, ang kagandahan ng paligid, ang mapangaraping guni-guni at
mga damdaming namimiyapis sa bawat makata ay para-parang bagay na nakatawag pansin sa kanila
para lagumin ang kagandaha’t kariktan ng mga bagay na ito.
Sa katotohanang iyan na siyang tanging kayamanan ng makata ay nagawa iyang buuin ang
panginorin at lumikha ng sarili niyang sagimsim. Dahil dito, nagsimula siyang kumatha-katha,
bumigkas-bigkas at humabi-habi ng mga salita’t pariralang may tono, sintunog o tugma, may dalit at
indayog, may lundo at aliw-iw na sukat makakaaliw sa pandinig ng balanang sa kanya’y nakaririnig.
Sa kaubud-uburan ng mapangaraping guniguni at mayaman niyang diwa ay nagawa niyang magtala
ng mga kaisipan na ang tanging kadluan niya ay ang kalikasan, ang dagat, ang hangin, ang ulan ang
kaparangan, ang mga bangin at ang mga luntiang mga dahon na nasa kaniyang paligid. Malayang
naabot ng kanyang mga mata, nadarama ngunit hindi mailagay sa mga palad para salatin datapwa’t
naroon ang diwa at kahulugan.
Ang pagiging makata ay taal sa tao. Ito ay nag-uugat sa isang pambihirang kahiwagaan na dili iba’t
sila lamang ang nakatatarok.
Ang kapangyarihan ng sining na ito ay sadyang ang damdamin lamang ang siyang makadarama at
makapagpapaliwanag.

 PANULAAN BAGO DUMATING


ANG MGA KASTILA
Alinsunod pa rin sa kasaysayan, ang panulaan ay nag-uugat at sumibol sa kamalayan ng ating mga
ninuno noong panahong hindi pa man nakadaong ang barko ng mga Kastila sa ating lupain.
Maipalalagay na ang panulaan ay kasabay na sumilang sa kapuluan noong mamalasak ang
panitikang salindila at bukambibig na sinasabing matandang panitikang Pilipino o ang katutubong
Panitikan. Dito nakilala ang bugtong, talinghaga at palaisipan na sa dahilan ngang taglay ng mga ito
ang sintunog o tugma ay maipapalagay na unang anyo ng tulang tagalog.

Sanggunian:
SULYAP SA PANULAANG FILIPINO pahina 50-51

You might also like